Chapter 15

308 36 4
                                    

SAD

Hindi alam ni Kennet kung paano niya sisimulan na kausapin si Danica. Tahimik kasi ito habang magkaagapay sila palabas ng building na pag-aari ni Wendell.

She's hired now. He's happy for her pero pakiramdam niya hindi masaya ang dalaga roon.

Napabuga siya ng hininga. Nasa labas na sila ng building ay hindi pa rin umiimik ang dalaga.

"Danica, "pagtawag niya rito.

Tila naman natauhan ang dalaga at napakurap-kurap ito na bumaling sa kanya.

"Galit ka ba sakin?"tanong niya rito.

Tumitig sa kanya ang dalaga at iyun na naman ang bilis ng tibok ng puso niya.

Binawi niya ang mga mata rito dahil mas tumitindi ang tibok ng puso niya kapag tumagal pa ang pakikipagtitigan niya rito.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito kaya pasimple na nag-angat siya ng tingin rito.

"Nagugutom ako,"saad nito na nagpaangat sa kanya ng tuluyan ng mukha rito.

"Hindi ka pa nag-aalmusal?"

Umiling ito saka muli bumuntong-hininga.

"Hindi eh,isang subo lang ata ako kanina sa bahay.."sagot nito.

Agad na nakita niya ang lungkot sa mga mata nito pero kaagad din nawala. Kahit hindi nito sabihin sigurado siya ang pamilya nito ang nagpapalungkot rito.

"Tara sa bahay! Ipagluluto kita ng hotdog! Marunong na pala ako magprito ng itlog!"

"Talaga?"

Nakangiti na tumango siya ng sunod-sunod. "Oo! Tara sa bahay!"masigla niyang sabi at excited na din siya ipakita rito na marunong na siya magprito ng itlog.

Luminga-linga ang dalaga na tila naghahanap ito ng masasakyan nila pauwi sa bahay niya pero hindi na siya makapaghintay pero tiniyak muna niya na walang sinuman ang makakakita sa gagawin niya kaya mabilis na inabot niya ang kamay ng dalaga na nagpalingon nito sa kanya.

Hindi pa man ito nakakakurap nasa salas na sila ng bahay niya at doon lang nakapagreak ang dalaga. Napasinghap ito ng malakas.

"Excited na ko ipagluto ka ng itlog eh!"aniya.

Nanlalaki ang mga mata nito marahil sa kabiglaan.

"A-anong gi--"hindi na nito tinuloy pa ang sasabihin nito na tila may naalala ito.

Napabuga ito ng hininga. "Hindi ka nga pala tao.."usal nito na kinangiwi niya.

Napakamot siya sa ulo ng paningkitan siya ng mga mata ng dalaga saka ito humalukipkip.

Agad siya nakaramdam ng kaba.

"Talagang ginawa mo pa sa pampublikong lugar ha? Hindi ka ba nag-aalala na baka may makakita satin o sa ginawa mong yan? Pwede ka mapahamak kapag may nakaalam kung ano ka,bituin!"mariin at sermon nitong sabi.

Imbes na matakot siya sa sinabi nito natuwa pa siya.

"At ano ang nginingiti-ngiti mo dyan?"pataray nitong sita sa kanya.

"Natutuwa lang ako dahil tanggap mo na isa akong bituin at may pag-aalala ka sakin,"masaya niyang sabi.

Bigla nagbago ang matapang nitong anyo. Napalitan iyun ng pagkailang.

"Syempre,ayoko lang mapahamak ka..utang ko ang buhay ko sayo kaya dapat lang naman,"saad nito sa malumanay na tono.

Mas lalo siya nakaramdam ng tuwa.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now