Dauntless

By hakudennn

51 8 2

They don't know where they is... More

Intro
Foreword
SIMULA
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6

KABANATA 1

7 0 0
By hakudennn





KABANATA 1



Natulala ako habang naglalakad. Hawak-hawak ko na ang porselanang papel na ibinigay sa amin ni Professor Gauther kanina bago kami umuwi.

Hindi man makapaniwala, muli kong binaba ang tingin sa papel para basahing muli ang nakasulat dahil baka namamata lang ako pero ganoon pa rin ang nangyari nang basahin ko ulit.

Find Dios Sovran, the Supreme God.

Ilang buntong hininga ang ginawa ko. Totoo ba talaga 'to? Ang misyong ibinigay sa amin ay ang hanapin ang matagal nang walang nawawalang Pinakamataas na Diyos. Ano ang pumasok sa isip ni Guro para ipagawa sa amin ito kung kahit ang pinakamalakas at pinakamatalinong tao sa buong Nervana El Rius ay hindi ito mapagtagumpayan.

Walang sino mang makakahanap sa kaniya dahil ginusto niyang mawala at hindi nagbigay nang palatandaan. Kaya bakit ito ang ibinigay sa amin gayong alam nang kahit na sinong hindi namin ito matatagumpayan?

Mahirap itong gawin. Hindi ko alam kong magagawa namin ito. Ngayon pa lang, alam ko nang hindi kami makakapagtapos sa El Rius Ludimier. Mayroon man kaming tapang, lakas at talino ay tiyak hindi ito oobra sa kapangyarihan nang Pinakamataas na Diyos.

Mas mabuting itigil ko na lang ang pag-iisip tungkol sa misyon namin dahil sumasakit lang ang ulo ko. Parang pinupukpok nang martilyo ang aking sentido sa kakaisip. Nakakalilo.

Tinahak ko ang daan pauwing bahay namin. Nang dumaan ako nang bayan, ang nagsisigawang tao agad ang umagaw nang pansin ko. Marami sila at may hawak-hawak na banderang kinakaway.

Nagpo-protesta na naman sila laban sa Hari nang aming kaharian. Kahapon lang nang ipabatid sa buong Ludimier na tataasan ang buwis para sa mga magsasaka at manggagawa. Kaya ito sila ngayon, nagtipon-tipon para magprotesta. Batid naman sana nilang wala silang magagawa sa utos nang Hari. Mapapatay lang sila kung ipagpipilitan nila.

Ganito ang sitwaston ilang daang taon na. Hindi tumitigil ang away at mga sakuna. Hindi pa natatapos ang isa, darating ulit ang panibago. Lalong lumalagap ang rebelyon sa paglipas nang mga taon. Dahil na rin ito sa mga sakim sa kapangyarihang mga pinuno. Inaasam nilang maging maunlad ang kaharian pero hindi nila naiisip na ang mga tao ang naapektuhan at naghihirap.

Umiling ako. Nagpatuloy na ako sa paglalakad para mabilis na makauwi. Nang marating ang malayong parte nang bayan, sa kagubatan nang Fliore De Cereses, pumasok ako sa pamilyar na daan at narating ang isang maliit na kubong kinatutirikan nang bahay namin. Napapalibutan nang evergreen tress ang bahay at mayayabong na bulaklak na tanim ni Lola.

"Inay, Lola, nandito na po ako!" Magiliw akong pumasok at inilapag ang bag sa mesang gawa sa kaboy sa maliit naming tanggapan. Mayroong tulip at rosas sa payak naming flower vase.

Agad akong dumiretso sa kusina at doon naabutan ang Inay at si Lola na naghahanda nang pagkain namin.

"Oh, nandito na pala ang mahal na prinsesa!" bumungisngis ako sa tinuran ni Lola at lumapit para sumilip sa niluluto nila.

"Ano pong lulutuin n'yo?" tanong ko. Tipid na lumingon sa akin si Ina.

"Siyempre ang paborito mong sinabawan na manok." Sagot niya kaya lumaki ang ngiti ko. Nakita ko nga ang kinatay na manok.

"Tiyak marami na naman akong kain nito! Sige po, akyat po muna ako para magbihis at babalik din agad!" Paalam ko. Tumango si Mama at Lola sa akin kaya pumanhik na ako at umakyat sa kwarto. Isa lang ang kwarto sa bahay kaya halo-hapo ang gamit naming tatlo pero maayos itong nakaparte sa mga lalagyan. Walang kama dahil sa lapag lang kami natutulog.

Nagpalit ako nang aking saya at damit at nagsuot nang isang lumang puting bestida na lagpas nang aking tuhod. Binunghay ko ang mahabang buhok na nagiging kulay ginto sa tuwing matatamaan nang sikat nang araw. Ito'y hindi langkaraniwan sa mga dalagang kaedad ko at parating umaagaw nang atensiyon nang iba. Pinagmasdan ko rin sa maliit na salamin ang aking mukha.

Maputi ako. Fair as snow, tawag nga nila. May maliliit akong wrinkles sa ilong at parteng pesnge pero hindi naman ito pangit o marumi tingnan. Halata dahil sa kaputian ko. Lalo na kung mainitan, namumula ang aking pesnge. Maninipis naman ang labi ko at perpekto ang hugis nang aking mga kilay. Katulad nang buhok, kayumanggi ang kulay nang aking mga mata at nagiging ginto sa tuwing matamaan nang araw. Hindi ako katangkaran, normal lang. May mga kaedad akong matanggkad sa akin, mayroon ding maliit kaysa sa akin.

Ilang pasada pa sa sarili sa salamin, nagpasya na akong tumayo para bumaba. Nasa pinto na ako at palabas na sana nang mapatid ako sa isang bagay sa pintuan.

Isang maliit na pahabang kahon at sa ibabaw nito'y isang litraro nang isang babae. Kumunot ang noo ko at yumuko para ito'y abutin.

Pinagmasdan ko ang litrato. Nanindig ang balahibo ko at nakaramdam nang pagtataka.

Sino ang babaeng ito?

Bakit nasa kahon ito ni Lola?

At higit sa lahat, bakit ko siya kamukha?

Hindi lang magkamukha, magkamukhang-magkamukha kami na para bang nananalaming lang ako maliban sa sinauna nitong suot at malinis na naka-ayos ang gintong buhok niya. Siya'y nakangiti at nakakahumaling ang dala nitong halina sa sino mang makakita nito.

Labis gumulo ang pag-iisip ko. Bakit kami magkamukha? Si Ina ay ang tunay kong Ina pero bakit hindi naman kami magkamukha?

Ibinaba kong muli ang litrato at ibinalik sa ibabaw nang kahon. Itinabi ko ito at gilid bago lumaba nang gumugulo ang isipan.

Sino ang babaeng iyon?

Naghahanda na nang pagkain sina Ina sa hapag kaya kahit gumugulo pa ang isipan, tumulong ako sa pagkuha nang tubig. Umupo kami at tahimik na kumain.

Dalawang bagay na ang gumugulo sa isipan ko ngayon. Ang misyong ininatang sa amin at ang babaeng kamukha ko.

Ngunit sa dalawa, anong madaling bigyan nang kasagutan?

"Nagpadala nang sulat ang Akademya. Mayroon daw kayong misyong gagawin sa susunod na araw?" biglang nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang magsalita si Ina. Si Lola ay tahimik lang at nakikinig.

Bahagya pa akong nagulat dahil nalaman nila bago ko pa ito masabi sa kanila. Pinadalhan nila nang sulat ang mga magulang namin dahil ito'y isang seryosong misyon at aabutin nang matagal.

"Opo, Ina," sagot ko.

"Aabutin daw nang tatlong buwan ang misyong iyon at ngayon pa lang, nag-aalala na ako. Baka mahirap ang ibibigay sa in'yong misyon at malagay ka sa kapahamakan. Nag-aalala ako, Arza,"

Lumunok ako. Mahirap nga, Ina. At delikado. Pero mas mabuti na lang na hindi ko sabihin dahil tiyak mag-aalala kayo. Ayaw ko nang mangyari 'yun.

"H'wag ka po mag-alala, Ina, titiyakin kong magiging ligtas ako bago matapos ang misyon. Uuwi po akong ligtas at makakapagtapos sa Ludimier." Paninigurado ko kahit hindi ko rin alam kung iyon nga ba.

"Pero hindi mo maaalis sa amin ang mag-alala, anak. Kung pwede ka lang naming protektahan sa lahat nang oras, gagawin namin." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi nang Ina.

"Matanda na ang anak mo, Arizona, kaya na niya ang sarili niya. Tama na ang pag-aalala at supportahan siya. Iyon ang kailangan nang apo ko." Ngayon ay sumabat na si Lola kaya tipid akong ngumiti.

Bigla na naman ulit pumasok sa isip ko ang litrato kaya nangati akong magtanong tungkol dito.

"Pasensiya na, Ina. Hindi ko lang talaga maisip na ang laki na nang prinsesa ko at kaya na niyang tumayo sa sarili niya. Biruin mo, ilang buwan na lang makakapagtapos na siya  at magkakaroon pa nang misyong hindi sigurado ang kaniyang kaligtasan."

Hindi ko talaga mawawala ang pag-aalala ni Ina. Tatlo na lang kaming magkasama. Walang pera at nabubuhay kang sa pagbebenta nang bulaklak sa bayan ang pamilya namin. Kung ano mang abutin ko sa misyon ay magdudulot nang labis na pag-aalala sa kanila.

"La," biglang pumasok sa isip ko ang gustong itanong.

"Ano iyon?" sabat ni Lola kaya napunta sa kaniya ang tingin ko.

Tumikhim ako at lumunok bago muling nagsalita.

"Kanina, nang palabas na ako, nakita ko 'yung kahon mo nang mga gamit at nakita ang isang larawan sa ibabaw."

"Litrato? Ano bang litrato iyon?" tanong niya.

"Litrato nang isang babae na kamukhang-kamukha ko. Gusto ko lang po sanang tanungin kung sino siya? At... bakit magkamukha kami?" nag-aalangang tanong ko. Namalat agad ang aking lalamunan.

Si Ina at Lola ay nagkatinginan. Para bang nag-usap sila sa pagitan nang kanilang tingin. Napansin ko iyon kaya mas nagtaka ako.

Umawang ang labi ni Ina habang hindi nakasalita agad si Lola. Nag-aalangan pa siyang nagsalita, natid ko kahit itago niya.

"Wala. Wala iyon," aniya.

Bumaba ang tingin ko sa mesa at muling umakyat sa kanila. Naabutan ko muling nagkatinginan sila kaya tumikhim ako.

May pagtatanong ang akin ekspresyon.

"H'wag ka nang magtaka, anak. Iyong nakita mong litrato ay ang Lola nang Lola mo." Ngumiti nang malaki si Ina. Bahagyang gumaan ang pagtataka ko.

"Ganu'n po ba?"

"Matagal ko na kase iyong tinatago at nakalimutan ko kaninang iligpit nang naghalungkat ako nang mga gamit. Iyon lang kase ang nag-iisang iniwan sa akin nang aking Ina bago siya mamatay." Sabat ni Lola at inabot ang aking kamay para marahan itong haplusin.

Agad din naman akong nakumbinse dahil magkamukha nga naman kami ni Lola. Hindi malayong maging magkamukha kami nang kaniyang Lola.

Nagkaroon nang sagot ang tanong sa utak ko kaya naging magaan ang aking pakiramdam nang matulog.

Nang sumunod na umaga, maaga akong pumasok para pag-usapan ang binigay sa aming misyon ni Guro.

Doon na nagsimula ang realidad na kakaharapin namin. Sa malaki at mataas sa aklatan nang El Rius Ludimier Academy, nagtipon kaming anim para maghanap nang palatandaan kung paano namin sisimulan ang misyon.

Mahirap dahil wala kaming alam. We don't know where to start, where to go and who to seek.

"Paano tayo magsisimula? Sino? Ano? Saan? Gosh! Nakakabaliw ang misyong ito!" reklamo ni Akhira na nakatingin din sa nilatag naming mga libro sa pabilog na mesa kung saan kami nakapalibot.

"Gosh, so true! I hate Proof. Gauther now!" sabat naman ni Khione. Kapwa sila nagkatinginan at nang malansin ang ginawa, nagkairapan sila sa isa't isa. Napa-iling nakang kami sabay nina Prudence at Gihon. Habang si Rithius ay tahimik lang na nakasentro ang atensiyon sa mga libro.

"Anong gagawin natin sa mga librong ito?" Gihon asked.

Prudence licked his lowerlip and brushed his hair.

"We're going to find clues where to start this mission." Halatang nahihirapan na ring sagot ni Prudence. Kahit siya na matapino kaysa sa amin ay nahihirapan sa misyong ito.

Paano kami makakahanal nang mga daan?

Without saying anything, nauna akong kumuha nang libro at binuklat para maghanap na. Wala nang panahon pa para magsayang nang oras kaya sila'y sunod din kumuha nang libro.

Naging seryoso kami. Isang oras, waoang nagsalita. Lahat ay pokus sa paghahanap nang possibleng paraan sa mga librong makasaysayan.

"Arghh! My head is spinning na! Hindi ko na ata keri ito!" Khione complained after two hours of reading her thick Political book.

Nang lingunin ko si Akhi ay ganoon din ang mukha niya at mukha nang masusuka sa kakabasa sa book of ancient poetry. Si Gihon ay seryoso lang pero alam ko ring gusto nang sumuko. Si Prudence ang siyang mabilis sa pag-ungkat nang mga libro at ta-tatlo ang librong mga biansa para madali. Nanh lumingon ako sa malayong gilid, nakita ko si Rithius na nanatiling seryoso at tahimik din na nagbabasa habang nasa pesnge ang kamay. He look blunt and uninterested but I know he's worrying for our mission too. Nakakainggit lang dahil kaya niyang itago ang tunany na nararamdaman.

Inabot kami nang tatlong oras. Apat na oras. Hanggang sa magtanghalian at lansamantalang natigil ang paghahanap namin, pero nanatili kaming bigo. Kahit isa, wala kaming nahanap. Bukod sa malaki at makakapal ang mga libro ay nakakalilo rin ang liit nang titik nito.

Sa mga nababasa ko, puro mga gawa nang tao ang nakalagay at hindi manlang nakalagay ang mga Diyos at Diyosa na para bang in-altered nila ito.

Para na akong mababaliw. Si Khione at Akhira ay wala nang tigil sa pagrereklamo habang ang mga lakake ay tahimik lang pero pinagpapawisan na. Kahit si Rithius ay naging mas atentibo sa binabasa.

We were desperate to find clue until 3:00 pm came. Still, now clues find. Nagbigay ma nang painang paalala na magsisira na ang aklatan kaya mas dinalian namin ang paghanap. Ang kaninang tatlong libro ni Prudence ay naging pito na. Parang ako ang mauubusan nang dugo sa pagtingin sa kanila.

Muling nagpaalala ang Librarian at ito'y palatandaang sasara na ang aklatan nang dalawang minuto kaya halos yakapin na ni Prudence ang mga librong binabasa.

We were like in the edge of a deadly fall with our lives endangered so we're like a lion trapped in the water very desperate to find our way out.

And just as before the lights turned off, pabagsak na binitawan ni Prudence ang librong binabasa niya at inagaw lahat ang aming atensiyon.

"I think I know now we're to start!" he exclaimed, very tensed kaya pati ako ay parang sinalang na rin sa apoy sa kaba at kabog nang dibdib. Halos mabingi ako.

Mariin akong pumikit at nanalanging sana maging maayos ang misyon naming ito. Nagsalita muli si Prudence.

"In order to find the Surpeme God, we need to find first his right hand." Aniya.

"S-sino? At buhay pa ba 'yun? Matagal nang panahon ang nangyari at hindi tayo nakakasiguradong buhay pa ang kaniyang kanang kamay, Dence." Halata ang kaba sa kanilang mga tinig. Habang ako'y nanatiling nakapikit at naghintay nang sunod niyang sasabihin.

"You forgot something."

Naningkit ang mata ni Prudence sa biglaan pag-usal ni Rithius kaya naimulat ko ang mata.

"What is it?" takang tanong ni Prudence.

Rithius craned his neck and pointed the book of history of curses. We all looked to it dumbly, without any idea.

"When Dios Sovran casted the curse, one human survived." Rithius said. Kumabog ang dibdib ko. Gusto ko nang marinig. Kinakabahan ako sa paghihintay.

Pansamantalang natahimik ang lahat sa sinabi ni Rithius. Nagkatinginan si Prudence at Gihon, kapwa napapaisip kung sino ang tinutukoy ni Rithius.

"Ang kanang kamay niya!" Gihon exclaimed. Umawang ang labi ko.

"He's alive." Prudence murmured. Kaming mga babae ay natahimik pero bagsak ang mga panga.

"I know it now." Prudence marked a particular page in the book of History at nakita ang pangalang binilogan niya.

"Elmodor Veu Dorzan."

He looked at us, very determined to start and finish this mission.

"He will be the key of this dauntless mission."





Continue Reading

You'll Also Like

210K 2.6K 77
ဖအေကနေ သားကိုသွားထားတဲ့ ဇာတ်လမ်းသာဖြစ်ပါတယ် ဖေအက သားကိုသြားထားတဲ့ ဇာတ္လမ္းသာျဖစ္ပါတယ္
115K 1.8K 22
bl . Taekook 🔞🔥 បម្រាម:ក្មេងក្រោម18ឆ្នាំ🙏 សូមអភ័យទោសរាល់ពាក្យពេចន៍មិនសមរម្យ🙏🔥
33.4K 1.4K 26
Basically, the sin of sloth got transported to the world of demons, reapers, and angles by her littler brother greed. Let's see how sloth have a new...
540K 13.4K 42
Psycho brothers and a little angel sister sounds not so good together right? so what happens when an sweet angel comes live with her lovesick pyscho...