It's You [COMPLETED]

By andweaya

3.4K 353 168

Elya Kristen Llanos is a type of girl that is serious when it comes to studying. She's always in the library... More

It's You
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note

Chapter 25

59 5 12
By andweaya

Chapter 25

Kakatapos lang ng exam ko sa isang subject at last na din 'yon. So far, hindi naman ako kinakabahan sa magiging resulta dahil lumabas naman lahat ng inaral ko.

Good thing, lahat din ng nasa notes ni Kipp na mga formulas and theories sa topic namin ay nandoon! Sobrang laking tulong noon para sa akin, kung hindi, kabado ko ngayon sa magiging resulta ng exam ko sa Physics.

"Para kong hihimatayin kanina ng sinabi ni Sir na last five minutes nalang," nanghihinang sabi ni Kate pagkalabas namin ng room.

"Nasagutan mo naman lahat di'ba?"

Tumango siya at inakbayan ako.

"Tara, walwal El. Para naman bago ka mag college may experience kana," natatawang sabi niya.

"May pupuntahan kami ni Kipp, sorry bawi ako." nahihiyang sabi ko.

Nakapag promise kase ako kay Kipp na ililibre ko siya pagkatapos ng exam ko.

Napatakip pa si Kate sa bibig niya at tumili, napatingin tuloy samin yung mga nasa hallway.

"Omg, kayo ha! How to be you po?" Kinikilig na sabi niya at may pag hampas pa siya sa braso ko.

"Pinagtitinginan na tayo, huwag ka maingay." bulong ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin.

Nagpaalam nalang ako sa kanya ng makarating kami sa labas ng building namin. Tumango naman siya agad at halos pagtulakan na niya ko papaalis. Siya pa yata 'tong excited kesa sakin.

"Go, girl!"

Napailing nalang ako at natawa kay Kate. Simula ng sinabi ko sa kanya na may gusto ako kay Kipp, naging supportive na siya sakin at halos araw-araw tinatanong niya ko kung nasabi ko na kay Kipp yung nararamdaman ko sa kanya.

Hindi ko masabi kay Kipp. Baka kase mamaya, laro-laro lang 'to. Baka hindi niya ako gusto katulad ng pagka gusto ko sa kanya. Ayokong masira ang kung ano man ang relasyon namin ngayon.

Okay na ko sa palagi kaming magkasama. Iyong komportable kami kapag kami lang dalawa. Okay na ko dun, siguro.

"How's your exam?"

"Okay lang, lumabas naman halos lahat ng nireview ko."

Nandito na kami ngayon sa kotse niya. Naging ganito na rin ang set up namin, kapag uwian, hinihintay niya ko o kaya naman hinihintay ko siya sa waiting shed sa labas.

Sinimulan na niyang paandarin ang kotse. Naka jersey short siya at may knee pad siyang kulay black. Naka rubber shoes din siya at naka plain white tshirt nalang siya.

"Namiss kita, muntik na ko magselos sa mga subjects mo." naiiling na sabi niya habang busy ang tingin niya sa daan. Buti nalang sa daan siya nakatingin kundi, makikita niya ang unti-unting pagpula ng mukha ko!

Dati lang naiirita ko kapag bumabanat siya sakin pero ngayon para kong hindi makahinga!

"Kumusta yung.." come on, Elya, paganahin mo yang utak mo! "Kumusta yung training mo?"

"Magaling pa din ako, walang bago." mayabang na sabi niya kaya napairap ako.

"Baka hindi pa tapos yung training mo ha? Ako pa sisihin ng mga ka-team mo."

Madalas pala kasing tumakas 'to sa training nila para masabayan ako. Nalaman ko nalang ng may biglang lumapit samin ni Kipp nung isang araw at sinabing nagagalit na coach nila dahil bigla nalang daw siya nawala.

"Subukan nilang magalit sayo, maghihiwalay ang de-kolor sa puti."

Natawa ko ng bahagya sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Kipp ang mga sinasabi niya.

"Don't worry, tapos na kami kanina pa. Nag meeting lang bago kami pakawalan ni coach."

"Bakit pala nagte-training pa kayo, diba tapos na game nyo nung isang araw?"

Tumango naman siya at tinignan ako saglit. "Last na rin namin 'to ngayong araw, tapos focus na muna kami sa mga acads. Mukhang babagsak na rin ang mga bugok e." pinatunog pa niya ang dila niya na parang gusto niyang pagtawanan ang lagay ng mga ka-team niya.

"Gusto ko ngang magtampo sayo kase hindi ka nanood, pero alam kong susungitan mo lang ako." mapait na sabi niya at kita ko pa ang pag-ikot ng mata niya.

"May exam ako, tsaka paghahawakin mo lang naman ako ng gamit mo." biro ko.

Gusto ko naman talagang pumunta pero whole day ang exam namin. Nanalo naman sila Kipp sa game nila kaya isa rin yun sa dahilan para ilibre siya ngayon.

"Saan tayo?"

Tinuro ko ang nadaanan naming Korean restaurant. "Ihinto mo dyan."

Sumunod naman siya at hinintay ko lang na i-park ni Kipp ang kotse niya.

"Kain kana," sabi ko sa kanya habang nilalagay sa tapat niya iyong mga naluto ng baboy.

Palipat-lipat lang siya ng tingin sa akin at sa niluluto ko.

"You know what, ako na magluluto. Pagod ka kase nag exam ka kanina." aniya at gustong kunin sakin iyong tong.

Iniiwas ko iyon sa kanya at sinaway lang siya.

"Mas pagod ka kase galing training ka, kaya kumain kana dyan." sabi ko at sinenyas ko pa sa kanya na kumuha na siya.

Napabuntong hininga nalang siya at nagpatalo na. Pa sikreto ko siyang tinitignan habang kumakain siya. Halatang pagod ang lalaking 'to dahil ang lakas niya kumain. Kung hindi pa ko kumuha ng niluto ko, hindi niya ko matitirahan!

Kapag napapansin niyang gusto ko na ulit kumain, inaagaw niya sakin ang tong at siya na ang magluluto.

"Bakit ba hindi mo pa ko fina-follow back sa IG?" Reklamo niya.

Pauwi na kami at ihahatid daw niya ko. Hindi pa niya pinapaandar ang kotse dahil busy pa siya sa pagpopost niya ng picture at video namin kanina habang kumakain kami.

"Wala lang, ang dami mo ng followers dadagdag pa ba ko." sabi ko habang nagsusuklay ako. Nag-amoy usok yata ang uniform ko.

"Sus, kunwari ka pa. Palagi mo rin namang tinitignan ang story ko." nakangisi niyang sabi sakin at tinusok pa ang braso ko.

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin ang pang iinis niya.

"Baka kase ang panget ko dun,"

"Palagi ka namang maganda," namula ako agad sa sinabi niya, "huwag kalang magsusungit, nagmumukha kang dragon e." tumawa siya ng malakas kaya hinampas ko lang siya ng suklay.

Umaray siya pero halatang tuwang-tuwa siyang naasar niya nanaman ako!

"Pero kidding aside, you're beautiful. I like your face, your smile and even when you roll your eyes on me whenever I tell you things that make you mad," seryosong sabi niya sakin kaya napatigil sa ere ang kamay ko para hampasin siya ulit.

Para akong nalulunod sa mga titig niya at hindi ko alam kung paano umahon dito.

"Every time I see my name, I hear it in your voice."

Hindi ako makaimik. Wala akong maisip at blangko lang ang utak ko. Gusto kong marinig lahat ang mga sinasabi niya.

"I always thought you meant the world to me but I was wrong, El. You mean much more than that, even the universe doesn't come close."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinigpitan niya iyon ng tumingin ako sa mga kamay namin.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ako makapaniwala na naririnig ko ngayon 'to mula sa kanya.

"Hindi ka pa rin ba maniniwala?" sabi niya at kita ko sa mga mata niyang seryoso siya.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang sarili ko.

"Naniniwala ako sa lahat ng sinabi mo." napapikit ako at hinanda ang sarili ko once na masabi ko ang mga gusto kong sabihin sa kanya. " Natatakot lang ako,"

Naguluhan siya sa sinabi ko kaya napakunot siya ng noo. "Why?"

"Natatakot akong baka ako lang pala.."

"El, what is it?" madaling sabi niya ng hindi ko kaagad macompose ang sinasabi ko.

"Nakakatakot ako na baka ako lang pala 'tong nahulog," napapikit ako ng mariin ng masabi ko na iyon sa kanya.

Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak sakin ni Kipp. Ang isang kamay niya ay hinawakan ang baba ko para iangat sa kanya ang tingin ko.

"Hey, look at me." mahinahong sabi niya.

Halos mahigit ko ang hininga ko ng makitang nakatitig lang siya sakin.

"You don't have to be scared falling for me, because in the first place, I already drowned by you."

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 413 49
Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?
14.4K 1.1K 55
When Zyra Izabeaux Gaffny Roces learn how to love everything fucked up. When things was going on her way there's always a problem. She always believ...
87.4K 5.8K 59
COMPLETEDâś“ Laurie Jane Mendoza has been a brat during her highschool years. Her family, Mendoza, was known for being an elite in the society. Lumaki...
44.6K 1.4K 32
Julia Arnaize Iluestre does things beyond the ordinary. She juggles her responsibilities along her personal life. This lawyer dreams to change the wo...