MY WISH UPON THE STARS (SEBY)

By Amyfinity_writes09

6.1K 599 32

SeBy Sci-Fi Story :)) The worst feeling isn't being lonely , it's being forgotten by someone you've never for... More

Profiling Only
#1
#2
#3
#4
#5
#7
#8
#9
#10
#11
#12
#13
#14
#15
#16
#17
#18
#19
END

#6

186 23 0
By Amyfinity_writes09

Abelaine's Pov

Naupo na si rans sa may upuan na kaharap ko pa mismo di naman ako makatingin sa kanya ng diretso , ang ganda niya kasi naiilang ako tumingin sa kanya.

Tapos itong dalawa kong kaibigan todo din kung makasupport sa akin sa crush ko , yeah i can say na crush ko tong si rans at gusto ko pa siyang makilala ng lubusan kaso nga lang nahihiya ako.

At nauutal pa ako sa tuwing nakakausap ko na siya , like the legendary abelaine oh nauutal masyadong pahalata tong dila ko eh.

"Hoy abelaine! Chance mo na yan oh kausapin muna si rans o di kaya yayain mo na mamaya na mag dinner to get to know each other" mahinang sabi ni sheki , sinamaan ko naman siya ng tingin sa sinabi niya.

Nakakahiya naman kung ganun agad , baka maging awkward pa yung sitwasyon kung itatanong ko kaagad yun.

"Uy rans? Sigurado ka bang magkaibigan lang kayo niyang si Jl? Hmp baka naman jowa mo na yan ah! Magtatampo talaga ako sayo pag nagkataon" tanong ni belle kay francinne napatawa naman ito ng mahina dahil sa tanong ni belle sa kanya.

"Hay nako belle! Oo kaibigan ko lang yan si Jl at sorry nalang sayo kung may gusto ka sa kanya kasi baliw na baliw yan sa kaibigan ko na nasa States ngayon" nakakahimlay naman yung mga ngiti mo rans pwede bang itago na muna kita? Baka kasi may makakita sayo na ganyan ka cute tapos dumami pa yung kaagaw ko.

"Grabe ka rans! Mapanakit ka tsaka ang advance mo mag isip , malay mo diba naniniwala naman ako na people and feelings change" tugon pa ni belle napatawa naman ako sa kanya ngayon at napatingin sa akin bigla si rans kaya nawala yung ngiti ko nahiya ako eh.

"Oh himala tumatawa ka pala abelaine? Akala ko di uso yung pag ngiti sa iyo eh" pagbibiro pa ni rans sa akin , tinignan naman ako ng mapang asar nila sheki at belle at dahil doon inapakan ko yung mga paa nila na siyang ikinadaing nilang dalawa.

"Aray/Ouch!" Sabay nilang bigkas dalawa , nagtaka naman si rans kung ano yung nangyari sa dalawa at bigla naman tong dumating si chinitong hamog.

"Anong nangyari sainyo dalawa? Rans okay na ba to? Ubusin mo tong lahat oink oink ah hahah" pang aasar niya pa kay rans ngayon , epal talaga tong Jl na to.

Bigla naman akong napatayo ng hawiin niya yung buhok ni rans na nakasangga sa may mata niya ngayon.

"Abelaine? Saan punta mo? Di ka pa tapos kumain hoy! Abelaine! Hintayin mo kami matapos!" Sigaw ni sheki ngunit hindi ko na sila nilingon at diretso lang naglakad palabas ng cafeteria.

Nakakawalang gana hays! Hindi ako mamamatay sa gutom eh kundi sa selos , yung tipong selos na selos kana tapos wala namang karapatan.

Nagpunta na ako ng rooftop upang magpahangin muna , nag iinit yung ulo ko sa sobrang inis.

Bigla naman akong napahawak sa ulo ko ng may biglang may nag appear na memories sa utak ko.

"Kumain kana mahal! Kahapon ka pa daw hindi kumakain sabi nila Gia! Ano bang iniisip mo ngayon at sobrang lalim naman niyan? Gusto mo subuan nalang kita? Puro paborito mo pa naman tong pagkain yung mga binili ko" saad ko sa isang babaeng blur yung mukha bigla niya naman akong niyakap ng mahigpit.

"Nalulungkot kasi ako abby paano kung isang araw magising ka nalang at hindi mo na ako mahal , natatakot akong isipin yun abby hindi ko atang kakayanin pag dumating yung oras na yun"

"Wag kang mag alala hinding hindi yun mangyayari habang ako ay nabubuhay, pangako ko yan sayo na hangga't nabubuhay ako ay ikaw lang ang magiging laman nitong puso ko"

"Aaahhh!" Sigaw ko dahil sobrang sakit ng ulo ko ngayon at feeling ko mabibiyak na ito ngayon.

Napaluhod naman ako dahil parang nanghina yung katawan ko dahil doon , napapikit naman ako saglit dahil parang nanlalabo na yung paningin ko.

"Abelaine? Okay ka lang ba? anong nangyari sayo? Tara aalalayan kita papuntang clinic" sambit ng isang pamilyar na tao ngunit ayun nalang ang huli kong naalala bago ako tuluyang mawalan ng malay.

2 hours later

Nagising ako at nagulat naman ako ng makita dito si rans na nakaupo at nakasubsob yung ulo niya sa may kama ko habang nakahawak sa mga kamay ko.

Medyo kinikilig naman ako ngayon pero masakit parin yung ulo ko , napatingin naman ako sa may pintuan ng bigla itong bumukas.

Bumungad sila belle at sheki na may dalang pagkain at mineral water pero sinenyasan ko sila na umalis haha eto na yung chance ko para masolo yung taong gusto ko at hindi ko na ito papalampasin pa.

Sumenyas din sila belle ng goodluck at tsaka dahan dahang sinarado yung pinto upang hindi magising si rans.

May humarang naman na buhok sa mga mukha niya kaya dahan dahan ko yung inalis , sumilay naman sa akin ang napakakinis na mukha niya.

Ang ganda niya talaga lalo na ngayon na sa malapitan ko siyang tinitignan napunta naman yung tingin ko sa pinkish na labi niya.

Ano kayang feeling na mahalikan ka rans? Masarap siguro sa feeling eh no? Pero its a big no abelaine no! Tulog yan hindi ka pwedeng gumawa ng bagay na hindi alam nung isang tao.

Napapikit naman ako bigla at nagpanggap na tulog ng gumalaw siya ng unti , mukhang nagising na nga siya tinanggal niya yung pagkakahawak niya sa isang kamay ko.

Kaya nagpanggap nalang ako na bagong gising at napatingin sa kanya.

"Kamusta na pakiramdam mo okay na ba? May masakit pa ba sayo? Wait tawagin ko muna yung school nurse para sabihing gising kana" nag aalalang tanong niya sa akin , hinawakan ko naman yung kamay niya ng akmang aalis na siya ng clinic ngayon at pupuntahan yung nurse na malamang nasa school guidance nakatambay ngayon.

"Okay na ako rans , ano nga palang nangyari? Tsaka ikaw ba nagdala sa akin dito sa clinic?" Sunod sunod na tanong ko , napaupo nalang siya at tinignan yung kamay ko na nakahawak sa mga kamay niya at agad ko na nga iyong inalis dahil baka na o awkwardan na siya sa akin.

"Ah bigla ka kasing nahimatay nung makita kita sa rooftop kanina , pinasundan ka kasi sa akin nila sheki tapos nung nakita kita nakahawak kana sa ulo mo , ano bang meron at bakit nanakit yung ulo mo?" Pagpapaliwanag niya pa sa akin , hindi ko nga alam kung bakit lagi nalang may nag aappear na memories sa akin.

May nangyari ba dati sa akin? O di kaya sa kakapanuod ko ito ng mga sci fi na movies kaya kung ano ano nalang yung pumapasok sa utak ko na kailanman hindi naman nangyari sa totoong buhay ko.

"Ah wala baka kaya biglang sumakit ay dahil lagi akong kulang sa tulog , don't worry wala lang yun tsaka okay naman na pakiramdam ko" di ko pwedeng banggitin sa kanya na may nag aappear nalang bigla bigla na memories sa akin kasi baka maweirdan siya sakin or baka akalain niya nababaliw na ako.

"Sure ka? Mabuti naman kung ganun na okay na ang pakiramdam mo btw alis na din ako mukhang napahaba na din yung tulog ko kasabay sayo" napatayo naman na siya at nagkusot kusot muna siya ng kanyang mata bago kinuha yung bag niya na nasa baba.

"Sige salamat rans ah! Btw as a thank you pwede ba kitang yayain ng dinner mamaya kung free ka lang naman" halata naman ang pagkagulat sa kanya ng sabihin ko iyun , wala eh baka di na ako magkaroon ng opportunity pa kaya grab ko na tong chance kunwari pa thank you lang sa ginawa niya sa akin kanina.

"Uhm sure pero sa ibang araw nalang abelaine sa ngayon magpahinga ka nalang muna" tumango nalang ako at nginitian niya ako bago tuluyang lisanin ang clinic.

Parang tanga naman ako na panay galaw dahil sa sobrang saya ko na pumayag siya na magdinner kaming dalawa.

"Sayang saya ka abelaine ah! Ano na yung ganap at bakit panay ka galaw diyan na parang kiti kiti ka" panira sa kaligayahang sabi ni belle at papalapit na sila dito ngayon ni sheki sa kama ko.

"Oo nga sama ng ugali mo abby! Iniwan mo na kami kanina sa Cafeteria and then pinaalis mo pa kami nung dinalaw at dinalhan ka namin ng pagkain" kunwaring nagtatampo na sabi ni sheki , napangiti nalang akong muli bago nagsalita

"Uhm niyaya ko kasi si rans na magdinner kami tapos pumayag siya! Wohoooo!!! Pumayag siya sheki at belle!!" Masayang sabi ko , napangiti nadin silang dalawa dahil doon at tumabi sa akin bigla upang guluhin yung buhok ko.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕Last draft ko guyz😉 Free time ko din tom kaya dito nalang ulit ako mag uud , Goodnight 💖

Continue Reading

You'll Also Like

594K 30.3K 23
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, a powerful d...
909K 38.5K 80
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
625K 29.7K 54
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...