I'm Just A Babysitter (COMPLE...

Από Liona_Wilhelm

82.2K 2K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... Περισσότερα

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 2: BONDING
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 13: AWAY
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 18: SUITOR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 22: GRIEF
CHAPTER 23: TEAR
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 25: GIVE UP
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 27: LISTEN
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 31: ACE CARDS
CHAPTER 32: STAY
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 38: HOME
CHAPTER 39: FOREVER DREAM
LAST CHAPTER: TWIN

CHAPTER 30: FOLLOW

1.7K 45 1
Από Liona_Wilhelm

Xenon's POV
Pag-uwi ko sa bahay mula sa pakikipag-usap kay Cassandra ay agad kong hinanap ang mga anak ko.

"Ice cream! Ice cream!" Pasigaw na sabi ni Lanaia habang palapit sa akin.

Nakapantulog na sila at halatang kalilinis lang nila ng katawan. Napahaba pa kasi ang kwentuhan namin ni Cassandra kaya medyo inabutan na ako ng gabi sa daan.

"Saan ka ba galing? Kanina ka pa hinihintay ng mga bata. Nung katawagan ka namin, sabi mo pauwi ka na kaya dadaan ka na lang saglit sa bilihan ng ice cream." Sabi ni mama na nakasunod sa mga bata.

Kinuha ng mga bata ang dalawang gallon ng ice cream at itinakbo na ito sa kainan. "Careful! Baka mabagsakan ang paa niyo." Saway ko saka ko pinansin si mama.

"Nagkita kami ni Cassandra roon sa binilhan ko ng ice cream. Napahaba ang kwentuhan namin kaya medyo ginabi."

"Okay na kayo ngayon?" Tanong pa niya.

Tumango ako. "We talked a lot. Halos si Quebec lahat ang pinag-usapan namin."

Huminga ng malalim si mama. "Kamusta na kaya siya. Hindi na siya nagparamdam sa atin." Sabi pa niya.

"Nakita ko siya nung isang sa tapat ng bahay nila Ricky. Nung sinundo ko kayo para sa birthday party."

Inalala naman ni mama ang araw na 'yon saka tumango. "Talaga? Anong ginagawa niya?"

"Hindi ko sigurado. Basta pagtapat ng kotse ko sa kotse niya ay saktong nagkatinginan kami. Nakabukas kasi yung bintana ng kotse ko tapos siya nasa labas ng kotse. Siguro sinisilip ang mga bata."

Pinalo ako ni mama sa braso. "Bakit hindi ko sa akin sinabi? Saka bakit hindi mo siya hinabol?"

"Ma, hahabulin ko sana. Kaya lang ang bilis niyang pinaandar yung sasakyan niya."

"Halika na sa hapag. Ikaw na lang talaga ang hinihintay namin sa hapunan saka yung ice cream." Natawa ako sa sinabi niya at sumunod na ako sa kanya papunta sa kainan.

Pagdating ko roon ay magana nang kumakain ang mga bata at inaasikaso sila ni daddy. Hinalikan ko sa ulo si Landon na siyang katabi ko sa hapag. "Try the veggies Landon." Sabi ko ang makita ko na puro laman ng baboy ang nasa pinggan niya.

"Get me some dada." Sagot naman niya.

Kaya isinandok ko siya ng pechay, saging na saba at repolyo mula sa nilagang baboy na ulam namin. Kinain naman agad niya ang sinandok ko kaya hinayaan ko na siyang kumain ulit. Sinilip ko si Lanaia at Lancelot na may mga gulay naman sa pinggan kaya ang sarili ko naman ang pinagtuunan ko ng pansin.

"Yehey!" Lancelot said while dancing in his own chair.

Tapos na kaming kumain at inililigpit na ng mga kasambahay ang pinagkainan namin habang si mama naman ay inilabas na ang isang gallon ng ice cream.

"Salad 'yan saka chocolate. Walang chocolate lang na available doon sa binilhan ko." Sabi ko nang buksan ni mama ang lalagyanan ng ice cream.

"No problem." Sagot ni Lanaia kaya napangiti kami nila daddy.

"Dumadaldal na lalo ang mga apo ko." Sabi ni daddy habang pinagmamasdan ang mga bata na takam na takam na sa ice cream.

"Hayaan mo na daddy. Sulitin natin ang mga panahon na ganito sila. Ang bilis nilang lumaki." Sabi ko naman.

"Totoo! Ang bilis lumaki ng mga bata. Parang kailan lang nung dalhin sila rito ni Cassandra." Sabi ni mama.

Tumayo ako para kumuha ng mga platito. Inilapag ko ito isa-isa sa tapat namin at si mama na ang sumandok ng ice cream ng mga bata.

"Bukas naman ulit yung iba. Saka baka ubuhin kayo kapag sobrang dami niyong kinain." Sabi niya nang lagyan niya ng ice cream ang platito ni Landon at mukhang nakontian ito sa takal ni mama.

Hindi na lang sila umimik at nag-enjoy na lang sa ice cream nila. "What a messy eater!" Sabi ko nang makita ko na puro ice cream ang paligid ng labi nila.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko agad sila para hindi na kumalat pa sa damit nilang pantulog. Matapos nilang kumain ng ice cream ay umakyat na rin kami. Nagpalit ako ng damit saka ko sila tinabihan sa higaan.

Hindi pa sila natutulog. Naglilikot pa sila at may bago na naman silang trip sa buhay. Mag tig-isa silang unan na tatlo at ang mga paa nila ay nasa loob ng punda.

"Swim! Swim! Swim!" Masayang sabi ni Lanaia at doon ko napagtanto ang ginagawa nila.

Their acting like a mermaid. Pati si Landon at Lancelot ay kumikiwal ang katawan para magmukhang lumalangoy na sirena sa ibabaw ng kama namin. Hindi ko mapigilan na hindi matawa. Kaya nang makarating ako sa kama namin ay kiniliti ko silang tatlo.

"You all want to be a mermaid huh?!"

Tawa naman sila ng tawa sa akin. "Patayin ang shokoy!" Sigaw ni Lancelot at saka ako tinuro. Sasawayin ko sana siya pero huli na dahil kinuyog na nila akong tatlo.

"Ahhh!" Angil ko nang daganan nila akong tatlo.

"Parurusahan ka namin! Isa kang shokoy!" Dagdag ni Lanaia. Kaya ayokong nanunuod ang mga bata na 'to ng kung anu-ano eh!

Nang mapagod ako na makipaglaro sa kanila ay hinayaan ko na lang silang maglaro para mapagod at nang makatulog na. Kinuha ko ang cellphone ko sa malapit para sana maglaro pero bumungad sa akin ang text ni Cassandra.

Address ang tinext niya at may nakalagay pa na roon daw ngayon nakatira si Quebec. Sinabi rin niya na nasa akin na ang desisyon kung gusto ko siyang puntahan para subukang pigilan ang pag-alis niya at para na rin sa mga bata.

***

Matagal akong natulala bago ko tuluyang paandarin ang sasakyan ko para pumasok na sa trabaho. Pinag-iisapan ko kasi mabuti kung pupuntahan ko ba si Quebec pero ano naman ang talagang pakay ko kung sakali? Alangan namang pigilan ko siyang umalis papunta ng ibang bansa, gayong hindi naman kami okay na dalawa.

Binilisan ko na lang ang pagmamaneho sa kotse ko para makarating na ako sa restaurant pero iniliko ko rin ito papunta sa direksyon kung saan matatagpuan ang apartment ni Quebec.

Para sa mga bata.

Napailing na lang ako. Kay tagal-tagal ko pang nag-isip bago ako umalis pero heto rin pala ako, nagmamaneho papunta sa kanya.

Bahala na kung ano ang mangyari.

Buti na lang ay medyo familiar ako sa lugar na papunta sa apartment niya kaya hindi ako naligaw. Ilang beses na rin kasi akong nagawi rito nuong college pa ako. May barkada kasi ako na rito nakatira noon. Nang medyo hindi na ako familiar ay pinagtanong ko ang address na binigay ni Cassandra kagabi.

"Boy, alam mo ba kung saan 'tong Santos Apartment? Kulay green ang gate tapos may limang unit ng apartment?" Tanong ko sa binatilyong nadaanan ko.

Tumango naman siya. "Oo kuya. Ayon oh!" Sabay turo sa green na gate na tanaw na mula rito.

"Sige. Salamat." Sumaludo naman ito sa akin.

Pinaandar ko na ulit ang sasakyan ko patungo sa tinuro ng binata. Ang green na gate ay hindi ganon kalaki kaya medyo natanaw ko ang loob. Nakita ko roon ang sasakyan ni Quebec nung nahuli ko siya malapit sa bahay namin.

Bumaba ako ng sasakyan at nagtungo sa gate. Sumilip ulit ako at nakita ko na sa pagkakataon na 'to si Quebec. Masaya siyang nakikipag-usap sa isang babae na may kargang bata. Kumatok ako pagkalipas ng ilang segundo.

Umalis ako sa pagkakadungaw sa gate para hindi ako makita mula rito. May narinig akong papalapit na yabag hanggang sa pinagbuksan na nga ako ng gate. Isang batang lalaki ang nagbukas sa akin at may hawak pa siyang bola. Nasa limang taong gulang na siguro ito.

"Gusto ko sanang makausap si Quebec. Nandito ba siya?" Tanong ko sa batang lalaki. Biglang dumungaw ang babae na kausap ni Quebec kanina.

"Mama hinahanap niya si ate Quebec." Sabi ng batang nagbukas sa akin ng gate.

"Kapapasok lang sa loob ng unit niya para uminom ng tubig. Halika pasok ka." Aya naman sa akin nung ale.

Ngumiti ako at pumasok. Nakalagay din sa text ni Cassandra na unit 5 ang nakalagay sa pinto ng unit ni Quebec kaya madali kong nakita kung saan ang unit niya.

"Kumatok ka na lang sa pinto." Sabi pa nung ale at pinapasok na ang anak na naglalaro ng bola sa bahay nila.

Tumango ako at saka pumunta sa harap ng pinto ng unit ni Quebec. Bukas ang maliit na bintana pero hindi ko siya matanaw doon. Kaya naman kumatok na lang ako. Hindi rin nagtagal ay bumukas ang pinto at gulat na gulat na Quebec ang humarap sa akin.

"W-What are you doing here?" Mahina niyang sabi.

Sinalubong ko ang mga mata niya. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pangungulila ko sa kanya. Napansin ko rin na mas nagiging kamukha na siya ni Lanaia.

Humakbang ako palapit sa kanya saka ko pinalibot ang tingin ko sa maliit niyang unit. "Let's talk."

Halatang hindi niya alam ang gagawin. Siguro ay nagdadalawang isip siya kung kakausapin niya ako o paaalisin. "Upo ka na lang doon. Ano gusto mo? Coffee? Hot choco?" Balisa niyang tanong at nagtungo sa maliit niyang kusina. Di hamak na mas malaki pa ang kwarto ko sa bahay kaysa sa tinutuluyan niyang unit. Pero mas malaki naman 'to ng konti sa kwarto niya sa bahay namin non.

Pinagmamasdan ko siya habang abala sa kusina. "The kids?" Tanong niya habang naghahalo sa mug.

"Naiwan sa bahay." Maikli kong sabi habang pinagmamasdan ang apartment.

"Wala kang trabaho ngayon?" Tanong niya ulit pagkatapos kong sumagot.

"Meron. Dumaan muna talaga ako rito."

Humarap siya sa akin na nakangiti. "Let me guess, si Cassandra ang nagsabi sayo nitong address ko."

Dinala niya ang mug sa maliit na mesa na nasa likuran ng kusina niya. 'Yon siguro ang nagsisilbi niyang dining table.

"She did." Sabi ko naman.

"Halika rito. Dito ka." Tawag niya sa akin sabay turo sa upuan na katabi ng maliit na mesa. Sumunod naman ako at doon naupo.

Tumalikod ulit siya sa akin at may iba na namang ginawa. "She's getting desperate! Ayaw niya akong paalisin dito. 'Yon ang isa sa nakikita kong dahilan kung bakit ka niya pinapunta rito."

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya dahil tama siya. Pinili ko na lang na hindi sumagot at ininom ko na lang ang kape ko.

"Alam ba ng mga bata na pupuntahan mo ako ngayon?"

Tumikhim ako bago sumagot. "Hindi."

Humarap siya sa akin at naupo sa tabi ko dala ang isang mangkok na may lamang cereals at gatas.

"I'm sorry. Hindi ko natanong kung nag-agahan ka na ba. Pero alam ko kapag ganitong papasok ka sa trabaho, tapos ka na mag-agahan."

Tumango ako. "It's okay. Don't mind me. Sabay kami ng mga bata na kumain ng agahan."

Sumubo ito ng agahan niya bago nagsalita. "So now you tell me, why do you want to talk to me?" Sinalubong niya ang tingin ko sa kanya.

Quebec's POV
"So now you tell me, why do you want to talk to me?" Umpisa ko.

Huminga muna siya ng malalim at inilapag ang mug sa mesa. "Cassandra told me everything."

Nanigas ako sa kinauupuan ko. "What do you mean, everything?"

"Start from being a drug pusher to your stay in Pagudpud."

Napanganga ako. Remind me to confront Cassandra later.

"So, you understand now? The reason why I had to left the kids with you?"

Tumango siya at saka humarap sa akin. "I'm sorry."

Nag-iwas ako ng tingin. "Wala ka naman dapat ipagsorry. Sa ilang taon na tumayo kang ina at ama sa mga bata, sapat na 'yon para hindi ako magalit sayo."

"Hindi ko dapat ginawa 'yon, Quebec. Hindi dapat kita pinalayas basta-basta sa bahay ng walang paliwanag. Kung hindi ko ginawa ang bagay na 'yon, hindi ka mapapahamak." Ramdam ko ang pagsisisi sa boses niya.

"Listen Xenon. Walang may gusto ng nangyari. Naiintindihan kita dahil masyado ka lang nadala sa galit."

"Bakit hindi mo sinabi sakin na may nangyari sa atin?" Tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin. "Wala naman mangyayari kung sinabi ko sayo. Lalo na at hindi ko naman alam na mabubuntis ako. I just considered that night a one night stand. Kahit nga kila Cassandra hindi ko sinabi na may nangyari sa atin kasi wala na. Nangyari na at hindi na mababago 'yon. Saka hindi naman ako maghahabol sayo kasi baka magalit ka at sabihin mo sa akin na lasing lang tayo ng mga panahon na 'yon. That's why I chose to hide it."

"And you even hide your identity to us, as a babysitter. Naipaliwanag naman na sa akin ni Cassandra kung bakit. It's also for the safety of the kids. Pero hindi mo ba naisip na kung maaga mo lang sinabi sa akin na ako ang ama ng mga bata at ipinaliwanag mo sa akin kung bakit kailangan mapunta sila sa kamay ko, baka natulungan pa kita. Baka kung ginawa mo 'yon, hindi lumaki ang mga bata ng wala ka."

"I'm sorry. Nagdesisyon akong mag-isa. Pero masisisi mo ba ako? Ang dami kong problema nung mga panahon na 'yon. Ang tanging nasa isip ko lang para hindi mapahamak ang mga bata ay ang gawin 'yon."

Humigop ito sa kape niya bago nagsalita. "Enough with your sorry. Tapos naman na at matagal na rin na nangyari 'yon. Sabi mo nga hindi na natin maibabalik ang nangyari. Ang kailangan mo na lang gawin ay ang bumawi sa mga bata ngayon. Hindi na kita pipigilan na makasama sila. Pero gusto ko na magpakilala ka sa kanila na ikaw ang tunay nilang ina."

Umiling ako. "Ayoko. Hindi dahil sa ayoko silang makita o ano pa man. Ayoko silang harapin ngayong malapit na akong umalis. Baka magbago ang isip ko na umalis ng bansa na ayokong gawin dahil kailangan kong kumayod ng husto para kay mommy."

Hindi ito agad nakaimik. "You can try to explain to them. Maiintindihan ka ng mga bata."

Umiling ako. "Hindi ko kakayanin na malayo sa kanila kapag tuluyan na kaming nagkaroon ng koneksyon na tatlo. Kagaya na lang nuon. Nung inutusan ko si Cassandra na ibigay ang mga bata sayo. Halos hindi ko kayanin."

Huminga ng malalim si Xenon. "As the father of our kids, I'm willing to help you. Hindi kita pipigilan umalis ng bansa. Pero magpakilala ka na sa mga bata. Miss na miss ka na rin nila. Ilang babysitter na rin ang dumaan sa kanila pagkatapos mo at ngayon ay wala na naman nga silang tagapag-alaga dahil hindi magagaling mag-alaga ang mga nakukuha ko."

"I don't want your help. I don't need your help. Kahit si Cassandra, tinanggihan ko ang inaalok niyang tulong. Pinayagan naman na ako ni mommy na magtrabaho abroad. She said that she wants me to grow because she felt like it's her fault why I'm stock in this life. She told me to spread my wings and I wanna see our children when I'm not like this. I want them to meet me as their mother and at the same time I have a good background. Ayoko ng ganito. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang mo kapag nalaman nila ang mga ilegal na ginawa ko at ng pamilya ko?"

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

My Professor Από Caleb_grey

Μυστήριο / Τρόμου/ Θρίλερ

8.2K 94 37
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in...
No Escape Από Navi

Γενικό Φαντασίας

98.5K 2.6K 33
Warning spg!!! Contains. Drugs, murder. Read at your own risk. Hanggang sa kamatayan, hanggang sa kabilang buhay ayaw kitang iwanan. Xantheus...
The Divorce Από C Y N R R A

Μη-φαντασίας

26.8K 1.5K 76
In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early...
I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️] Από Rivs_Styler

Μυστήριο / Τρόμου/ Θρίλερ

3.8K 549 27
( UNDER EDITING ) Sabrina , a young 16 years old girl loves to visit the kids in the old creepy orphanage. Every kids adore her for being kind to the...