30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)

By Amyfinity_writes09

23.2K 2.3K 228

Frances has a terminal illness and she wanted to spend her remaining days with the person that she really lov... More

C2
C3
C4
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C11
C12
C13
C14
C15
C16
C17
C18
C19
C20
C21
C22
C23
C24
C25
C26
C27
C28
C29
C30 END

C1

3.3K 120 6
By Amyfinity_writes09

Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.












_____________________________________________________

Jaydee's Pov

Tok! tok! tok! Isang malakas na katok ang naririnig ko ngayon na siyang dahilan upang magising ako sa pagkakatulog ko.

"Jaydee! Gumising kana dyan! Di ba malinaw ang pagkakasabi ko sayo na maaga ka gumising dahil nga pupunta tayo ng hospital!" Sigaw ni dad sa labas naiirita man ay bumangon na ako at pinagbuksan siya ng pinto para naman manahimik na siya ng unti.

"Gising na ako dad , don't worry mag aayos na ako so if you mind? Para makagayak na ako" walang gana kong sabi sa kanya , hindi naman na siya umimik ng ilang segundo at nakatingin lang sa akin ng diretso.

"Bilisan mo ang pagkilos mo at siguraduhin mong makakababa kana at exactly 8am dahil kung hindi alam mo na ang mangyayari" pagbabanta niya pa sa akin at tsaka naglakad na pababa ng hagdan nasa second floor kasi yung kwarto ko.

Napakagat nalang ako sa aking labi at pinipigilang wag mainis bakit ba lagi nalang siya nagmamadali?

Tapos itong si frances naman lagi nalang sinusugod sa hospital at kailangan lagi akong nandun , fuck! Naiinis na akong pumunta ng hospital every weekend at minsan nga kahit may klase pa ako need ko pang samahan siya doon.

Kinuha ko nalang yung tuwalya ko at pumunta na ng bathroom dahil nakita ko sa may orasan na 7:30 na pala at baka mag apot na naman sa galit si dad if hindi pa ako nakababa ng 8am.

Mabilis lang akong naligo at agad na nagbihis naka polo shirt lang ako ngayon at naka short tapos naka skechers.

Pagtapos nun ay tinignan ko na yung sarili ko sa may salamin , argh kaya pala madaming nababaliw sa akin tsk di na pala ako dapat magtaka sa gandang gwapo ko ba naman.

Tinigil ko na ang pagpapantasya sa sarili ko at bumaba na ako , nakita ko naman si dad na may kausap sa kanyang phone sa may sala.

Nagtungo na ako sa may lamesa upang mag breakfast , hinainan naman ako ni manang at pinagtimplahan ng gatas.

Mabilis lang akong natapos kumain dahil sumisenyas na si dad sa kanyang relo na its time to go na kaya dali dali na akong umakyat sa kwarto ko at nag toothbrush pagkatapos nun ay kinuha ko na yung bag ko at yung wallet ko.

Kasalukuyang nasa loob na ako ng sasakyan at nakaupo lang ako dito sa back seat katabi si daddy , yung personal driver kasi ni dad yung nagdada drive sa ngayon.

Napairap nalang ako ng huminto ang sasakyan sa isang flower shop , eto na naman tayo sa kaplastikan niya eh.

"Jaydee come with me inside the flower shop , bibili tayo ng flowers for your fiance!" Walang emosyon niyang sabi kaya ito ako bumaba na rin sa sasakyan at sumama sa kanya sa loob upang mamili ng bulaklak.

Ito yung napili niyang bulaklak para ibigay ko kay frances , ewan ko ba kung bakit sa dinami dami ng bulaklak na magaganda eh eto yung pinili niya.

Sabagay lahat naman pala ng ibibigay ko kay frances at masaya siyang tinatanggap ito , nakabalik na kami sa sasakyan at kasalukuyang nag aantay lang ako na makadating na kami sa hospital dahil nababagot na talaga ako dito sa loob ng sasakyan.

Maya maya ay nakarating na kami sa hospital at kasalukuyang naglalakad papuntang vip room na kinaroroonan ni frances.

"Oh im so glad na napadalaw kayo , ayan na yung fiance mo queen kaya wag ka ng bumusangot dyan" paunang sabi ng daddy ni Frances ng bumungad kami sa pintuan ng room nito.

"Good morning po tito! How is she? Ahm flowers for you nga pala queen! Sana magustuhan mo ito" sabay abot ko sa kanya ng bulaklak abot langit naman yung ngiti niya nung binigay ko sa kanya yung bulaklak.

Nginitian ko nalang din siya at umupo na ako sa may upuan na malapit sa bed niya , inamoy amoy niya naman yung flowers habang di maiwasang mapangiti.

"Thank you for this jaydee sobrang ganda nito thank you dahil naalala mo na ito yung favorite flowers ko at tsaka kahit ano namang ibigay mo sa akin ay magiging masaya ako kasi galing sa taong pinakamamahal ko eh" hinawakan ko nalang mga kamay niya ngayon at bigla naman siyang namula dahil doon.

Ito na naman tayo sa pagpapanggap jaydee eh kahit wala ka naman talagang gusto sa kanya ay kailangan mong gawin to dahil ito nalang yung last na favor na hiningi sa akin ni dad.

Kapalit ng kalayaan ko at alang alang na din sa kalusugan ni frances , matagal na siyang may sakit sa puso simula bata palang kami ngunit ito patuloy parin siyang lumalaban.

At naaawa na rin ako dahil mukhang palala ng palala yung sitwasyon niya habang tumatanda kami , napapikit na muna ako dahil naaalala ko na naman si mommy.

"Magpagaling ka iha ah! Para naman makapag prepare kana para sa darating na kasal niyo nitong ni Jaydee" napatingin naman ako ng banggitin ni dad yung sa kasal? Napangiti nalang ako kay tito nang biglang tumingin ito sa akin at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa mga kamay ni queen.

"Opo naman tito , magpapalakas po ako at tsaka magpapagaling para sa ganun ay sa bahay niyo na ako dalawin at hindi dito sa hospital" napatingin naman siya sa akin ng sabihin niya iyun , kinindatan ko nalang siya ng medyo matagal na siyang nakatitig sa akin.

"O siya maiwan ko na muna kayo at bibili na muna ako ng makakain nating lahat , ikaw queen may gusto ka bang ipabili sa akin?" Tanong ni tito kay frances napatingin naman ako kay dad ngayon na mukhang nag iisip na naman ng sasabihin niya.

"Wala na daddy nandito na kasi yung taong gusto ko eh, mag ingat po kayo sa paglabas at bumalik po kayo agad dad" nakangiting sabi ni queen , napangiti nalang ako ng pilit ganito ba talaga siya kahibang sa akin?

"Samahan na kita pare , bigyan mo na natin ng space yung dalawa para makapag bonding ng sila lang dalawa" tumango nalang si tito sa sinabi ni dad at sabay na silang lumabas ng room.

Napabitaw na muna ako ng pagkakahawak ko kay frances at nagpaalam na mag si cr na muna ako , pagkapasok ko ng cr ay tumingin lang ako sa may salamin.

Bakit hindi ko maiwasang maawa kay frances ngayon? Maganda naman siya , mabait , matalino at isa din sa heartthrob sa school namin pero bakit hindi ko siya magawang magustuhan.

Yung tipong mahal talaga as a lover , napilitan lang naman ako na ma engaged sa kanya dahil sa kagustuhan din ni daddy.

Malaki kasi ang mapapakinabangan niya pag nagkataon na ikasal ako sa nag iisang anak ng pinlac na isa sa pinaka successful na bussiness owners habang yung kumpanya namin ay nangangapa ngayon at mukhang mababa bankkrupt pa.

Pero dahil sa tulong ni tito wilson ay nagiging okay na ito ngayon , di ko maiwasang maguilty ngayon at feeling ko ginagamit lang ni dad yung nararamdaman sa akin ni frances upang maibangon lang yung kumpanya naming pabagsak na.

"Jaydee? Okay ka lang ba dyan? Bakit ang tagal mong lumabas? Nag aalala na ako sayo baka napano kana dyan" katok naman ni frances sa may pintuan ng cr di ko namamalayan na 30 minutes na pala akong nasa loob ng cr at nag iisip ng kung ano ano.

"Okay lang ako queen! Wag kang mag alala lalabas na rin ako , may inaayos lang ako sa damit ko" pagpapalusot ko dito , napatingin muli ako sa may salamin at naghilamos na muna ako dahil medyo nanlagkit yung pisnge ko dahil sa unting patak ng luha ko.

Kinabukasan

Kasalukuyang naglalaro lang kaming dalawa ng basketball ni gabb ngayon dito sa court kaming dalawa lang naman yung nandito ngayon.

"Balita ko nakalabas na yung fiance mo ah! Ano mabuti na ba yung kalagayan niya ngayon? Dapat nagpapahinga na muna siya at hindi na muna siya pumasok ngayon sa school" sabi ni gabb sabay dribble dribble ng bola di ko nalang muna siya inimik , binalak ko namang ii steal yung bola sa kanya ngunit nag spin siya and then tumakbo na papuntang ring at nag lay up.

"Yung doctor niya nakakaalam doon gabb at tsaka mabuti nga iyon dahil nakalabas na siya sa hospital hindi yung lagi nalang akong pinapapunta doon , alam mo naman na yung dahilan ko about don" tugon ko kay gabb at this time ako naman yung may hawak ng bola , pa dribble dribble lang ako ngayon.

At nakatingin lang siya sa may bola may pustahan kasi kami na kung sino ang makakaunang maka 5 na score ay may consequences.

Kasalukuyang nasa 4-3 na yung score at lamang siya sa akin ngayon , well magaling siyang magbasketball gaya ko pero hindi ako magpapatalo sa kanya ngayon.

"Wala ka ba talagang gusto sa kanya dong? Ang imposible naman sa ganda ba naman ni frances? Tapos hindi mo parin siya matutunang mahalin----" habang nagsasalita siya ay gumawa na ako ng moves ko , nagdribble muna ako and then hinawi ko siya ng unti at doon na ako nagfade away at nashoot naman yung nola sa may ring.

"Napakadaldal mo skribikin! Pwede bang wag na natin siyang pag usapan? Like ived said before hindi ko siya magugustuhan at never mangyayari yun over my dead body!" Singhal ko sa kanya sabay kuha nung bola at ibinato sa kanya halos di naman siya makapagsalita ngayon at tila bay naestatwa lang.

Napatingin naman ako sa tinitignan niya ngayon at nandito pala si frances na nakatayo lang sa may bandang malapit aa likod ko , kelan pa siya nakarating dito?

"Fra- frances? Kanina ka pa nandyan?"

"Hmp don't worry jaydee tanggap ko naman na hanggang pagkakaibigan lang yung kaya mong ibigay na pagmamahal sa akin eh , anyway Im here kasi magsisimula na yung klase at wala pa kayo sa classroom" medyo malungkot na sabi niya sa akin , nakikita ko rin sa mga mata niya na medyo naluluha na siya ngunit pinipigilan niyang hindi maiyak sa harap ko ngayon.

"Ah sige frances mauna kana sa classroom at susunod ako! Sa sunod wag mo na akong sunduin dito sa court alam ko naman yung oras ko at yung time ng klase natin eh" medyo irita kong sagot sa kanya , tinusok naman ni gabb yung gilid ko at sinamaan ko lang siya ng tingin dahil doon.

"Ah sige jaydee pasensya kana , mauna na ako mag enjoy kayo ni gabb" huling saad niya bago nilisan ang basketball court.

"Kailangan ba talagang ganun ang itrato mo sa kanya jaydee? Grabe ka di na kita kinakaya! Pag nanalo ako sisiguraduhin kong masaklap pa sa masaklap yung ipapagawa ko sayo" saad naman ni gabb sa akin nginisian ko nalang siya bago magsalita.

"Saka mo na ako yabangan pag nanalo kana , look all 4 na yung score! Kaya bilisan mo na ang pag shoot dahil malilate na ako" walang emosyong saad ko sa kanya habang mahigpit na nakadepensa sa kanya.

Hindi ko nga siya maaaring papanalunin dahil mukhang alam ko na yung ipapagawa niya sa akin at hindi ko nagugustuhan yung naiisip ko ngayon.

Bigla naman siyang nagshoot ng bola ngunit nasangga ng kamay ko kaagad iyun kaya nakuha ko muli yung bola , tskk kala niya maiisahan niya ako doon ah.

Padribol dribol lang ako and then binibilisan ko yung pag galaw galaw upang lituhin ko siya ngunit mahigpit din yung depensa na binibigay niya sa akin.

Kaya wala akong nagawa kundi kahit mahirap ay nag create ako ng unti space upang mapaniwala siya na magpi fade away ako at kumagat naman siya dahil tumalon siya upang i block sana ako ngunit nabigo siya dahil doon ko na nakuha yung opportunity na mag spin and drive to the basket at ang ending ako ang nanalo sa pustahan naming dalawa.

"Tsk! Naisahan mo ako dun dong ah! Sayang panalo na sana ako kanina pa eh! Ano naman yung consequences ko?" Tanong nito sa akin suminyas naman ako na secret na muna at sa sunod ko nalang iyun ipapagawa sa kanya dahil sa ngayon ay kailangan na naming magtungo sa classroom namin.

"Ikaw Gabbo?wala ka bang balak na pumasok bakit hindi ka sumusunod sa akin ngayon?" Tanong ko sa kanya ng medyo makalayo na ako at palabas na ng court.

"Sa next subject na ako papasok dong! For sure kasi boring yung klase ni maam kate eh!" Sigaw niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi tumakbo nalang papuntang classroom.









Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

DOP: August 1 , 2021

Continue Reading

You'll Also Like

16.5K 1.3K 62
A multi language story (Tagalog, English and Japanese). Warning! *This story consists a lots of bad words that are not suitable to children.* Teen...
2M 105K 62
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
2.9K 135 33
Only a fanfiction. Nothing connected in real life. [TAGALOG/ENGLISH/a Little Bit KOREAN]
5.9K 158 14
Peter and Yuri had been dating for a while now but what happens when Peter finds out that Yuri was caught up in a shooting?