KABANATA 5

3 2 0
                                    

KABANATA 5

❝Balang araw❞

Akhira's POV




"Wala ka talagang naidudulot na mabuti sa aking litse ka! Puro kamalasan ang naabot ko dahil sa 'yo!" halos mabingi ako sa sigaw ni Tiyay sa akin kaya ang nagawa ko na lang ay ang mapapikit at indahin ang sermon niya.

"Malas ka sa buhay ko! Kaya ka iniwan nang mga litse mong magulang dahil malas ka!" kumirot na naman ang aking dibdib dahil sa napili niyang topiko.

Akalala siguro niya, dahil bata pa lang ako, hindi ko maiintindihan ang mga sinasabi niya. Pero hindi niya alam, para akong sinaksak nang ilang beses kase malinaw na malinaw kong naiintindihan ang mga sinasabi niya.

Batang lang ako, pero ako'y nakakaintindi rin.

Inabanduna ako nang aking mga magulang dahil malas akong anak. Iniwan nila ako sa Tiyahin ko dahil hindi nila ako mahal. Ni-hindi manlang nila ako binalikan. Hinayaan nila akong maltratuhin ni Tiyay.

"Ano pang tinatayo-tayo mo sa harapan ko? Umalis ka at maghanap nang makakain dahil ikaw ang lalapain ko kung hindi ka makahanap!" bulyaw niya kaya dali-dali akong tumalikod at halos mapatid na sa panginginig ng tuhod ko.

Lumabas ako ng bahay at agad nilapitan si Akhiro. Doon lang ako suminghot nang nasa inabaw na niya ako.

Hindi ko alam kung saan ako papatungo. Mahigpit na bilin ni Tiyay na hindi ako makakauwi hanggat wala akong dala. Paano gayong hindi ako makapag-isip nang maayos dahil sa pag-iyak. Sumasakit pa rin ang puso ko.

Tumingala ako sa mapayapang kalangitan. Umaasang maririnig ako ng mga diyos.

Bakit ganito ang ibinigay nin'yo sa aking kapalaran? Bakit wala akong matawag na mga magulang? Kabit hinayaan n'yo akong maghirap? Sana binigyan n'yo naman ako ng sapat na pagkain o kahit pagkain manlang sa isang beses.

Kanina pa tumutunog ang sikmura ko habang walang tigil naman sa pag-iyak ang aking.

Mas lalo pa akong naiyak nang halos libutin ko na ang buong kakahuyan nang Fliore de Cereses pero wala pa rin akong nahahanap na pagkain o prutas manlang. O kahit ligaw na pwedeng makain.

Gusto ko nang magwala at umiyak. Gusto ko nang bulabugan ang mga nanahimik na hayop sa kagubatang ito dahil wala silang tulong sa akin.

"Paano ako makakauwi?" naiiyak kong tanong sa sarili. Wala na akong pake kung mapuno ng luha ang aking mukha kakaiyak at kung magulo man ang aking buhok. Mas kailangan kong problemahin ang utos sa akin ni Tiyay. Tiyak maraming hampas na naman ng kahoy ang matatanggap ko kapag wala akong dala pagkauwi.

Mas matanda naman sana siya sa akin. Sa aming dalawa, siya ang may kakayahang makahanap ng pagkain pero inaasawa pa niya sa akin. Wala naman siyang ginagawa kun'di ang makipag-usap sa mga kaibigan niyang chismosa buong araw o ang himasin ang mataba at matakaw niyang pusa habang nakakupo sa kaniyang gumagalaw na upuan.

Kabanas na talaga. Ako na nga ang gumagawa nang mga gawaing bahay, ako pa ang maghahanap ng pagkain. Parang ako na tuloy ang bumubuhay sa Tiyahin ko. Tsk.

Makasabi siya sa akin na ang tamamd ko, siya ang tamad tamo. Baboy siya. Siya ang totoong pabigat. Kung may pupuntahan lang talaga akong iba, malamang matagal na akong lumayas sa bahay niya. Nakakainis talaga. Wala namang gustong umampon sa akin. Pareho-pareho lang talaga sila.

DauntlessWhere stories live. Discover now