END

383 33 4
                                    

Abby's Pov

"Di ako na update na maglalaro pala tayo ng hide and seek abelaine? Ano naduduwag kana ba ngayon? Parang dati lang ang tapang tapang mo pa ah" panghahamon pa ni josh , gumawa na siya ng fireball sa may kamay niya pati si aiah ay na aabang nalang sa akin , wag naman sanang makidlatan ako dito ngayon.

Masyado na akong naumay sa pangunguryente sa akin kahapon hanggang kaninang madaling araw.

"Magtago ka ng maayos abelaine! Dahil once na makita ka namin , dahil malamig na bangkay ka na naming maihahatid sa ama mo! Hahaha" natatawang sabi pa ni josh aba pag natyempuhan ko kaya baka kayo ang maging malamig na bangkay magpasalamat kayo at dahil wala man lang akong kapangyarihan na sumangga sa mga itatapon niyo sa akin.

Magagamit ko sana ang mind control ko sa isa sa kanila kaso nga lang masyado akong malayo at hindi ko sila nakikita ng nakapokus sa mata nila.

Labis na akong kinakabahan ngayon at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kasalukuyang nakatago lang ako dito sa may gilid ng pader habang minamanmanan silang apat na hanapin ako.

Papalapit sa kinaroroonan ko si josh , sakto yan once na matyempuhan at mahuli ko siya ay kaya ko siyang utusan na atakihin yung mga kasama niya gamit ang apoy na kapangyarihan niya.

Nang makita niya ako ay agad siya nagpakawala ng apoy sa akin ngunit mabilis akong nakaiwas at pinagsisipa ko yung tyan niya.

Nakita din ako ni aiah, fudge nagpakawala suya ng thunderstrike at muntikan na talaga akong matamaan , nakatayo naman si josh at agad ko na siyang hineadlock.

Napatigil naman si aiah sa pag atake sa akin dahip hawak ko ang isa nilang kaibigan , binulungan ko na si josh and then ayun nagpakawala siya ng fireball at natamaan nga nito si sheena.

Pagkatapos nun ay tumakbo na ako papalayo , sa di inaasahang pangyayari ay natamaan ako ng thunderstrike ni aiah na siyang ikinatumba ko , hinabol niya ako ngunit may biglang humila sa akin.

Si rans lang pala kasama si gia , pinaupo niya muna ako sa may gilid kita na ang laman ko sa may bandang tuhod pababa ko ngayon.

Damn it hurts! Napapapikit nalang ako sa sobrang sakit niya , naghubad naman si gia ng damit niya at naka sports bra nalang siya ngayon.

Pinunit niya yung damit niya and then inilagay iyun sa may sugat ko upang matigil kahit papaano yung pagdurugo.

"Bakit ka nandito? Ang naka task sayo diba ay si coleen? Nagawa niyo na ba?" Nag aalalang tanong ni gia , bigla naman ako napasuka ng dugo ngayon at mabilis kong pinahidan ng damit ko yung bibig ko.

"Nakuha na namin siya at nasa secret room siya ngayon gia kasama ni ecka pinaprocess pa yung pagtanggal ng kapangyarihan niya" nanghihinang sabi ko wala pa nga akong nagagawa ng maayos ay natamaan na agad ako at napuruhan.

Paano na ako nito makikipagbabakan kung may sugat na ako sa may tuhod ko at hirap na sa paglalakad.

"Ah okay tara , doon ka muna sa room dahil mapanganib na nandito ka ngayon sa may hallway lang" sabi niya ngunit umiling ako alam kong kahit ganito na ang kalagayan ko ay makaktulong pa din ako sa kanila ni rans.

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now