Luckily Found You

By Shushtine

15 0 0

On-Going story hehe More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3

Chapter 2

2 0 0
By Shushtine

"What happened to you? Seems like you want to kill someone," sabi ko kay Ely na kanina pa masama ang tingin at may binubulong pa.


"Wala! Nakakainis lang!" Singhal niya at yumuko siya para kumuha ng bato at tinapon ulit iyon.


"Pinagalitan ka?" Tanong ko sakanya.


Napabuga siya sa ere at nilingon ako, "Kilala mo ba yung new student sa room namin?" Tanong niya sa'kin na ikinailing ko. I never met him nor know his name. "Ganito kasi 'yan, 'di lang ako nakasagot sa recitation namin kanina tumawa na siya. Alam mo 'yun? Nakakainis!" Sabi niya at nagdadabog.


"Aww it's okay, I'll treat you ice-cream nalang," sabi ko at kumapit sa braso niya at nagtungo na sa cafeteria.


"Elle!" Lumingon ako sa paligid at nakita ko si Max at sinenyasan kaming umupo dun.


"Oh, ba't wala ata 'yan sa mood?" Medyo natawa si Max kaya sinamaan siya ng tingin ni Ely.


"'Wag mo 'kong kausapin," sabi ni Ely, "Ano sainyo? Ako na mag-oorder," dagdag niya pa.


"Chicken and white pasta sa'kin," sabi ko.


"Same lang kami ni Elle. Ely, samahan na kita," sabi ni Max at tatayo na sana nung umiling si Ely.


"Nope, I can handle it. Mag-usap nalang muna kayo diyan," sabi niya at umalis na para mag-order ng pagkain.


"Kilala mo sino umaway dun?" Tanong ni Max sa'kin pagkaupo niya.


"Don't know his name, pero yung bagong student daw," sabi ko at tumango-tango naman siya.


I was scrolling through my ig nung may story ang kaibigan ni Pierce. Naka-follow na pala ako sa isang kaibigan ni Pierce, ngayon ko lang nalaman na magkaibigan sila.


Lunch with the bros. @pierce_mrtnz, @ariesj, @kill_ian


Doon ko lang napagtanto nung tinitigan ko ang background nila, nandito sila. "Bwisit!" Biglang sabi ni Ely at padabog na umupo. Nilagay ko nalang sa bag ang phone ko.


"Why? Anong nangyari?" Tanong ko sakanya at parang umuusok na ata ang tenga niya sa sobrang inis, namumula na rin siya.


"Si Killian! Kinuba ba naman yung last na lasagna! Ako dapat yung oorder nun eh!" Singhal niya at uminom ng juice.


"It's okay, here have some of my pasta, punta kayo sa condo ko mamaya? Pwede tayong kumain dun," sabi ni Max.


Agad naman akong tumango, "Yeah sure! Diba kakalipat mo lang? I want to see your new condo," excited na tugon ko at ngumisi naman siya.


"Don't worry Ely, oorderan kita ng maraming lasagna mamaya hanggang sa magsawa ka," sabi niya at tumawa naman kaming dalawa.


Puro lectures lang buong hapon aside sa last subject na nagpasurprise quiz. Buti nalang talaga nagscan ako ng notes ko kanina.


"Ely!" Tawag ko kay Ely na naglalakad patungong parking lot.


"Sasabay ka kay Max?" Tanong niya sa'kin at tumango naman ako.


"Ikaw?" Tanong ko.


"Iuuwi ko nalang muna ang gamit ko at magbibihis lang din," sabi niya na ikinatango ko naman. "My sundo is here, bye! See you later!" Sabi niya at kumaway, kinawayan ko rin siya at pumasok na siya sa loob.


"Oh, Pierce? You're busy? No no, okay lang. Okay, bye," narinig kong sabi nung babae. Siya yung kahapon na kausap din ni Pierce. Palihim ko siyang inobserbahan.

Maputi, maamo ang mukha, medyo wavy ang buhok at mas matangkad ako ng konti sakanya. I admit na maganda siya.


"Elle, sino tinitingnan mo?" Biglang sabat ni Max kaya medyo nagulat ako.


"Wala— tara na," sabi ko at nagpunta na kami sa kotse niya.


Nasa loob na kami ng elevator at pinindot ni Max ang 6th floor. Naramdaman ko rin na kanina pa nagsisikuhan at nagbubulungan ang dalawang babae sa harap namin at minsan sumusulyap pa kay Max.


"Kuya, hi daw," sabi nung babae at siniko siya nung katabi niya. Mas bata pa ata sila kaysa sa'min.


Ngumiti naman si Max, "Hi," sabi pa nito at parang kinilig naman ang dalawa. Mas una silang lumabas kaysa sa'min kaya tiningnan ko si Max. "What?" Tanong niya habang nakapamulsa.


"Kakalipat mo pa lang, may admirers kana agad," sabi ko at natawa naman kaming dalawa.


"Wow, this is bigger and spacious than your old condo," manghang sabi ko at nilibot ang buong paligid. Konti pa lang ang gamit niya kasi kakalipat niya pa lang.


"Kung gusto mo magbihis, my room is at the left side," sabi niya at tumango naman ako tsaka ko nilapag ang bag sa sofa niya at nagtungo ako sa kwarto niya.


Nasanay na rin ata si Max na humihiram ako ng damit niya, he's like my older brother na rin eh. I scanned his room, grey ang walls niya at white and black naman ang mga furnitures niya. Nagtungo ako sa cabinet niya nung may napansin akong picture frame.


It was Max and Pierce's friends. Magkakakilala sila? Nakangiti silang lima dito. May isang masungit, yung isa nakangisi ng malapad, yung isa naman ay medyo singkit at si Max at Pierce nakaakbay sa isa't-isa. Wala namang binanggit si Max sa'kin na magkakaibigan pala sila?


Umiling nalang ako at binalik ang frame sa kung saan ko 'yon kinuha at kumuha nalang ng grey na t-shirt. Malaki si Max kaya naging over sized yung t-shirt niya pag ako ang sumusuot.


Lumabas kaagad ako pagkatapos at nakita ko si Max na may kausap sa telepono. Nagsulat nalang ako ng notes habang hinihintay sila Ely.


Hindi mawala-wala sa isip ko ang picture, maraming katanungan sa isip ko pero 'di ko 'yon masasagot unless tatanungin ko si Max, "Elle," agad akong bumalik sa huwisyo nung tinawag niya ako.


"Hmm? Sorry 'di ko napansin na tinawag mo 'ko," sabi ko.


"It's okay, I thought you were asleep. Malayo pa ba si Ely?" Tanong niya.


"'Di ko pa alam, I'll call her right now," sabi ko at kinuha ang phone ko sa bag at dinial ang number ni Ely.


Medyo matagal pa bago niya sinagot ang tawag ko at narinig ko pang may binubulong siya, "Ely? Sa'n kana?" Tanong ko.


[We're almost there, may problema lang kanina but okay na ngayon.] sabi niya na ikinakunot ng noo ko.


"We're? May kasama ka?" I asked.


"Uhm yeah, basta I'll introduce you to her. Bye na.] sabi niya at pinatay ang tawag. I wonder kung sino ang sinama niya, hindi naman siya nagdadala ng kung sino-sino. Hindi naman siguro lalaki yung dadalhin niya...


"Anong sabi niya? May problema?" Tanong ni Max na ikinailing ko.


"Malapit na raw siya, may dinala siyang bisita," sabi ko na ikinakunot din ng noo niya pero tumango lang.


"Do you know who?" Tanong niya na ikinailing ko.


Dumating na ang mga food kaya tinulungan ko si Max na ilapag ang mga pagkain sa lamesa, "Max," tawag ko sakanya.


"Hmm?"


"Do you have boy friends?" I asked, hoping masagot yung tanong na nasa utak ko.


"A what? Boyfriend? Do you think I'm gay?" Tanong niya ikinatawa ko naman.


"No! I mean, boy friends— pansin ko kasi sa'min ni Ely ka lang sumasama," sabi ko at nakita ko naman siyang natigilan sa ginagawa niya.


"I don't have— well, noon pero ngayon wala na," sabi niya at ngumiti ng tipid. So confirmed na magkaibigan sila ni Pierce, "Why did you ask?" tanong niya.


"Wala, I was just wondering," sabi ko at tumango naman siya. Naputol ang pag-uusap namin nung may kumatok sa pinto. Si Max na ang nagrepresenta na buksan iyon dahil siya ang pinakamalapit.


"Hi, pasok kayo," sabi ni Max at pinapasok si Ely at kasama niya. I sighed in relief nung hindi lalaki ang kasama niya pero nagulat ako nung nalaman ko kung sino ang kasama niya.


"Ciel?"


"You know each other?" Tanong ni Ely sa'kin.


"Yeah, she's my partner our Science subject," sabi ko at napatingin sa uniform ni Ciel na medyo gusot na. Pilit niyang inayos ang nagusot niyang uniform nung naramdaman niyang nakatingin ako dun.


"What happened?" Tanong ko.


"W-Wala lang, nadapa lang," sabi niya na ikinataas ng kilay ko. I'm not convinced with her answer pero naramdaman kong ayaw niyang sabihin iyon kaya tumango nalang ako.


Nag-uusap lang kami kung ano-ano nung napagpasiyahan na namin na umuwi. Sumama ako kay Ely at si Ciel naman ay hinatid ni Max dahil delikado na na mag-commute ngayong oras.


Ilang weeks nang nakalipas at mas napalapit kami ni Ely kay Ciel, Ciel isn't that hard to be friend, mahiyain lang talaga siya pero now na mas nakilala na namin siya ay nakikita ko na ang pagiging jolly niya.


"Girls, bar tayo this Saturday?" Pagyayaya ni Ely na ikinatango ko.


"Hindi pa 'ko nakapunta ng bar, tsaka diba bawal pa ang minor?" Nag-aalalang tanong ni Ciel.


"It's okay, so far hindi pa naman kami nahuli," tumawa si Ely, "And also, maraming schoolmates natin ang nagba-bar kahit 'di pa sila 18," sabi ni Ely na ikinahalakhak ko.


"Ely, bina-bad influence mo si Ciel—"


"Okay lang, pagkatapos ng part time job ko susunod ako dun," sabi niya na ikinaliwanag ng mukha ni Ely at nagpapalakpak.


Mabilis lang sumapit ang Sabado at nagbihis na ako. Naka black laced bralette lang ako at leather skirt at boots, naglagay din ako ng red lipstick at nilugay lang ang buhok ko. "Hi," nasa coffee shop ako ngayon kung saan nagtatrabaho si Ciel, sabay kaming pupunta sa bar mamaya. Ngayon lang sumagi sa isip ko na dito pala nagtatrabaho si Ciel sa coffee shop na palagi naming pinupuntahan ni Ely dahil malapit lang ito sa mall.


'Di naman nagtagal ay natapos na rin ang shift niya kaya tumayo na ako at lumabas na kami. "What the?!" Sigaw ko nung nabangga si Ciel at natapunan ang white dress niya ng tubig.


"How much is that dress? I'll pay for it nalang," sabi ng babaeng nakabangga. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, how dare her.


"Elle, okay lang. Matutuyo naman 'to," awat sa'kin ni Ciel.


"Excuse me? Ikaw na nga 'tong nakabangga pero 'di ka nag-sorry?" Nakataas na kilay na sabi ko sakanya. Parang may half siya since may foreign feauture siya and her accent too.


"Sorry my bad, here take this," sabi niya at nilahad ang ilang libo sa harap ni Ciel at hinawa ko ang niya at hinatak na si Ciel sa labas.


"Gosh, she's getting into my nerves, look! You're wet," sabi ko.


Ngumit naman siya, "Okay lang, matutuyo naman 'to tsaka tubig lang naman," sabi niya. I tried to calm down at pumara na ng taxi para pumunta sa bar.


Nakapulupot ako sa braso ni Ciel habang pumasok na kami sa bar. As usual maraming tao since it's weekend. Nakita ko kung paano nagpakawala ng hininga si Ciel nung pagkapasok namin sa loob at natawa naman ako, "See? Hindi ka naman pinalabas ng bar," sabi ko.


Nahagip na ng mata ko si Ely at Max sa table kaya agad kaming nagtungo dun. We head upstairs since nandun sila pumwesto, "Hey!!!" Sabi ko at nagsalin kaagad ng maiinom.


"Ciel, you wan to try?" Tanong ni Ely at tumango naman si Ciel sabay tanggap ng drink niya. Napangiwi siya at pinasipsip naman siya ni Ely ng lemon, "How was it?" Tanong niya.


"Ang pangit ng lasa," hindi maitsurang sabi ni Ciel at agad na binaba ang baso sa lamesa.


"It's okay, you'll get used to it," sabi pa ni Ely.


"Max! Let's dance!" Pagyayaya ko kay Max at umiling naman siya, "Ang KJ mo! Minsan lang naman eh," sabi ko at umiling ulit siya.


"I'll just watch you dance," sabi niya kaya tumango nalang ako, there's no point of forcing him kasi ayaw niya naman talagang sumayaw. Sumasayaw ako habang tumutungga ng isang boteng alak.


"Hi miss," may lumapit sa'kin na lalaki. Ew, he's disgusting. Nakita niya siguro yung reaksiyon ko kaya lumayo nalang siya ng konti sa'kin at patuloy na naghahanap ng malalandi. Gosh the audacity, kung sino pa yung pangit, yun pa yung may lakas loob na lumandi.


May humatak sa braso ko, "Don't touch me! 'Di ka ba nahihiya sa mukha mo?! Ang lakas mong lumandi eh you're not gwapo!" Sigaw ko sa lalaki kanina nung bigla akong natahimik.


"Who touched you?" Pierce asked at pinaupo ako sa isang upuan.


"Wala," sabi ko at umiwas ng tingin. Why is he here?


"I can't stay with you for too long, magsisimula na an gig namin," sabi niya sa'kin at hinubad iya ang leather jacket niya at sinuot iyon sa'kin.


"Sino ba naman kasing nagsabi sayo na manatili ka rito?" Nakataas na kilay kong tanong, natawa nalang siya at umiling.


"Nasa'n ang table niyo? Ihahatid na kita dun," sabi niya at agad kong tinuro ang 2nd floor. Pagkadating ko dun ay wala nang tao sa table namin. Pinaupo ako ni Max at umalis din naman siya kaagad.


Tumayo ako at sinandal ang magkabilang braso sa railings at nakita ko kung paano nagkukumpulan ang mga tao, especially girls sa harap ng stage. Naghihiyawan din sila, kita ko pa naman ang kabuuan ng stage dahil nasa taas nga kami.



Nasa stage na nga si Pierce kasama ang dalawa niya pang kaibigan. The music played at tinapat na niya ang microphone sa bibig niya, "Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan 'wag mo ng balikan patuloy ka lang masasaktan," Pagkanta niya, his voice is really soothing.


"Hindi nagkulang kakaisip sa isang magandang larawan. Paulit ulit na binabanggit ang pangalang nakasanayan," his other friend sang. Actually lahat naman sila magagaling kumanta pero may kung ano lang talaga sa boses ni Pierce na nakakaadik pakinggan, parang pinanganak talaga siyang may talent sa pagkanta. He's singing effortlessly.


Hindi ko alam kung sino ang kumanta nito pero the lyrics were so clear, "Tayo'y pinagtagpo pero hindi tinadhana sadyang mapaglaro itong mundo~" napatingin ako sa gilid ko at nasa tabi ko na pala si Max. 'Di ko namalayan na tumabi na pala siya sa'kin..


"You know this song?" I asked at tumango naman siya habang ngumingiti but I can't see the happiness in his eyes— they were telling the opposite...

Continue Reading

You'll Also Like

368K 6.6K 28
Sa loob ng Barangay Santolan magsisimula ang kakaibang karanasan ng labinlimang taong gulang na si Jinuel. Sundan ang kanyang istorya at kung hanggan...
102K 298 72
PART 1 Naghahanap ka ba ng pangalan para sa character mo? Well feel free to browse this and find the name you're looking for! -- Do you need names fo...
34.9K 884 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...
146K 3.7K 63
"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love m...