I'm Just A Babysitter (COMPLE...

By Liona_Wilhelm

82.4K 2K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... More

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 2: BONDING
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 13: AWAY
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 18: SUITOR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 22: GRIEF
CHAPTER 23: TEAR
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 25: GIVE UP
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 27: LISTEN
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 30: FOLLOW
CHAPTER 31: ACE CARDS
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 38: HOME
CHAPTER 39: FOREVER DREAM
LAST CHAPTER: TWIN

CHAPTER 32: STAY

1.7K 55 3
By Liona_Wilhelm

Quebec's POV
"Oh nakatulog na?" Tanong ko kay Xenon paglabas ko ng banyo.

Tumango naman siya at marahang niyakap ang anak niya na mahimbing na ang tulog. Nakahiga silang dalawa sa ilalim ng higaan ko na may kalakihang sofa kaya kasya sila.

"How about Lancelot and Landon?" Tanong ko saka lumapit sa kanila at hinaplos ko ang buhok ni Lanaia.

"Tinabihan naman sila nila mama nung umalis kami ni Lanaia."

Napailing ako. "You used her right?" I said.

Napakunot nuo siya. "Used who?"

"Her." Sabay tingin ko kay Lanaia.

Umiling siya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "Why would I do that! Nagising si Lanaia nung bumangon ako sa higaan dahil sa tawag ni Cassandra. Tapos nakita niyang paalis ako kaya umiyak. Wala akong nagawa kung hindi ang isama siya dahil magigising yung dalawa." Katwiran niya.

Umiling ako at nagtungo sa maliit kong dining table para kausapin ang employer ko. Tinignan ko sandali si Xenon na nakatingin sa akin saka ko siya inirapan. Wala na, nagtagumpay na sila na pigilan ako paalis ng bansa. Iyak at mahigpit na yakap pa lang ng anak ko kanina nalusaw na ako. Biglang naglaho lahat ng plano ko sa buhay at ang gusto ko na lang mangyari ay makasama sila.

"Walang sumasagot. Kapapalit pa lang kasi ng araw at hindi pa office hours." Mahinang sabi ko at bumalik ako sa sofa kung nasaan ang mag-ama.

"Umakyat ka sa taas." Sabi ko sa kanya sabay nguso ko sa taas ng sofa kung nasaan ang higaan ko.

"Huh? Bakit?" Tanong naman niya na nakapikit na ang mga mata at nakayakap kay Lanaia.

"Doon ka matulog. Hindi tayo kasya rito at ako ang tatabi kay Lanaia. Hindi siya pwedeng iakyat sa taas dahil sa hagdan. Baka mahulog pa siya." Sabi ko naman.

"No way! Dito na lang ako sa lapag matutulog at magsasapin na lang ako ng pwedeng pangsapin. Baka mamaya tumakas ka pa papunta ng airport." Sabi niya at agad humanap ng pwede niyang pangsapin.

Umirap ako. "Paano pa ako makakaalis?! Naiwanan na ako ng flight ko! Bahala ka nga sa buhay mo. Basta kami ni Lanaia ang tabi." Inirapan ko ulit siya at nahiga na ako sa tabi ng anak namin.

Pinanggigilan ko pa ang isang kamay ni Lanaia dahil amoy gatas at baby cologne 'to. "Sweet dreams little one. Mommy is just here." Bulong ko saka ko siya hinalikan at ipinikit ko na rin ang mga mata ko pagkatapos.

Hinila rin agad ako ng antok at nang magising ako ay gising na si Lanaia at Xenon. Naamoy ko ang nilulutong pagkain ni Xenon habang si Lanaia naman ay nanunuod sa tv ng cartoons. Nasa tabi ko siya, nakaupo at tahimik lang siya kaya niyakap ko siya.

Naramdaman kong lumingon siya sa akin at inabot ang buhok ko saka hinaplos. Doon ko lang siya tiningala. "Morning baby." Bati ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin saka ako hinalikan sa pisngi. "Morning mommy." Masaya niyang sabi at bumalik sa panunuod.

Pumikit ako at hindi muna agad bumangon. Lalasapin ko muna na nandito ako sa tabi ng pinakamamahal kong prinsesa.

"Lanaia, here's your milk baby." Narinig kong sabi ni Xenon kaya napamulat ako ng mata nang maramdaman ko na umalis na si Lanaia sa sofa.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na inaalalayan siya ni Xenon paupo sa upuan para mainom ang gatas niya na nasa mesa. "Morning. Kain na tayo?" Tanong ni Xenon nang makita niya na gising na ako.

Tumango ako at dahan-dahang tumayo at nagtungo ako sa banyo. Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ko ay sinaluhan ko na rin silang dalawang sa agahan. Dahil dalawa lang ang upuan ng dining table ko ay kinandong ko na lang si Lanaia.

"Yummy?" Tanong ko sa kanya nang subuan ko siya ng kanin na may sauce ng adobo at patatas.

Tumango naman siya at saka sinubukan akong subuan. Natatawa ko namang tinanggap ang kutsarang sinusubo niya sa akin dahil sa iilang butil ng kanin lang ang laman non.

"Sasama ka sa amin ni Lanaia pauwi?" Tanong ni Xenon na dahilan at nawala ang atensyon ko kay Lanaia.

"B-Bakit sasama ako?" Tanong ko pabalik.

Nagkibit-balikat siya. "Ayaw kitang pilitin. Kasi napigilan ka naman na naming umalis. Lalo na at wala naman akong lugar sa buhay mo. Pero sasabihin ko sayo ang ideya ko. Gusto ko na roon ka na ulit sa bahay tumira. Kasama ng mga bata. This time let's try to make our family complete. You being their mother this time, not just a babysitter."

Hindi ako agad nakakibo sa sinabi niya. "What? So we're going to act like a husband and wife in front of them?" Sabi ko nang makabawi ako sa pagkakabigla.

"We'll that's a great idea. Wala naman akong sinasabi pero kung suggestion mo 'yan, sino ba naman ako para humindi." May pagkapilyo niyang sabi.

Inirapan ko siya at sinubuan ko si Lanaia. "Wow. May instant asawa ka. Kaya pabor na pabor sayo 'yang setup na 'yan." Sarkastiko kong sabi.

Nilingon naman ako ni Lanaia. "Don't fight." Saway niya sa akin.

Nginitian ko siya. "We're not fighting baby." Sabi ko naman at hinalikan ko siya sa pisngi.

"See? Inaaway mo ako. Pagtanggol mo ako sa kanya Lanaia. Help dada." Pambibilog naman ng ama niya sa isip niya.

Umingos ako. "Don't listen to him, baby." Sabi ko at inasikaso ko na siya ulit.

"Let's go back to the topic. Yes or no lang naman ang isasagot mo Quebec. Ganon ka na ba talaga katigas pagdating sa mga bata. Tignan mo nga 'yang si Lanaia, halatang miss na miss ka at kahit ilang buwan ka na niyang hindi nakikita, nakilala ka pa niya. But how about our boys? Paano kung nakalimutan ka na nila? Hindi ba masakit para sa kagaya mo na makalimutan ka ng sarili mong mga anak? Kahit na may paraan naman na nakahain sayo? Tutukain mo na lang ang palay."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay kinuha na niya si Lanaia sa bisig ko at dinala sa lababo para linisan ng mukha. Pinagmasdan ko naman silang dalawa.

"Hindi naman kasi dahil sa ayaw kong makita ang mga bata kaya ayokong sumama sayo. Inaalala ko yung mga magulang mo. Alam ko na alam nila ang naging kwento ng buhay ko kasi hindi ka naman magtatago sa kanila ng kung ano pa man lalo na at may kinalaman ako sa mga apo nila."

Nilingon niya ako. "Kung sila mama ang inaalala mo, wala kang dapat ipag-alala. Nung nakwento ko sa kanya ang dahilan kung bakit iniwan mo sa akin ang mga bata ang una niyang sinabi sa akin ay naiintindihan ka raw niya. Sabi pa niya, na kung siya raw ang nasa mga paa mo, ganon din daw ang gagawin niya. Alang-alang sa mga bata, nagsakripisyo ka at hindi madali ang mawalay sa kanila. Na sinangayunan ko naman kasi kung ako man ang malayo sa kanila ng matagal na panahon ay mababaliw ako Quebec. Mababaliw ako kung malayo ako sa mga tao na nagbibigay ng buhay at inspirasyon sa akin."

Lumapit siya sa akin saka ibinigay sa akin si Lanaia para mapunasan niya ng maayos ang mukha nito. "Ikaw? Ano pa bang pumipigil sayo na mapalapit sa mga bata? Una, wala ka naman ng ilegal na trabaho. Pangalawa, alam ko naman na, na ikaw ang tunay nilang ina kaya wala ka ng dapat pang isekreto. Pangatlo, hindi ka naman husgahan nila mama. Lagi ka nga niyang binabanggit sa akin. Lalo na nung bigla kang naglaho at nasa Pagudpud ka pala."

Napatingin ako kay Lanaia na kandong ko. Bigla kasi siya pumihit paharap sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Xenon. "She knows what to do and she's always in timing."

Niyakap ko pabalik si Lanaia. "You ready to go home, sweetie?" Tanong ko sa kanya.

Masaya naman siyang tumango. Binalingan ko si Xenon. "I'm coming with you. Bahala na kung ano ang mangyari. Tapos na ang pagiging duwag ko."

Nakangiti namang tumango si Xenon sa akin. Tumayo ako sa upuan at ibinigay sa kanya si Lanaia.

"Maliligo lang ako." Pumayag naman siya at dinala na si Lanaia sa maliit kong sala at nanuod na sila ng cartoons.

Pagkatapos kong maligo ay umalis na rin kami nila Xenon papunta sa bahay nila. Kinakabahan ako habang nasa daan kami kaya tinawagan ko na lang ang employer ko.

"Pasensya na po talaga ma'am." Hingi ko ng tawad sa kanya nang sabihin niya sa akin na bakit daw naiwan ako ng flight ko kagabi.

"Gaya ng nasa usapan natin Ms. Martinez, nonrefundable yung binayad mo sa amin dahil sa pinirmahan mong kontrata. Pero hindi naman lahat nonrefundable. Kalahati ng binayad mo sa amin pwede naming ibalik sayo kasi hindi ka naman nakatungtong sa bansa na dapat ay pupuntahan mo. Ang kukunin lang namin na binayad mo ay yung ginastos namin sa mga papeles mo, sa flight mo at saka sa service na dapat ay maghihintay sayo sa ibang bansa pagkalapag ng eroplano."

"Nako, maraming salamat po ma'am. Pupunta na lang po ako riyan sa office niyo mamaya para makapag-usap tayo ng maayos."

"Okay. Walang problema. Have a nice day." Binabaan na rin ako ng tawag nito agad. Binulsa ko ang cellphone ko sa sling bag ko saka ko pinugpog ng halik si Lanaia sa mukha at leeg.

Kandong ko kasi siya dahil wala namang naghuhuli sa dadaanan namin. Panay naman ang hagikgik niya hanggang sa hindi na niya kinaya at humingi na siya ng tulong kay Xenon.

"Dada! Dada!" Tili nito habang pilit umaalis sa kandungan ko ay inaabot si Xenon na nagmamaneho.

Natatawa naman si Xenon na nilingon si Lanaia. "What is it baby? Hmm?"

"Help! Help!"

Natawa kami parehas ni Xenon sa sinabi niya. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa bahay nila. "Relax." Sabi sa akin ni Xenon nang mapansin niya na kinabahan ako.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at bumaba na kami ni Lanaia ng kotse. Hindi pa kami nakakapasok ng bahay ay naririnig na namin ang pag-iyak nila Lancelot at Landon.

"Hays. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko." Mahinang bulong ni Xenon at inaya na kami ni Lanaia na pumasok sa loob ng bahay.

Karga ko si Lanaia pagpasok namin at naabutan namin sa sala ang daddy ni Xenon na mukhang papasok na dahil nakasuot na ito ng uniporme ng sundalo. Karga niya si Lancelot na panay ang iyak. Nang makita kami nito ay lalo itong naiyak.

Mabilis itong nilapitan ni Xenon at kinuha sa daddy niya. "Ayaw akong papasukin sa trabaho. Hindi ka kasi nakita paggising niya." Sabi ng daddy nito at nagulat pa ito nang makita ako.

"M-Magandang umaga po." Bati ko rito.

Ilang sandali pa ngumiti na rin ito. "Magandang umaga rin. Kayo ba ay nag-agahan na?" Tanong nito na tinanguan naman namin ni Xenon.

Bigla naman lumabas si ma'am Sarah na karga si Landon na umiiyak din habang may hawak na bote ng gatas. Umiling ito nang makita si Xenon. "Ayaw magsikain."

Lumapit siya sa gawi namin at doon niya ako napansin. "Oh! Someone's here. How are you hija. Tagal na nating hindi nagkikita. Let's talk later? Hmm?"

Tumango ako at nakipagbeso sa kanya. Si Landon na karga niya ay tinitigan ako. Siguro ay kinikilala niya ako. Nang tumahan si Lancelot ay si Landon naman ang binuhat ni Xenon.

"You're now big boys. Bakit umiiyak pa kayo?" Daing ni Xenon nang buhatin si Landon.

Ngumiti lang sila ma'am Sarah at nagpaalam na si sir Michael na papasok na dahil may duty siya ngayon. "Ikaw Xenon, dalhin mo na ang mga bata sa hapag. Malilipasan ng gutom 'yang mga 'yan. Ikaw Quebec, kumain ka na ba?" Sabi ni ma'am Sarah nang makaalis ang asawa niya.

Tumango si Xenon at dinala sa hapag si Landon at Lancelot. Si Lanaia naman ay naglalaro rito sa center table ng mga barbie niya. "Opo ma'am. Kumain na po kaming tatlo ng agahan sa apartment ko."

"Upo tayo. Hanggang ngayon ba ma'am pa rin ang tawag mo sa akin?"

"P-Po?"

"Call me tita. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit sa mga nagawa mo noon. Kalimutan na natin ang mga 'yon. Ang importante, nandito ka na ngayon sa tabi ng mga bata. Hindi ko na poproblemahin pa ang kinabukasan ni Xenon pati ng mga bata. Kasi may katuwang na siya sa kanila."

Hindi ako nakaimik. Hinawakan ni ma'am Sarah ang kamay ko. "I'll tell you our family's story. Bata pa si Xymon at Xenon, nagkalabuan kami ni Michael. Tatlong taon lang si Xenon non, tapos si Xymon maglilimang taon. Naghiwalay kami ni Michael dahil sa isang babae na umaangkin sa asawa ko."

"Dahil sundalo siya, noon madalas siyang madestino sa ibang lugar lalo nung kasagsagan ng programa ng gobyerno kontra terorista. Tapos isang araw, kababalik lang niya sa isang misyon kaya may isang linggo siyang bakasyon kasama namin. Sa bahay lang kami non, nagbobonding na pamilya. May sumugod na babae at sinabi sa amin ng harap-harapan na nabuntis daw siya ni Michael."

Umiling-iling ito. "Nag-away kami ni Michael kahit na tinatanggi ni Michael na kanya ang bata kasi hindi naman daw niya matandaan yung babae. Pero inamin naman niya na nambababae siya kapag nadedestino sa ibang lugar. Na ikinapagtataka ko dahil hindi ko man lang nalaman gayong pareho lang naman kami ng trabaho. Kumbaga nasa small world lang kami at may mga kasama akong sundalo na nakakasama niya rin sa field. 'Yon pala pinagtatakpan nila siya. Naghiwalay kami. Hindi ko kasi matanggap yung panloloko niya. Umalis kami ng mga bata at dinala ko sila sa bahay ng mga magulang ko. Kasi alam ko na hindi kami pupuntahan doon ni Michael dahil mahihiya siya."

"Sobrang mapride ako non Quebec. Hindi ko ginagamit yung mga inaabot niyang sustento kila Xenon. Hindi ko rin naman binabalik. Tinatago ko lang at balak ko na kapag naipon ay saka ko isosoli kay Michael. Kaso nalooban yung bahay namin. Nakuha lahat ng pera na tinago ko. Alalang-alala si Michael non lalo sa mga bata. Pinababalik na niya kami kasi raw miss na miss niya na raw kami tapos hindi raw siya mapakali kung wala kami sa tabi niya matapos nang nangyari."

"Dahil mapride pa rin ako non, hindi ako pumayag. Hanggang sa naisipan ko na lang mag-abroad. Umalis ako sa opisina na pinagtatrabahuhan ko dahil nawalan na rin ako ng gana maging katrabaho ang mga kapwa ko sundalo roon. Pakiramdam ko kasi napagkaisahan ako. Pinigilan ako ni Michael. Nakiusap siya na huwag ko raw iwan ang mga bata sa mommy at daddy ko. Siya na lang daw ang lalayo. Ayaw daw niyang lumaki ang mga bata ng wala ako sa tabi nila lalo na at nag-uumpisa pa lang silang magkaisip non."

"Pumayag ako. Pero sa isang kondisyon. Sinabi ko sa kanya na maghahain ako ng annulment. Naipit siya non at hindi siya sangayon pero pumayag siya. Huwag lang ako umalis ng bansa. Ang plano na 'yon ay nagulo. Nabuntis ako ni Michael kaya nagbalikan kami kaya lang nakunan ako dahil sa stress. Pero sa panahon naman na pinagbuntis ko ang sana ay bunso namin, ginawa niya ang lahat para bumawi sa amin ng mga bata, lalo at maselan ang paglilihi ko non."

"Magkaiba tayo ng kwento Quebec, pero kaya ko sinabi sayo ang kwento ng pamilya ko ay para malaman mo kung ano rin ang mga sinakripisyo ko noon para sa mga anak ko. Alam ko rin ang hirap ng mawalay sa mga anak dahil madalas ko silang iwan non sa mga magulang ko nung nagbabad ako sa pagtatrabaho sa malayo. Kaya maniwala ka man sa hindi, hindi ako galit sayo. Pero nakikiusap ako. Sana ngayon na mukhang wala naman hadlang para mabuo kayo, subukan niyong buoin yung pamilya niyo para sa mga apo ko."

Continue Reading

You'll Also Like

71.3K 3.1K 20
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.
No Escape By Navi

General Fiction

98.6K 2.6K 33
Warning spg!!! Contains. Drugs, murder. Read at your own risk. Hanggang sa kamatayan, hanggang sa kabilang buhay ayaw kitang iwanan. Xantheus...
7.9K 340 31
Gwen was sixteen years old when she got pregnant and become a single mom. Wait, what?!
82.4K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...