The Queen of Trouble (Season...

By _EchoesInMyMind_

17K 903 77

[ COMPLETED / OLD VERSION ] They thought the game has already ended. They thought they will finally gonna hav... More

Prologue
Chapter 1 (The new beginning)
Chapter 2 (Reunited)
Chapter 3 (Unknown Assasin)
Chapter 4 (Dare or dare and truth or truth)
Chapter 5 (Angeline Vougn Weston)
Chapter 6 (Ian & Hannah)
Chapter 7 (Unexpected)
Chapter 8 (Secret revealed)
Chapter 9 (Lizzie)
Chapter 10 (Comeback)
Chapter 11 (Reports)
Chapter 12 (Harana)
Chapter 13 (Rain & Allistair's anniversary)
Chapter 14 (Japan)
Chapter 15 (Hunter)
Chapter 16 (Jealous)
Chapter 17 (Shot)
Chapter 18 (That your life is gone~)
Chapter 19 (Rain)
Chapter 20 (Dream)
Chapter 21 (Birth)
Chapter 23 (Helios)
Chapter 24 (Earthquake)
Chapter 25 (Saved)
Chapter 26 (Jealous)
Chapter 27 (Snow)
Chapter 28 (Zahara vs. Maxine)
Chapter 29 (Destroyed)
Chapter 31 (Be free)
Chapter 32 (New world, new life)
Chapter 33 (Meeting the ex husband)
Chapter 34 (Mad)
Chapter 35 (Together)
Epilogue

Chapter 22 (Back)

317 21 1
By _EchoesInMyMind_

Chapter 22
Back

Kyon's P.O.V
Rain is an indeed a great mother, the best mother I may say.

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula ng manganak siya. Unti unti na rin niyang nagagamay ang pag-aalaga ng bata.

"Do you need my help?" muling tanong ko pero nginitian niya lang ako at umiling saka nagpatuloy sa pag-aalaga sa kambal.

"Kaya ko na, Kuyang Holdaper. Magpahinga ka nalang d'yan. Alam kong pagod ka." pangsampung beses na sagot niya.

Nag-aalala na kami kay Rain dahil halos wala na siyang tulog dahil panay ang iyak nila Helios at Selene, mapa umaga, mapa tanghali, mapa gabi at mapa madaling araw. Inaalok namin siya ng tulong nila Devin at Eros ngunit hindi niya tinatanggap dahil hindi raw siya matututo kung masasanay siyang tinutulungan namin siya.

Halos dito na rin kami nakatira nila Eros at Devin sa kwarto niya para sa tuwing matutulog o makakatulog si Rain at kapag umiiyak sila Selene o Helios o alin man sa kanila ay kami nalang ang magpapatahan ngunit hindi rin nangyayari dahil mas lalong lumalakas ang iyak nila kapag kinarga namin kaya sa huli ay nagigising pa rin si Rain.

Napabuntong hininga nalang ako at pinasadahan siya ng tingin. Pumayat na siya at ang itsura ay hindi mukhang bagong panganak. Maganda pa rin siya. Ang may pagkakulot na kayumanggi niyang buhok ay hanggang bewang na. Kakapagupit niya palang ng buhok kahapon dahil humaba na. Ang kayumangging bilugan niyang mga mata ay nanatiling may kislap na parang wala siyang hinaharap na problema. Matangos ang may kaliitang ilong at mas lalong pumula ang mga labi. Ang katawan niya ay pang model na rin dahil may kurba ang mga ito. Nanatili ang ganda niya at sa tingin ko ay mas lalo pa siyang gumaganda habang tumatagal.

"We'll come back after a week." sabi niya na ikinatigil ko.

"Huh?" lutang na tanong ko, hindi nakuha ang sinabi niya.

"Babalik na tayo pagkatapos ng isang linggo. It's already time, Kuyang Holdaper." sabi niya at ngumiti ngunit alam kong pilit 'yon.

"Are you already ready to see him?" nag-aaalalang tanong ko.

"I was never been ready, Kuyang Holdaper. And I think that I will never be ready. But I have no choice but to face them." pilit ang ngiting sabi niya saka inihiga sa crib ang natutulog ng si Selene.

Si Devin at Eros ay pinatulog ko muna si kaniya kaniyang kwarto nila dahil alam ko ring pagod sila. Kakauwi lang nila galing Japan kanina dahil isa na naman sa mga base namin ang sinubukang pabagsakin ng mga Weston ngunit buti nalang ay hindi sila nagtagumpay dahil naagapan namin agad.

"I have been weak for the past weeks, Kuyang Holdaper. Natatakot ako. Natatakot akong lumabas ng kwartong ito dahil hindi ko na alam ang naghihintay sa akin sa labas. Natatakot akong lumabas para muling harapin ang realidad." pagpapakatotoo niya at umupo sa kama.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Sinandal ko siya sa balikat ko saka siya inakbayan para iparamdam na sa labang ito ay hindi siya nag-iisa.

"Just trust him, Rain. Trust Lucas." kalmadong bulong ko.

"I trust him. I always do. Hindi ko lang maiwasang matakot, Kuyang Holdaper. Ilang buwan akong nawala, mag-iisang taon na nga eh. Paano kung... Paano kung iba na ang ma-mahal niya? Paano kung hindi na a-ako? Paano kung hindi niya matanggap ang an-anak namin?" sunod sunod na tanong niya at tumigil dahil naiiyak na siya.

Niyakap ko siya at doon naman nagsimulang bumuhos ang mga luha niya.

'Sa tuwing naiiwan kaming dalawa at walang kasama, lagi nalang siyang umiiyak at ako naman ay pinapatahan siya. Should I start distancing myself now para hindi na siya umiyak?'

Gusto ko sanang kamutin ang batok ko ngunit hindi 'yon ang tamang oras para gawin 'yon. Napangiwi ako sa naisip at saka iwinaglit 'yon sa isipan ko.

"A-Ako pa rin naman di'ba, Kuyang Holdaper? Ako pa rin naman ang mahal niya di'ba?" mahinang bulong niya, nag-aalanganin sa magiging sagot ko.

Hindi ako nagsalita. Wala akong makapkap na sasabihin. Parang sandaling naging blangko ang utak ko dahil sa tanong niya.

'I don't know, Rain... Hindi ko alam... Pasensya na... I don't want to give you false hope...'

Nanatili lang siyang nakasandal sa'kin habang ako ay hinihimas himas ang braso niya upang pagaanin ang loob niya. Ayokong sumagot dahil natatakot akong mali ang masabi ko at umasa siya sa wala.

'It is better to be hurt by the truth than to be blind by the lies.'

***

Zahara Rain's P.O.V
Mas lalo kaming naging abala dahil malapit na ang pagbabalik namin. Halos wala na kaming oras upang makapag-usap dahil abala kami sa kaniya kaniyang ginagawa.

Ang tulog ng isa ay ang gising ng isa. Ang kain ng isa ay ang tulog ng isa. Ang gising ng isa ay ang tulog ng isa. Ang alis ng isa ay ang siyang uwi ng isa. Halos hindi magkatagpo ang oras namin dahil parehas kaming sobrang abala. Para kaming nasa magkakahiwalay na bansa dahil minsan lang talaga kami magkita kahit nasa iisang bubong lang naman kaming pansamantalang nanunuluyan.

Agad akong napatayo mula sa aking swivel chair ng marinig ang sabay na iyak ng kambal. Agad kong binuhat si Kenelm at pinainom ng gatas. Nang kumalma na siya at nakatulog ay inilagay ko na siya sa kaniyang crib. Sunod ko namang inasikaso ay si Zianara. Napangiwi ako ng maamoy ang kaniyang pupu. Agad kong inipon ang hangin sa loob ng bibig ko habang pinapalitan ang diaper niya upang hindi maamoy ang mabahong amoy nito.

Nilinisan ko na silang dalawa at pinalitan ng damit. Muli ko silang inilagay crib ng makatulog pagkatapos kong i-hele.

Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot 'yon saka napatingin sa tambak na papeles sa lamesa ko saka napatingin sa orasan. Alas kwatro na pala ng umaga at hindi pa ako nakakakain ng hapunan. Iwinaglit ko nalang ang kirot ng ulo ko saka muling bumalik sa swivel chair ko at muling nagbasa ng mga papeles.

Nabawasan ang kita sa kada segundo ng Kingston company dahil ilan na halos ang napabagsak ng mga Weston. Pinigilan ko ang sariling malukot ang hawak kong bond paper sa inis.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at paglalaptop upang tignan ang mga ipinagbago ng Kingston company mula sa mga hallways, designs, kita, staffs at kung ano ano pa. Hindi imposibleng hindi makapasok sa company ang mga Weston at kung nakapasok nga sila rito ay tiyak kong may ginawa sila at malalaman ko lang 'yon sa oras na makatapak na ako sa loob ng kumpanya upang mag-obserba.

Isang araw ulit ang lumipas na gatas at prutas lang ang halos na kinakain ko. Wala na akong oras para kumain ng marami lalo na at bukas na ang araw kung kailan babalik na kami sa 'normal' naming buhay. Kailangan kong aralin ng aralin ang bawat detalye ng Kingston company kung ayaw kong muli nila akong maisahan.

Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko ng tumayo ako ng marinig ang iyak ng mga anak namin. Napahugot ako ng hininga para kumuha ng lakas saka sila pinuntahan at pinainom ng gatas saka pinalitan ng diaper at binihisan. Nang matapos na ay naghugas ako ng kamay at nagsabon saka lumabas ng kwarto para magtimpla ng kape dahil unti unti na akong inaantok.

Nadaanan ko si Eros na abala rin sa ginagawa. Nagngitian lang kami at nagtanguan biglang senyas ng pagbati saka muling bumalik sa ginagawa. Matapos magtimpla ng kape ay babalik na sana ako sa kwarto ko ng magsalita si Eros.

"Are you ready to see him, Rain?" nababahalang tanong ni Eros.

"I was never been ready." bulong ko, sapat na upang marinig niya. Napatingin ako sa kaniya at nakita ang pag-aalala sa mga mata niya. Nginitian ko siya.

"Everything will be alright." sabi ko na more likely ay sinasabi ko sa sarili ko at hindi sa kaniya. Ngumiti rin siya at tumango kaya pumasok na ako sa kwarto para magpatuloy sa trabaho.

***

Napabangon ako mula sa pagkakayuko sa desk ng marinig ang alarm clock na tumutunog. Napatingin ako sa orasan habang kinukusot ang mga mata at nakitang alas otso na ng umaga. Halos tatlong pung oras lang ang tulog ko ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papa'no ay nakatulog ako hindi katulad ng mga nakaraang araw.

Kahit masama ang pakiramdam ay pinilit kong tumayo. Kumuha ako ng roba at pumasok ng banyo. Naligo na ako at nagbihis. Isang simpleng white jeans ang isinuot ko, gray tshirt at mustard coat. Nilalamig ako sa hindi malamang dahilan.

"Lara, ikaw na ang bahala sa mga anak namin ha?" nakangiting sabi ko kay Lara at magiliw naman tumango at nag thumbs up pa.

"Yes, Rain!" magiliw na sabi niya.

"Aalis na kami." sabi ko ng lumabas na rin sila Eros, Devin at Kuyang Holdaper sa kaniya kaniyang kwarto.

"Ingat kayo, Rain!" bilin ni Lara at kinawayan kami. Kumaway din kami at saka umalis ng condominium.

Parehas kaming tahimik ng pumunta kami sa parking lot, may kaniya kaniyang iniisip. Pumasok kami sa kaniya kaniyang kotse at pinaharurot na namin ito papunta sa Kingston Company.

Nagpark na kami sa parking lot ng kumpanya. Pansin kong hindi pa rin sila bumababa ng sasakyan marahil tulad ko ay kinakabahan din sila.

'It's been months... The queen of trouble is finally back.'

Napahinga ako ng malalim at saka sinulyapan ang building. Kinalma ko ang nagwawala kong puso at saka binuksan ang pinto ng kotse ko para lumabas.

Sabay sabay kaming bumaba ng kotse at naglakad papasok ng building. Inayos ko sa pagkakasuot ang coat kong saglit nagusot dahil sa pagmamaneho ko. Kinuha ko ang shades ko at isinuot habang naglalakad kami.

Panay ang bulungan ng makita kami ng mga empleyado.

"Si Ma'am Rain na ba 'yan?"

"Ang ganda niya!"

"True! Mas lalo siyang gumanda!"

"Bakit kaya ang tagal niyang nawala?"

"Oh em gee! Ang hottie ng mga kasama niya!"

"True!"

"Sa akin yung nasa kanan!"

"Sa akin yung nasa kaliwa!"

"Mas hottie yung nasa gitna!"

Napailing nalang ako. Nasa likod ko si Kuyang Holdaper, sa kanan niya ay si Devin at sa kaliwa niya ay Eros. Napatigil ako sa paglalakad ng may mapansing dalawang taong makakasalubong namin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at pilit na napangiti ng makita sila.

'It's been a long time huh.'

Napatigil sila ng makita ako kaya agad kong binawi ang pilit na ngiti ko at inalis ang emosyon sa mukha ko. Pansin ko namang naging tensyon ang paligid dahil sa pagsasama namin sa iisang lugar.

"Narouje, please guide them to my office. Thank you." pormal na sabi ko habang nakatingin pa rin sa kaniya saka nagsimulang maglakad. Ramdam ko naman ang pagsunod nila sa'kin. Tumabi naman sa'kin si Kuyang Holdaper at pinisil ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti. Gano'n din ang ginawa niya.

Dinig naming may tumikhim kaya agad kaming napabitaw sa isa't isa at nagkunwaring walang nangyari. Pumasok kami sa elevator at pinindot ni Narouje ang floor ng office ko which is on the highest floor. Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas at pumasok sa office ko dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako.

Umupo ako sa swivel chair ko at doon naman sila pumasok. Pinaupo ko sila sa tapat ng table ko na sinunod naman nila. Sila Devin, Eros at Kuyang Holdaper ay naupo naman sa couch.

"You can now go." sabi ko kay Narouje habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. Yumuko si Narouje bilang senyas ng paggalang saka lumabas ng opisina.

Tinanggal ko ang shades ko at saka inayos ang coat ko. Inilabas ko ang isang envelope at inilapag sa tapat nila. Salubong ang kilay ni Allistair ng tignan niya ito at si Angeline naman ay napangiti na parang alam niya na ang laman ng envelope na 'yon.

"I already signed the annulment papers." panimula ko at kita ko naman kung paano rumehistro ang gulat sa mukha ni Allistair dahil sa sinabi ko.

Doing a normal process of annulment will take time and I know that Allistair wouldn't agree to this that's why Angeline used the illegal way. Using her power, she fake Allistair's sign and Angeline send me the annulment papers and I signed them yesterday.

She didn't bother to fake my sign. She want me to be the one who will do it.

"Thank you!" plastik ang ngiting sabi ni Angeline.

Pansin kong umigting ang panga ni Allistair habang nakangitin sa'kin. Ang tingin niya ay unti unting sumasama ng sumasama hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng galit niya at hinampas ng malakas ang lamesa na hindi ko na ikinagulat. Bahagya akong natakot sa tingin niya ngunit hindi ako nagpadaig sa nararamdaman ko at matapang na sinalubong ang nagliliyab niyang mga mata.

'You have been sacrificing every day, every hour, every minutes and every second, Allistair. Kung mapapawalang bisa ang kasal natin ay mas makakagalaw ka ng maayos.'

Halos kailan ko lang din nalaman na na-i-issue na si Allistair at Angeline dahil sa may asawa na si Allistair pero nagsasama sila ni Angeline na parang sila pa ang mag-asawa. Gulong gulo ang mga tao.

Kingston Company is an influenced and a big company. Maraming tao ang gustong makapunta rito kahit makatapak manlang. It didn't really surprised me about the news. It is just normal in business world.

That's why pabor na sa'kin ang ginawa ni Angeline. In that way, kahit papa'no ay nakatulong ako kay Allistair.

"What is this?!" he growled like a beast and I immediately get back to my senses.

"As what I have said a while ago, annulment papers." walang emosyong sabi ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya. Kita roon ang sakit, galit, pag-aalala at...

Pangungulila...

Pilit kong hindi pinansin ang dibdib kong nagsisimula ng manikip. Madiin kong hinawakan ang ballpen na pinaglalaruan ko para lang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

'I missed him... I missed Allistair... I missed my Allistair...'

Sa sandaling magkatitigan kami ay pasimple ko siyang pinasadahan ng tingin.

Ang magulo niyang buhok, ang kayumanggi niyang mga mata, ang kilay niyang sakto lang ang kapal, ang matangos niyang ilong at ang manipis at mapulang labi niya.

Pansin ko ang pamamayat niya ngunit hindi 'yon nakabawas sa kagwapuhan niya.

'Wala na ba siyang pambili ng pagkain? Bakit pumapayat siya?'

"I didn't sign any annulment papers, wife." mariing bulong niya. Nanatili namang alerto sila Kuyang Holdaper, Devin, at Eros.

"Babe, we already got what we need. Let's go na!" plastik ang ngiting sabi ni Angeline at hinawakan ang braso ni Allistair pero hindi siya pinansin ni Allistair at nanatiling masama ang tingin sa'kin.

Iniwas ko ang tingin ko sa kamay ni Angeline na nasa braso ni Allistair saka tumingin sa glass window ko dahil nagsisimula na ring mangilid ang mga luha ko.

"Ple-Please - ehem - Please escort their way out. Thank you." mahinang bulong ko, sapat na para marinig nila Devin. Agad naman silang tumayo ng marinig ang garalgal na boses ko.

"Best wishes by the way." pahabol ko at dinig ko sa tono ko ang pait no'n.

Pilit silang pinalabas nila Devin at Eros. Nang makalabas na sila ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.

"You can cry." sabi ni Kuyang Holdaper ngunit umiling lang ako.

"I'm done crying." sabi ko saka siya tipid na nginitian.

"You always have me, Rain. You always have us." pagpapagaan niya ng loob ko at nginitian ko naman siya.

"I know. Thank you." sinserong sabi ko at ngumiti lang siya.

"Anytime." sagot niya.

Muli akong napabuntong hininga saka muling tumingin sa labas. Ang ulo ko ay mas lalong sumakit pero hindi ko na ito ininda at nagsimula ng magtrabaho.

'Kenelm, Zianara, please trust me and your dad. I know we can win this fight.'

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 141K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
30K 1.7K 37
She loves fighting, she loves eating but getting mad when someone annoyed her. What will happen if a girl transferred to a school where she was the o...
21.3K 586 75
Disclaimer This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book...
251K 8.6K 70
* I am Princess Nathalie Amethyst Hiyera. The powerful princess of Amethyst Kingdom. By the use of all my powers. I command you to destroy the Dark K...