KABANATA 1

7 0 0
                                    





KABANATA 1



Natulala ako habang naglalakad. Hawak-hawak ko na ang porselanang papel na ibinigay sa amin ni Professor Gauther kanina bago kami umuwi.

Hindi man makapaniwala, muli kong binaba ang tingin sa papel para basahing muli ang nakasulat dahil baka namamata lang ako pero ganoon pa rin ang nangyari nang basahin ko ulit.

Find Dios Sovran, the Supreme God.

Ilang buntong hininga ang ginawa ko. Totoo ba talaga 'to? Ang misyong ibinigay sa amin ay ang hanapin ang matagal nang walang nawawalang Pinakamataas na Diyos. Ano ang pumasok sa isip ni Guro para ipagawa sa amin ito kung kahit ang pinakamalakas at pinakamatalinong tao sa buong Nervana El Rius ay hindi ito mapagtagumpayan.

Walang sino mang makakahanap sa kaniya dahil ginusto niyang mawala at hindi nagbigay nang palatandaan. Kaya bakit ito ang ibinigay sa amin gayong alam nang kahit na sinong hindi namin ito matatagumpayan?

Mahirap itong gawin. Hindi ko alam kong magagawa namin ito. Ngayon pa lang, alam ko nang hindi kami makakapagtapos sa El Rius Ludimier. Mayroon man kaming tapang, lakas at talino ay tiyak hindi ito oobra sa kapangyarihan nang Pinakamataas na Diyos.

Mas mabuting itigil ko na lang ang pag-iisip tungkol sa misyon namin dahil sumasakit lang ang ulo ko. Parang pinupukpok nang martilyo ang aking sentido sa kakaisip. Nakakalilo.

Tinahak ko ang daan pauwing bahay namin. Nang dumaan ako nang bayan, ang nagsisigawang tao agad ang umagaw nang pansin ko. Marami sila at may hawak-hawak na banderang kinakaway.

Nagpo-protesta na naman sila laban sa Hari nang aming kaharian. Kahapon lang nang ipabatid sa buong Ludimier na tataasan ang buwis para sa mga magsasaka at manggagawa. Kaya ito sila ngayon, nagtipon-tipon para magprotesta. Batid naman sana nilang wala silang magagawa sa utos nang Hari. Mapapatay lang sila kung ipagpipilitan nila.

Ganito ang sitwaston ilang daang taon na. Hindi tumitigil ang away at mga sakuna. Hindi pa natatapos ang isa, darating ulit ang panibago. Lalong lumalagap ang rebelyon sa paglipas nang mga taon. Dahil na rin ito sa mga sakim sa kapangyarihang mga pinuno. Inaasam nilang maging maunlad ang kaharian pero hindi nila naiisip na ang mga tao ang naapektuhan at naghihirap.

Umiling ako. Nagpatuloy na ako sa paglalakad para mabilis na makauwi. Nang marating ang malayong parte nang bayan, sa kagubatan nang Fliore De Cereses, pumasok ako sa pamilyar na daan at narating ang isang maliit na kubong kinatutirikan nang bahay namin. Napapalibutan nang evergreen tress ang bahay at mayayabong na bulaklak na tanim ni Lola.

"Inay, Lola, nandito na po ako!" Magiliw akong pumasok at inilapag ang bag sa mesang gawa sa kaboy sa maliit naming tanggapan. Mayroong tulip at rosas sa payak naming flower vase.

Agad akong dumiretso sa kusina at doon naabutan ang Inay at si Lola na naghahanda nang pagkain namin.

"Oh, nandito na pala ang mahal na prinsesa!" bumungisngis ako sa tinuran ni Lola at lumapit para sumilip sa niluluto nila.

"Ano pong lulutuin n'yo?" tanong ko. Tipid na lumingon sa akin si Ina.

"Siyempre ang paborito mong sinabawan na manok." Sagot niya kaya lumaki ang ngiti ko. Nakita ko nga ang kinatay na manok.

"Tiyak marami na naman akong kain nito! Sige po, akyat po muna ako para magbihis at babalik din agad!" Paalam ko. Tumango si Mama at Lola sa akin kaya pumanhik na ako at umakyat sa kwarto. Isa lang ang kwarto sa bahay kaya halo-hapo ang gamit naming tatlo pero maayos itong nakaparte sa mga lalagyan. Walang kama dahil sa lapag lang kami natutulog.

DauntlessWhere stories live. Discover now