Chapter 11

301 30 1
                                    

SORRY

Maligalig.

Kanina pa hindi mapakali si Kennet dahil natandaan niya ang lahat na nakakahiyang ginawa niya.

Hindi niya dapat iyun ginawa.

Paano na lang kung magalit si Danica sa kanya? Sabihin na ayaw na siya nito makita pa?

Eh di balik ka na sa templo..

Natigilan sa pag-iisip si Kennet ng sabihin iyun ng kanyang isip.

Ayaw niya. Ayaw pa niya bumalik sa templo.

Hingi ng sorry..

Tama. Kailangan niya humingi ng sorry sa dalaga.

Nagmamadali na lumabas siya ng kabahayan at segundo lang ay nasa labas na siya ng malaking bahay ng dalaga.

Bigla siya nakaramdam ng hiya at...takot?

Kinakabahan marahil pero bakit kailangan niya makaramdam ng takot?

Mabilis ang tibok ng puso niya halos hinahabol na niya ang paghinga kaya kinailangan niya humugot ng malalim na hininga.

Nang magkaroon na siya sa tingin niya ng lakas ng loob bumukas ang malapad na gate at ugong ng sasakyan na papalabas mula roon. Pumihit siya sa pagilid upang makaraan ang kotse na kulay pula.

Bumaba ang bintana ng kotse at isang mukha ng babae ang sinisipat siya.

Agad na iniwas niya ang paningin rito at binaling sa malaking bahay ang mga mata niya. Hindi siya lumingon ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng kotse at ang papalapit na yabag mula sa babae.

"Excuse me?"untag nito sa kanya.

Hindi niya ito nilingon.

"May kailangan ka?"

Doon na niya ito nilingon.

Napakurap-kurap ang babae ng harapin na niya ito.

Maganda ang babae at matangkad pero sa klase ng pananamit nito alam niyang hindi niya ito tipo.

"Ahm,may hinahanap ka ba?"may palakaibigan nitong tanong sa kanya makikita sa mga mata nito ang pagkamangha.

Ngumiti ito sa kanya pagkaraan. "Baka makatulong ako sayo,"malambing nitong sabi.

"Kennet?"

Mabilis na napalingon siya ng marinig ang pagtawag sa kanya ng pakay niya.

"Danica!"bulalas niya sa pangalan nito saka mabilis na lumapit sa kinatatayuan nitong maliit na gate.

Kunot ang noo nito sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong nito sa kanya sabay sulyap sa babae na nasa likuran niya.

"Magkakilala kayo?"tanong ng babae at mahihimigan ang pagkadisgusto roon.

Wala ng emosyon ang mukha ng dalaga kaya nilingon niya ang babae.

"Magkakilala kayo?"tanong nito sa kanya ng makaharap siya rito.

"Oo,magkakilala kami,"tugon niya rito.

Ramdam na ramdam niya ang kalamigan na pakikitungo ng dalawang babae kasama niya.

"Magkakilala lang?"duda nito na nakatikwas ang isa nitong kilay.

"Boyfriend ko siya,"untag ni Danica na kinalingon niya rito.

Blanko pa rin ang mukha nito ng lingunin niya.

Deretso ang tingin nito sa kaharap na babae.

Isang mapang-uyam na tawa ang nagmula sa babae.

"Boyfriend? So? Nakipagtanan ka nga talaga tapos bumalik ka pa,"mapang-uyam nitong sabi.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora