It's You [COMPLETED]

By andweaya

3.4K 353 168

Elya Kristen Llanos is a type of girl that is serious when it comes to studying. She's always in the library... More

It's You
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note

Epilogue

128 7 6
By andweaya

Epilogue

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng exam room. Kakatapos ko lang mag take ng entrance exam sa SAA.

Sobrang naging distracted ako noong nakaraang buwan kaya hindi ko alam kung makakapasa ba ko.

It's been a month since I last saw him. God knows how much I missed Kipp.

Ang dami kong realization simula ng hindi na kami nagkita. Ang hirap masanay na nandyan lagi yung taong nagpapasaya sayo kapag nagkamali ka ng drawing sa plates, yung palaging kasama mo mag meryenda o mapa lunch-dinner pa yan, yung panunukso niyang bata pa ko at kung paano ako mainis agad sa kanya.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang isang buwan ng hindi siya nakikita. Tapos na kong magreview, tapos na rin akong mag take ng exam, at handa na rin akong simulan kung ano ang tinapos namin ni Kipp.

It's so sad to finished our story when we don't even started yet.

"Hi, El! Nag take ka rin pala!"

Nahihiya akong tumango kay Lara, "Uhm, oo. Sila Kate man, bukas yung schedule niya."

Tumango naman si Lara at saglit lang kami nag-usap dahil nagmamadali rin siya. Madami rin akong nakitang ka batch ko na nag take dito.

Nilibot ko ang paningin ko, umaasang makita ko si Kipp dito. Alam ko namang bakasyon ngayon ng college pero player si Kipp, baka may training sila.

"Ang duga mo," bulong ko at pagod na umupo sa mga bench dito.

Nalibot ko na ang field ng college dito sa SAA pero ni anino ni Kipp, hindi ko nakita.

"Palagi kitang iniisip kung kumusta kana, pero ikaw, tsk." dugtong ko.

Last week, nalaman ko na wala naman pala talaga sila ni Trisha. Kinausap ako ni Trisha nung nagkita kami sa library para ibalik yung mga librong hiniram ko. Ang bobo ko at nag assume agad ako na merong 'sila'. Ang sakit ng mga nasabi ko kay Kipp at isang buong buwan ko pinagsisisihan iyon.

Lahat yata ng social media account ni Kipp, nastalk ko na pero wala siyang panibagong posts na makakapagsabi sakin na okay lang siya. Kahit yata magpost siya ng balat ng candy, okay na ko e.

"Akala ko ba sasamahan mo ko ngayon?" parang tangang kausap ko sa punong katabi ko.

Napabuga ako ng hangin, "Saan kita hahanapin?"

"Bakit sino bang nawawala?"

Bigla akong napahawak sa dibdib ko sa gulat ng may nagsalita sa gilid ko. Nanlalaki ang mata kong sinundan siya ng tingin at halos mapaso ang balat ko ng dumikit siya sakin nang maupo siya sa tabi ko.

"Kipp," mahinang tawag ko sa kanya.

Tinitigan ko siya, mas lalo siyang pumuti. Bago na ang gupit niya ngayon pero mas bumagay sa kanya iyon. Lumingon siya sakin at nakita ko ulit ang mga mata niya. My favorite pair of brown eyes.

"Kumusta exam?" sabi niya na parang walang nangyari saming dalawa.

Nag-iwas ako ng tingin at pinigilan ang sarili kong umiyak.

"O-Okay lang," utal kong sagot, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya ngayong kaharap ko na siya.

Bigla siyang tumayo at inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Nagtatakang tiningala ko siya, "H-Ha?" tangang sabi ko.

Napangisi siya sa naging reaksyon ko. I really miss this man!

"Alam ko namang mas lalo akong gumwapo, pero matutunaw ako nyan sa titig mo." mahanging sabi niya.

Imbis na irapan ko siya ay pinigilan kong mapangiti. Isang buwan ang lumipas at pareho kaming nasaktan sa mga nasabi namin pero parang wala kay Kipp iyon sa pinapakita niya ngayon sakin.

"Let's go somewhere," aniya at siya na mismo ang kumuha ng kamay ko.

"S-Saan tayo pupunta?"

"You'll know when we get there." sabi niya.

Napatingin ako sa kamay namin ngayon. Kanina lang ay hinahanap ko siya tapos kasama ko na siya ngayon, at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Tsaka bakit alam mong nandito ako--" hindi ako natapos sa pagsasalita ng isarado niya ang pinto ng kotse niya ng makapasok ako sa loob.

Napataas ang kilay ko ng gawin niya iyon. Walang nagbago, si Kipp pa rin 'to.

Pinanood ko siyang paandarin ang kotse niya hanggang sa makalayo kami sa school.

"Isa, Kipp! Saan ba tayo pupunta?" tutok ang tingin niya sa daan at parang wala siyang balak sagutin ako.

"Malalaman mo rin," maikling sabi niya at hindi na ulit siya nagsalita.

Hinayaan ko nalang siya at padabog na sumandal sa upuan ng kotse niya. Ayaw niya talagang makipag-usap.

Ang haba ng byahe namin at inabot na kami ng gabi. Hanggang sa napansin kong nasa Tagaytay kami ulit!

"Tagaytay? Papagalitan ako nila mama nyan!" gulat na sabi ko kay Kipp at sinundan siya ng lumabas na siya ng kotse.

Agad na bumungad sakin ang lamig ng hangin kaya napakayakap ako sa sarili ko.

"Suotin mo muna," sabi ni Kipp at siya na mismo ang nagsabit ng jacket niya sa balikat ko.

"T-Thank you," nag-init ang mukha ko sa ginawa niya, sobrang lapit lang niya sakin ngayon!

"Don't worry, I already informed your parents about this."

"Nakausap mo sila mama?! Kelan pa?"

Tapos ako hindi mo kinausap?!

Nagkibit balikat lang siya at tinuro ang nasa baba namin. Nandito kami ngayon sa may gilid ng kalsada at tanaw dito ang buong Tagaytay. Perfect for night seeing.

Napanganga ako ng makita ko ang maliliit na ilaw na nanggagaling sa mga bahay at building. Parang mga bituin sa ilalim.

"You like it?" tanong sakin ni Kipp at tinulungan akong makaupo sa likod ng sasakyan niya.

Tumango ako at humarap sa kanya.

"K-Kumusta kana?" kinakabahang sabi ko.

Tumingin siya sa harapan namin bago sumagot, "I will lie to you if I say I'm fine,"

Napayuko ako at nagsimulang mangilid ang luha ko.

"Sorry, Kipp." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya iyon. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"S-Sorry kung naging duwag ako. Sorry kase nasaktan kita sa mga nasabi ko." pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. "Sorry kung nagbulag-bulagan ako sa feelings mo, kung pinaghinalaan kita. Sorry kung--"

"Enough with the sorry's, El." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at pilit na pinatingin niya ako sa kanya.

Nakita ko ang malungkot na ngiti sa mukha niya ng makitang umiiyak ako.

"Until now, I hated myself for making you cry. For making you confused on your own feelings because of how I treated you for the past seven months." pinunasan niya ang luha ko.

"Hindi ka nawala sa isip ko El. Ang hirap magpigil na hindi ka kausapin, na hindi kita puntahan."

Nakita ko ang pangingilid ng luha niya kaya bigla siyang napaiwas ng tingin at pilit na tumawa.

"Every time I'm with you, it's so hard to hold back my thoughts of asking you to be my girlfriend." aniya at mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa kamay ko.

Nakita ko ang pagtulo ng luha niya sa kanang mata niya ng ibalik niya ang tingin niya sakin, "I am sorry if you think I'm just playing around you, El. But it's not." humugot siya ng malalim na hininga at pilit na ituloy ang sinasabi niya.

"My feelings for you will never expire. Sa sobrang paghihintay ko ng tamang oras para sabihin sayong mahal kita," another tear roll down on his cheek, "napagod kana pala."

Umiling ako at inabot ko ang pisngi niya. "I'm sorry, Kipp. Hindi ko sinasadyang sabihin sayo iyon. N-Nadala lang ako but I never got tired of you,"

Nakakalunod ang tingin niya ngayon sakin kahit na may luhang nakaharang sa mga mata ko. Ang sakit na makitang nasasaktan si Kipp.

"I missed you, Kipp." sabi ko habang unti-unting pinupunasan ang pisngi niya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng hawakan niya ang isa pang kamay kong nasa pisngi niya.

"I don't think I can hold back anymore, El." sabi niya at unti-unting bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Napaawang ang labi ko ng makuha ko ang sinasabi niya. Dahan-dahan akong tumango at sa isang iglap ay tinawid na niya ang pagitan naming dalawa.

He kissed me.

Marahan pero ramdam ko ang pagkasabik ni Kipp sa akin ng halikan niya ko. Ito ang unang beses ko at para kong nalulunod sa mga halik niya ngayon.

Hinawakan niya ang likod ko at inalalayan ako. Napadilat ako ng tumigil siya. Parehas kaming naghahabol ng hininga.

Parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Namumula na panigurado ang mukha ko ngayon.

"Elya,"

Bumalik ang wisyo ko ng tinawag niya ng marahan ang pangalan ko. Ibinalik niya ang kamay niya sa isang kamay ko at pinisil niya ito.

"I refrain talking to you nor seeing you because I want you take your time to think, to respect your decision that day. But I don't think I can go on another day without talking to you." diretso lang ang tingin namin sa isa't isa at parang ayaw naming palagpasin ang bawat segundo.

Sapat na ang isang buwan na nasayang at nawala sa amin.

"But now, I'm not going anywhere. I won't leave you again, El and I will be here every single time you need me. You can doubt it, you can try to push me away."

Pinigilan kong mapangiti sa sinasabi ni Kipp. Parang hinahaplos ang puso ko.

"If you think there are a hundred reasons to leave, you're the only reason I'll ever need to stay."

Tumango ako at hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Nginitian ko siya, "Hindi naman kita papaalisin."

He smiled widely when I said that.

"I love you, Elya." kumikislap ang mga mata niya ng sabihin niya iyon.

"You can take your time to love me, just let me love you, El."

Umiling ako at niyakap siya. Nakita ko pang nagulat siya sa ginawa ko pero ilang segundo lang ay niyakap niya ko pabalik.

"I don't have to take my time anymore, Kipp. I don't want to take my time for you." sabi ko at pinigilan ang pagluha ko ulit sa sobrang saya.

"Mahal kita, Kipp." sabi ko at hinarap siya. Kita ko sa mga mata niya ang saya sa sinabi ko.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"It's you who I love, it's you who I want to be with for the rest of my life, Kipp."

Hinalikan ako bigla ni Kipp. Saglit pero nakapagpagulo ulit ng sistema ko.

"Can Kipp, keep you forever, Elya Kristen Llanos?"

Napangiti ako sa kanya at bahagyang natawa. Binalik niya ang ngiti sa akin at diretso ang tingin sa akin habang hinihintay akong sumagot.

Tumango ako.

"Yes. Elya wants Kipp Blair Esvega, to keep her forever."

Waiting is so hard. But I'll spend as much time alone as I have to, if that means getting to spend my life with you.

END

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 282 38
Wattys 2021 Awards Shortlist As a daughter of a well-known actress, Frans Constantino wants to make a name of her own without her mother's legacy. Hi...
85.8K 2K 38
Lana Marjorie del Rey refused to be a puppet of a world she doesn't admire. She was tired of being not herself anymore. She destroyed the image they'...
33.4K 1.3K 25
Season Series #1 Elizabeth Labejo, an architecture student, that is full of charms. Many boys like her. Isang ngiti lang niya kasi ay mahuhumaling ka...
355K 18.6K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.