Sa Hindi Pag-Alala

Galing kay QueyneWrien

693 69 55

Chasing Destiny #1 Minsan may darating na isang taong mag papaniwala sayo na may walang hanggan, taong sasab... Higit pa

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 11

18 3 0
Galing kay QueyneWrien

Hindi maalis ang tingin ko kay Marie. Nakikipag kwentuhan siya sa mga kaibigan namin habang Hinihintay na mag start ang exam. Napapansin ko naman ang pasulyap saakin ni Marie at pasimple itong tumatawa.

Ayos lang naman kung malaman ng mga kaibigan ko ang tungkol sa panliligaw ni Jan. Pero, hindi ba unfair na ang saakin ay alam nila pero ang sa kanila ay hindi ko alam?

Gustong gusto ko sabihin sa kanila, pero may parang pumipigil saakin na 'wag. Kung sasabihin ko man sa kanila, malamang ay hindi pa ngayon. Siguro kapag sinagot ko na si Jan? Pero kailan ko nga ba siya sasagutin?


"Cedes, nagri ring phone mo" Boses iyon ni Marie. Kaagad ko namang inilabas ang cellphone ko. Napagtanto ko namang naka off ang phone ko. Napapikit naman ako ng marinig ang tawanan ng mga kaibigan ko. Tumingala ako sa kanila at ngumiti ng Tipid.

"So may ine- expect kang tatawag sa'yo?" Nakangiting tanong ni Camilla.

"It's obvious, Cedes. Spill it" Si May ang nagsalita. Napahinga naman ang Is ng maluwag. Siguro nga ay dapat ko nang sabihin sa kanila. Bahala na kung hindi ko alam ang mga nangyayari sa buhay nila, ang importante ay masabi ko ang sa akin.

"Uhm..." Kinamot ko ang ulo ko at tumingin sa kanila. Si Marie naman ay napaka lapad ng ngiti.

"NililigawannaakoniJan" Dire-diretso pagsasalita ko. Hindi ko alam kung narinig nila ito.

"Ha?" Nagtatakang tanong ni Jihan.

"Nililigawan na ako ni Jan" Sabi ko at ngumiti ng may alinlangan. Nanatili silang hindi nagsasalita.

"Omg kaaaaa!" Sabay sabay nilang sigaw dahilan para pag tinginan kami ng mga kaklase namin. Nakita ko naman ang mabilis na pagtakbo nila Cheonsa at Shean papalapit saamin.

"Anong meron?" Si Shean.

"Nililigawan na siya nung crush niya!" Sigaw ni Camilla. Nahagip naman ng mata ko si Ash na nakatingin saamin at lumabas ng classroom.

"Naks naman, magkaka bebe na si Cedes!" Palakpak naman ni Cheonsa. Naghiwa hiwalay kami ng biglang dumating ang teacher namin.


Madali lang ang naging exam namin. Dahil nga minor ay hindi siya ganon kahirap.  Dagdag nalang ang konging nireview ko kagabi.

Mag-isa ako ngayong naglalakad sa damuhan ng school namin. Ewan pero sa parte ng school namin na ito ay napakasarap ng ihip ng hangin.

Nahagip ng mata ko si Lesther na natutulog sa may puno kung saan ako tumatambay. Kitang kita ko siya kahit na ilang metro ang layo namin.

Nagdesisyon akong pumunta rin sa punong iyon. Hindi dahil andoon siya, pupunta ako roon dahil nakaka relax naman talaga.

Sa likod ng puno ako pumwesto para hindi niya malaman na may kasama siya dito.

Napatigil ako sa pag labas ng mga notebook ko ng marinig siyang kumanta.

"'Di ba nga ito ang iyong gusto? O ito'y lilisan na ako. Mga ala-ala'y ibabaon, kapalit ang tamis ng kahapon"

Wala pa ring kupas ang boses niya. Ngunit mas ikinatigil ko nang maalala na ang kantang iyan ay ang kinakanta niya saakin dati.

"Mga gabing 'di namamalayang, oras ay lumilipad. Bawat sandaling lumalayag kung sa'n man tayo mapadpad. Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay, ito'y maling akala, isang malaking sablay"

Base sa boses niya ay mahahalata mong malalim ang pinaghuhugutan niya. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay sasabog ang luha ko dahil sa nararamdaman ko mula saaking dibdib.


"Kaya't pasensya ka na, sa mga kathang isip kong ito. Wari'y dala lang ng pagmamahal saiyo. Ako'y gigising na mula sa panaginip kong ito, at sa wakas ay kusang lalayo saiyo"

Matapos niyang kantahin ang parteng chorus ay bigla siyang napahalakhak. Nababaliw ka na ba, Lesther? Charot.

Muling itong natawa sa kinanta. Ano bang trip nitong si Lesther?


"Sana masaya ka ngayon, Cedes. Be happy" Para akong nabuhusan ng nakalimutan na tubig sa narinig. Naramdaman ko ang pag lakad niya palayo dahil naaapakan niya ang mga tuyong dahon.

Naramdaman ko ang mainit na luhang kumawala galing sa mata ko.

Anong ibig sabihin niyon, Lesther? Nasasaktan ako kung paano ka kumanta, nanghina ako nang banggitin mo ang pangalan ko.

Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong mag ring. Nakita ko ang pangalan ni Jan.

Muli akong napahikbi at humagulgol sa iyak.

"I will be happy, Lesther"

Sinagot ko ang videocall ni Jan at mabilis na pinahid ang luha ko. Ngumiti ako ng malapad.

"Nasa school ka pa?" Bungad saakin ni Jan na ngayon ay parang nasa labas ng school nila.

"Ah, oo. Kakatapos lang ng exam namin. Tumabay muna ako dito sa may puno" Sagot ko at ngumiti.

"May problema ba?" Nagulat ako sa tanong ni Jan. "Para kang umiyak, mugto ang mata mo" Mabilis kong kinusot ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Jan.

"Ah, okay lang ako. Hindi naman ako umiyak. Medyo mahangin kase dito kaya napuwing ako" Ngumiti ako sa kaniya para hindi mahalata ang pagnginig ng mga labi ko dahil pakiramdam ko ay babagsak na naman ang mga luha ko.


"I'll end our call na, Cedes. I love you" Hindi na ako nakasagot ng bigla niyang iend ang call namin. Pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko sa narinig.

"Hoy!"


"Ay kumag ka!" Laking gulat ko ng bigla akong gulatin ni.... Jihan?

"Sinong kausap mo ha?" Kinikilig nitong tanong. Alam naman niya kung sino, Gusto lang niya kumpirmahin kung tama ang nasa isip niya.


"Ah, si Jan" Tumango naman siya at umupo sa tabi ko.

"Nakasalubong ko si Lesther ah, galing din siya dito?" Kumunot naman ang noo ko. Paanong nakasalubong niya eh kanina pa nakaalis si Lesther?

"Andito siya kanina"  Tumango naman siya saakin.

"Actually, nung papunta ako dito eh nakita ko siya nakatayo malapit sa punong ito. Siguro ay tinitignan ka. Tapos nung nakita niya ako bigla naman siyang umalis" Pakiramdam ay lalabas ang puso ko sa dibdib ko. Paano kaya kung narinig niya ang usapan namin ni Jan?


"Are you okay, Cedes?" Tanong ni Jihan. Ngumiti naman ako sa kaniya.


"Ah, oo"


"You really like Jan, huh?" Napatingin akong muli kay Jihan. Napansin ko namang nakatingin siya sa phone ko. Wallpaper ko ang cropped photo ni Jan.


"Hmm" Natawa naman siya sa sagot ko.


"I think you won't allow him to court you if you don't have feeling for that guy, Cedes" Ngumiti ako sa kaniya.


"Ikaw talaga, syempre papayagan ko pa rin siya na ligawan ako kahit hindi ko siya Gusto. Basta seryoso siya saakin, matututunan ko naman siyang mahalin" Tumango siya sa sagot ko. Ako naman ang nakaisip ng tanong ko sa kaniya.

"Mahal mo Si Rhoyde?" Humiga siya at tumingala sa langit.

"God knows how much I love him. He's the reason why I am still fighting" Napangiti ako sa sagot ni Jihan.

"Pero pakiramdam ko, ang pagmamahal ko sa kaniya ang papatay saakin, Cedes" Kumunot naman ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.


"Wala, pakiramdam ko kase kapag nawala siya mamamatay ako" I took a deep breath. Tumabi ako kay Jihan at humiga rin.




NAKARATING ako sa bahay bago magtanghali.

Muling pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Lesther kanina at ang sinabi ni Jihan na nakita niya si Lesther na hindi pa umaalis malapit sa puno. Narinig niya kaya kami ni Jan kanina?

Pinakatitigan ko ang mga gamot ko na nakalagay sa medicine kit. Nang dahil kay Jan ay nahinto ang pag-inom ko at hindi na masyadong umaatake ang depression ko.

Gagawin ko ang sinabi mo Lesther, magiging masaya ako. Pinapangako ko 'yan. Magiging mas better ako, at magsisimula ng bagong buhay.



Kasama si Jan.







#SHP11

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...