I'm Just A Babysitter (COMPLE...

By Liona_Wilhelm

82.3K 2K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... More

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 2: BONDING
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 13: AWAY
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 18: SUITOR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 22: GRIEF
CHAPTER 23: TEAR
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 25: GIVE UP
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 30: FOLLOW
CHAPTER 31: ACE CARDS
CHAPTER 32: STAY
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 38: HOME
CHAPTER 39: FOREVER DREAM
LAST CHAPTER: TWIN

CHAPTER 27: LISTEN

1.5K 42 2
By Liona_Wilhelm

Cassandra's POV
Pagkasakay ko sa kotse ko ay dumiretso muna ako sa isang grocery store bago tuluyang magmaneho papunta sa Pagudpud. Malayo rin ang byahe ko kaya kailangan ko ng konting snacks habang nasa byahe. Saka maggogrocery na rin ako para may pagkain kami ni Quebec habang nagbabakasyon ako roon.

Pagkarating ko sa grocery store ay kumuha lang ako ng kumuha ng pwede kong kainin sa daan at syempre ang mga pagkain na dadalhin ko roon. Lahat ng magustuhan ko ay kinukuha ko.

"Mahilig sa soup ang isang 'yon." Bulong ko nang makarating ako sa noodles section at kumuha ako ng ilang balot ng iba't ibang flavors ng noodles.

Nagpatuloy pa ako sa pamimili hanggang sa napunta ako sa mga junk food at candies section. Wala naman akong hilig sa mga 'yon kaya dinaanan ko lang.

"Oh!" Nagulat ako nang may yumakap sa gawing hita ko sa likuran.

Napahinto tuloy ako sa paglalakad at binalingan kung sino ang yumakap sa akin. Nang humarap ako sa kanya ay malaking ngiti sa labi ang ibinigay niya sa akin. Lalo niyang nagiging kamukha si Quebec.

Binitawan ko ang cart ko at bumaba ako para magpantay kami. "Hi baby!" Sabi ko saka ko siya niyakap. Niyakap niya rin ako pabalik at saka ko narinig ang pagtawag ni Xenon sa kanya.

"Lanaia!"

Naghiwalay din kami agad sa yakap. "Pumayat ka yata baby." Sita ko rito nang mapansin ko na hindi naman siya ganito kapayat nung huling pagkikita namin.

Nag-angat ako ng tingin nang kunin siya ni Xenon sa akin. "Hi." Alanganin kong bati sa kanya. Ngayon na lang ulit kami nagkita pagkatapos nung gabi na nalaman niya na si Quebec ang ina ng mga anak niya. Alam kaya niya ang mga pinagdaanan ni Quebec?

"Why did you run away?! Paano kung nawala ka." Medyo galit na sabi nito sa bata. Doon ko napansin na kasama rin pala si Landon pero wala si Lancelot.

Tinuro ako ni Lanaia habang nakangiti. "I saw her." Tumingin sa akin si Xenon bago inaya ang mga anak na bumalik na sa cart nila.

Sumunod naman na ang mga bata pero hindi ako nagpatinag. "Come on Xenon! Galit ka pa rin?" Mahinahon kong sabi na nagpatigil sa kanila sa pag-alis.

Bumaling siya sa akin. "Ano sa tingin mo?" Masungit na sabi niya.

Umiling ako. "Quebec is not in a good condition right now." Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan ang mga bagay na 'yon.

"Honestly, I don't really care." Masungit pa rin na sabi niya at hinila na ulit ang mga bata paalis.

Tinulak ko agad ang cart ko para sundan sila. "Talaga? Wala kang pake sa ina ng mga anak mo?"

"Wala naman siyang pake sa mga bata, kaya bakit magkakapake ako sa kanya." Sagot nito habang nakatingin sa daan.

"Akala mo lang 'yon. Ikaw lang ang nag-iisip niya. Hanggang kailan mo hahayaan na lamunin ng galit 'yang puso mo? Kung meron ditong walang pake sa mga bata, ikaw 'yon. Kasi kung may pake ka sa kanila, hahayaan mo si Quebec na magpaliwanag sayo at hindi mo siya paaalisin sa bahay niyo ng ganun-ganon na lang."

Huminto ito sa paglalakad pero sa pagkakataon na 'to ay ako na ang dumiretso ng lakad at hindi ko na sila pinansin pa. May ilan pa sana akong gustong bilin pero nawala na ako sa mood kaya dumiretso na lang ako sa cashier. Ayokong makipag-usap sa taong makitid ang utak.

Marami-rami naman na ang nabili ko kaya wala naman ng problema. Nagmamadali akong umalis ng grocery store na 'yon saka ako nagmaneho na papunta sa Pagudpud.

Xenon's POV
"Mukhang matamlay ka yata. Kanina nung pag-alis naman natin hindi ka ganyan." Sita ni mama nang mapansin niya na hindi na ako kumikibo mula kanina nang magkita kami sa cashier ng grocery store.

"Nakita ko kasi si Cassandra roon sa grocery store." Sabi ko sa kanya.

"Oh? Anong nangyayari? Kinausap ka ba niya?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Yeah. Pero saglit lang. May sinabi lang siya sa akin na sobrang nagpapaisip sa akin kaya hindi ako gaanong umiimik."

"Galit ka pa rin ba sa kanya? Sa kanila ni Quebec?" Dagdag pa nito.

"Hindi ko alam. Parang wala namang patutunguhan yung galit ko. Siguro kay Quebec meron pa rin. Kasi nangako siya na babalikan niya yung mga bata at aayusin niya yung nangyari pero ilang buwan na siyang walang pakita." Napailing ako habang abala sa pagmamaneho ng sasakyan.

Narinig kong napabuntong hininga si mama. "Ikaw naman kasi, hindi mo muna siya hinayaan magpaliwanag at pinaalis mo na lang siya basta ng bahay. Baka may bagong trabaho kaya hindi niya pa napupuntahan ang mga bata sa ngayon."

Hindi na ako kumibo ulit hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagbaba ko ng sasakyan ay natanaw ko si Lancelot na kumakaripas ng takbo mula sa loob ng bahay. Nagpaiwan kasi ito dahil sa nandito si daddy. Wala raw kasama si daddy kaya babantayan niya ito. Pero alam ko na hindi 'yon ang rason niya. Alam ko na maglalaro sila ni daddy sa bathtub habang wala kami at tama ang hinala ko nang makalapit siya sa akin ay basa ang buhok niya.

"Dada chocolates!" Bungad nito at inilahad pa ang dalawang kamay na parang nanlilimos.

Binuhat ko siya at kiniliti. "Chocolate huh! Kaya lalo kang kumukulit e." Sabi ko pa habang patuloy ako sa pagkiliti sa kanya.

"Stop!" Sigaw niya habang panay ang tawa sa kiliti ko.

"Tama na 'yan. Pumasok na tayo sa loob." Pag-awat sa amin ni mama.

Ibinaba ko na si Lancelot saka ko ipinasok ang mga pinamili namin. Pagkababa ko pa lang ng mga pagkain ng bata sa sala ay nag-uunahan na sila at nakisali pa si daddy.

"Sa mga apo mo 'yan!" Pigil ni mama rito nang kunin nito ang isang chocolate drink at binuksan agad.

Hindi naman ito nagpatinag pero binigyan naman ang mga bata ng iniinom niyang chocolate drink. Hinayaan ko lang sila saka ko inilagay ang mga stock ng pagkain namin sa kusina. Inilabas ko ang iba sa mga 'yon saka ko iniluto. Malapit na rin kasi ang tanghalian kaya dapat lang na magluto na ako. Wala naman akong pasok kaya ako ang magluluto ngayon.

Matapos ko magluto ay inasikaso ko na ang mga bata para makakain na kami. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakahanap ng bago nilang yaya dahil yung kinuha ko na yaya pagkatapos ni Quebec ay hindi pala ganon kagaling mag-alaga ng bata. Pagkatapos ng dalawang linggo ay pinaalis ko na rin dahil sa tuwing dadating ako galing trabaho ay palaging madumi ang mga bata. Kung hindi madumi hindi pa nakakakain ng maayos.

Yung sunod na nakuha ko naman ay panay ang cellphone sabi ni mama kaya ilang beses ko ng naabutan na may sugat o pasa ang mga bata dahil kapag naglilikot daw ang mga ito ay hinahayaan lang ng yaya at panay ang gamit ng cellphone. Sa huli sinabihan ako ni mama na huwag na raw muna akong kumuha ng yaya at siya na raw muna ang bahala sa mga apo niya. Nakakadala raw kasi maghanap ng yaya.

Inakyat ko na agad sila sa taas nang makakain kami. Nakipaglaro ako sa kanila hanggang sa inantok na sila at nakatulog. Pinatay ko ang tv saka ko sila tinabihan sa kama. Matutulog din sana ako kaso hindi ako makatulog kaya naman kinuha ko na lang yung laptop ko at gumamit ng internet.

Binuksan ko ang isang social media account ko para tumingin ng ilang ganap sa ibang friends ko. Habang tumitingin ng mga post ay dumaan sa feed ko ang isang post ni Cassandra. Sa post niya, nagmamaneho siya habang umiinom ng isang soft drinks. May caption ito na On The Way to Pagudpud.

May ilang comments kaya tinignan ko 'yon. Ibig sabihin nung nakasalubong namin siya sa grocery store ay papunta pala siya sa Pagudpud. Nang mabasa ko ang ilang comments ay napag-alaman ko nga na pupunta siya sa Pagudpud para magbakasyon at para dalawin ang isang kaibigan. Hindi naman niya nabanggit kung sinong kaibigan ang dadalawin niya kaya hindi ko alam.

Aalis na sana ako sa post niya na 'yon nang bigla kong mascroll pababa ang mga comments at nakita ko ang comment ni Quebec.

Quebec Martinez: See you soon.

May nakita akong reply kaya binuksan ko 'yon at nabasa ko ang maikling reply ni Cassandra.

Cassandra Arcega: Can't wait.

Wala ng reply si Quebec sa reply ni Cassandra. Parang may sariling utak ang daliri ko at pinindot ko ang pangalan ni Quebec para makita ko ang profile niya. Friend na kami dati sa social media na 'to pero nang magalit nga ako sa kanya ay tinanggal ko siya sa mga friends ko.

Kahit hindi kami friends ay nakita ko ang mga post niya. May location pa ang mga post niya at nakalagay ang Pagudpud. May litrato siya na nasa duyan siya, nasa pampang, nasa dagat o kung saan-saan pa. Teka, parang alam ko kung nasaan siya. Pamilyar sa akin ang bahay kung saan siya madalas magpicture. Ito yung rest house nila Cassandra sa Pagudpud.

Wala namang pinagbago ang itsura niya. Medyo umitim lang ito, siguro ay dahil lagi siyang nasa dagat o pampang. May post din siya na pinost niya ng disoras ng gabi. Ang caption ay work...work...work. Kung saan nasa hita niya ang laptop habang nakahiga o nakaupo siya sa kung saan.

Tumingin pa ako ng iba niyang post hanggang sa mapadpad ako sa mga post niya nung nandito pa siya sa amin. Madalas ay kasama niya ang mga bata sa picture. Ang mga anak ko naman ay mga nakapose din sa lahat ng picture nila kaya hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.

Nagscroll pa ako pababa at nakarating ako sa mga post niya na ilang taon na ang nakakalipas. Ngayon lang ako nagawi rito kahit na nung nagkainteres ako sa kanya dahil na rin sa sobrang busy ko. May isa siyang post na may kasama siyang dalawang babae. Kamukha niya ang mga ito. Akala ko nga nung una ay edit pero may triplets din pala siya.

Nilingon ko ang mga bata na mahimbing ang tulog sa kama. Tumingin ako sa comments at napag-alaman ko na Qeena at Queenie ang pangalan ng mga kakambal niya. Pero may napansin akong post niya kanina na tungkol sa dalawang babae na 'yon.

Binalikan ko ang nadaanan kong post niya kanina na akala ko ay post niya para sa isang kaibigan. Medyo kinilabutan ako nang ang post pala niya sa dalawa niyang kakambal ay pamamaalam. Ibig sabihin patay na 'tong Qeena at Queenie?!

Bumalik ako sa pinakauna ng profile niya at pumunta ako sa photos. May ilang folder doon at may folder na nakapangalan na me&mysisters. Binuksan ko 'yon at puro pictures nga 'yon ng mga kakambal niya kasama siya. May picture din siya kung saan kasama niya ang isa habang pareho silang may hawak ng frame na may laman naman ng picture ng isa nilang kapatid. Halatang kagagaling lang din nila sa iyak nito kaya sa tingin ko ay patay na ang isa nilang kapatid dito.

May litrato ulit si Quebec na mag-isa na lang siya at dalawa na ang picture frame na hawak niya. Yung isang picture na nasa frame yung nasa kanina lang din na picture at yung kasama niya na may hawak doon ay nasa isang picture frame na rin. May caption ang post niya kaya binasa ko.

Spread your wings Qeena and Queenie. For now, I'll use my feet to continue my journey. Till we meet again my angels. Guide me wherever I go.

Doon tuluyang rumehistro sa isip ko ang nangyari sa kanya. Iniwan siya ng dalawa niyang triplets sa hindi ko alam na dahilan. May litrato rin silang triplets na kasama si Cassandra at halatang close na close nilang tatlo si Cassandra.

Nang hindi ko na makayanan ang ilang nalaman ko tungkol sa kanya ay pinatay ko na ang laptop ko at pinuntahan ang mga anak ko. Isa-isa ko silang hinalikan sa nuo. Naiisip ko pa lang ang nangyari sa mga kakambal ni Quebec ay hindi ko maiwasang matakot. Ayoko dumating ang mga anak ko sa punto na isa na lang ang matitira sa kanila. Masakit para sa isang magulang ang mamatay ang mga anak habang buhay pa sila.

Quebec's POV
"Namiss kita babae!" Masayang sabi ni Cassandra nang salubungin ko siya pagkalabas pa lang niya ng sasakyan niya.

Nagyakapan kaming dalawa habang parang mga baliw na tumatawa. "Ako rin! Halika pasok na tayo sa loob para makapagpahinga ka na. Ang haba ng byahe mo." Sabi ko saka ko siya hinila na papasok sa rest house.

Hindi naman siya nagpahila sa akin at sinabing tulungan ko siyang ipasok ang ilang pagkain na nasa kotse. Ginawa ko naman ang gusto niya saka kami sabay na pumasok sa loob.

Pagod itong umupo sa sofa at kalaunan ay humiga. "What do you want? Hot choco? Coffee? Tea?"

Humikab muna siya bago sumagot. "Hot choco."

"Hot choco, coming right up!" Papunta na ako sa kusina nang may maalala ako.

"Kumain ka na bang babae ka sa daan?" Tanong ko dahil 9 na rin ng gabi.

"Oo. Pero pasuyo ako. Pakiluto ako ng cup noodles doon sa binili ko na grocery." Sabi niya at halata sa boses na parang makakatulog na ano mang oras.

"Nag-abala ka pa maggrocery. Naggrocery din ako kanina dahil alam kong darating ka. Nagpasama ako sa kapitbahay. Hayaan na nga natin! Para marami tayong stock habang nandito ka."

Pumunta na ako sa kusina at iginawa ko siya ng hot choco at nag-init ako ng tubig para sa cup noodles namin. Nung college kami ay ganito ang gawain namin lalo na nung gumagawa kami ng kani-kanya naming thesis at inaabot kami ng umaga. Nakakamiss din yung mga araw na 'yon. Lalo na at kasama namin si Qeena at Queenie sa mga panahon na 'yon.

Nang maipagtimpla ko siya ng hot choco at naluto na ang cup noodles namin ay dinala ko ito sa sala kung nasaan siya gamit ang isang tray. "Kain ka na. Sigurado ka na cup noodles lang ang gusto mo? Nagluto ako ng fried chicken kanina. Pasensya ka na, hindi kasi ako gaanong marunong magluto ng ibang ulam. Prito lang ang kaya ko."

Tumawa ito saka bumangon mula sa pagkakahiga. "Alam ko naman 'yon. Saka busog naman ako, ayos na ako sa cup noodles. Gusto ko lang mainitan yung tiyan ko."

Tumango ako at tumabi sa kanya. "Anong naisipan mo at kumuha ka ng isang linggong bakasyon?"

Humigop muna ito ng hot choco bago sumagot. "Alam kong malungkot ka rito. Saka busy din naman ako nitong mga nakaraang linggo kaya tingin ko, deserve ko naman ang isang linggo na vacation leave."

"Ako? Malungkot? Hindi naman. Masaya naman ako rito kasi mababait ang mga kapitbahay."

Tinignan niya akong mabuti. "Weh? Kahit malayo ka sa mga anak mo? Ayos lang sayo?"

"Syempre hindi. Pero ganon talaga. Kailangan ko munang maghilom. Kasi ayokong magpakita sa kanila ng nawawala na ako sa sarili dahil sa dami ng problema."

"You're now healed. Itsura mo pa lang, alam ko na naghilom ka na. Saka kilala kita, alam ko kung kailan ka stress na stress at kung kailan ka hiyang sa ginagawa mo."

Sumubo muna ako ng noodles bago ko siya sinagot. "Sa tingin mo, oras na para magpakita ako sa mga bata?"

Tumango siya. "Why not?"

"Si Xenon lang naman ang inaalala ko. Baka ilayo niya sa akin ang mga bata kapag nilapitan ko sila."

Umirap siya. "Hayaan mo ang lalaki na 'yon. May karapatan ka sa mga bata. Kahit nga maglaban kayo sa korte, may chance na ikaw pa rin ang manalo."

"Susubukan ko. Lalo na at natanggap ako sa ibang bansa bilang teacher. Para bago man lang ako umalis ng Pilipinas, makasama ko sila."

Nabitawan ni Cassandra ang tinidor. "Aalis ka?"

I nodded. "Kulang kasi yung ipon ko para sa pyansa ni mommy. Kailangan kong magtrabaho abroad para mas mabilis kitain yung kulang."

"Mukhang wala naman akong magagawa para pigilan ka. Kaya naman kitang pautangin kasi! Bakit kailangan mo pang umalis ng bansa?!"

"Hayaan mo na lang ako. Kailangan ko ring tumayo sa sarili kong mga paa, Cassandra."

"Whatever. Iiwan mo na naman ang mga anak mo."

"I have no choice. Just like before."

Continue Reading

You'll Also Like

252K 5.7K 54
COMPLETED STORY Vivien, a brat who came from a wealthy family got assigned to babysit a child. Vivien is known to be a spoiled woman who's always spe...
67.6K 1.5K 47
He's gay and he knew that he is still VIRGIN. But a stranger told him that he is the father of their child. What will he gonna do? Genre: Humor #4 hi...
My Professor By Caleb_grey

Mystery / Thriller

8.2K 94 37
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in...
139K 3.7K 59
"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niy...