DAMA: The Princess Bitch

By JhingBautista

24M 371K 67.4K

Published under Summit - Pop! Fiction. Dirham series #2 More

READ! (Important note)
DAMA Blurb
Prologue
Prologue 2.0
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note
Special Chapter: Interview With Meg (Questions)
Special Chapter: Interview With Meg (Proper)
Special Chapter: Interview With Dani (Questions)
Special Chapter: Interview With Dani (Proper)
Special Chapter: Interview with Oliver (Questions)
Special Chapter: Interview With Oliver (Proper)
Special Chapter: Interview With The Barkada (Questions)
Special Chapter: Interview with the Barkada Part 1
Special Chapter: Interview with the Barkada (Eli)
Special Chapter: Interview with the Barkada (Keeme)
Special Chapter: Interview with the Barkada (Eula)
Special Chapter: Mrs. Danielle Marie Dirham-Balutan
All About The Published Version
Portrayers

Chapter 13

333K 5.6K 554
By JhingBautista

I'm sick and tired of being sick and tired.

--


Tanggap na si Tassie ng ina at kapatid ni Zelo. Tanggap na rin ito ng barkada. Si Dama na lang talaga ang resistant sa dalaga. How can she like the girl who stole her first crush?

Mabuti pa ang alak... kahit temporary comfort lang ang naibibigay... kahit sandali naman, nakakalimutan nya ang sakit.

Kaya heto sya... nag-iinom. Kakatapos lang ng prelim exams nila kaya naman nagkayayaan ang magbabarkada na mag-inuman. Overnight swimming plus inuman to be exact. Eto pa ang masaklap--sagot ni Tassie ang pulutan kaya naman halos sambahin na sya nina Eli at Keeme.

Lalong nayamot si Dama.

Kung sana ay mayaman pa sya ngayon, eh di sana hindi lang pulutan ang naiambag nya. Siguro ay nabili na rin sana niya ang resort para kahit kelan ay pwede silang magpabalik-balik na magbabarkada doon.

Pero wala nga syang pera kaya hanggang isang bote lang ng San Mig Light ang naiambag niya.

"Uy Zelo tagay mo na!" Si Lei ang tanggera. Iniabot nito ang shot glass kay Zelo. Inagaw naman iyon ni Dama at sya ang uminom.

"Aish. Dama wait for your turn! Nagugulo eh!" Naiinis na sabi ni Eula sa kanya.

"Hindi rin naman sya papainumin kaya ako na ang uminom nung iinumin nyang inumin." She blurted out. Kanina pa sya nahihilo at parang gusto nya ng mag-dive sa pool na katabi lang ng pwesto nila.

Halos lahat kase ng tagay ay inagaw na niya.

Little organ, may kiddie pool ka na ba dyan? Pakalunod ka muna ha?

Lei filled up the shot glass with liquor saka iyon iniabot kay Tassie.

"Tass ikaw na."

Ngumiti ng pilit si Tassie saka kinuha ang baso na iniaabot ni Lei. Hindi kase ito umiinom. Pinipilit lang sya ni Lei.

Nakita ni Dama na parang sinenyasan sya ni Tassie na agawin dito yung baso. Inirapan lang ito ni Dama.

Drink it bitch. It's not mine.

Tassie looked helplessly at Zelo, who in turn, took the shot glass from his girlfriend's hand and consumed the content in one gulp.

"Ay ano ba yan! Ang daya!" Reklamo ni Lei.

"Allergic sya sa alak kaya di sya pwedeng uminom." Pagdedefend ni Zelo sa girlfriend.

"Tss. Allergic o nag-iinarte?" Bulong ni Dama sa sarili. Tumayo siya at nagpunta sa tabi ng slide na malapit sa pool nila. Naupo sya sa gilid ng pool then dipped her feet in the water.

Little heart... look at them. Ang saya-saya nila no? Bakit tayo hindi sumaya ng ganyan?

She remembered Krauss. Ngayon lang nya narealize na parang sobrang desperada nya nga pala nung time na yun. She wanted him... not because she likes him or anything close to that. She wanted him because he posed as a challenge.

At saka feel nya lang mang-agaw dahil naiirita sya sa girlfriend nito.

Now looking at Zelo and Tassie... narealize nya na mas gusto nya ng ganun. Yung kusa kang ginugusto ng isang tao.

Ang sakit lang kase nung ikaw pa ang humihingi ng atensiyon.

Kailan ba sya huling nagkaroon ng kaibigan katulad ng mga kaibigan nya ngayon? She can't even remember having one. She grew up talking and playing with her dolls and maids. Saktan man nya ang mga ito, walang magrereklamo.

They don't fight back.

They don't talk back.

But they don't care back either.

She can't remember how many times she's been wishing to have a live and talking bear. Yung bear na pwedeng kausapin. Yung sasagot kapag tinanong. Yung yayakapin ka pabalik.

Pero wala namang ganun di ba?

Kailangan mo ng tao. Yung magki-care back. Yung sisigawan ka kapag nagpapakatanga ka sa isang lalaki. 

Yung ibibigay ang kalahati ng baon nya kapag wala kang pagkain.

Yung susugudin yung mga umaaway sa 'yo.

Sila yun eh.

At kapag natapos na lahat ng 'to at bumalik na sya sa dati nyang buhay... she knew they won't be around.

Mamimiss nya yung katangahan ni Eli at yung mga payakap-yakap nito sa kanila.. Na kahit saan mo sya yakagin, sasamahan ka nya.

Yung pagsigaw-sigaw ni Lei na tanging paraan lang nito para maipakita ang care nya sa 'yo. Hindi kase ito yung taong sweet na uulanin ka ng compliment. Sya yung kaibigan na mahilig mag-degrade at manglait pero kapag may ibang umaway sa 'yo--sya mismo ang nasa front line ng gera.

Yung pagka-alaskador ni Keeme. Lahat na lang ng ginagawa mo may nasasabi syang hindi maganda. Pero kapag nalulungkot ka, hindi ka nya tatantanan hanggat hindi ka nito napapangiti.

Yung mga beauty tips ni Eula saka yung mga pagpapahiram nito ng damit at accessories. Saka malambing ito at sweet. Mahilig itong yumakap at makipag-beso-beso.

At syempre pa... si Zelo.

Di naman nya akalaing magkakagusto sya sa taong yun. Sa kabila ng kayabangan nito at pagiging kontra sa lahat ng gusto nya, he managed to find a way around her and strike thru her heart.

Na kasalukuyang kumikirot.

Okay lang yan little organ... marami pang lalaki dyan. Di lang sya.

"Uy... nag-eemo ka ata?" Naupo si Keeme sa tabi nya. May dala-dala itong bote ng beer.

"Ano ngayon sa 'yo?" Mataray nyang tanong dito.

Napipikang ngumuso sa kanya si Keeme. "Eh kung inihuhulog kaya kita? Sungit mo ah!"

"Sino ba naman kaseng may sabing tabihan mo 'ko ha?"

Tumayo si Keeme. "Pinapatawag ka lang nila no. Feeling mo gusto kitang tabihan? Tss." Pagkasabi'y naglakad ito pabalik sa mga kabarkada.

Dama saw Eula wave at her. Pinapabalik na sya sa pwesto nya.

She sighed and then head back to them. Truth or dare pa pala ang maaabutan nya.

"Truth or dare?" Tanong ni Zelo kay Lei.

"Truth!" Lei answered.

"In love ka pa sa ex mo no?" Maintrigang tanong ni Zelo. 

"Dare na lang pala!"

"Wala! Sagutin mo!"

Lei grunted. "Di ko alam!"

"Yes or no lang eh!"

"Di ko nga alam okay? Seryoso. Di ko talaga alam." Naiinis na sagot ng dalaga.

Di naman talaga nito alam eh. Kapag nakikita nya si Jeric, parang meron pa. Pero kapag wala naman ito, bigla ring nawawala.

Kaya hindi nya talaga alam.

Nalilito sya.

Si Zelo ang sunod na tinanong.

"Zelo... truth or dare?"

"Dare." He answered.

Nakita ni Dama na ngumisi si Keeme.

"Kiss mo nga si Tassie! Yeeeee!"

Nagsisapawan naman ang iba pa niyang mga kabarkada.

"Oo nga! Dali!"

"Lips to lips ha!"

Parehong namula ang magkasintahan. Si Dama naman ay hindi na nakapagsalita sa sobrang pagkataranta. Natataranta ang isip niya.

Please 'wag...

"Iba na lang kase." Nahihiyang sabi ni Zelo.

"Eeeeh! Dali na! Smack lang naman eh!"

"Payag naman si Tass o!" Puna ni Eli ng napansing hindi nagrereklamo ang dalaga.

Tiningnan ni Zelo si Tassie.

"Ayeeeee! Ayan na!" Kinikilig na sabi ni Eula.

Pumikit si Dama. Ayaw nyang makitang manakaw ang first kiss ng first crush nya. 

Masakit.

Limang minuto ang nakalipas...

"Uy dali na aba!"

Nagmulat ng mata si Dama. Mukhang hindi naman pala matutuloy. Masyado syang kinakabahan.

"Next time na lang!" Pagtanggi ni Zelo.

"Ngayon na! Wala namang malisya eh! Saka magjowa naman kayo eh!"

Napabuntong-hininga ang binata. It looks like they won't let him get away without kissing his girlfriend. Nahihiya naman sya kay Tassie sa mga ipinagagawa ng mga kabarkada nya.

It's a good thing that she's not getting offended or repulsed yet.

Dama watched--as if in slow motion--as Tassie gently held Zelo's face and angled it towards her. Saka nya marahang hinila pababa ang mukha ng binata.

Eula, Keeme, Eli and Lei were all shocked at first. Syempre di naman nila akalaing yung babae pa ang mag-iinitiate.

Nang makabawi, nagsimula na silang manukso.

Wala na. Nakuha na nya pati yung first kiss namin. Sobrang lugong-lugo si Dama sa nakita. Alam mo yung feeling little organ? Wala ka kaseng mata eh. Swerte mo di mo nakita.



Gusto nyang umiyak. Isa na namang gusto nya ang hindi nya nakuha.

Bakit ba kase ang damot-damot ng mundo sa kanya?

Pagod na 'ko little organ. Can you just stop beating already and end my misery?


xxxxx

AN: Sorry kung sabaw. Haha... naisipan ko lang mag-UD kahit 10 PM na ako nakapagsimula. Marami pa kase yan eh. I want her to be miserable pa.

Kinukulang talaga ako. Di ko na sya feel masyado. =_= Gusto ko kaseng sa ending na. Clear na clear na yun sa 'kin eh pati yung mga linya nila.

Kaso mukhang matagal pa yun. Mga 10 chapters! Hahaha...

COMMENTS!

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 78.1K 100
Ang diary ng isang NBSB...
2.6M 65.2K 45
Cover Edit: NayinK Illustration: viahebumuno Toby had the mishap of falling for his best friend. But unlike any other best friend-themed love sto...
5.4M 164K 58
Kelvin Nikola Aragonza's story.