#16

194 26 1
                                    

Abby's Pov

Papunta na akong cafeteria ngayon dahil nandoon na sila Rans , Belle at Sheki na kumakain na , pinatawag kasi ako sa ng coach ko sa basketball team dahil may laban daw kami next month kaya ayun nahuli ako.

Sa aking paglalakad ay nakasalubong ko si Jl na masama ang tingin sa akin ngayon ano kayang problema ng lalaking to? For sure nabibitter na naman siya sa amin ni rans.

Halatang may gusto naman siya sa girlfriend ko eh pero hindi ako papayag na maagaw niya si rans sa akin dahil akin lang siya.

"Hoy abelaine! Alam kong wala kang naaalala pero wag na wag mong masaktan saktan si sela ah!! Labis na siya nalulungkot ngayon tapos puno pa ng sugat yung katawan niya dahil sa pagkakatulak mo daw sa kanya sabi ni gia!" So si sela na naman? Kasalanan ko ba na parang tanga yung babaeng yun na panay lapit sa akin?

"Aba! Kasalanan ko ba yun? Eh napakakulit ng babaeng yun sinabi na ngang hindi niya ako kasintahan eh tapos panay pilit pa siya na kesyo may amnesia ako na ewan! Kung ako sayo dalhin mo na siya sa mental at baka maagapan pa yang kalagayan ng kaibigan mong mukhang itlog---" agad na akong napahawak sa panga ko nang bigla niya akong suntukin sa mukha nang napakalakas.

At tumilapon pa talaga ako sa sahig ah , nakaramdam naman ako ng pananakit ng katawan ko dahil doon, fudge ang lakas din ng loob nang lalaking to na masapak ako ah.

"Sa oras na maalala mo siya sisiguraduhin ko na pagsisishan mo tong pinanggagawa at pinagsasabi mo sa kanya abelaine! Fudge! Mahal na mahal ko si sela tapos ginaganito mo lang siya hindi porket wala kang naaalala at gaganyanin mo siya! Sana nga si rans na lang ang mahalin mo habang buhay! Tarantado ka!" Galit na galit niyang sabi sa akin bago tuluyang iwanan akong nakaupo lang dito sa may sahig.

Takte pare pareho silang mga weirdong magkakaibigan pero except kay rans ah , argh! mga baliw na ba sila? Nakakaasar ah yung maganda kong mukha nagkapasa at dumudugo pa ngayon dahil sa pagkakasuntok ng gagong Jl na yun.

Coleen's Pov

Ilang araw na kaming nagbabantay sa bahay nila ate abby at nabalitaan ko nga sa mga kapitbahay nila na lumipat na sila ng bagong tirahan at hindi naman nila alam kung nasaan na iyun ngayon.

Fudge! malalagot ako nito kay tito pag nagkataon , anyway edi aabangan ko nalang siya sa may school nila diba? Argh! ewan ko nalang talaga kung bakit hindi pa pinapadispatsa ni tito si ate abby eh isa naman siyang traydor.

Nagka milagro pa nung hindi siya namatay sa garnett dahil bigla nalang siya gumawa ng maliit na portal at pumasok doon tapos dahil naghihingalo na siya ay hindi niya na nasirado yung portal dahilan upang makatungtong kami sa mundo ng mga mortal.

Ang tanga niya sa part na yun ah pero ang ikinapagtaka din namin ay bigla lang siya nang parang bula sa harap namin.

Kaya ayun hinanap namin siya dito habang nagsasagawa kami ng plano upang matuntun ang mga guia at mapasakamay namin si marsela.

Tsk ang bobo ng mga kawani nila dahil wala silang kaalam alam sa mangyayari sa hinaharap.

Nakaabang lang kami ni akira at mari ngayon dito sa may labas ng campus ng hanes international college habang nasa loob lang ng sasakyan.

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now