It's You [COMPLETED]

By andweaya

3.9K 355 168

Elya Kristen Llanos is a type of girl that is serious when it comes to studying. She's always in the library... More

It's You
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note

Chapter 23

67 9 8
By andweaya

Chapter 23

"May lecture ka dito, El?" tumango ako kay Bea at pinahiram muna sa kanya ang notebook ko.

Nandito ako ngayon sa room, lahat kami ay nag stay nalang dito para magreview. Next week na kase ang midterms at kailangan naming pumasa doon. Graduating students na kami kaya hindi na pwede ang chill lang.

Well, palagi naman akong seryoso pagdating sa pagtetake ng exam, o quizzes. Ayokong maapektuhan ang scholarship ko.

"Kain muna kaya tayo?"

Busy ako sa pagha highlight ng mga keywords para aaralin ko nalang mamaya.

"Kahit ikaw nalang muna, Kate." sabi ko.

Kinuha niya ang isang bakanteng upuan at pumunta sa harapan ko. Umupo siya doon at nagpangalumbaba nalang siya.

"Tara na, saglit lang naman tayo kakain."

Napabuntong hininga nalang ako at pumayag. Inayos ko lang saglit ang gamit ko. Hindi ko nalang siguro dadalhin ang bag at libro ko tutal nandito din naman mga kaklase namin.

Dala ko lang ay iyong cellphone at wallet ko.

"Sayang kasabay ng exam natin ang game nila Kipp."

May game sila? Akala ko last game na nila nung nakaraan.

"Friendly competition lang ng ibang university, pero sayang pa din." Pagpapatuloy ni Kate.

Simula nung nagpunta kami ni Kipp sa Tagaytay ay hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpaparamdam. Baka busy rin sa training.

Napailing ako ng iniisip ko nanaman siya.

"Burger nalang sakin, sayo El?"

"Same nalang," tipid kong sagot at nilibot ang paningin ko sa canteen.

"Uy, hinahanap yung kadate niya nung Saturday." nanlaki ang mata ko sa panunukso ni Kate at sinenyasan siyang hinaan niya ang boses niya.

"Wag ka maingay, tsaka hindi date yun." saway ko sa kanya at tinignan ko pa kung may nakarinig.

"Sus, no need na para itanggi. Ikaw ang puro laman ng IG story ni Kipp, kaya halos lahat dito alam na girl." nakangising sabi niya pa.

"N-Nasa IG niya?" Gulat na sabi ko.

Tumango siya at pabiro pa kong tinulak. "Ikaw ha, gusto mo rin pala ng engineer." natatawang sabi niya.

Agad akong nagbukas ng IG account ko pero narealize kong hindi ko alam ang username niya.

"A-Ano username niya?" nahihiyang sabi ko. Paniguradong tutuksuhin nanaman niya ko!

Ngumisi nanaman siya, "kippblair"

Agad kong tinignan ang account niya.

104 following • 3579 followers

Hindi na ko nagulat na marami siyang followers. Agad kong tinignan ang story niya at iisa nalang ang nandoon, 2 days na rin naman kasing lumipas kaya wala na yung 'ibang' sinasabi ni Kate.

23 hours ago na ang story niya na yun at kahapon lang niya pinost. Iyon yung video niya sakin na naghihintay ako sa bench ng bumili siya ng drinks namin. Papunta na siya sa pwesto ko nun sa video.

Teka, hindi ko alam na may ganito akong video sa kanya!

"I miss you already, wait for me to come to you again, ayieee ang tamis ha!" pagbasa ni Kate sa caption ni Kipp sa video.

Nag-init ang pisngi ko ng mabasa ko rin iyon at parang may kung ano sa tiyan ko. Agad kong inexit ang IG story niya at pinatay ang cellphone ko.

Bakit kailangan ganon ang caption niya?!

"Kayo na ba?" masayang sabi ni Kate sa gilid ko.

Umiling ako, pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko ngayon. "H-Hindi no,"

"Pa showbiz kayo ha!"

Simula kanina ay nahirapan akong mag focus. Kase ngayon lang sakin nag sink in na kaya pala nagngingisian ang mga kaklase ko at yung ibang estudyante dito ay nakatingin sa akin ay dahil dun sa IG story ni Kipp nung umalis kami.

"I don't date friends."

Pilit kong iniling ang ulo ko ng marinig ko nanaman ang boses niya.

Talaga bang gusto niya ko? Natatakot ako. Wala naman kase akong experience sa mga ganyan. Crush lang ang alam ko at wala akong balak umamin doon. Tapos si Kipp, may biglang ganito na.

"Ano, kaya pa sis? May klase pa tayo nyan, maya na review." naputol ang pag-iisip ko ng magsalita si Kate.

Tumingin ako sa oras at malapit na nga ang next subject namin.

Umattend lang kami ng dalawa pang subject bago mag dismissal. Buong araw ay walang Kipp na nagpakita at nang inis ng araw ko.

Bigla tuloy akong nanibago. Buong araw na hindi ako umiirap dahil sa mga korning jokes at mga banat niyang nakakainis.

"Una na ko Elya, ingat!" kumaway ako kay Kate ng umalis na siya.

Ang sakit ng ulo ko sa dami kong inaral ngayon. Nahihirapan ako sa Physics kaya matagal akong nagreview dun kanina.

Hanggang sa makasakay ako ng jeep ay walang Kipp na nagparamdam.

"Ma, Pa, pasok na po ako." pagpapaalam ko kinabukasan.

Palabas na ko ng pinto namin at nakita ko si Kipp na nakatayo sa labas.

"Good morning," bungad niya ng makita ko.

"Anong ginagawa mo dito?" nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.

Naka jersey short lang siyang color black and green ang lining, tapos naka rubber shoes at plain white na tshirt. Napansin ko ring dala niya ulit ang drawing tube niya.

Akala ko ba nagte-training siya? Bakit dala niya pa rin ang mga plates niya.

"Sabay na tayo pumasok," aniya at nauna ng maglakad.

"Ha? Bakit?" tanong ko at sinundan siya papuntang kanto.

"Anong bakit? Sabay tayo kase sabay tayo." walang kwentang sabi niya.

Pinagbuksan niya ko ng pintuan ng kotse niya nang makarating kami sa pinag park-an niya.

Sumakay nalang ako doon para iwas pakikipagtalo sa kanya. Ayokong umagang-umaga ay matetest na agad ang pasensya ko. Marami pa kong aaralin.

"How are you?" tanong niya at saglit na sumulyap sakin bago niya paandarin ang kotse. "Hindi kita nakita kahapon, busy sa training, tapos sa plates tsk."

Ah, kaya pala.

"O-Okay naman. Nagrereview lang for midterms." sabi ko.

Pinaglaruan ko nalang ang daliri ko. Nakita ko pang tumango siya sa sinabi ko.

"Baka may hindi ka naiintidihan sa topics, I'll help you."

Oo nga pala, STEM student din siya dati at engineering ang degree na kinuha niya ngayon. Di hamak na mas alam na niya ang pinag-aaralan ko.

"Sa g-general physics lang, medyo nalilito ako." pag-amin ko.

"Physics? Meron ako sa bahay na reviewer, bigay ko sayo." nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. Malaking tulong yon! "Ginawa ko yun dati, nilagay ko lahat ng theory, laws and formulas para madalian ako. Alam ko rin kasing magagamit ko sa college." natatawang sabi niya.

"S-Seryoso? Papahiram mo sakin?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya at tinignan ako. "Of course, ikaw pa ba, malakas ka saken e." pabirong sabi niya.

"Hala, salamat. Isosoli ko rin agad, promise!" nakangiting sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam na si Kipp pa pala ang sasalba sakin ngayon sa subject ko. Mahina kase talaga ko sa Physics kase nalilito ako.

"It's okay, you can keep it. Kung gusto mo, turuan kita kapag nahihirapan ka," alok niya. "Basta text mo ko o tawagan para makatakas muna sa practice." natatawang sabi niya at may binulong pa siya kaya hindi ko narinig.

"Hindi na, okay na yun. Salamat talaga, Kipp." Pagtanggi ko. Ayoko namang iistorbohin ko siya para lang magpaturo.

"Can you say my name again?"

Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo. Diretso lang ang tingin niya sa daan.

"Ano?"

"Say my name again."

"Bakit?"

"Please, El." seryosong sabi niya at halos tumalon ang puso ko sa bilis ng tibok nito ng banggitin niya ang pangalan ko.

Lumunok ako at umayos ng upo.

"Kipp?"

Ngumiti siya ng malawak at kita ko sa mga mata niyang masaya siya. Hindi ko alam kung para saan yon pero mas nag focus ako sa tibok ng puso ko ngayon.

Delikado 'to.

"I like it when you say my name."

Delikado 'to, Elya.

Continue Reading

You'll Also Like

175K 2.4K 65
Coleen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give i...
216K 4.6K 55
The original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya nama...
41.4K 1.1K 43
📖 Read Jigsaw Hearts then Love Scars before reading this if you don't want to be spoiled 📖 [Labruska Twins' story] "I love you, Deus and it hurts s...
7.1K 210 33
(Paradise Series #2) Take a risk or you won't be happy. [Cover are not mine. Credit to the rightful owner.] Date Started: November 23, 2020 Date Fini...