Dauntless

By hakudennn

51 8 2

They don't know where they is... More

Intro
Foreword
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 6

KABANATA 5

3 2 0
By hakudennn

KABANATA 5

❝Balang araw❞

Akhira's POV




"Wala ka talagang naidudulot na mabuti sa aking litse ka! Puro kamalasan ang naabot ko dahil sa 'yo!" halos mabingi ako sa sigaw ni Tiyay sa akin kaya ang nagawa ko na lang ay ang mapapikit at indahin ang sermon niya.

"Malas ka sa buhay ko! Kaya ka iniwan nang mga litse mong magulang dahil malas ka!" kumirot na naman ang aking dibdib dahil sa napili niyang topiko.

Akalala siguro niya, dahil bata pa lang ako, hindi ko maiintindihan ang mga sinasabi niya. Pero hindi niya alam, para akong sinaksak nang ilang beses kase malinaw na malinaw kong naiintindihan ang mga sinasabi niya.

Batang lang ako, pero ako'y nakakaintindi rin.

Inabanduna ako nang aking mga magulang dahil malas akong anak. Iniwan nila ako sa Tiyahin ko dahil hindi nila ako mahal. Ni-hindi manlang nila ako binalikan. Hinayaan nila akong maltratuhin ni Tiyay.

"Ano pang tinatayo-tayo mo sa harapan ko? Umalis ka at maghanap nang makakain dahil ikaw ang lalapain ko kung hindi ka makahanap!" bulyaw niya kaya dali-dali akong tumalikod at halos mapatid na sa panginginig ng tuhod ko.

Lumabas ako ng bahay at agad nilapitan si Akhiro. Doon lang ako suminghot nang nasa inabaw na niya ako.

Hindi ko alam kung saan ako papatungo. Mahigpit na bilin ni Tiyay na hindi ako makakauwi hanggat wala akong dala. Paano gayong hindi ako makapag-isip nang maayos dahil sa pag-iyak. Sumasakit pa rin ang puso ko.

Tumingala ako sa mapayapang kalangitan. Umaasang maririnig ako ng mga diyos.

Bakit ganito ang ibinigay nin'yo sa aking kapalaran? Bakit wala akong matawag na mga magulang? Kabit hinayaan n'yo akong maghirap? Sana binigyan n'yo naman ako ng sapat na pagkain o kahit pagkain manlang sa isang beses.

Kanina pa tumutunog ang sikmura ko habang walang tigil naman sa pag-iyak ang aking.

Mas lalo pa akong naiyak nang halos libutin ko na ang buong kakahuyan nang Fliore de Cereses pero wala pa rin akong nahahanap na pagkain o prutas manlang. O kahit ligaw na pwedeng makain.

Gusto ko nang magwala at umiyak. Gusto ko nang bulabugan ang mga nanahimik na hayop sa kagubatang ito dahil wala silang tulong sa akin.

"Paano ako makakauwi?" naiiyak kong tanong sa sarili. Wala na akong pake kung mapuno ng luha ang aking mukha kakaiyak at kung magulo man ang aking buhok. Mas kailangan kong problemahin ang utos sa akin ni Tiyay. Tiyak maraming hampas na naman ng kahoy ang matatanggap ko kapag wala akong dala pagkauwi.

Mas matanda naman sana siya sa akin. Sa aming dalawa, siya ang may kakayahang makahanap ng pagkain pero inaasawa pa niya sa akin. Wala naman siyang ginagawa kun'di ang makipag-usap sa mga kaibigan niyang chismosa buong araw o ang himasin ang mataba at matakaw niyang pusa habang nakakupo sa kaniyang gumagalaw na upuan.

Kabanas na talaga. Ako na nga ang gumagawa nang mga gawaing bahay, ako pa ang maghahanap ng pagkain. Parang ako na tuloy ang bumubuhay sa Tiyahin ko. Tsk.

Makasabi siya sa akin na ang tamamd ko, siya ang tamad tamo. Baboy siya. Siya ang totoong pabigat. Kung may pupuntahan lang talaga akong iba, malamang matagal na akong lumayas sa bahay niya. Nakakainis talaga. Wala namang gustong umampon sa akin. Pareho-pareho lang talaga sila.

Sa sobra kong pag-iisip, hindi ko namalayan na naligaw na pala ako sa harap ng isang maliit na bahay sa gitna ng kagubatan ngunit ang mismong kinatatayuan ng bahay ay walang kahoy kaya nakakapasok ang sikat ng haring araw.

Makulay ang kanilang bakuran dahil sa iba't-ibang mga bulaklak. May nakita pa ako sa lupa na strawberry at grapes kaya nang muling tumunog ang aking sikmura, napadalundon na ako ng laway.

Hindi ko napigilan ang mga paa sa pagbaba kay Akhiro at dahan-dahang pumasok sa kahoy na kudal. Sinisayat ko ng maigi ang bahay kung may tao ba pero wala naman kaya dumiretso agad ako sa presa at ubas at walang pasubaling pumitas ng marami at agad isinilid sa aking bulsa. Nakulangan pa ako kaya kumuha pa ulit ako at nilagay sa aking damit. Sinikop ko ang laylayan ng aking maluwang na damit at ginawang supot para marami pang makuha at nang makuntento na, lumipat naman ako sa mga bulakak na tulips at pumitas din.

"Ang gaganda nito. Pwede ko itong ilagay sa aking paso mamaya." Pagak kong usal. Dinamihan ko pa ang mga pinamitas.

Nawili ako sa ginagawa na nakalimutan kong masama na pala ang ginagawa ko.

"Hoy! Anong ginagawa mo!" napatapon ako sa gulat nang biglang may sumigaw sa likuran ko at bumungad sa akin ang isang batang babaeng mukhang ka-edad ko habang nakasuot ng puting bestida at magulo ang mahaba niyang ginintuang buhok.

Wala sa oras kong nabitawan ang laylayan ng aking suot na damit.

"Ay multo!" tili ko sa takot kaya mas sumama ang tingin niya sa akin. Nahulog ang lahat ng mga prutas sa damit ko sa lupa. Sumunod ang tingin niya rito at agad nainis.

Habang ako'y tiningnan siya. Natanto kong hindi naman pala siya multo dahil ang ganda niya. Para siyang isang diyosa. Iyong mga naririnig ko sa kwento-kwento. Iyong may mga kapangyarihan at kasamahan ng mga diyos. Para siyang isa sa kanila.

"Nagnanakaw ka 'no?" akusa niya kaya mabilis kong itinago ang bulaklak na pinitas pati ang mga prutas. Kung may kapangyarihan man siya, iyon na siguro ang nakakatakot niyang nag-aalab na gintong mga mata.

"H-hindi ah!" tanggi ko. Gusto ko pa sana siyang pagmasdan dahil ang ganda niya talaga pero sinasapawan ako nang kaba lalo pa nang may lumabas pang isang matandang babae sa pintuan. Tumigil siya sa likuran ng magandang bata.

"Bakit ka sumisigaw, apo? Anong nangyayari-" ang tanong niya ay natigil nang makita ako.

Ang matanda ay ngingiti sana sa akin nang mapansin niya ang mga tinatago ko kaya sa halip ay naningkit ang kaniyang mata. Namutla ako. Parang mangangain na siya kaya nagsimulang manginig ang tuhod ko.

"Ninanakaw po niya ang mga tanim mong prutas at bulaklak, Lola!" sumbong ng batang babae kaya agad akong umiling.

"H-hindi po! H-hindi po 'yan totoo!" tanggi ko at umatras. Nilingon ko si Akhiro na abala sa pagkain ng halaman sa labas ng kudal.

Paano ba ako makakatakas nito? Nakakatakot ang matanda at ang bata.

B-baka nangangain sila?

"Totoo ba?" tanong sa akin ng matanda. Umiwas ako nang tingin at plano sanang tumakbo na paharurot nang may pumasok na panibagong babae sa kudal. Isang Ginang.

Patay na. Wala akong kawala nito.

"Anong nangyayari rito? Bakit ko naririnig ang sigaw mo sa malayo, Arza?" tanong ng Ginang at tiningnan ang batang babae at ang Lola. Pagkatapos ay sa akin naman.

"Oh, may bisita pala tayo." Anang Ginang at ngumiti sa akin. Parang nagnipis ang paghinga ko sa kaba. Halos maihi na nga ako.

"Ina, hindi natin siya bisita! Magnanakaw siya! Ninakaw niya ang mga tanim na prutas at bulaklak ni Lola!" agad na sumbong ng batang babae kaya gusto ko na lang ang maghukay sa kinatatayuan ko at magtago. Tinuro niya ako at nanlisik ang kaniyang magagandang mga mata.

Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Ang ganda niya kahit galit. E ako, kahit pa magpacute ay wala talaga. Pakiramdam ko, ang pangit pangit ko.

Lumipat sa matanda ang tingin ko. Ganoon pa rin ang ekspresyon niya kaya akala ko galit siya pero bigla itong tumawa, gayon din ang Ginang. Nagulat naman ngayon ang batang babae, at mas lalo ako.

Natawa sila! Hindi sila nagalit!

"Totoo ba, ija?" humakbang ang lola at akmang lalapit sa akin kaya nataranta ako. Humigpit ang hawak ko sa mga tinatagong bulaklak.

"Lola, h'wag ka pong lumapit sa kaniya! Magnanakaw po siya!" sigaw ng batang babae kaya lumaganap ang pait sa labi ko. Natataranta pa rin ako.

Muli kong tiningnan si Akhiro na abala pa rin sa pagkain nang mga halaman. Nang muli kong idiretso ang tingin, nasa harapan ko na ang matanda at lumuhod sa aking harapan.

Dumadungol ang paghinga ko. Natatakot ako.

Tulong! Hindi na po ako galit sa in'yo mga diyos! Basta tulungan n'yo po ako!

"A-ano pong gagawin n-nin'yo? H-hindi po ako nagnanakaw..." nanginginig na usal ko at muling umatras.

Baka kakainin na ako ng matanda!

"Lola," tawag muli ng batang babae kaya nalingat ang atensiyon niya. Nakahanap ako nang paraan makapuslit kaya nagdali-dali akong tumalikod at handa nang tumakbo nang sumitsit ang Ginang.

"Hephep!" tawag niya. Nanginig ang kalamnan ko sa takot at kaba. Dumagdag pa ang pagkalam nang sikmura ko kaya imbes na magpatuloy, pagod akong lumingon at unti-unting yumuko.

"Pasensiya na po," namalat ang boses ko. Naiiyak na naman ako. Kase naman e! Bakit pumasok sa isip kong magnakaw? Hindi ko naman ugali ito. Nakakabanas talaga. Kasalanan ito ni Tiyay! Siya ang nagtulak sa aking gumawa nang masama!

"Hindi ko naman po talaga gustong magnakaw... pero nagugutom na po talaga ako. Hindi pa po ako nakakakain at pinapahanap po ako ni Tiyay ng pagkain, pero wala po akong makita."

Nanatili akong nakayuko.

Nakagat ko ang ibabang labi habang tinitingnan ang prutas at bulaklak na hawak.

"Kung galit po kayo, ibabalik ko na lang po ang mga kinuha kong prutas at," lihim akong nagluksa dahil gusto ko talagang iuwi ang mga bulaklak. Balak ko sanang ilagay sa paso sa loob ng aking kwarto ang bulaklqk pero mukhang malabo na. Galit ang may-ari e. "at mga bulaklak. Pasensiya na po talaga."

Lumuhod ako bahagya at inilapag sa lupa ang mga kinuha at mabilis silang inangatan nang tingin bago tumalikod muli at lumakad na para puntahan si Akhiro.

Ngumiwi ako. Tumunog muli ang aking tiyan kaya nalungkot ako. Mukhang hindi na naman ako makakain nito. At tiyak na buong gabi na naman ang sermon sa akin ni Tiyay.

Hay, buhay! Kailan pa ba ako yayaman?

Mahina akong naglakad hanggang sa palabas na ako nang kanilang kudal nang bigla akong tinawag ng Lola.

"Bata!"

Mariin akong pumikit. Pati ba sila pagagalitan din ako?

"Po?" lumingon ako. Akala ko naiinis na mukha nila ang aabutan ko pero isang magaang ngiti ang kanilang suot.

"Aalis ka na ba? May meryenda akong hinanda, sabi mo nagugutom ka kaya pwede kang sumabay sa amin. Marami ang niluto ko. Baka hindi namin maubos."

Nagulat ako kaya kumunot ang aking noo.

"P-po? Tama po ba ang narinig ko? Inaaya n'yo akong lumain sa in'yo? H-hindi po kayo galit sa akin?" nagtataka kong tanong.

Nang marahang tumango si Lola at ang Ginang ay parang lumukso rin ang puso ko sa saya. Bukod sa masaya akong hindi sila galit at inaya ako ay masaya rin akong makakakain na ako!

Bahala na si Tiyay magutom basta busog ako. Tutal tamad naman siya.

Mabait ang mga Rione. Palangiti sila at walang katumbas ang kabaitan. Iyon ang unang beses na nakilala ko sila at si Arza.

Hindi ko makakalimutang hindi niya ako kinausap nang sumabay ako sa kanila sa pagmeryenda hanggang sa matapos kami at ipadala sa akin ni Lola ang mga kinuha ko at dinagdagan pa ni Tiyay Arizona.

Puno nang galak ang puso ko. Buong buhay ko, iyon ang unang beses na may tumulong sa akin. Iyon din ang unang beses na nakaramdam ako nang pagmamahal. Nakakagaan nang loob. Hiniling kong sana wala nang katapusan ang araw na 'yun at ampunin na lang nila ako pera nasa impossibleng mundo ako.

Alam kong hanggang pangarap lang ako kaya nang sumapit ang hapon, tumahak na ako pauwi dala ang mga prutas at bulaklak na padala sa akin ni Lola.

"Paalam po, Lola, Tiyay! Paalam, Arza!" nginitian ko ang supladang batang nakatingin sa akin na hindi manlang makangiti. Kanina pa siya seryoso kahit pilit ko siyang kinakausap.

Nagagandahan talaga ako sa kaniya. Gusto ko siyang maging kaibigan para meron naman akomg isa. Nakakainggit nang makakita ang mga batang masayang naglalaro kasama ang kanilang mga kaibigan. Gusto ko, ako rin.

Nang pauwi, tahimik akong nanalangin sa mga diyos.

Sana po, kahit wala na po akong mga magulang, magkaroon naman sana ako nang kaibigan. Kahit isa lang po. Please po.

Hindi rin naman ako nabigo. Dahil ang supladang magandang bata ay naging kaibigan ko kalaunan.

Tinupad ng mga diyos ang hiling ko. Nagkaroon ako ng isang kaibigan. Sobrang saya ko. Walang mapagsidlan ang aking saya.

Wala nang pagsisidlan ang saya ko habang pauwi. Nagagawa ko pang kumanta kaya nang dumaan ako sa mga kabahayan sa purok ay hindi maiwasang mapasunod sa akin ang tingin ng mga kaedad kong bata at agad magbubulungan. Lalo pa't agaw pansin ang dala ko.

"Ninakaw siguro niya 'yan." Dinig kong bulong nila. Binalewala ko nalang sila. Tutal hindi rin naman sila importante e.

Hindi nagtagal, natanaw ko na ang harap nang bahay ni Tiyay. Ang payak na gawa sa kahoy na barong-barong ay masyado nang matanda at isang hangin lang, magigiba na.

Sana naman, kung magiba ay wala ako sa loob. Sana si Tiyay na lang. Pasensiya na po. Hindi ko babawiin. Masama po talaga akong bata. Pasensiya na. Hihi.

Tinali ko sa maliit na puno ng bayabas si Akhiro at kinuha na ang dalang basket na punong-puno nang makukulay na prutas at bulaklak.

Kumanta ako ng isang pamilyar na kanta at pagak na dumiretso sa bahay pero nang papasok na sana ako sa pintuan, narinig ko si Tiyay na may kausap kaya natigil ako at minabuting makinig muna.

Nang una, hindi ko maintindihan ang kanilang usapan pero nang nagsalita muli ang isa pang boses, nakilala ko kung sino ang tinutukoy nila.

"Ang pagong talaga gumalaw ng batang iyon! Mahahampasan na naman iyon sa akin kapag umuwing walang dala!"

"Kalma lang, Mare. Iyong supladang pamangkin mo ba ang tinutukoy mo?"

"Sino pa ba? At pwede ba, hindi ko iyon pamangkin. Wala nga akong koneksiyon doon."

"Totoo?"

"Oo!"

Hindi ako pamangkin ni Tiyay?

Biglaang bugso nang panibagong emosyon ang aking naramdaman. Halo-halo. Nalungkot, nagulat pero nasayahan din ako.

Totoo ba ito? Ang Tiyay na nagmamaltrato sa akin ay hindi ko pala totoong Tiyahin? Pero bakit siya ang magpalaki sa akin?

Ilang beses ko na itong tinanong sa kaniya, nasaan sina Mama? Anong nangyari sa kanila?

Oo, alam kong iniwan nila ako sa kaniya pero baka may ibang dahilan sila at hindi dahil malas ako. Baka iba ang rason.

Baka nakalimutan lang nila ako? Pero possible ba 'yun? Sino namang magulang ang makakalimot sa anak nila?

Nagdesisyun pa akong makinig pa para makarinig ulit nang impormasyon. Hindi naman ako nabigo dahil sadyang bungangera si Tiyay.

"E nasaan na ang mga magulang niyang si Akhira? Paano iniwan sa 'yo kung hindi ka naman pala nila kamag-anak?"

"Arghh, mahabang kwento! Basta ang mga magulang niya ay dati kong kapitbahay sa Damariscotta. Isang araw bigla na lang silang pumunta sa bahay para iwan sa akin si Akhira. Ang sabi lang nila sa akin noon may pupuntahan lang sila ilang oras lang at babalik din agad pero ang mga peste, inabot na ng walong taon, hindi pa rin nakakabalik!"

"Hala! Possible bang sinadya nilang iwan sa 'yo ang bata at wala na talagang balak bumalik pa? Naalala mo ba ang mga itsura nila? Hindi ba mapagkakatiwalaan?"

"Ay ewan ko! Basta maganda iyong babae, ta's gwapo rin ang lalake. Mukhang hindi sila maaasi dahil parang mukhang mga sundalo ang dating!" rinig kong sagot ni Tiyay.

Nangiti na lang ako. Ito ang unang beses na nakarinig ako tungkol sa mga magulang ko.

Maganda pala sila at gwapo. At mukhang sundalo pa raw! Ano kaya ang itsura nila? Mababait din ba sila? Nagnama ba ako sa kanila? Magkamukha ba kami nang aking ina? O nang aking ama?

Gusto ko sanang ako mismo ang magtanong kay Tiyay tungkol sa kanila pero suntok sa buwan na sasagutin niya ako. Kaya mabuti na lang na makinig ako kahit hindi maganda tingnan.

"Talaga? Nakakamangha naman kung ganoon. Pero bakit naman nila inabanduna ang anak? Hay, kawawang bata. Pero kwento mo sa akin, alam mo ba kung saan sila pumunta? Sa tingin ko mga espeya sila eh!"

"Sus, sila lang ata ang espeyang nang-iiwan ng anak! Sabihin mo, mga irresposnableng magulang talaga sila!"

Hindi ko napigilang makuyom ang kamao ko. Wala siyang karapatang sabihin sa mga magulang ko iyon! Wala naman siyang alam! 'Tsaka baka may nangyari sa mga magulang ko kaya hindi sila nakabalik!

Basta! Akam kong mahal ako ng aking mga magulang! Nararamdaman ko!

"Hahaha. Pero chika mo na sa akin, Mare. Saan daw sila pumunta?"


"Ewan ko sa kanila! Hindi naman nila sinabi. Narinig ko lang nang makinig ako sa usapan nila. Ano nga ba 'yun, Latbros... Latprose--ay hindi, Lostrous! Oo, Lostrous ata 'yung rinig ko e. Oo, Lostrous nga."

"Lostrous? Parang wala namang lugar sa Nervana'ng ganu'n!"

"Oo nga e! Kaya malakas ang loob kong mga sira ang utak nu'n. Tingnan mo ang anak, sira ulo rin!"

Lostrous? May lugar bang Lostrous sa Nervana? Parang wala naman akong narinig na pangalang ganu'n. Pero baka naman may meron. Bata pa lang naman ako at marami pang hindi alam sa mundo kaya baka malaman ko rin pagdating nang araw.


Sa Lostrous pala sina Ina at Ama pumunta. Tatandaan ko 'yan.



Ama, Ina, hintayin n'yo lang ako. Pupuntahan ko kayo sa Lostrous o saan mang mundo kayo naroon.



Makikita ko rin kayo. Pinapangako ko.



Balang araw.









Continue Reading

You'll Also Like

430K 12.7K 99
"If you have nothing nice to say don't say anything." "Why?" "Do you wanna die?" "mildly." Orginal story plot not following MW3 Started 2023-09-07 En...
515K 15.3K 38
MALE WEDNESDAY X READER "I love you...Wednesday Addams" The girl cried while hugging him as tight as she could. "I love you too....Amore mio. Please...
5.9K 160 15
It's my first time writing an Story so please bear with me. Anyways...... Story: Future Caelus, lost everyone. His friends, family and Comrades. He m...