I'm Just A Babysitter (COMPLE...

Da Liona_Wilhelm

84.5K 2.1K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... Altro

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 2: BONDING
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 13: AWAY
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 18: SUITOR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 22: GRIEF
CHAPTER 23: TEAR
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 25: GIVE UP
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 27: LISTEN
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 30: FOLLOW
CHAPTER 32: STAY
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 38: HOME
CHAPTER 39: FOREVER DREAM
LAST CHAPTER: TWIN

CHAPTER 31: ACE CARDS

1.7K 58 2
Da Liona_Wilhelm

Xenon's POV
Huminga ako ng malalim bago ko sinagot si Cassandra na kausap ko sa cellphone. "Sige. Susubukan ko pa rin."

Nagpasalamat naman siya sa kabilang linya at nagpaalam na rin. Napahinga na naman ako ng malalim habang nakatingin sa kawalan. Mamayang gabi na ang alis ni Quebec. Gusto ko rin siyang pigilan pero alam ko na hindi ko dapat gawin 'yon.

Una dahil sa gusto niyang bumalik sa pagtuturo. Pangalawa para makapag-ipon ng pangpyansa niya sa mommy niya. Pangatlo gusto niya kapag humarap na siya sa mga bata, may mukha na siyang maihaharap sa kanila.

Pero kung ako ang tatanungin, ayoko rin talaga siyang paalisin. Pero sino ba naman ako para pigilan siya. Oo, ama ako ng mga anak niya pero wala naman ako sa tamang lugar para kontrolin siya. Yung nararamdaman ko para sa kanya wala namang magagawa kasi mukhang wala naman na siyang nararamdaman para sa akin.

Tinignan ko ang litrato naming apat ng mga anak ko sa picture frame na nandito sa ibabaw ng mesa ko. Hindi sinabi ni Cassandra kung ilang taon tatagal si Quebec sa ibang bansa. Pati raw kasi siya ay hindi sigurado kung ilang taon lalo na at ang sabi ni Quebec ay kapag nagustuhan niya roon baka magtagal talaga siya. Balak din daw kasi nito na kung makakaipon ito ng malaki-laki sa ibang bansa ay lulubusin na raw nito para pagbalik dito ay makapagtayo ng business.

Na talagang nakakalungkot lalo na kapag naaalala ko ang mga bata. Tatlong taon na silang nawalay sa kanya tapos heto na naman. Ang akin lang naman, sana sa pagkakataon na 'to makita na niyang lumaki ang mga bata at gusto ko na habang unti-unti na silang nagkakaroon ng muwang ay nasa tabi nila si Quebec.

Kung tutuusin, kaya ko rin namang magbayad ng pyansa para sa mommy niya kung 'yon ang inaalala niya. Pero ang sabi sa akin ni Cassandra ay malabo raw na pumayag si Quebec sa bagay na 'yon at alam ko naman 'yon. Pero umaasa pa rin ako na baka pumayag siya kasi kahit papaano gusto ko sanang mabigyan ang mga anak ko ng kompletong pamilya. Lalo na ngayon na nagkakaisip na sila. Alam na nila ang mga nangyayari sa paligid nila.

Ayokong dumating sa punto na tatanungin ako ng mga anak ko na bakit wala akong ginawa para mabigyan sila ng kompletong pamilya kahit abot kamay lang namin si Quebec.

Nagpalit ako ng polo shirt dahil may pupuntahan ako. Susubukan kong kausapin ang mommy ni Quebec. Sigurado ako na bago siya umalis ay dadalawin muna niya ang mommy niya. Sana lang ay hindi pa ito nakakadalaw ngayong araw para kung sakali na pumayag ang mommy niya sa pakiusap namin ay mapapaliwanagan niya pa si Quebec. Sana lang din ay makinig sa akin ang mommy niya at paniwalaan lahat ng sasabihin ko. Para sa mga bata.

Nagmamadali akong lumabas ng office ko at kinausap ko ang isa sa mga manager ko. "Aalis lang ako sandali. May kakausapin lang ako." Tumango naman siya.

Pero bago pa ako makaalis ng restaurant ay may naalala ako. Pumunta ako sa kitchen at naghanap ng pwedeng lutuin. Hindi naman ako pupunta roon ng sarili ko lang ang dala ko. Kahit papaano dapat may dala ako kahit pagkain.

Mabuti na lang ay maraming ingredients na nakahanda na sa kitchen kaya nagluto muna ako ng pwedeng dalin sa mommy ni Quebec. Sana lang ay magustuhan niya ang dadalhin ko. Yung mga niluto ko ay ilan sa mga bestseller namin kaya medyo confident naman ako na masasarapan ang pagbibigyan ko.

Pagkatapos kong magluto ay inilagay ko ito sa isang takeout na lalagyanan at dinala ko palabas ng restaurant. Sumakay ako sa kotse ko at pinuntahan kung saang presinto nakakulong ang mommy niya. Buti ay naitanong ko kay Cassandra kung saan nakakulong ang mommy ni Quebec nung minsang nagkausap kami.

Kaya lang hindi ko alam kung ano ang pangalan ng mommy niya bukod sa apelyido nila na Martinez. Wala akong choice kung hindi ang tawagan si Cassandra habang nasa gitna ako ng pagmamaneho.

"Napatawag ka? Pupuntahan mo si Quebec?" Bungad niya.

"Hindi. Pupuntahan ko yung mommy niya. Sigurado ako na pupuntahan ni Quebec ang mommy niya bago umalis kaya dadalawin ko. Magpapatulong ako na mapabago ang isip ni Quebec. Sana lang makinig siya sa akin."

"Banggitin mo sa kanya ang mga bata. Sabi sa akin ni Quebec, hindi pa rin alam ng mommy niya ang tungkol sa triplets."

"Pero baka magalit sila sa akin. Baka sabihin, ginagamit ko pa ang mga bata." Katwiran ko naman.

"Para kanino mo ba 'to ginagawa? Diba para sa mga bata? Mamaya na kita tatawagan ulit. Baka magbago pa isip mo. Yung pinapasabi ko sayo, sabihin mo sa mommy niya. Wait! Susunod na nga lang ako. Hintayin mo ako." Pigil niya sa akin at pinatay na ang tawag.

Nang malapit na ako sa presinto ay tumawag si Cassandra para sabihin na nakasakay na siya sa taxi. Hinintay ko muna siya sa harapan ng presinto saka sabay kami na dumalaw sa mommy ni Quebec.

"Were going to visit Aurora Martinez." Sabi ni Cassandra sa pulis na nasa bungad.

Tumango ito at sinamahan kami papasok kung saan pwede ang dalaw para sa mga preso. Ilang saglit pa ay natanaw ko na ang isang babae na halatang may edad na at naglalakad palapit sa amin kasama ng dalawang pulis.

"Tita." Bati ni Cassandra rito nang makalapit siya sa amin.

Ngumiti naman ang ginang at umupo sa upuan na katapat ng amin. Hindi niya ako agad napansin kaya ipinakilala ako ni Cassandra.

"Ah tita, si Xenon po. Kaibigan ko po."

Nakipagkamay ako rito na tinanggap naman niya. "Nakakapagtaka at nagdala ka pa ng kaibigan. Kaibigan din ba siya ni Quebec?" Nagbaling ito ng tingin sa akin nang makita niya na tumingin sa akin si Cassandra.

Binigyan naman ako ni Cassandra ng isang tango na nagsasabi na sabihin ko ang lugar ko sa buhay ni Quebec. Bago ako sumagot ay inabot ko muna sa kanya ang pagkain na niluto ko.

"Pinagluto ko po kayo ng pagkain. Sana po magustuhan niyo. Bestseller po 'yan sa restaurant namin."

Ngumiti ito at tinanggap ang mga pagkain. "Salamat hijo. Nag-abala ka pa. Hindi niyo na sinagot ang tanong ko. Kaibigan ka rin ba ng anak ko?"

Huminga ako ng malalim saka napabuntong hininga. "A-Ama po ako ng mga anak namin ni Quebec."

Halatang nagulat ito at mabilis na tumingin kay Cassandra. "Cassandra? Totoo ba ang sinasabi niya?" Hindi makapaniwala nitong sabi.

Kinuha ni Cassandra ang kamay niya at tumango siya. "Opo tita. Matagal na pong may anak si Quebec. Ang totoo po niyan, tatlong taon na ngayon ang mga triplets."

Bumaling naman ang tingin niya sa akin. "Paanong nangyari na...hindi ko alam na nabuntis siya. Hindi namin alam."

"Alam po ni Qeena at Queenie." Sagot ni Cassandra at ikinuwento niya ang tunay na nangyari. Mula sa nabuntis ko si Quebec hanggang sa nagdesisyon sila na ibigay sa akin ang mga bata. Pati ang araw na pumasok siyang babysitter sa mga anak ko at yung araw na nalaman ko ang totoo.

Matapos magkwento ni Cassandra ay naiyak ito kaya binigyan ni Cassandra ng tissue. "Kailan ko lang din po nalaman ang totoo. Nagalit po ako sa kanya pero nagkausap na po kami nung nakaraang araw lang. Kaya rin po nandito kami ngayon ay para sana humingi ng tulong sa inyo." Sabi ko naman.

Nagpunas muna ito ng luha bago tumingin sa akin. "Anong tulong naman?"

"Tita pigilan natin si Quebec na umalis ng bansa. Nag-aalala kasi ako sa kanya at baka mapano siya roon sa ibang bansa. Hindi lang 'yon, ngayon na bumalik na siya rito, gusto sana ni Xenon na magkasama-sama na sila para mabigyan niya ng kompletong pamilya ang mga bata."

"Ang mga apo ko, ano ang itsura nila."

Ngumiti naman si Cassandra rito bago sumagot. "Yung dalawang lalaki, siya ang kamukha. Yung isang babae naman po kamukhang-kamukha ni Quebec." Masayang sabi ni Cassandra.

Nilabas ko naman ang cellphone ko at nagpaalam sa dalawang pulis na nakabantay na ipapakita ko lang ang ilang pictures ng mga anak ko. Pumayag naman sila pero kailangan pati sila ay makikitingin dahil isa raw 'yon sa protocol, para raw maiwasan ang ilegal na nangyayari sa dalaw at preso sa pamamagitan ng cellphone.

Tuwang-tuwa naman ang mommy ni Quebec nang makita ang mga picture nung bata. "Ganyang-ganyan ang itsura ni Quebec nung bata pa siya. Sana makita ko sila sa personal. Kaya lang ano naman ang sasabihin nila sa akin? Na isang kriminal ang lola nila?" Tumawa ito pero halatang malungkot.

"Hindi ko naman po pinalaki ang mga bata ng ganon. Maiintindihan naman po nila ang sitwasyon. Lalo na kapag naipaliwanag naman ng maayos sa kanila."

Tumango ito pero halatang malungkot pa rin. "Bigla ko tuloy namiss si Qeena at Queenie." Bulong nito.

Nagsalita na si Cassandra dahil hindi na ako nakakibo. "Ako rin tita. Tapos ngayon aalis pa si Quebec? Gusto mo ba 'yon! Siya na lang ang meron ka tapos iiwan ka pa niya. Alam ko tita na masama 'tong ginagawa ko na binibilog ko ang utak niyo. Pero sigurado naman ako na makakahanap din siya ng trabaho rito sa atin na may ganong kalaking kita kagaya ng offer sa kanya sa ibang bansa."

"Susubukan kong baguhin ang isip niya. Alam ko ay dadalawin niya ako mamaya. Pero hindi ako nangangako na mababago ko ang isip niya. Sa kanya rin kasi mismo nanggaling na hindi na siya makikinig sa akin dahil nadala na raw siya."

Masayang tumango si Cassandra at kahit ako ay parang nabunutan ng tinik kahit papaano. "Ang sarap ng luto mo hijo. Sana kapag nakalabas ako rito mapuntahan ko ang restaurant niyo."

Nginitian ko siya. "Wala pong problema. Welcome po kayo roon kahit anong oras."

Hindi na rin kami nagtagal sa kulungan at naghiwalay na kami ng landas ni Cassandra. Sabi ko nga sa kanya, puntahan na lang namin si Quebec para kausapin namin ulit ng ilang sandali pero ayaw ni Cassandra. Lalo raw naming hindi mapipilit si Quebec at baka raw maisip pa nitong magtago para hindi na namin siya makulit hanggang sa dumating na ang oras ng flight niya.

Bumalik ako sa restaurant para tapusin ang oras ng pasok ko at nang makauwi ako ay hindi ako mapakali. Hindi ko rin naman kasi alam kung paanong pigil ang gagawin ko kay Quebec kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

"Dada, love you." Sabi ni Lanaia habang nakanguso at saka ako hinalikan sa labi.

"Love you too. May ginawa kang kasalanan no?" Tukso ko sa kanya.

Nahihiya naman siyang tumango at saka yumakap ulit sa akin para itago ang mukha sa leegan ko. "Now, you tell me." Sabi ko sa kanya.

"I cursed." Mahinang sabi niya.

Nabigla ako at dahan-dahan kong inalis ang mukha niya na nakatago sa leegan ko. "You what?!"

"I...cursed." Sabi niya at ang itsura niya ay parang maiiyak na.

"Why? When?" Nalilito kong tanong.

"Earlier. I cursed when Landon and Lancelot cut my unicorn stuff toy into half using scissors." Sumbong nito. "Then mama told me that it's bad. Promise dada I didn't know that it's bad."

Hinaplos ko ang ulo niya. "Don't do it again. Saan mo natutunan 'yon?"

"Tv." Mahinang sabi nito pero ngumiti rin saka ako hinalikan ulit sa labi. Sana hanggang pagtanda niya hindi mawala ang kalambingan niya sa akin.

"Forgiven. Just promise me that you won't say that word again."

"Yes po." Bumalik na ang sigla niya at ayaw magpababa mula sa pagkakakarga ko. Ganito talaga siya kapag may nagawang kasalanan kahit okay na. Bumabawi.

Umupo ako sa kama hanggang sa siya na ang umalis sa kandungan ko at nakipaglaro na sa mga kakambal. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakatulog na rin sila. Pinatay ko na ang ilaw at tumabi na ako para matulog na rin.

Kaya lang ay hindi naman mawala sa isip ko si Quebec kaya pabaling-baling ako sa higaan.

Paano kung makahanap siya ng ibang lalaki roon? Tapos kinasal sila at nagkaanak. Paano na ang mga anak namin.

Baka mamaya may magustuhan siya roon tapos binuntis siya para hindi na siya bumalik pa rito at doon na lang manirahan.

Anong gagawin ko kapag ayaw na niya talagang magpakita sa amin pagkalipas ng ilang taon niya sa ibang bansa, tapos lumipat siya ng ibang bansa para hindi namin siya mahanap.

Paano kung maaksidente rin siya sa ibang bansa tapos mawalan siya ng ala-ala.

Baka ayain siya ng mga katrabaho niya magrelax sandali tapos nalasing siya ng husto.

Uso pa naman ngayon yung mga napapagsamantalahan sa ibang bansa lalo na kapag walang kamag-anak at mag-isa lang doon.

Tumayo ako agad sa kama para kunin ang cellphone ko dahil may tumatawag. Doon ko rin napansin na 11 na pala ng gabi.

"Cassandra." Mahina kong sagot sa tawag para hindi magising ang mga bata.

"Where are you?! Papunta ako ngayon sa airport! Pumunta ka kung gusto mong masalba ang pamilya mo."

Nagpanic ako dahil sa boses niya na nakasigaw at parang hinihingal. "Wait for me!" Inilapag ko na lang basta ang cellphone ko sa kama nang hindi ko alam kung napatay ko ba ang tawag o hindi.

Binuksan ko ang cabinet at mabilis na nagpalit ng damit. Pagharap ko sa kama kung saan natutulog ang mga bata ay nagulat pa ako nang makita ko sa Lanaia na nakaupo na at halatang nagising sa akin.

"Where are you going dada?" Tanong niya agad.

Nilapitan ko siya at kinarga. "Doon ka muna kila mama. May pupuntahan lang si dada na importante."

Marahas itong umiling at umiyak kaya isinama ko na lang siya bago pa magising si Landon at Lancelot. Nabulabog ko pa si mama at daddy dahil sa pagmamadali ko at inihabilin ko kasi sa kanila ang mga bata.

Lakad takbo ako papunta sa saksakyan ko. Mabilis kong inupo si Lanaia sa car seat niya at nagmaneho na ako papunta sa airport.

"Nak, when you see mommy, hug her and cry okay. Tell her not to leave."

Sinilip ko ang anak ko na nasa likod. "Mommy?" Patanong na sabi niya. Hindi ko sigurado kung natatandaan pa niya si Quebec dahil sa ilang buwan na rin siyang nawalay sa mga bata.

"Yep. Hug her and if she still wants to leave, cry out loud okay."

Tumango naman ito at inabala ang sarili sa mga nadadaanan namin. Pagkarating namin sa airport ay mabilis ko siyang ibinaba sa kotse at tinawagan si Cassandra habang hila ko si Lanaia palapit sa airport. Lakad takbo kami ni Lanaia.

"Nandito na kami. Nasaan ka?!"

"Nandito ko sa Starbucks ng airport. Bilisan niyo." Narinig ko pa ang boses niya na mukhang nakikipagtalo at narinig kong tinawag niya si Quebec.

Para mas mapabilis kami ay binuhat ko na si Lanaia at dumiretso kami sa sinabi ni Cassandra na nandito lang sa airport. Nakita ko naman sila agad dahil sa nakatayo silang dalawa at mukhang nagtatalo nga sa loob mismo ng shop.

"Run to mommy. Hug her and tell her not to leave." Usig ko kay Lanaia at tinuro ko sila Quebec.

Nakapantulog pa ang anak ko at medyo gulo pa ang buhok dahil sa pagmamadali namin. Pumunta naman ang anak ko sa tabi ni Cassandra at Quebec at matagal niyang tinignan ang dalawa. Akala ko nga ay si Cassandra ang yayakapin niya dahil sa tagal niyang nakatingin dito pero kay Quebec siya yumakap.

Hindi naman nakatiis ang ina niya dahil niyakap niya rin pabalik ang anak niya. Lumapit ako sa kanila. "What did I tell you? Tell her not to-?"

"Leave. Don't leave." Dugtong ni Lanaia sa sinabi ko na nagpaiyak kay Quebec.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

113K 3.4K 41
***************** Tinawid ko ang pagitan naming dalawa wala pa akong first kiss pero willing kong ibigay sa kanya kaya binigay ko na sabay bulong ng...
170K 2.4K 36
For me to know and for you to find out. This story is my own story don't plagiarized it and this is the original story. Thank you for reading and don...
172K 3.6K 34
The deeper you fall, the blinded you get.
My Professor Da Caleb_grey

Mistero / Thriller

8.4K 95 37
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in...