Arts and Goodbyes

By becauseitsja

1.7K 145 16

Coping with the death of her grandfather, devastated Krayola rekindles her dead dreams together with a bizarr... More

Work of fiction
Arts and Goodbyes
Simula
Kabanata 1 : Arts
Kabanata 2 : Plaza de Roma
Kabanata 3 : Binibini
Kabanata 4 : Mansion
Kabanata 5 : Eclipsar
Kabanata 6 : Aburrido
Kabanata 7 : Desgraciado
Kabanata 8 : Tree House
Kabanata 10 : Kayumanggi
Kabanata 11 : Aking Guro
Kabanata 12 : Aklatan
Kabanata 13 : Kasintahan
Kabanata 14 : Emosyon
Kabanata 15 : Inconsistente
Kabanata 16 : Delicioso
Kabanata 17 : Invulnerable
Kabanata 18 : Sampaguita
Kabanata 19 : Museo
Kabanata 20 : El Amor Duele
Kabanata 21 : Competitive Erin
Kabanata 22 : Exhibit vs. Enrico
Kabanata 23 : Tu Amor
Kabanata 24 : The Confession
Kabanata 25 : Aking Binibini
Kabanata 26 : Sunset and Rain
Kabanata 27 : Nuevo Comienzo
Kabanata 28 : Maestro
Kabanata 29 : Pagitan
Kabanata 30 : Goodbyes
Wakas
Karagdagan : Liham

Kabanata 9 : Aceptación

46 4 0
By becauseitsja

UNTI-UNTING tumingala si Enrico at nakita niya ang napakalaking puno ng mangga kung saan may nakatayong maliit na bahay-bahayan sa gitna ng puno na nailuluminahan nang mapanglaw na ilaw. Para itong kamalig ngunit nakasampa sa isang puno. Halatang matibay ang pagkakagawa at yari sa puno ng cedar. Awtomatik na pumailanlang ang pagkamangha sa kanyang mukha hindi dahil sa maliit na tuluyan na iyon kundi ang mga munting ilaw ng napakaraming alitaptap, likha para mas gumanda kapaligiran.

"Enrico!" pagtawag ng dalaga dahilan para agap na mapatingin siya sa entrada nang munting tuluyan. Marahil sa sobrang pagkamangha ay hindi niya na napansin ang pag-akyat nito na kung sakali man ay alalayan niya ng sobrang rahan.

"Ano pa ang hinihintay mo? Come on, umakyat ka na," aniya sabay inihudyat nito papasok ang kamay at tuluyan ng pumasok

Tumalima si Enrico at pinawi ang pag-aagam-agam. Nang tuluyan na makasampa sa entrada ay tuluyan ng nawala ang kanyang pag-aalala buhat nang napakagandang tanawin na makikita mula sa kanilang kinaroroonan. Ang mga ilaw na singkinang ng araw ay kanyang naaninag, maging ang mansyon na kanilang tinutulyan ay makikita kung ipipihit niya ang tanaw sa kaliwang bahagi ng gubat na pinapalibutan nang matatayog na mga puno ng mahogany at puno ng mangga.

"Napakaganda..." ani Enrico at binusog ang mga mata sa magandang tanawin.

Muling siyang napangiti bago ibinalik ang tingin sa dalaga na ngayon ay tahimik na kumakain sa kanyang tabi. Inabot nito ang pagkain na sa pagkakatanda niya ay ang tawag daw ay burger bago ito tiningnan ng puno ng pag-aalangan.

"Wala iyang lason, huwag ka mag-aalala," wika nito na para bang nabasa nito ang tumatakbo sa kanyang isip. "At saka kung may lason iyan, sana kanina pa ako natigok, 'no. Kumain ka na, alam kong nagugutom ka na simula pa kanina. Hindi mo man pinapakita pero alam ko."

Tinanggap niya ang pagkain galing sa dalaga bago inihanda na ang sarili sa pagkagat. Ngunit pahagibis na tinakpan ng dalaga ang kanyang bibig na nagbigay sa kanya ng matinding pagkagulat.

"Kailangan mo munang tanggalin iyong papel bago ka kumagat..." wika nito pagkatapos ay walang ideyang pagkurap lamang ang kanyang nagawa sa sinabi nito.

Napangiti ang dalaga, kinuha ang pagkain galing sa kanyang mga kamay at saka ginawa ang mismong payo. Nang matanggal na nito ang naturang papel ay ibinalik nito sa kanya ang pagkain. Para iyong tinapay na may palaman na karne sa gitna at mayroong parisukat na keso. Tuluyan niya ng hinawi ang pag-aalangan at kumagat sa pagkain at ganoon na lamang kanyang pagkagulat nang mas masarap ang lasa nito gaya nang hindi niya inaasahan.

"Masarap... may kakaiba itong lasa na hindi ko pa natikaman noon," komento niya sabay muling kumagat sa pagkain na naging tuloy-tuloy dahil sa napakasarap nitong lasa.

"Baka mayonnaise 'yon?" natatawang sagot ng dalaga sabay dampot sa pagkain na batid niyang binalutan ng harina.

Dahil sa kuryusidad ay ginaya niya ang dalaga at kumagat sa pagkain at natuklasan niyang masarap ito dahil isa sa sahog nito ay manok na iniluto sa bagong paraan na ngayon niya lang natuklasan.

"Ang tawag diyan ay Friend Chicken... ang sarap, ano?" naaliw na sambit ng dalaga na nagpatango-tango sa kanya bilang pagsang-ayon. "Kumain ka lang diyan nang marami, sa atin itong lahat. Kapag may natira tayo, initin na lang natin tapos kainin natin sa agahan bukas."

Muling tumango si Enrico at itinuon ang pansin sa pagkain.

"Coke, ayaw mo ba? Masarap din iyan."

Walang imik na tinanggap niya ang inumin sa dalaga at ginaya ang ginawa nito sa pamamagitan ng paghigop ng mahaba ngunit plastik na aparato na itinusok ng dalaga sa inumin. Napatango siya sa lasa nito ngunit agad din niyang inilapag ang inumin. Hindi iyon ganoon kasarap sa kanyang panlasa ngunit hindi naman iyon mapangit. Kung papipiliin siya sa pagitan ng tubig at sa coke na iyon ay mas pipiliim niya ang tubig.

"Masarap nga, Binibini, pero hindi masyadong nakakaaya. Hindi ko alam kung bakit pero nagkakutob agad ako sa simula pa lang na lumapag ang pinatamis na likido sa aking dila ay masama ito sa kalusugan."

Natawa ang dalaga at hinampas siya ng mahina sa likod. "Ang arte mo magpaliwanag pero tama ka naman. Bawal iyan na palagi ang iniinom pero wala, eh, gaya ng sabi nila masarap ang bawal."

"Paano naman nalaman nasabi ng karamihan ng bawal ay masarap? Masarap din ba ang ma-ospital?"

Biglang natahimik ang dalaga at nagpatuloy sa pagkain. "Hindi pero kasabihan lang iyon. Huwag mo masyadong seryosohin. Ganito na lang, may trivia ako sa iyo tungkol sa coke. Gusto mo bang malaman?"

"Ano iyon, Binibini?"

"Nagsimulang lumaganap ang coke sa United States sa taong 1899... at 1981 naman sumikat sa Pilipinas. Alam mo ba iyon?"

Umiling si Enrico. "Hindi ko alam, Binibini. Dahil 1896 pa lamang sa oras ko. At saka para sa akin ay wala namang kasabik-sabik sa inumin na iyon."

Natawa ang dalaga at ipagpatuloy ang pagkain. Ganoon din ang kanyang ginawa. Sa mga oras na iyon ay pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamasarap na natikman niyang pagkain sa buong buhay, maliban sa inumin na tinatawag ng karamihan na Coke sa hinaharap. Subalit nang maalala niya ang kanyang yumaong na kapatid ay napatigil si Enrico sa pagkain at napabuntong-hininga nang kay lalim.

"Napakahirap..." sambit niya habang hindi inaalis ang tingin sa magandang tanawin. Itinuon doon ang mga mata na para bang makikita niya doon ang nakababatang kapatid.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ang mamatayan ng mahal sa buhay ay napakahirap, mabigat sa damdamin. Napakasakit tanggapin."

Nanatiling tahimik ang dalaga kaya naman hindi niya na tinangka pa na lingunin ito.

"Noong nasaksihan ko ang pagkamatay ng aking kapatid, hiniling ko na sana ako na lamang ang binawian ng buhay. Na ako na lamang sana ang natamaan ng napakaraming bala. Na ako na lamang ang nasa posisyon niya. Sapagkat... sapagkat ganoon talaga ang mundo, Binibini, may kinikilingan. Hindi patas. At lalong may katapusan. Tayong lahat. Ang dapat na lamang natin gawin ay tanggapin ang pangyayari at umusad dahil batid ko na kung nabubuhay pa ang kapatid ko sa kasalukuyan ay hindi niya magugustuhan na magmukmok ako dahil sa kanya. Hindi nakabubuti na hayaan natin na apektuhan tayo ng lumbay."

Kung kanina ay tahimik lang ang dalaga, ngayon ay naririnig niya na ang mahina nitong paghikbi. Nilingon niya ang dalaga at mabilis na iniwas nito ang mukha at dali-daling isinalansa ang mga pagkain.

"Wala na ang mga paparazzi sa bahay, makakauwi na tayo."


NAGPAKAWALA nang malalim na hininga si Krayola bago tuluyang bumangon sa pagkakahiga. Nagbabadya na tiningnan niya ang cell phone na nasa bedside table at tumitig sa aparato ng mga ilang minuto. Nang wala pang tawag na dumating ay dinampot niya ang aparato. It was already 10:00 o'clock in the morning yet she receive no warning from her parents. Especially, from her dad. Well, that's new. Marahil ay hindi pa nakakarating ang balita sa kanyang mga magulang na kasalukuyang naninirahan siya sa mansyon ngayon. At kung batid ng mga ito ang kanyang ginawa na pagmamaneho sa Porsche 911 ay agad itong tatawag, o hindi ba kaya ay pupuntahan siya sa mansyon at siya ay sesermonan. Masyado siyang nasanay sa ganoong gawi kaya naman ngayong hindi ito tumawag agad ay nanibago siya gayundin nakaramdam ng pagkaginhawa.

"Oh, well. It was better that way," ani Krayola bago tinungo ang sala habang bitbit pa rin ang cell phone.

Iginala niya ang mga mata at inasahan niya ng hindi mahahagip ng kanyang mga mata ang binata dahil tiyak na nasa likod na ito at naglilinis, naglalaba o hindi ba kaya may ginagawa na kung ano. Ang bahay ay tuluyan na ulit nagkakulay dahil sa ginawang pag-ayos ng binata sa buong bahay.

Nagsalin siya ng tubig sa baso at naisipan puntahan ang silid limbagan ng kanyang lolo, upang sana ay ulitin gawin ang Desgraciado na kuwadra ngunit isang kuwadra ang hindi niya inaasahan na makikita doon, ang tanawin mula sa tree house.

Aceptación.

Iyon ang nasa maliit na papel na nakadikit sa ibaba ng kuwadra. Ito ay acceptance sa wikang Ingles. At marahil ay ang pangalan ng obra. Ang mga puno ay mapanglaw kung tingnan ngunit ang nagbibigay liwanag sa kuwadra ay ang mga ilaw na galing sa kabihasnan. Napakaganda niyon na alinsinuran. Kung siya ang tatanungin ay ang kuwadra iyon ay nagpapahiwatig ng panibagong panimula, lunas, at pag-asa.

Namamanghang iginala niya ang mga mata sa kuwadra at bawat kulay niyon ay tugma sa tanawin na pinakakatitigan niya buong buhay. Napakagaling ng naglikha. Nakakamangha ang hatid nito sa isang kagaya niya na lunod na lunod sa poot at pighati. Bawat kumpas ng brostal nito ay nararamdaman niya pagkahenuwino ng pintor. At imposible na gawa iyon ng yumaong na lolo.

Tuluyan ng dumapo ang kanyang mga mata sa ibabang kanang sulok ng kuwadra at nakita doon ang nakasulat.

Ang lagda ni Enrico Joaquin Mariano Santos y de la Vicente kasama ang napakahaba nitong pangalan.

Parang may kung anong namukadkad sa kanyang kaibuturan. Marahil ay sobrang pagkamahanga sa kuwadra gayundin ay ang pagkapahiya dahil sa kung paano niya ito itinrato. Enrico wasn't just a mere critique. He's an artist, a remarkable one to be exact. He knows what he's doing and he certainly has the right to criticize someone's work because he obviously creates masterpieces in his time. He's amazing. And she had cursed him.

Abala sa pagtitig sa napakagandang kuwadra ay napaigtad nang bahagya si Krayola nang marinig ang pagbukas ng pinto sa silid-limbagan. Si Enrico ang pumasok na halata pang nagpupunas sa kamay nitong galing sa paghuhugas para maalis ang mga pinta sa mga kamay.

"Paumanhin at ginamit ko ang mga gamit na pampinta ng iyong lolo, Binibini. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na magpinta simula nang makakita ako nang magandang alinsinuran habang tayo ay nasa loob ng munting tuluyan sa puno ng mangga. Sana ay mapatawad mo ulit ako sa aking ginawa."

Marahang lumapit siya kay Enrico at hindi niya na napigilan ang matamis na pagngiti habang papalapit dito. Sinalat niya ang mga kamay ng binata at tiningnan ito gamit ang kanyang mga nagniningnig na mga mata. "Hindi mo kailangan manghingi ng tawad, ayos lang. Ako ay pinahanga mo. Isa kang magaling na pintor, Ginoo."

Continue Reading

You'll Also Like

112K 514 19
If you want or seeking for some stories na TAGUAN NG ANAK, Check out this stories and read! Hope you like it:)
2.1M 52.2K 165
Frankie (Epistolary with narration)
10.5K 61 40
Bakit sa dinami rami ng pwedeng maging boss ko siya pa? I don't have any problem with anyone sa office aside sa naging boss ko. Anong gagawin ko?
11.6M 362K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook