Starry Starry Love Series 5 :...

By Dontshitonme

13.4K 1.2K 116

Isa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangala... More

Author's Note
Starry Starry Temple
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Finale
Cythia's adoptation

Chapter 10

354 32 4
By Dontshitonme

DRUNK

"Mas masarap ka pa magluto kaysa sakin ah,"sita ni Danica ng matikman ang niluto nitong pinakbet na siyang itinuro niya rito kung paano iyun lutuin.

"Totoo?!"nagniningning ang mga mata nito turan.

"Totoo...kaya congrats!"tugon niya rito.

Kitang-kita sa mukha ng binata ang tuwa.

Nagtaas ito ng kamay sa harapan niya.

"Apir tayo! Nakita ko 'to ginagawa kapag masaya!"saad nito.

Natawa na lang siya sa kainosentehan nito. Nakipag-apir naman siya rito.

"Salamat,Master!"anito.

Natigilan siya sa sinabi nito.

"Saan mo naman natutunan yan?"

"Sa napanuod ko,"agad nito sagot.

Hindi na siya magtataka dun mabilis ang memorya nito at hindi ito normal na nilalang.

"Gusto ko tikman 'to!"

Napaangat siya ng tingin sa binata at makitang may hawak itong isang bote ng alak. Isang mamahalin alak.

"Meron ka niyan dito?"mangha niyang tanong rito.

Kahit papaano pamilyar siya sa mga alak na lalo na ang hawak nito. Isang vintage na inumin.

Sinipat nito ang hawak na bote.

"Meron na dito bago pa ko makababa dito sa lupa,"tugon nito.

Napatango-tango na lang siya.

Binuksan nito ang bote at nagsalin sa baso na kinuha nito na hindi man lang niya namalayan.

Namangha siya na makita ang malacrystal na likido na bumuhos sa baso niya.

"Cheers!"pagtaas nito sa ere ng hawak nito baso.

Agad na pinagpingkis niya ang mga baso nila.

Manamis-namis na mapait ang lasa pero minsan lang siya makatikim ng vintage na inumin.

Natigilan siya ng makitang nagsasalin na muli sa baso ang binata.

"Ang sarap nito!"saad nito habang nagsasalin sa baso nito.

Hindi naman siguro ito malalasing.

Wine naman ang iniinom nila kaya imposible malasing sila unless na lang kung mahina ang alcohol tolerance nila.

"Hindi ka naman siguro malalasing dyan?"untag niya rito ng magsalin muli ito sa baso nito.

"Nakakalasing ba 'to?"natigilan nitong saad.

Napakurap-kurap siya sa kainosentehan nito.

"Depende,pero baka naman hindi saka wine naman yan,"tugon niya.

Tumango-tango ito at muli nagpatuloy sa pagsalin ng alak sa baso nito.

Natapos na sila sa pagkain at ginawa ng tubig nito ang wine.

"Ang sarap talaga mamuhay dito sa lupa!"bulalas nito sabay tawa sa huli.

"Huwag mo sabihin...?"

Tumawa ito habang nagsasalin ng wine sa baso nito kahit wala na bumubuhos roon hanggan sa silipin nito ang loob ng bote.

"Wala na?"

Hindi siya sigurado kung nalasing ba ito o inosente lang ito?

"Bakit ubos na?"saad nito sabay na pagnguso nito.

Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi niya alam kung natutuwa ba siya sa kainosentehan nito o maiinis siya.

"Inom ka na lang ng tubig,"aniya.

Nakanguso pa rin ito na tumingin sa kanya.

"Hindi naman masarap yung tubig eh,walang lasa. Ito masarap!"

"Lasing ka ba?"

Tumitig ito sa taas na tila pinakikiramdaman ang sarili. Hindi makapaniwala na nakatitig lang siya rito habang pinakikiramdaman nito ang sarili.

Mayamaya pa ay nagkamot ito ng ulo saka binalik sa kanya ang mga mata nito.

"Paano mo masasabi kung lasing ka na?"inosenteng tanong nito.

Napabuga na lang siya ng hininga. Mabuti naman at hindi naman ito nalasing.

"Kapag hindi mo na alam ang sinasabi at ginagawa mo,"sagot niya.

"Ahh..alam ko naman ang sinasabi ko eh,"anito sabay ngiti sa kanya.

"Mabuti naman.."aniya. "Ako na maghuhugas ng pinagkainan natin tutal ikaw naman ang nagluto,"sabi niya rito.

"Okay lang sayo?"

"Oo,"aniya saka niya niligpit ang mga pinagkainan nila.

"Sigurado ka? Pero kasi bisita kita?"

"Ayos lang,sige na..ako na dito,"aniya.

"Hmmm..okay,basta tawagin mo ako kapag kailangan mo ng tulong,"anito.

"Oo,"agad na tugon niya.

Masaya ito umalis at iniwan siya mag-isa.

Mabilis naman siya natapos sa paglilinis sa kusina kaya agad na hinanap niya ang binata para magpaalam na rin.

Wala sa salas ang binata.

"Nasaan kaya yun?"usal niya sa kawalan.

"Kennet?!"pagtawag niya sa pangalan ng binata.

"Uuwi na ko!"malakas na sabi niya sakali na marinig siya nito.

Tatawagin niya sana muli ang pangalan nito ng bigla may kung ano bumagsak sa likuran niya. Isang pares ng tsinelas iyun. Mula sa pagkakatitig niya roon dahan-dahan umangat ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa nakikita niya.

Napaawang ang mga labi niya ng makitang nakalutang sa ere ang binata.

"Pwede paabot ng tsinelas ko?"nakangiti nitong pakiusap sa kanya.

Napakurap-kurap siya. Hindi siya makapaniwala na nakalutang talaga ito sa ere!

"B-bakit ka nakalutang dyan?"maang niyang tanong rito pagkaraan.

Tumawa ito na tila tuwang-tuwa na nakalutang ito sa harapan niya.

Naka-indian seat ito habang nakalutang pa rin sa harapan niya.

Alam niyang hindi ito normal na tao pero hindi pa rin kapani-paniwala na talagang literal ito nakalutang sa harapan niya!

"Gusto mo din ba lumutang?"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"H-hindi ko kaya lumutang,"aniya.

"Oo nga pala! Tao ka nga pala!"saad nito sabay tawa.

Napasinghap siya ng tumayo ito at nagpalutang-lutang at umikot-ikot sa kanya.

"Ang saya talaga lumutang!"masaya nitong sabi na patuloy pa rin sa pag-ikot-ikot sa kanya.

Kung hindi lang talaga nito sinabi na kakaiba ito baka nahimatay na siya.

Mayamaya pa ay tumigil ito sa pag-ikot-ikot.

"Nahihilo ako,"turan nito sabay sapo sa ulo nito.

"Kakaikot mo yan,"saad niya.

"Hindi naman ako nahihilo kapag nagpapalutang ako o nagpapaikot-ikot eh.."

Napatitig siya rito.

"Sure ka?"

"Oo..bigla ako nahilo pero di ko lang pinansin kanina,"agad nito sagot.

"Mabuti pa bumaba ka na dyan,"saad niya.

Agad naman ito sumunod sa kanya pero pagkaapak nito sa sahig bigla na lamang ito nabuwal. Nabigla siya sa nangyari kaya agad niya ito dinaluho para tulungan ito tumayo.

"Okay ka lang ba?!"

Nang bumaling sa kanya ang mga mata nito natigilan siya.

"Ang ganda mo talaga!"saad nito.

Nanlaki ang mga mata niya sinabi nito.

Napasinghap siya ng lumapat ang isa nitong palad sa pisngi niya.

"Nagandahan na ko sayo noong una pa lang!"nakangiti nito sabi.

Tila wala na ito sa sarili huwisyo habang nagsasalita.

"Alam mo ba yang pinagsasabi mo?"

"Alam mo ba gusto kita?! Hindi dahil maganda ka!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sunod nito sinabi.

He's drunk!

"Sigurado ako kaya pinili nila dito kasi magaganda ang mga babae dito pero mabait!"anito sabay tawa sa huli.

"Maganda ka na ang bait mo pa!"

Lalo kumabog ang dibdib niya sa pinagsasabi nito.

"Lasing ka,kennet.."wika niya rito.

Tumawa ito at tila hindi narinig ang sinabi niya.

Nakangiti ito habang titig na titig sa kanya ang mga mata nito.

"I can't believe of this...nalalasing ka din pala,"usal niya upang maibsan ang awkward na nararamdaman niya.

Tumatawa pa rin ito habang nakatitig pa rin ito sa kanya.

"Kaya mo bang tumayo?"

"Gusto mo ba lumutang?"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Hindi..doon ka sa sofa ititimpla kita ng kape,"aniya.

Napatili siya ng malakas ng bigla na lamang siya nito yakapin at magkasama na nakalutang sa ere habang papunta sa may sofa.

"K-kennet..b-baka mahulog tayo!"nahihintakutan niyang sabi.

Tumawa ito at malakas siya napatili ng mas lalo sila tumaas sa ere. Ubod ng higpit ang yakap niya tuloy sa binata.

"Kennet! Bumaba na tayo!"

Tumawa ito at mas lalo sila tumaas sa ere.

"Kennet!!!"tili niya.

Tumatawa naman ito habang yakap siya na nagpaikot-ikot sa ere.

"Siraulo kang alien ka!!!"tili niya na natatabunan ng malakas nitong tawa.

Continue Reading

You'll Also Like

119K 5.1K 41
Princess Haizel Clarenz-Darius,she's a sweet girl but very naughty girl nang ipadala siya sa mundo ng mga tao,iba ang naging trip niya sa buhay. Imbe...
10.4K 354 29
Meet Atena Louvre, Ang mabuting kaibigan ng Isang Marian Alonzo. Bilang kaibigan. Naisipan nitong siya na muna ang temporary na magtatrabaho sa pina...
873K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...