Living under the Microscope...

By yllanzariin

1.6K 102 9

[ROUGH DRAFT] Isang kasong tatlong taon ng hindi nasosolusyunan ay muling binuksan dahil sa isang krimeng wal... More

CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY

CHAPTER ONE

524 20 4
By yllanzariin

"YUU, another position!" sigaw ng isang lalaking may malalim na boses at malaking katawan na may hawak na camera habang nakatingin sa isang magandang lalaki na nasa harapan.

"Move the lights to the left!" Uminat na naman ang bibig nito sa isa sa mga staff. "That's it, Yuu. Smile at the camera like you're smiling at your loved ones."

Pagod na umupo si Yuuskei galing sa pagkakahiga sa isang three-seater cream sofa at inayos ang suot niyang itim na tuxedo, ang pang-apat niyang damit. Dali-daling lumapit ang isang hair stylist at saka inayos ang magulong buhok ni Yuuskei sa likod ng ulo. Habang inaayusan, dinala ni Yuuskei ang kanang kamay sa necktie saka napabuntong-hiningang niluwagan at nagbabakasakaling matapos na ang photoshoot. Mahigit isang oras na ring kasama ni Yuuskei ang sofa at gusto na niyang matulog. Napahawak siya sa pendant ng kwintas na suot, isang singsing na nagpapawala ng pagod.

"Ready?" tanong ng photographer kaya tumango si Yuuskei.

Lumambot ang pagod na mga mata ni Yuuskei, marahang inangat ang isang gilid ng labi, inilagay ang isang braso sa sandalan ng sofa bago tumingin sa harap ng camera sabay kagat sa singsing. A typical grin that no one can pull except Yuuskei Hawtson. Napangiti ang mga nanonood dahil sa awra ng isa sa mga young stars sa Neutral Zone na nakatitindig balahibo.

"Nice expression, Yuu!" Pumapalakpak ang photographer habang ang bibig nito'y mapupunit na. "Give me a seductive one!"

Lahat ng utos ng photographer ay sinusunod ni Yuuskei. Paiba-ibang posisyon, ngiti, nang-aakit na mga mata at ang awrang nakapaligid kay Yuuskei. Habang ang mga nasa paligid ay hindi kayang iiwas ang mga mata sa binata.

"And for the last concept, we need to blindfold you with that necktie," usal ng photographer habang nakaturo sa necktie ni Yuuskei.

Agad na napatayo si Yuuskei at tatanggi sana ngunit napakagat-labi na lang saka hinubad ang necktie na suot. The photographer commanded again to unbutton two buttons from the top. Sinunod na lang ni Yuuskei ang utos kahit na nagsisimulang manlamig ang kaniyang mga palad. Siya'y napabuntong hininga at ibinigay sa staff ang necktie saka umupo ulit. Napalunok si Yuuskei at unti-unting pumikit. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang maramdaman ang pagtakip ng staff sa kaniyang mga mata. Hindi na niya maintindihan ang sinasabi ng photographer.

Puno ng papuri ang inilalabas ng bibig ng photographer. Hindi niya kayang pahintuin ang sarili sa pagkuha ng litrato sa aktor. Kakaibang kamandag ni Yuuskei na nang-aakit sa kanilang titigan ito.

Abot-hiningang napaluhod si Yuuskei. Siya'y hingal na hingal habang ang kanang kamay ay mahigpit na nakahawak sa sariling leeg. Pakiramdam niya ay siya'y nalulunod sa pinakailalim na bahagi ng karagatan. Hindi na siya makahinga pa, siya ay nanghihinang napaupo sa sahig, pawisan at pilit na hinahabol ang hininga.

"Are you okay?"

Matamlay na binuksan ni Yuuskei ang mga mata at ang mukhang nag-aalala ng isang lalaking mas matangkad ni Yuuskei at katamtaman lang ang katawan, si Klein Duero ang kaniyang manager, ang bumungad sa kaniyang paningin. Inayos nito ang suot na salamin sabay lahad ng bottled water. Tinulungan ni Manager Klein si Yuuskei na uminom.

"Mabuti na lang at dumating ako. Katatapos mo lang. Hindi ko alam na may blindfold theme na magaganap," reklamo ng manager saka nagkuha ng tissue sa bag na dala at dinampi-dampi ito sa makinis na balat ng binata. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha nito.

Napaikot ang mga mata ni Yuuskei sa buong set. Hindi niya namamalayang tapos na ang photoshoot. Dahan-dahan siyang tumayo at nagpagpag. Napatingin siya sa tuhod na nanginginig pa rin. Siya'y napamura na lamang.

"Gusto mo bang ihatid kita?"

Mabilis na umiling si Yuuskei. "Huwag na po, Manager Klein. I can handle myself."

Napabuntong hininga na lang aktor at nagpatuloy sa pag-inom ng tubig habang sabay silang naglalakad ni Manager Klein papunta sa dressing room. Hindi ito kalakihan ngunit sa kanilang entertainment, bawat isa sa kanila ay may sariling silid. Pagkarating nila ay pagod na napaupo sa couch si Yuuskei. Ito'y nasa gilid lang na nakasandal sa pader. Tumunog bigla ang cellphone ni Yuuskei kaya agad niya itong kinuha sa loob ng bag saka sinagot ang tawag.

"Hey!" Ito ang masayang bungad ni Yuuskei habang si Manager Klein ay nagtatakang nakatitig kay Yuuskei.

Base sa tono ng boses ni Yuuskei sa pagsagot sa tawag ay hindi ito isang prank call o tawag galing sa reporters.

"I have something to tell you. Let's meet at Resto Café," diretsahang saad ng babae na nasa kabilang linya pagkatapos ay binaba ang tawag kaya nalilitong tinitigan ni Yuuskei ang screen ng selpon.

"Sino 'yon?" hindi mapakaling tanong ni Manager Klein.

"Si Jaisha. May sasabihin daw po," sagot ni Yuuskei habang nagbibihis. Sinusuot ang isang puting hoodie habang simpleng pants sa baba at ang mask.

Napangiti si Manager Klein sa sagot ni Yuuskei kaya marahan niyang tinapik ang braso ng binata. "She's been your friend for almost 17 years, I bet she's confessing to you."

"Manager, hindi po magandang biro 'yan."

"Bakit naman hindi maganda? Nasa tamang edad ka na ring magka-girlfriend, sikat kayo pareho at compatible. Walang magiging problema. Marami ring fans ang gusto kayong magkatuluyan. Dadagsa ang fans at tabloids," nagtatakang usal ni Manager Klein dahil laging tinatanggi ng binata ang matatag na relasyon nila ni Jaisha.

Napabuntong-hininga si Yuuskei saka isinukbit ang bag sa braso. "She's my childhood friend at kapatid ang turing ko sa kaniya. Alam mo naman kung sino po talaga ako," makabuluhang usal niya. Yumuko siya nang kaunti kay Manager Klein bago nagpaalam. "Mauuna na po ako."

"Mag-iingat ka sa mga nakasubaybay na photographers at sa fans mo."

Tumango lang si Yuuskei bilang sagot saka nagsimulang maglakad papalabas. Bawat staffs na nadadaanan ay napapayuko siya at binabati rin ito pabalik. Dahil hindi maiiwasan na may mga fans na nag-aabang sa labas, sa likod siya dumaan kung saan nandoon naka-park ang kaniyang kotse.

Hindi naman naging matagal ang pagpunta ni Yuuskei sa Resto Café. Bago siya lumabas sa kotse ay inayos niya muna ang hoodie saka nagsuot ng eyeglasses habang hindi tinatanggal ang mask. Konti lang ang tao kaya naging madali ang pagpasok ni Yuuskei at inilibot ang paningin sa loob ng café at nakita niyang kumaway ang isang babaeng bagsak na bagsak ang napakaitim na buhok na ngayon ay nasa sulok na may malawak na ngiti. Napatingin siya sa handbag na nasa mesa nito, isang handbag na limited edition kaya natitiyak siyang si Jaisha iyon. Mabilis niya itong tinungo saka hinubad ang hoodie na suot at inilagay sa sandalan ng upuan habang ang mask ay inilapag sa mesa. Isang mainit na yakap ang sumalubong kay Yuuskei at pinulupot din niya ang mga braso sa kaibigan.

Unang bumitiw si Yuuskei saka umupo. "It's been a while. Kanina ka pa ba?"

"Nope. Bago pa lang ako. Order na tayo?" nakangiting tanong ni Jaisha kaya tumango si Yuuskei.

Tinawag ni Jaisha ang isa sa mga waiter.

"What's your order, Ma'am?" magalang na tanong ng waiter habang may dalang maliit na pad at isang ballpen. Nakayuko pa ito nang kaunti papalapit sa kanila.

Kinuha ni Jaisha ang menu saka namili. "One cappuccino and one choco lava."

"One flat white latte and one glazed donut. That's all," sabi ni Yuuskei sa waiter nang hindi tumitingin dito. Mahirap na at baka may makakilala pa sa kanila.

Inulit ng waiter ang orders bago umalis. Sinundan ng tingin ni Yuuskei ang waiter at nang makita niyang nakalayo-layo na ito ay tiningnan niya si Jaisha. "So, ano ang gusto mong pag-usapan?"

Malumanay na ngumiti ang aktres. "Kumusta ang trabaho?"

"It's fine as long as I can receive money," walang ganang sagot ni Yuuskei na sinamahan pa ng malalim na buntong hininga dahilan para mapangiti si Jaisha.

She places both of her elbows on the table. Lumapit siya nang kaunti kay Yuuskei. "Nabalitaan ko na ang dami mong photoshoots na gagawin."

"Yes. For the upcoming Young Stars Magazines and for some advertisements. How about you? Ano ng ginagawa mo 'yan? Kumusta ang shooting ng La El Vidad?"

Jaisha's eyes became luminous, the excitement is building up in her heart to her face. "I am invited to watch the local tournament in Taekwondo at District 4 this evening and about the La El Vidad, it was totally great! Kahit na masyadong malalim ang mga salitang ginagamit namin sa shooting. Halos lagi nga akong nagkakamali pero nakaahon din naman." Napatakip sa bibig si Jaisha gamit ang kanang kamay at tumatawa nang mahina sa mga naaalalang nangyari sa shooting sa isang historical film. "Natapos ang shooting last week at sa susunod na buwan pa ilalabas ang movie, but the trailer will be out next week."

"Congrats! Manonood ako," masayang saad ni Yuuskei saka inayos ang eyeglasses na suot.

"Syempre, sabay nating panonoorin 'yon!" She giggled as her voice was full of excitement.

Magsasalita na sana si Yuuskei pero pinigilan siya ni Jaisha nang makita ng dalaga ang waiter na papalapit dala-dala ang orders. Pagka-alis ng waiter ay kaniya-kaniya na sila sa pagkain at pag-inom.

Nang tumunog ang selpon ni Jaisha ay napahinto si Yuuskei sa pagkain at nagmamasid sa bawat kilos ng aktres. Unti-unting namutla habang nanginginig ang kamay na nakahawak sa selpon dahilan para maglaho ang kasiyahan sa mukha ni Yuuskei. Naibagsak pa ng aktres ang selpon sa mesa. Nang tinanong niya ito kung ayos lang ba ang aktres ay pilit lang itong ngumiti kaya agad na kinuha ni Yuuskei ang hawak nitong selpon.

If you ever let your throat move even a second, I'll burn it thoroughly.

Lumitaw ang mumunting patindig na kunot sa pagitan ng mga kilay ni Yuuskei sa mensaheng nabasa na mula sa isang hindi kilalang sender. Nakayuko na si Jaisha nang tingnan niya ulit ito.

"Kailan pa 'to nagsimula?" Pagkabalisa ang nanaig sa boses ng aktor.

"Matagal-tagal na pero sanay na ako at alam mo rin 'yon," kalmadong usal ni Jaisha.

"Pero hindi ganito kalala. We need to report-"

Nakangiting kinuha ni Jaisha ang selpon saka isinilid ito sa handbag na dala. "Huwag na." Nang tumingin ulit ang dalaga sa mukha ni Yuuskei ay mas lumawak ang kaniyang ngiti. Puno ng pag-aalala ang mga mata ng aktor.

"Wala ka pa rin bang maalala, three years ago?" matalinghagang tanong ni Jaisha.

Napabuntong hininga si Yuuskei sabay iling.

Nabunutan ng tinik ang puso ni Jaisha saka nagtanong ulit, "Wala ka bang nabalitaan?" Humigop siya sa mainit niyang kape basain ang lalamunan niyang natutuyo na.

Humiwa ng maliit na parte si Yuuskei sa donut gamit ang tinidor saka sinubo ito. Sumalubong ang matamis na lasa kaya napangiti siya bago sumagot, "Nakauwi na si Mr. Daylan Maeson galing sa District 5."

Ang malawak na ngiti ni Jaisha ay napawi habang ang noo ay nagsimula ng magusot. "I knew it. You don't like to watch some news and scrolling in social medias but updated ka lang pagdating kay Kuya Daylan. Ang pormal mo pa sa kaniya."

Hindi mapigilan ni Yuuskei ang pag-init ng mukha at napaiwas saglit. "He's my role model in our world. Saka, may isa pa akong hinahangaan."

"My goodness, Yuu! Matuto ka kasing makiusisa sa nangyayari sa mundo," napapailing na usal ni Jaisha saka humigop ng kape.

Napatabingi ang ulo ni Yuuskei nang kaunti. "What kind of news was it?"

Bumuntong-hininga si Jaisha saka inayos ang sarili bago ngumiti nang dahan-dahan kay Yuuskei. "I am nominated for Teen Actresses of the Year!" Pinipigilan pa ni Jaisha ang sarili niyang mapatili. Ito na ang isa sa kaniyang mga hinihiling. Kahit na walang kasiguraduhan na siya ang makakakuha ng award, masaya na siyang masali sa nomination. Pakiramdam ni Jaisha, ang lahat ng pagod at sakripisyong ginawa ay nabayaran na.

"Y-You finally did it!" Napataas ang boses ni Yuuskei kaya sabay na nanlaki ang mga mata nila. Napakagat sa pang-ibabang labi si Yuuskei saka ngumiti kay Jaisha. "Congratulations, Jaisha."

"Thank you! I know you will vote for me," pabirong sabi ni Jaisha saka humigop ng kape.

Yuuskei chuckled as his eyes are sparkling. "Of course! Kahit hindi kita kaibigan ay iboboto pa rin kita."

"I made a promise last year." Panimula ni Jaisha at matipid na ngumiti kay Yuuskei saka tumingin sa hawak na kape, hindi pa rin napapawi ang magandang ngiti nito. "A promise that I will confess my feelings to someone I love for five years if I'll be nominated for that award so that I can have an achievement before confessing to him."

Ang kaninang masiglang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa ay unti-unting nanlalamig.

Jaisha sighed then she glance at him. She can't find the correct words to be used because of the atmosphere. Jaisha took her coffee and sip a little bit just to make her lips wet. Ayaw niyang umatras pa, nandito na siya.

"Yuu, I may not be the perfect lady in this world but you treat me like jewel that is worth it to be keep, to care and to love. It's been five years since I found my feelings for you isn't just for friendship." Seryosong tumitig ang nangungusap na mga mata ni Jaisha kay Yuuskei. "Thanks for staying at my worst and treating me right. I love you."

Dahil sa hindi alam ni Yuuskei kung ano ang sasabihin ay napayuko na lang siya at sinubukang buksan ang bibig. "Jaisha-"

"Don't worry." Masigla ngunit hindi maikakaila ang bahid na lungkot sa pagkakasabi ni Jaisha kaya napaangat na ng mukha si Yuuskei at nakita kung gaano kaseryoso ang dalaga dahilan para mas lalo siyang manlumo. "Gusto ko lang sabihin sa 'yo ang nararamdaman ko. Hindi ako naghahangad ng kapalit."

Jaisha sighed as she forced herself to brighten her expression. "You can't accept my feelings, right?"

"I'm sorry." Kahit na ilang taon na silang magkasama at magkakilala ay hindi nagbago ang pagtingin niya sa dalaga. Ni hindi kayang isipin ni Yuuskei na may namamagitan sa kanilang dalawa maliban ang pagkakaibigan.

"Don't worry. We're still friends, right?" naniniguradong tanong ni Jaisha saka kumain ng choco lava. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya nang makakain ng matamis.

"O-Of course, hindi magbabago 'yon," nauutal na sagot ni Yuuskei saka uminom ng kape.

"Ang gaan na ng pakiramdam ko. Ganito pala kapag nailabas mo na." Nakahawak pa si Jaisha sa dibdib nang sinabi ang mga katagang ito ngunit napataas ang kilay ni Jaisha nang nakita niyang sobrang lungkot ni Yuuskei. "Stop with that face, Yuu. Kinakaawaan mo ba ako?"

"Of course not, Jaisha."

Napatango si Jaisha. "That's right. Huwag mo akong kaawaan. Okay lang 'to dahil kaibigan pa rin naman kita. Ang bait mo talaga, Yuu. Ni isang beses man lang ay hindi sumagi sa isip ko na masisira ang pagkakaibigan natin kaya hindi ako nag-aalinlangang magtapat sa 'yo."

Napadaing si Jaisha nang nakatanggap siya ng pitik sa noo. Marahang hinawakan ni Yuuskei ang malambot na kamay ni Jaisha. "Hinding-hindi ito masisira, Jaisha. Makakahanap ka rin ng iba."

"Makakahanap ka rin ng mamahalin," balik na sabi ni Jaisha at napabuntong-hininga. "Wala ka bang planong magmahal? Sabagay, biglaan lang naman 'yan at 'di kailangan ng plano." Ngumiti si Jaisha at masinsinang nakipagtitigan kay Yuuskei. "Yuu, alam ko rin na hindi ka nagkakagusto sa babae."

Nanlaki ang mga mata ni Yuuskei at hindi niya magawang magsalita. Halos lahat ng dugo niya'y huminto sa pagdaloy. Hindi niya magawang makapag-isip ng maayos.

Hinawakan ni Jaisha ang kamay ni Yuuskei na nagpanginig sa kamay ng binata. Marahan itong pinisil ng dalaga. She delivered a gentle smile. "Don't worry, wala akong pagsasabihan."

Alam ni Jaisha kung gaano kakomplikado ang mundo nila. Matagal na niyang alam ang tunay na kasarian ng kaibigan ngunit hindi niya kayang sabihin ito nang harap-harapan maliban na lang ngayon. Kahit gustuhin man niyang si Yuuskei ang magsabi sa kaniya, hindi na siya makapaghintay pa na mawala ng tuluyan ang distansyang namamagitan sa kanilang pagkakaibigan. She wants Yuuskei to trust her.

"Hindi ka ba nandidiri sa akin?" pabulong na tanong ng aktor.

Her heart sank. Hindi niya akalain na mag-iisip ang kaibigan ng masama. Ngayon ay alam na niya kung bakit hindi ito sinabi ni Yuuskei. "Walang nakadidiring kasarian, tandaan mo 'yan."

"Thank you." Mas lalong humina ang boses ni Yuuskei habang nakayuko pa rin ito. Hindi pa rin magawang tumingin ni Yuuskei kay Jaisha. Hindi niya kayang tumingin sa mga nito dahil baka kabaliktaran lang ang sinasabi ng dalaga sa tunay nitong nararamdaman.

"So, si Kuya Daylan ba ang gusto mo?"

Agad na napaangat ng mukha si Yuuskei dahilan para magtagpo ang mga mata nila. Ni kaunting pagkadiri o pagkadismaya ay wala siyang makita. Ilang beses siyang umiling nang maalala ang tanong ng dalaga, napatawa si Jaisha kahit na may bahid na lungkot pa rin sa mga mata.

Pagkatapos maglapag ni Jaisha ng pera sa mesa ay tumayo na siya. "Mauuna na ako, Yuu. Kapag nagmahal ka, ako dapat ang unang makakaalam."

Napatango si Yuuskei kaya nakangiting tumalikod si Jaisha pero agad na pinigilan ito ng binata saka mahigpit na niyakap ang dalaga. "Jaisha, thank you for loving me."

"Thank you for being a good friend to me, Yuuskei." Tinapik ni Jaisha ang likod ni Yuuskei bago bumitiw. "Magkita na lang tayo bukas."

Pagtapos magbayad ni Yuuskei ay agad niyang tinungo ang condo. Pagkapasok sa loob ay agad siyang umupo sa couch saka inis na ginulo ang buhok at napatitig sa itim na may puti na rectangular lamps na nakakabit sa kisame na nagsisilbing ilaw ng living room.

"I'm the worst."

Napatalon si Yuuskei sa kinauupuan nang may malamig na bagay na dumampi sa kaniyang pisngi. Nakita niyang nakangiti si Manager Klein habang may nakalahad na soda sa harapan kaya malugod niya itong tinanggap.

"Tama ako, hindi ba?"

Tumango si Yuuskei saka ibinagsak ulit ang katawan sa couch at idinampi ang soda sa noo. "And I'm not feeling well."

"You should take a rest. May photoshoot ka pang gagawin bukas, huwag mong kalilimutang 8:00 A.M. iyon magsisimula," paalala ni Manager Klein saka inayos ang suot na jacket. "Nagluto na rin ako saka sa kwarto ka matulog at huwag sa couch." Ito ang bilin ni Manager Klein bago umalis sa condo ni Yuuskei.

Kinabukasan ay nagising si Yuuskei na mabigat ang katawan. Nakayuko siyang naglalakad papunta sa kaniyang dressing room. Bawat artista ay may kani-kanilang dressing room. Hindi man masyadong malaki pero puwede namang matulugan. Sa paglalakad ni Yuuskei ay hindi maiiwasan na may bumabati sa kaniya, matamlay niya itong sinuklian ng ngiti.

Pagkapasok ay ang make-up artist agad ang sumalubong sa kaniya. "Good morning, Yuu."

"Good morning po." Agad na nag-ayos si Yuuskei bago umupo sa harap ng salamin. Kitang-kita niya ang kaunting itim sa ilalim ng mga pagod niyang mata.

"What's with you today? Did you catch a cold?" nag-aalalang tanong ng make-up artist habang nakatingin sa kaniya.

Malimit na ngumiti si Yuuskei. "M-Maybe, but don't worry, I'm fine."

"Good morning everyone!" masayang bati ni Manager Klein na kararating pa lang pero ang make-up artist lang ang bumati pabalik kaya napakunot ang noong nakatingin kay Yuuskei na ngayon ay nakayuko.

"Yuu? Are you okay?" Ibinigay ni Manager Klein ang dalang paso na may na tanim na succulent na ang mga dahon ay blue paddle-shaped. "Pinaarawan ko na."

"Y-Yes. Thank you," sagot ni Yuuskei nang hindi tinitingnan si Manager Klein. Alam kasi niya na papagalitan na naman siya nito. Napahaplos siya sa makapal nitong asul na dahon at napangiti nang bahagya.

"You looked tired and you're pale," bulong ni Manager Klein saka itinaas ang baba ni Yuuskei. Manager Klein clicks his tongue when he witnessed how Yuuskei's face looking tired and sallow. "Ikaw talagang bata ka. Uminom ka na ba ng gamot?"

Dahan-dahang tumango si Yuuskei. Wala siyang magagawa kundi ang magsinungaling kundi ay maka-cancel ang photoshoot.

"Gusto mo bang ipa-cancel ko ang photoshoot?"

Mabilis na umiling si Yuuskei. "No, I can handle it."

"Ikaw na ang bahala sa kaniya," sabi ni Manager Klein sa make-up artist kaya napatango ito.

"Let's hide your paleness."

Napatango si Yuuskei sa sinabi ng make-up artist saka hinayaan itong galawin ang kaniyang mukha. Maraming tanong ang lumulutang sa isip ni Yuuskei. Hindi niya alam kung ano ang mukhang ihaharap kay Jaisha lalo na't nagtapat ito.

Nagsimula na ang photoshoot at napapailing na lang si Manager Klein sa walang kabuhay-buhay na si Yuuskei.

"Yuu! Ano'ng nangyayari sa 'yo? Ang bilis nating natapos kahapon pero ngayon ay parang gagabihin tayo!" inis na sigaw ng photographer kay Yuuskei na ngayon ay nakayuko na. "Nakakaloka! Hindi ko gusto ang inilalabas ng mga mata mo. Sobrang gloomy! Gloomy! Gloomy!" Napapadyak pa ito sa inis habang ang mga taong nanonood ay nagsimula ng magbulungan.

Sabay na bumagsak ang mga braso ni Yuuskei. "I'm sorry."

"Let's take a break everyone! Bumalik kayo rito ng 9:30 A.M," huling bilin ng photographer saka padabog na umalis habang dala-dala ang camera nito.

Nag-aalalang lumapit si Manager Klein kay Yuuskei saka inabutan ito ng bottled water. "Yuu, you don't need to force yourself."

Napaupo na lang si Yuuskei saka uminom ng tubig. Hindi niya akalaing ganito ang magiging impact sa kaniya ng nangyari kahapon. Hindi na dapat niya 'yon inaalala pero hindi talaga maiiwasan. Napakunot ang noo ni Yuuskei, gano'n na rin ang kay Manager Klein habang nakatingin sa mga taong nagkukumpulan na habang ang mga mukha nito ay hindi makapaniwala.

"Ano ang nangyayari?" tanong ni Manager Klein kaya halos silang lahat ay sabay na napatingin sa kaniya.

"Jaisha died."

Halos mabingi si Yuuskei sa narinig. "What?"

Napaiwas ng mga tingin ang iba at ang iba ay nakikiusa na sa maaaring maging reaksyon ni Yuuskei. Alam ng lahat na may matatag silang pagkakaibigan.

"Yuu, Jaisha died. Someone found her body floating in the Jaqei River," balita ng babae habang hindi makatingin kay Yuuskei at napahigpit ang hawak sa selpon.

"W-What do you mean? That's not true!" hindi makapaniwalang usal ni Yuuskei at inis na hinigpitan ang hawak sa bottled water. "Who spreads that kind of rumor?"

"I'm sorry."

Tumunog ang cellphone ni Yuuskei kaya agad niya itong sinagot nang makita na ama niya ang tumatawag.

"Yuu, patay na si Jaisha." Isang pangungusap na nagpahinto kay Yuuskei at agad na pinatay ang tawag. Ayaw man niyang paniwalaan ngunit ama na niya ang nagsabi nito.

Nanlulumong ibinaba ni Yuuskei ang cellphone. Hindi siya makagalaw sa lakas ng kabog ng puso. Nagsisimula na ring uminit ang ilalim ng mga mata.

"Yuu, sino 'yon?"

Hindi sinagot ni Yuuskei ang tanong ni Manager Klein. "M-Manager, we need to go at Jaqei River."

Halos takbuhin na ni Yuuskei ang parking lot habang hindi pinapansin ang mga sumusunod at kumukuha ng litrato. Mabilis siyang sumakay kaya sumakay na rin si Manager Klein.

"Calm down, Yuu. I'll take you there." Gusto mang bilisan ni Manager Klein ang pagpapatakbo ay wala siyang magagawa dahil si Yuuskei ang kasama.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila makausad sa traffic. Napatalon sa gulat si Manager Klein nang magmura ang binata. Napalunok si Manager Klein nang wala sa oras dahil sa matatalim na mga mata ni Yuuskei habang nakatingin sa haba ng parada ng mga sasakyan.

"Manager, don't worry about me. You can speed up a little." Bahid sa tinig nito ang pagkakariin habang binibitiwan ang malalamig na kataga.

Kagaya ng sinabi ni Yuuskei ay mas binilisan ni Manager Klein ang pagpapatakbo at napapapikit na lang si Yuuskei habang nanginginig na dinama ang tibok ng puso na umaalingawngaw.

Manager Klein sighs in relief when they reached the Jaqei River. As expected, maraming tao ang nakapaligid at hindi mawawala ang mga usapan.

"Isang artista?"

"Sayang. Maganda pa naman saka ang bata pa."

"Si Yuuskei Hawtson! Ang guwapo niya sa personal."

Hindi na nila pinansin ang mga tao sa paligid at ang mga nakaiiritang binubulalas nito.

"J-Jaisha, Jaisha died." Nakatayo lang si Yuuskei habang nakatingin sa bangkay sa hindi kalayuan na kinukunan ng mga litrato at inoobserbahan. Napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Unti-unting nawawala ang ilang piraso ng kaniyang buhay. Nagsimulang manginig ang mga tuhod ngunit ang panginginig ay hindi naging dahilan upang hindi niya mapuntahan ang kaibigan. Bigla niyang tinakbo kung saan nakahiga si Jaisha. Wala na siyang pakialam kung nasira niya ang crime scene tape na hinarang at binalewala ang mga pulis na sumusuway sa kaniya. Hindi na niya marinig pa ang mga ingay sa paligid. Nabibingi siya sa katahimikan na namumuo sa pusong binabalot na ng kadiliman.

"Yuu!"

"Bawal mong hawakan ang bangkay!" sigaw ng isang pulis pero hindi nakinig si Yuuskei at mabilis na pinulupot ang nanginginig na mga braso sa malamig at maputlang bangkay ng dalaga.

Napaluha si Yuuskei nang madama ang temperatura ng kaibigan na parang kuryenteng dumaloy sa kaniyang balat. Kahit konting init man lang ay wala siyang naramdaman. Dahil sa mga luha ay halos wala na siyang makita ngunit kitang-kita ang maputlang labi nito. Wala ng pakialam si Yuuskei kung mabasa man siya, ang mahalaga ay nadama niya ang kaibigan kahit patay na.

"Jaisha." Patuloy lang sa pag-iyak si Yuuskei habang paulit-ulit na sinasambit ang pangalan ng dalaga.

Maingat niyang sinuri ang buong katawan ng kaibigan ngunit wala siyang nakikitang kakaiba. Inamoy niya ang bunganga nito, walang bahid ng alak. Ang tanging nalanghap lang niya ay amoy medisina na nanggagaling sa kulot na buhok ni Jaisha. Napamura si Yuuskei at napayakap sa bangkay. Dahil dito, nawala na sa isipan ni Yuuskei na isa siyang artista. Wala na siyang pakialam sa mga taong nakakakita at kumukuha ng litrato. Sa mga oras na ito, ang tanging nasa isip ay kung bakit ito nangyari sa kaibigan.

"Yuu, ano ka ba!" Pilit na inilayo ni Manager Klein si Yuuskei kay Jaisha pero hindi pa rin ito binibitiwan ng binata. "Yuu, bawal tayo dito."

"She's my friend!" hinagpis ni Yuuskei kay Manager Klein.

"Bitiwan mo na siya." Pinagtulungan ng mga pulis na ihiwalay si Yuuskei kay Jaisha. Limang minuto rin bago maihiwalay si Yuuskei.

"H-Hindi 'to maaari." Napaluhod si Yuuskei at galit na napasuntok sa damuhan.

"Inspektor, nasa kalahating porsyento na ang sagot ay suicide. Suicide ang nangyari."

"No!" Dahil sa lakas ng sigaw ni Yuuskei ay pinagtitinginan na siya ng mga taong nakapaligid habang nagbubulungan at ang iba ay nagkukuha na ng video.

"Hindi ito suicide!" His heart still harbors the dim hope that this is all just a bad nightmare. Kumalat sa bawat sulok ng kaniyang katawan ang galit kaya hindi niya maiwasang singhalan ang mga nandito. "In the first place, bakit siya magpapakamatay? Wala kayong ebidensiya! Kalahati pa lang 'yan. Bago kayo magsalita ng tapos, dapat isang daang porsyento ang dala n'yong ebidensiya!"

Napabuntong-hininga ang inspektor saka sumulyap sa ilog. "Mag-iimbestiga pa rin kami hanggang sa may makalap kaming impormasyon pero hindi mawawala na baka nagpakamatay talaga ang biktima."

"I told you already! Bakit 'di kayo nakikinig?" Napahagulgol na si Yuuskei saka galit na tumayo at handa ng sugurin ang mga pulis.

"Yuu, tama na 'yan." Pinigilan ni Manager Klein si Yuuskei na makalapit sa mga pulis. "Alalahanin mong maraming camera sa paligid."

"This is not a suicide, it's a murder!"

Continue Reading

You'll Also Like

144K 8.4K 47
WARNING! This story may contains VIOLENCE and MATURE CONTENTS. If you're UNCOMFORTABLE about it, PLEASE don't read this. [HELLO! LET ME REMIND YOU TH...
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.