MYSTICAL ACADEMY: Play with F...

Від 3umoiriety

61.8K 2.9K 667

Raini Zalana Evanescent is just a normal teen age girl not until she reached 18 and her life suddenly change... Більше

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Author's note
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35

CHAPTER 36

1.3K 43 25
Від 3umoiriety

A/N: Happy 39k Reads Mystical Academy!! Hindi ako magsasawang mag thank you sa lahat ng nag tiyaga na basahin at ipagpatuloy na basahin ang storya na ito kahit wala kayong assurance kung may chance pa ba na matapos ito. sa mga nagmemessage sa akin kayo ang dahilan bakit may chapter 36 na. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na nangungulit kayo para sa update dahil isa lang ibigsabihin non! ibig sabihin nagustuhan niyo yung story!

Ramdam niyo na malapit na ang something eme! kapag nasa mga ganitong part na alam nyo na ilang chapters nalang!

MAAGANG UPDATE PARA SA INYONG LAHAT!

RAINI

Walang mababakasan na emosyon sa itsura ko habang pinagmamasdan si Mama na katabi si Chalter sa isang sofa. Hindi ako tinapunan ng tingin ni Mama dahil ang buong atensyon na kay Chalter. Naramdaman ko ang titig ni Chalter sa akin walang kabuhay-buhay na nilingon ko siya. Halata sa kaniya na gusto niyang tumayo upang lapitan ako ngunit hindi niya magawa dahil yakap siya ni Mama.

Mama nga ba talaga ang dapat kong itawag sa taong nag-alaga at nagpalaki sa akin buong buhay ko?

Pagkatapos ng nangyari kanina dumeretso kami sa office ni Mr. Themis kasama ang tatlo pa namin guro. Si Lennox at Airlys bakas sa kanila ang pagkalito sa nangyayari ngunit hindi sila pinahintulutan na sumama sa amin.

"Ikinagagalak namin ang pagbabalik mo sa Mystical Academy, Celestia." Maluha luha na wika ni Ms. Vanadey habang nakatingin sa tinawag niyang Celestia.

Wow! Ria to Celestia real quick!

"Matutuwa si Rakki kapag nakita ka niya ulit." Nakangiting wika ni Mr. Styx

"Puwede na ba akong magtanong?" Pagsingit ko sa masayang usapan nila.

Bumaling ang tingin nilang lahat sa akin. Naiintindihan ko na walang alam ang mga teachers tungkol sa kung anong relasyon ko sa kinikilala nilang ina ni Chalter. Ako at ang itinuturing kong nanay ang dapat mag-usap tungkol dito.

Walang emosyon na tinignan ko ang kinilala kong ina sa mortal realm. Hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko na hindi ako nangulila sa kaniya. Hanggang ngayon na pinagmamasdan ko siya gusto ko siyang dambahin at yakapin pero hindi ko magawa dahil sa katanungan na gumugulo sa isip ko.

"Raini." Tumayo si Celestia at naluluhang tinignan ako.

"Oo nga pala, Raini. Siya nga pala ang Ina ni Chalter." Wika ni Mr. Thompson

Sarkastiko akong natawa at mabilis na pinahid ang luha na lumandas sa aking pisngi.

"Hindi niyo na siya kailangan pang ipakilala sa akin dahil labing-walo na taon ko na siyang kilala... " Napalunok ako. "Ngunit hindi sa pangalang Celestia kundi bilang Ria."

Naguluhan ang mga ito sa sinabi ko ngunit hindi ko iyon binigyan pansin. Gusto kong kausapin ang kinilala kong Ina. Masakit para sa akin ang natuklasan ko na hindi niya ako tunay na anak. Isa pa, nakakonsensya nang maalala ko ang kwento ni Chalter nung nakaraan tungkol sa Mama niya.

Parang may bumara sa lalamunan ko dahil hindi ko magawang lumunok. Ramdam ko ang sakit sa dibdib ko dahil hindi ko matanggap.

"Alam niyo na siguro na galing mortal realm si Miss Celestia... " Parang may bumaon sa puso ko nang tawagin ko siya sa totoo niyang pangalan.

"Raini!" Tinulungan ako ni Ms. Vanadey na tumayo nang maayos. Muntikan na kasi akong matumba dahil para akong hihimtayin sa sama ng loob.

Pero may karapatan ba ako magtanim ng sama ng loob?

"Fuck! Celestia, don't tell me... " Gulat na wika ni Mr. Styx na parang may naalala siya.

Pumikit si Celestia bago dalawang beses na tumango. "Oo, Si Raini yung batang iniligtas ko noong sanggol pa lamang siya." Napatakip siya sa kaniyang bibig at malakas na humagulgol.

Tumayo si Chalter para alalayan ang Ina. Narinig ko pa ang pagsinghap ni Ms. Vanadey sa tabi ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko dahil sa narinig. Totoo pala talaga ako yung bata sa kwento ni Chalter.

Malakas akong umiling tinakpan ang mga mata ko. Sana nananaginip lang ako, sana hindi totoo lahat ng narinig ko. Mas gugustuhin ko nalang lumaking ulila kaysa isipin na dahil sa akin may isang bata ang hindi nakaramdam ng kalinga at pagmamahal sa tunay niyang magulang dahil sa akin.

Naramdaman ko ang dalawang palad na humawak sa magkabilang braso ko.

"Raini, believe me! Sa buong buhay mo na kasama mo ako, lahat ng ipinakita at pinaramdam ko sa'yo lahat 'yon totoo! Itinuring kita na parang tunay kong anak, naramdaman mo naman 'yon di'ba?" Nanginginig ang boses na sabi nito.

Marahas na tinanggal ko ang dalawang kamay niya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa ginawa ko. Dinaluhan siya ni Chalter upang pigilan na huwag matumba. Sinamaan ko siya ng tingin habang ang mga mata ko ay punong-puno ng luha.

"Nagsinungaling ka sa akin." Mariin na sabi ko. "Kahit ano pang sabihin mo nagsinungalig ka parin sa akin!" Napapikit siya dahil sa sigaw ko.

"Raini, kumalma ka. Puwede naman pag-usapan ng maayos 'to, puwede naman sagutin ni Celestia lahat ng katanungan mo sa mahinahon na paraan." Wika ni Mr. Thompson

"Paano ako kakalma, Mr. Thompson? Sinong anak ang kakalma pag nalaman niyang hindi siya tunay na anak?! Paano ako kakalma kung iniisip ko na nawalan ng magulang si Chalter dahil sa akin?! Sige nga, sabihin niyo sa akin paano ako kakalma?!" Puno ng hinanakit na sigaw ko. "Paano ako kakalma kung nasasaktan ako?"

"Raini, makinig ka sa akin—ikikwento ko sa'yo kung paano nangyari ang lahat." Sinubakan niyang lumapit sa akin ngunit natigil siya nang umatras ako.

Umiling ako. "Ayoko muna marinig." Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak na naman.

"Ikikwento ko sa'yo kapag handa ka na, pangako." Puno ng pagsusumamo ang mata niya.

Masakit na tumango ako. "Hindi pala ako bobo noh? kasi ngayon alam ko na kung bakit ka umiiyak tuwing nakikita mo si Papa or should I say your husband."

Dumaan ang sakit sa mata at napatakip na naman sa kaniyang bibig. Muling tumulo ang luha sa kaniyang mata nang pumikit siya ng mariin. Sumandal siya sa dibdib ni Chalter at doon humagulgol.

"I–Illusion lang siya di'ba? kasi ang totoo... patay na siya." Napahawak ako sa dibdib ko nang bahagyang sumikip iyon.

"Kanino mo naman napulot ang mga yan, Raini?" Sabat ni Mr. Thompson

"Raini, please." Humakbang siya ulit palapit ngunit umatras na naman ako.

"Namatay siya dahil sa akin." Durog na durog ang puso ko pagkatapos kong banggitin iyon.

"Hindi sa ganoon, Raini–"

"Anong hindi sa ganoon?! tama na nga! hanggang diyan nalang ang pagsisinungaling mo!" Pagputol ko sa sasabihin niya. Nilingon ko si Chalter na walang emosyon na nakatingin sa akin ngayon.

"Raini, anak–" Pakiusap niya handa pa siyang lumuhod sa harap ko para lang pakinggan ko siya.

Hindi naman na talaga niya kailangan gawin ang magpaliwanag pa sa akin. Kung tutuosin ako pa nga ang may utang na loob sa kaniya.

"Huwag mo 'kong tawagin anak, mahiya ka naman sa totoo mong anak!"

Iyon ang huli kong sinabi bago tumakbo palabas. Hindi ko na kakayanin pa na huminga ng maayos sa apat na sulok na kwartong 'yon. Wala akong pakialam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Gusto ko lang pumunta sa lugar kung saan wala sila. Sa lugar na maibubuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Dito palang nagsisimula lahat ng kasinungalingan na dapat kong malaman. Umpisa palang pero parang hindi ko na kaya pang makarinig ng panibagong rebelasyon. Tama na muna siguro lahat ng nalaman ko ngayong gabi.

Habang tumatakbo isang matigas na braso ang yumakap sa bewang ko dahilan para mapatigil ako. Lalo akong napahagulgol dahil kahit hindi ko lingunin ang taong nakayakap sa akin alam ko na kung sino siya. Sa madilim at tahimik na paligid tanging ang pag-iyak ko lang ang maririnig.

"In spite of my best efforts to protect you, I guess lies is my worst enemy." Ibinaon niya ang mukha sa aking leeg.

Hinayaan ko lang ang sarili ko sa ganoong pwesto. Hindi ko alam kung anong meron ang yakap niya at unti-unting humuhupa ang sakit sa puso ko. Ipinikit ko ang mata at isinandal ko ang aking sa kaniyang dibdib.

"Hinarang ko lahat ng kasinungalingan na pwede mong malaman na alam kong makakasakit sa'yo... Siguro nga totoo yung kasabihan na walang sekreto ang hindi mabubunyag."

Wala akong sinabi at hinayaan ko lang ang sarili na makinig sa lahat ng sasabihin niya.

"Habang hinaharap mo lahat ng katotohanan, gusto kong ipaalala sa'yo na kahit anong mangyari, hindi kita iiwan." Puno ng emosyon na saad niya.

"I'm tired, Chalter."

"Then let me be your rest."

Umiling ako. "Pakiramdam ko pinagkakaisahan ako."

"Nandito ako, kakampi mo 'ko." Mabilis na sagot niya.

Bahagya akong natawa. "Siguro nga malas talaga ako."

"Swerte kita di'ba?" Medyo naiinis na sabi niya.

"Hindi ka ba galit dahil sa pagligtas sa akin ng magulang mo, lumaki kang walang nanay tapos dahil sa akin kaya hindi mo na makikita ang papa mo?" Sumisikip ang dibdib ko dahil sa konsensya.

"Bakit naman ako magagalit? kung hindi ka niya niligtas, wala ka dito kasama ko." Lalong humigpit ang yakap niya sa bewang ko.

"Sorry kung inagawan kita ng kalinga at pagmamahal ng isang magulang." Nahihiyang paghingi ko ng pasensya. Sensiridad naman ang paghingi ko ng tawad dahil masyadong mabigat sa konsesnya ko.

Lalo na nang maalala ko kung bakit matigas ang ulo ni Chalter at parang ang sama ng ugali niya sa lahat.

"Inalagaan ka ba niya ng mabuti?"

Tumango naman ako bilang sagot. "M-Minahal niya din ako na parang tunay niyang anak."

Ang kapal nga siguro ng mukha ko dahil nakuha ko pang magalit sa tunay na mama niya. Samantalang pareho silang naagrabyado dahil sa akin tapos ako pa itong galit.

"Don't worry, She's still your Mother." Malambing sa wika ni Chalter sa leeg ko.

"Yung babaeng naka red cloak–sabi na eh, pamilyar siya." Natatawang pinahid ko ang luha na lumandas sa aking pisnge.

"Hmm?"

"Siya yung tumulak sa akin sa bangin kaya ako napunta dito." Kwento ko.

Nag flashback sa akin lahat nangyari bago ako mapunta dito. Siya yung nakita ko sa mall nung bumili kami ni Shane ng TV, siya yung hinabol ko. Siya rin yung babaeng nakita kong tumatakbo sa tunnel bago mangyari ang pagkahulog ko sa bangin. Mukhang may alam siya tungkol sa akin kaya kailangan ko siyang makausap.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Chalter at hinarap siya. Nagtatanong ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Alam mo ba kung nasaan yung babaeng naka red cloak? kailangan ko siya makausap." Mabilis na tanong ko sa kaniya.

"I honestly don't know where she is, it's hard to find her. She only shows up when she wants to or when she has something important to say." Wika ni Chalter.

Naguguluhan ko siyang tinignan. "Hindi ko maintindihan. Bakit? Sino ba siya?"

Bumuka ang bibig niya para sumagot ngunit hindi na natuloy dahil sa boses na tumawag sa akin.

"Raini!"

Pareho kaming napalingon ni Chalter kay Hydra at Victoria na tumatakbo papalapit sa gawi namin. Hinahapo pa ang mga ito nang tuluyan silang makalapit sa amin. Nang makabawi natanggap ako ng isang mahigpit na yakap mula kay Hydra.

"Raini, mabuti naman at nakabalik ka na!" Naiiyak pa sambit nito.

Tumingin ako kay Victoria ngunit malungkot ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

"Totoo ba na galing kang mortal realm?" Umuwang ang labi ko sa gulat dahil sa biglaang tanong ni Victoria.

Kumalas ng yakap sa akin si Hydra at niyugyog ang magkabilang balikat ko.

"Totoo ba 'yon, Raini?" Naiiyak na tanong ni Hydra.

Tinanggal ko ang kamay niya sa akin. "Hydra, bukas nalang tayo mag-usap, bukas nalang din ako magpapaliwanag pagod kasi ako ngayon, gusto ko magpahinga." Pagod na sagot ko.

Natulala ito sa isinagot ko alam kong may gusto pa siyang itanong ngunit laking pasasalamat ko nang manahimik siya. Humakbang siya paatras sa akin at tumango.

"Saan ka matutulog ngayon?" Tanong ni Victoria.

Pareho kaming napalingon kay Chalter.

"Ayos lang ba sa'yo na sa kwarto mo muna ako matulog ngayong gabi?" Pagpapaalam ko kay Chalter.

Sandaling natulala si Chalter. "Ha?" Nabibinging tanong niya.

"Sabi ko kung pwede bang sa kwarto mo muna ako matulog ngayong gabi." Ulit ko.

Kinakabahan na napalunok siya. "Ayos lang naman." Paos na sagot niya.

"Wala naman akong gagawin sa'yo." Marahan ko siyang nginitian at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"I didn't say anything." Mabilis niyang sagot.

Nagpaalam na ako kay Hydra at Victoria laking pasasalamat ko nang hindi na sila nagpumilit magtanong kahit uhaw sila sa sagot. Sumabay ako kay Chalter sa paglalakad papunta sa bahay niya. Wala ng kumibo samin dalawang habang naglalakad kami. Hindi ko kaya maging madaldal sa ganitong sitwasyon. Naubos lahat ang lakas ko buong maghapon idagdag pa yung mga nalaman ko.

Sa umpisa nagpapakiramdaman pa kami ni Chalter kung sino ang hihiga sa kama. Parang kaming tanga dalawa habang nakatayo at nakatitig sa malaki at malawak niyang kama. Kasiya naman kaming dalawa sa kama niya kaso parehas kaming nahihiya kung sino ang unang mahihiga.

Napagdesisyonan ni Chalter na ako nalang ang matutulog sa kama niya at siya naman matutulog sa sofa na katapat ng kama niya. Malaki naman yung sofa niya pero nakakahiya parin kung papayag ako sa desisyon niya. Gusto ko pa sana magsuggest na magtabi nalang kami pero mukhang desidido talaga siya sa desisyon niya. Dali-dali pa siyang kumuha ng unan at mabilis ang lakad na pumunta sa sofa.

Hindi ko na siya kinulit pa at hinayaan ko nalang ang sarili na humiga sa kama niya. Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang makahiga ako. Napapikit ako nang maamoy ko ang mabangong amoy ni Chalter sa unan.

"Goodnight, Raini." Habol ni Chalter.

Mahina lang iyon pero sapat na para marinig ko. Hindi ko na nagawang magsalita pabalik dahil sa sobrang pagod. Ilang segundo lang at hinayaan ko ang sarili ko na magpahila sa antok.

NAGISING AKO dahil sa mabangong aroma na nanunuot sa ilong ko. Naniningkit pa ang mata ko habang tamad na bumangon sa kama. Hinanap agad ng mata ko si Chalter ngunit wala na siya sa sofa kung saan siya natulog kagabi. Dahil hindi ko siya makita mukhang alam ko na kung saan galing yung masarap na amoy. Nakaramdam ako ng gutom dahil sa amoy galing kusina.

Kinusot ko pa ang mga mata ko dahil medyo malabo pa ang nakikita ko. Umalis ako sa kama at pumunta ng kusina hindi na ako nagulat nang makita ko si Chalter na nakatalikod sa gawi ko habang abala sa pagluluto. Pinagmasdan ko ang pawisan na likod nito. Hindi ko alam bakit lagi akong kinakabahan pag nakikita ko siyang walang damit pang itaas samantalang ilang beses ko naman na siyang nakitang ganyan.

Malamang naramdaman niya ang presensya ko kaya napalingon ito sa gawi ko.

"Raini, hindi pa kita ginising kasi balak ko sana nagising ka pag luto na ang pagkain." Iniwan niya ang niluluto at nagpunas ng kamay sa kaniyang pants bago lumapit sa akin.

"Goodmorning." Bati ko nang hindi man lang ngumingiti.

"Maayos naman ba ang tulog mo?" Inangat niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay na nakalapat sa magkabilang pisngi ko.

"Maayos naman." Maikling sagot ko.

"Walang nightmares?" Malambing na tanong niya.

Napangisi ako bago lumayo sa kaniya at umupo sa vanity chair.

"Ang nightmares hindi lang nararansan kapag tulog, tulad ko..." Nagkibit balikat ako. "Gising ako pero binabangungot ako."

Umupo siya sa katabi kong vanity chair. Hinila niya ang upuan ko papalapit sa kaniya.

"Raini..." Saglit pa siyang napayuko bago ako harapin ulit. "Gusto mo bang bumalik sa mortal realm?"

Tinignan ko siya ng diretso sa kaniyang mga mata. "Mas lalo lang dadami ang katanungan ko kung tatakasan ko lahat ng problema ko."

"Handa ka na ulit harapin si Celestia?" Deretsong tanong niya.

Naguguluhan na tinignan ko siya. Bakit Celestia ang tawag niya sa sarili niyang ina? Marahil hindi pa siya sanay na tawagin itong Mama.

"Honestly, Hindi ko alam." Tumingala ako sa kisame baka sakaling mahanap ko doon ang sagot.

"I have something for you." Sinundan ko siya nang tingin nang tumayo siya mula sa kinauupuan niya.

Lumabas siya ng kusina samantalang nanatili naman ako sa kinauupuan ko at hinintay siya. Ilang saglit pa nang bumalik siya sa kusina. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na may hawak na manipis na kulay pulang libro. Umupo siya sa kaharap kong silya at marahan na inilapag sa hita ko ang libro.

Marahan kong hinaplos ang unahan ng libro saka ko ibinalik ang tingin kay Chalter. Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko na kailangan magtanong pa dahil alam kong sasabihin niya ang sagot.

Hindi ko alam ngunit may kung anong namumuong kaba sa dibdib ko habang tinitignan ang libro. Para akong kinakabahan sa pwede kong mabasa.

"The story of your parents is written inside that book." Wika ni Chalter.

Umuwang ang mga labi ko nang magbaba ako ng tingin sa libro.

"I know you have a lot of questions. But I think all your questions will be answered when you read it. Maybe by the time you read it you'll be ready to face Celestia." Hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Chalter dahil ang buong atensyon ko ay nasa libro na hawak ko.

"Mukhang mas kilala mo pa ako kaysa sa pagkakakilala ko sa sarili ko." Natawa ako nang maalala ko ang sinabi nung lalaking naka black cloak.

Totoo nga yata na hindi ko pa masyadonv kilala si Chalter. Sobrang misteryoso niya may mga bagay siyang nalalaman na tanging siya lang ang nakakaalam. Kahit ang mga teachers ng Mystical Academy pinaglilihiman niya ng mga nalalaman niya.

"You should eat." Pag-iwas niya sa sinabi ko bago tumayo at nag-ayos ng pagkakainan.

Buong hapagkain nasa plato lang ang atensyon ko samantalang ramdam ko naman ang madalas na pagsulyap sa akin ni Chalter. Ni minsan hindi ko siya nagawang tapunan ng tingin habang kumakain. Habang naglilinis siya ng mga plato na pinagkainan namin. Maingat na tumakas ako palabas sa bahay niya. Plano ko na pumunta ng library at doon basahin ang libro na ipinapabasa ni Chalter. Habang naglalakad sa hallway ramdam ko ang mga titig ng estudyante sa akin. Walang mababakas na emosyon sa akin hanggang makarating ako ng library. Puno na siguro ng pagtataka ang mga nakakita sa akin. Hindi sila manhid para hindi mapansin na may kakaiba sa akin ngayon.

Pinili ko talaga yung pwesto kung saan tago at walang tao. Makakapagbasa ako ng payapa dahil sobrang tahimik ng paligid. Ilang beses pa akong lumingon sa paligid para lang makasigurado na walang makakakita sa akin.

Huminga pa ako ng malalim bago ko tuluyan buklatin ang libro. Nanginginip pa ang daliri ko nang buksan ko ito.  Akmang babasahin ko na ang unang word nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Raini!"

Agad kong naisara ang libro dahil sa pinaghalong kaba at gulat. Dalawang segundo yatang naputol ang paghinga ko nang lingunin ko kung sino ang tumawag sa akin.

"D-Draco, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito nang makalapit ang lalaki.

Pabagsak niyang inilagay ang dalawang kamay sa lamesa at sinamaan ako ng tingin.

"Tinawag kita sa hallway kanina pero para kang bingi at hindi mo ako pinansin. Sinundan pa kita pero ang bilis mo naman maglakad. Sabihin mo nga Raini, may problema ba?" Mahabang litanya ni Draco.

"H-Hindi kita narinig." Sagot ko dahil hindi ko talaga siya narinig na tinawag ako kanina.

Siguro nga tinawag niya ako pero dahil marami akong iniisip hindi ko na napansin. Pagalit pa na umupo siya sa kaharap kong silya. Napatingin siya sa libro na nasa harapan ko.

"Ano 'yan?" Aagawin niya pa sana ito ngunit mabilis ang kamay ko at nagawa ko ito agad itago sa ilalim ng lamesa at inilapag ko sa hita ko.

"Wala 'to." Mabilis na sagot ko.

Kunot noo na tinignan niya ako. "Baka naman hindi ikaw 'yan Raini, ha? parang may kakaiba sa'yo ngayon. Parang hindi mabiro yung itsura mo sa sobrang seryoso."

"Marami lang iniisip." Tipid na sagot ko.

Napaturo ang hintuturo niya sa kisame na para bang nahulaan niya kung ano ba ang mga iniisip ko.

Ngumisi siya ng nakakaasar. "Alam ko na! Siguro pinaghahandaan mo na ang nalalapit na kaarawan ni Chalter tama ba?"

Ako naman ang naguluhan sa sinabi niya ngayon. "Ha?"

Naibaba niya ang daliri at hindi makapaniwalang tinignan ako. "Hindi mo alam? Seryoso ka ba? Hindi ako girlfriend ni Chalter pero mas alam ko pa pala."

Nakaramdam ako ng dismaya sa sarili dahil sa sinabi ni Draco. Oo nga, girlfriend nga pala ako ni Chalter tapos hindi ko alam na kung kailan ang birthday niya. Samantalang alam siguro ng buong estudyante ng Academy ang birthday niya tapos ako hindi. Paano ko siya papasayahin sa birthday niya kung marami pa akong problema?

"Kailan ang birthday niya?" Tanong ko.

"Seryoso ka pala talaga na hindi mo alam. okay, 5 days from now." Kibit balikat na sagot niya.

Limang araw? ganoon na kalapit? tapos wala akong plano! Maagang regalo na siguro sa kaniya na nakilala at makakasama niya na ang mama niya.

"Hindi ko pa alam kung anong ireregalo sa kaniya."

"Kung gusto mo lumabas tayo tapos punta tayo ng Alsorer, para makabili ka ng regalo para kay Chalter." Suhestiyon ni Draco.

Napaisip ako bago sumagot. "Hindi na, marami pa akong ginagawa."

Umirap siya sa ere. "Baka naman pwede mong ipagpaliban 'yan? First birthday ni Chalter na kasama ka tapos wala kang ibibigay sa kaniya. Sobrang importante ba ng ginagawa mo?"

"Oo." Mabilis na sagot ko.

"Mas importante pa kay Chalter?" Tumaas ang dalawa niyang kilay at hinihintay ang sagot ko.

Saglit pa akong pumikit bago sumagot. "Oo."

"Ngayon curious na ako kung ano ba yang importante mong ginagawa!" Humampas ang isang palad niya sa lamesa.

"Draco, tigilan mo nga at nasa library tayo." Tinapik ko pa ang kamay niya para lang sawayin.

"Ano nga?" Bulong niya.

"Basta!" Naiiritang sagot ko.

Kung hindi lang sana siya dumating, nagbabasa na sana ako ngayon. Baka nga tapos ko na dapat 'to kung hindi lang dumating ang kumag na lalaking ito para manggulo.

"Bakit hindi nalang si Aevi ang puntahan at kulitin mo?" Dagdag ko pa para lang umalis na siya.

"Ilang araw din kaya kitang hindi nakita, baka naman may ikikwento ka diyan?" Pang-uusisa niya pa.

"Wala! Umalis kana nga!" Pantataboy ko pa sa kaniya.

"Ang harsh mo naman!" Nagmatigas pa ito at kumapit sa upuan nang itulak ko siya.

"Nakakagulo ka lang eh!" Galit na wika ko. Nagulat pa siya dahil sa biglaang pagtaas ng boses ko.

Gusto ko sanang humingi ng tawad nang biglang may mahagip ang mata ko. Nakita ko si Viorica, Reeci, Lennox at Airlys na magkakasama. Mukhang napadaan lang sila at hindi rin nila inaasahan na makita ako. Bakas ang pagtataka sa mga mata nila habang tinitignan kami ni Draco magbangayan. Ibat-iba ang reaksyon ng apat pero alam ko na agad kung anong iniisip nila.

Lalapitan sana kami ni Lennox nang bigla akong tumayo. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa libro nang maglakad ako paalis sa harap ni Draco. Mabilis ang mga paa ko na naglakad para lagpasan ang apat. Narinig ko pa ang pagtawag ni Draco sa akin pero hindi na ako nag aksaya ng panahon para huminto at lumingon pa. Ayoko sa matanong. Ayaw ko makarinig ng tanong. Ang gusto ko lang ay tahimik na lugar kung saan pwede ako makapagbasa ng payapa.

Punong-puno ng kuryusidad ang utak ko kaya hindi ako matahimik. Sinisiguro ko na hihingi ako ng tawad sa kanila pagkatapos masolbahan ang mga problema ko. Sa ngayon hindi muna, alam kong maiintindihan nila ako. Oo, Marami akong kaibigan lalo na at nandyan pa si Chalter. Pero hindi ako yung tipo ng tao na hihilahin sila sa problema ko masabi lang na may kasama ako. Alam ko naman na nandyan lang sila kapag kailangan ko. Iba parin kung ako mismo ang haharap sa problema ko nang mag-isa.

Nakarating ako sa garden ng Academy. Hinihiling ko na sana wala ng istorbo dito. Umupo ako sa malinis na bermuda grass at nagmamadaling binuklat ang libro. Bumalik na naman ang panginginig ng kamay ko dahil sa kabang umusbong na naman sa dibdib ko.

... Hanggang sa nakita ko nalang ang sarili na nakatakip ang isang palad sa bibig para lang pigilan ang mga hikbi na gustong kumawala.

Продовжити читання

Вам також сподобається

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...