Reincarnated as a Shameful No...

By RenXieyin

128K 5.8K 599

Reincarnated Series #1 "Art defines the mood and emotion of the creator." A soul from the human world reinca... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1: Her death
Chapter 2: She's in danger
Chapter 3: Blood
Chapter 4: Young Lady
Chapter 5: Missing
Chapter 6: Winter Curse
Chapter 7: Fight them
Chapter 9: Anger
Chapter 10: Dead and alive again
Chapter 11: Poisoning
Chapter 12: The duchess
Chapter 13: The secret room
Chapter 14: Dream
Chapter 15: Free from chain
Chapter 16: Hiding it
Chapter 17: Mana
Chapter 18: Name
Chapter 19: Fate
Chapter 20: Fajilan Tribe
Chapter 21: Restaurant
Chapter 22: Summoning Aria
Chapter 23: Success?
Chapter 24: Mission accomplished
Chapter 25: On their travel
Chapter 26: Zulric Inn's owner
Chapter 27: Because of him...
Chapter 28: Stress

Chapter 8: Plan

5K 251 15
By RenXieyin

Vincent Silveria
   
    "Hands off, dog."
   
    Napakurap ako. "Pardon?"
   
    "Oh, ayaw mo ng dog? Sabi mo kahit ano'ng itawag ko sa'yo ay okay lang? So, bakit parang nagrereklamo ka?"
   
    Napabuntong hininga ako. Every single day... She's getting more and more rude. Nakukuha pa niyang irapan ako.
   
    "Efimia, sa tingin ko ay hindi na akma ang ipinapakita mong ugali para sa isang noble. Anak tayo ng duke kaya—"
   
    "Anak? Coming from you? Kailan pa ninyo ako itunuring na Silveria? It's because that I'm useless? Na hindi ako maipagmamalaki ng ating angkan ganu'n ba?"
   
    "It's not li—"
   
    "Leave."
   
    Napatigil ako. She's glaring at me. Dati hindi niya kayang gawin ito because all she can do is to beg and cry.
   
    How can she just say that? Me? Leaving? Ako dapat ang nagpapaalis sa kaniya at hindi siya.
   
    "Fine, stay here as you like. Baka magsumbong ka na naman sa mama mong siraulo." Napantig ang tenga ko.
   
    Siraulo?
   
    "Look, I'm just being nice here but you're crossing the line. Wala kang karapatang insultuhin ang duchess!" Tiningnan lang niya ako ng malamig which made me angrier.
   
    "I never asked for your help, Vincent. Hindi ko kailangan ng tulong mo at mas lalo ang awa mo."
   
    Huminga ako nang malalim. Fighting her won't do any good for me. Mother told me to stay away from her. Kung makarating sa kaniya na pumunta ako rito ay siguradong parurusahan ako.
   
    Tch. "I will never talk to you or even help you again! Nararapat lang sa'yo ang mga pinagdadaanan mo dahil masama kang tao!"
   
    I left. Galit ako. All I just want is tawagin niya akong kuya pero ano'ng nakuha ko? A dog! Mukha ba akong aso sa gwapo kong ito? Unacceptable!
   
    Haa...
   
    I should tell that to father. I smelled something in her chamber similar to his scent.
   
    Liliah Cyde. Who is she? Walang Liliah Cyde na nagtatrabaho sa pamilya namin. What is her intention? Efimia is a loner and doesn't have any relationships with other people. Bakit niya pinuntahan si Efimia?
   
    Sandali... Why am I concerned for her? Tsk. Wala akong pakialam kung sino ang pumupunta sa kaniya dahil masama siyang tao.
   
ーーーーー
   
    Efimia Silveria
   
    Ang batang 'yun talaga! Ang kapal ng mukha niyang ibalibag pasara ang pinto. Wow lang ha? Wow. Nakakapang-init ng ulo. Patatawarin ko sana siya sa mga sinabi niya kung iniwan niya 'yung tinapay pero dinala niya! Kainis.
   
    Ugh. I'm so bored, hungry, and thirsty. Kumukulo na ang tiyan ko at mapait na ang panlasa ko. Hindi naman ako makalabas kasi may mga knight na nagbabantay sa labas ng chamber ko.
   
    Sinabihan ko na silang tawagin si Elisse pero hindi sila nakikinig sa'kin. Para nga akong multo kung ituring nila.
   
    Sinubukan kong sipain 'yung isang knight pero ako lang ang nasaktan. Tumama kasi 'yung buto ng paa ko sa armor ng paa niya. Sinuntok ko naman 'yung likod niya pero armor din ang tinamaan ko. Namula lang 'yung kamao ko sa lakas ng pagkakasuntok ko.
   
    Sa huli, pinagmumura ko na lang sila at inirapan kahit 'di nila nakikita bago pabalibag na sinara ang pinto.
   
    Kahit lumusot pa ako sa magkasanggang spear nila... Sure ako na gagamitan nila ako ng magic para mahuli. Isa pa, ang lalaki ng mga muscles ng dalawang 'yun. Isang hawak at piga sa payatot na katawan ni Efimia ay siguradong mababali ang buto niya. Maganda nga siya pero kinulang naman sa tulog at pagkain.
   
    Ahhhh! Mababaliw na ako rito. Nanlalambot na rin ako. Nasaan na ba kasi si Elisse? Totoo kaya 'yung sinabi ni Liliah? Pero base sa reaksyon ni Vincent hindi totoo 'yung mga sinabi ng babaeng 'yun.
   
    She's also weird. Bakit nagkulay ginto 'yung eyes niya? That woman is acting weird as if she saw an interesting thing to play with. Do I look like a toy? Nah.
   
    Nahiga ako sa kama dahil feeling ko naubos na ang lakas ko. I closed my eyes and tried to pull myself to sleep. Napadilat ulit ako nang may maalala. Come to think of it... Nag-wish nga ako doon sa fish pond na bumalik ako sa mundo ko. Is it just a coincidence na nakabalik ako sa Earth and nakita ko pa ang Goddess of time? Pero nagising ako na binabangungot ayon sa misteryosong babae. Nakakapagtaka.
   
    Hmm... Golden eyes. Saan ko nga ba nakita 'yun? Hindi ko maalala kung alin sa mga characters ng manhwa ang may gintong mata.
   
    Oh, whatever it doesn't matter naman kung malaman ko o hindi. For now, I have to focus on how to survive. Kahit extra character lang ako ay hindi ako papayag na magaya sa totoong Efimia. Isa pa, mayroon lang akong 3 years para maghanda kasi nasabi roon na 15 years old namatay si Efimia and she's 12 right now.
   
    Napatayo ako at nagpunta sa table. May nakita akong paint brush at ink bottle doon na may alikabok na kaya pinunasan ko ito gamit ang night gown ko. Naghalungkat naman ako sa drawer at nakakita ng papel. Inilapag ko ito sa lamesa at umupo saka sinimulang magsulat.
   
   
    》REINCARNATED INTO A WORLD WHERE ART MATTERS《
   
    ーRIAWWAM is a manhwa about the Crown Prince and Female Lead. It's a Fantasy and Romance manhwa.
   
    ーCharacters:
   
    Duke Francho Silveria
    - kinukuha ang favor ng hari by following his orders
   
    Duchess Aloseira Lerbion Silveria
    - one of the black market head and social climber
   
    Lorenz Silveria
    - may gusto sa kaniya si Sasha pero wala siyang nararamdaman dito
   
    Vincent Silveria
    - may gusto sa female lead
   
    Solivia Lhara Hesateo
    - Princess of Trevos Kingdom and became the Crown Princess of Zuren Kingdom
   
    Rosh Ven Lushien
    - Crown Prince of Zuren Kingdom
   
    Sasha Lushien
    - Princess of Zuren Kingdom
   
    Caleb Lushien
    - second prince of Zuren Kingdom
   
    ーOther characters: Efimia Silveria (extra)
   
    (to be updated)
   
    ーEnemy: Duke Francho and Duchess Aloseira (They're always against the CP and FL.) and Caleb (kakampi ng Silveria dahil pinangakuang tutulungan siyang maging hari kung papayag siyang maging spy sa palasyo)
   
    ーLast chapter I read Ch71:
   
    - Natalo sila sa korte tungkol sa tangkang pagpatay kay Solivia at naparusahan ang second prince dahil kasali ito sa plano ng Silveria Family.
   
    - Naparusahan din ang buong pamilya ng Silveria dahil napatunayang may kinalaman sila sa slave trading sa black market at paggamit ng Mazico na ipinababawal sa loob ng palasyo. Tinanggal lahat ng ari-arian at nilagyan ng Magic Seal para hindi nila magamit ang kanilang Mazico.
   
    - Natapos ang chapter sa isang lalaking nakaitim na cloak na biglang pumasok sa kulungan at pinatay lahat ng mga knight tapos tinawag na pinuno si Aloseira.
   
    ーEnding: ???
   
    Wait... Napatigil ako at napanganga. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kamay ko at sa papel.
   
    I can write. I can fucking write! And the weird part is that I'm writing using the kingdom's language. Paano nangyari iyon? Diba si Efimia ay hindi makapagsulat? Wala siyang mana kaya bakit nakakapagsulat siya? I mean ako? Nakakapagtaka na ang mga pangyayari.
   
    Nagulat ako nang may kumatok sa pinto kaya mabilis kong itinago ang papel, ink at paint brush sa drawer.
   
    Bumukas ang pinto at isang knight na may dalang tray ang bumungad sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ito na ba ang huling araw ko? Papakainin ba nila ako ng poison? Ang alam ko sabi ni Vincent hindi raw ako papakainin or kahit uminom man lang sa loob ng tatlong araw.
   
    "What is that? A poison meal?"
   
    "No, Young Lady. This was prepared by Miss Elisse,"
   
    "Where is she?"
   
    "Hindi ko po alam. Ibang maid po kasi ang naghatid nito," Hmm... Bakit kaya ibang maid?
   
    "Pwede bang pakisabi sa kaniya na pumunta rito?"
   
    "Young Lady, ang utos ng duke ay walang pwedeng bumisita sa inyo. Miss Elisse prepared this secretly because she's just concerned to your health."
   
    "So kakampi kayo ni Elisse? Hindi ka ba natatakot na maparusahan ng duke?"
   
    Hindi siya nakasagot siguro ay nagdadalawang isip siya. "Sige, ibaba mo riyan sa lamesa and leave." Mamaya bawiin niya pa, e.
   
    Walang imik na sinunod niya ako at lumabas na wala man lang paggalang. Hay, pati mga knight nakikiuso sa mga maid dito. Bastusan lang ganurn?
   
    Tumayo ako at lumapit sa table. Naamoy ko ang masarap na lugaw. Wow, amoy pa lang nakakatakam na. Since si Elisse ang naghanda siguro naman wala itong poison diba? Mas mabuti na ito kaysa roon sa dala ni Vincent kanina. Mabigat kasi sa tiyan ang lugaw kaysa sa tinapay.
   
    Binuhat ko ang tray at nilapag sa sahig bago mag-indian seat. Malinis naman ang floor kaya umupo na ako. Naramdaman ko kasing kumukulo na ang tiyan ko, e.
   
    Dinampot ko ang spoon at tinikman ito. Napapikit ako at ninamnam ang lasa hanggang sa naubos ko ang laman ng bowl na hindi alintana ang init nito.
   
    Uminom ako ng tubig at naramdamang nagkaroon ako nang lakas kahit papaano. Tamang tama ang niluto sa'kin ni Elisse sakto rin para sa malamig na panahon. Kung bibiglain ko kasi ang tiyan ko baka sumakit lang ito lalo na't ilang araw na akong hindi nakakain. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan tiisin ang gutom at uhaw ko. 
   
    After 10 minutes pumasok ulit 'yung knight at kinuha ang tray na nakalapag sa sahig. Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo kunyari para hindi niya makita ang ginagawa ko.
   
    Nang makalabas siya ay nakahinga ako ng maluwag at niligpit agad ang mga ginamit ko. Sinusulat ko kasi ang plot ng kwento para hindi ko makalimutan. Magsisimula ang kwento kapag nag-eighteen na ang Crown Prince. Ipapakilala sa kaniya ang FL at ia-announce ang engagement pero sa ngayon ay nasa 16 pa lang siya.
   
    So, I have 2 years to train, raise my rank and know what is my level. 1 year naman bago mamatay si Efimia kaya by that time, sana kahit papaano ay kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko at tumulong sa FL and ML.
   
    Plano ko kasing makisawsaw sa plot at tapusin ang problema. Duh? Kathlin cannot be left behind. Kailangan magkaroon ako ng ambag sa kingdom na maipagmamalaki ko sa hinaharap.
   

    Iyong magkakaroon ako ng sariling statue at mailalagay sa kasaysayan ang pangalan ni Efimia at may label na "The useless member of Silveria Family became the hero of the Zuren Kingdom. She helped the Crown Prince and Crown Princess in eliminating the Kingdom's enemy for almost 100 years." oh, diba bongga? Marami akong makukuhang benefits sa kaharian kapag ganu'n. Iyong tipong pati CR ko made with gold.
 

 
    The problem is that I do not have a private tutor and my Mazico yet. Makukuha ko lang ang Mazico ko sa Celeztia Temple na nasa capital city. Pero paano ako makapupunta roon kung walang magbibigay sa akin ng pera para sa fee ng templo?
   
    The duke won't give me money since wala akong mana. At kapag kumalat na humingi ako ng pera sa duke ay magiging laughing stock lang ako sa high society kung saan napakabilis kumalat ng tsismis.
   
    Ang alam ko malaki ang sinisingil ng templo kaya hindi ako pwede humingi sa magkapatid na Forteza. Even they can afford to lend me some money, ayaw kong malaman nila na gagamitin ko iyon sa pagkuha ng Mazico. As much as possible, I'll lay low para pagdumating 'yung time ay mabibigla silang lahat.
   
    Napaisip ako. Paano nga ba? Now that I know the plot from the beginning but not the ending, what's next? Ako ang dapat kumilos para sa future ko. Hindi ako pwedeng mabulok lang dito at patuloy na tawaging useless at ikinahihiya ng pamilya.
   
    I can write and that means I have mana. Siguro masyado itong weak pero kahit papaano ay may pag-asa pa ako. Kahit nasa Class E lang ang maabot kong rank ay okay na... I guess.
   
    Hmm, maybe I can start with the duchess? Siya kasi ang pinag-uusapan doon sa huling chapter ng manhwa. Binitin kasi, e. Pa-cliffhanger si author, tsk. Anyway, pwede ko siyang pakainin ng poison para hindi na mahirapan ang FL pero... Pwede akong mabuking agad. May investigation team kasi rito na tinatawag na Vallen. Ang alam ko malulusutan mo lang ang krimen kung ikaw ay Class S at syempre magaling magligpit ng evidence.
   
    Argh! Ano ba ang una kong gagawin? Kanino ako hihingi ng tulong para makakuha ng pera para sa fee? Wait... Diba may Mazico na humaharang kapag sinasaktan ko ang sarili ko? Pwede kaya 'yun? Pero dapat kasi sa kamay lalabas hay, ewan!
   
    Nangati ang lalamunan ko tapos napaubo ako ng dalawang beses. Pagtingin ko sa kamay ko ay may dugo na ito. Huh? Bakit ako naubo na may kasamang dugo? Napangiwi ako nang sumakit ang dibdib ko at kasabay nito ay nanlamig ang katawan ko. Ano ba ang nangyayari sa akin?
   
    Shit... Hindi ako makahinga. Na-poison yata ako.
   
    "E-Elisse!" I gritted my teeth as I'm catching my breath. "You dared to poison m-me!"
   
    Muli akong naubo at this time mas malaki ang dugong lumabas sa bibig ko hanggang sa tumigil ang pagtibok ng puso ko.
   
ーーーーーー
   
Aloseira Lerbion Silveria
   
    Ibinaba ko ang teacup na hawak ko at hinarap ang maid. "So what happened?"
   
    "Naibigay ko na po ang iniutos niyo, Your Grace."
   
    "Good, now take this and leave the mansion. But, before that write a resignation paper and give it to Mr. Arvil. Also, make sure to include your reason." ibinigay ko sa kaniya ang halaga na kapalit ng ipinagawa ko.
   
    "Yes, Your Grace." Nag-courtesy siya bago umalis.
   
    Well, Efimia hindi ko hahayaang makaalis ka ng buhay rito. Napatawa ako ng mahina at muling sumimsim ng tea.
   
    "Vincent, kung ano man ang narinig at nakita mo ay hindi makalalabas dito. Are we clear?"
   
    "Yes... Mother."
   
    Kung hindi ko nalamang nagpunta siya sa chamber ni Efimia ay hindi ko maiisip na gawin ito. Ngayon kasi ang magandang pagkakataon kung saan walang nagbabantay sa kaniya. Kapag lumagpas kasi sa dalawang araw simula nang mamatay ang tao ay hindi na mababawi ng High Priest ang kaluluwa niya.
   
    Tsk. Why did the duke resurrect her? Mas maganda sana kung tuluyan na siyang namatay.
   
    Napakunot ang noo ko nang makitang balisa ang mukha ni Vincent. "What's wrong? May masakit ba sa'yo?"
   
    Inayos ko ang magulo niyang buhok.
   
    "Mother, this is wrong. You can't kill her. Father will—"
   
    "What? Kill me? No. Nagkakamali ka ng iniisip dahil hindi iyon magagawa ng duke sa akin. I am his wife and that child must die, Vincent. She must."
   
    "Why?"
   
    Bakit nga ba? Dahil si Efimia ang sisira sa aming plano.
   
    "You don't have to know and it's out of your care. Ang mahalaga ay mawala siya sa mundong ito. Remember what I've told you, Vincent. Now, go to your chamber and study your lectures."
   
    Napatango siya at nagpaalam bago umalis. Napatingin naman ako sa singsing ko na may itim na diamond.
   
    "Wake up, Cerverus."
   
    Habang nakatitig ako rito ay may lumabas na pulang liwanag kasabay ng usok. Unti-unti itong na-form hanggang sa naging agila ito na may itim na mga mata at feather.
   
    "Go, tell father that Efimia is already dead and tell the Vallen to silence their mouth about her kapag ipinatawag sila sa mansyon." Mabilis itong naglaho matapos makuha ang mensahe ko.
   
    "I'm sure father would be pleased."
   
    Efimia, cannot escape death because the poison I gave her is the deadliest among the poison I created. Although, hindi ko inaakalang sa kaniya ko ito unang gagamitin. What a pity. Hindi ko naman intensyong patayin siya at hayaan na lang pero that night... Hindi ko mapapalampas ang nakita ko.
   
    I do hate her because she's the daughter of the woman I hated the most. So, it's like hitting two birds with one stone. Pabor sa akin at kay ama ang pagkawala niya.
   
    "Emilia, it's pay back time. Can you see your precious daughter? Struggling for her dear life just like you? But, don't worry magkakasama na rin kayong dalawa kaya dapat magpasalamat ka pa sa akin diba?"
   
    Nakangiti akong huminga nang malalim. Nabunutan na ako ng tinik sa dibdib. Francho is only mine and no one will take away his affection from me and my sons.
   
    Francho, you made me take this path. Ikaw ang nagsimula nito kaya sabay tayong magdurusa.
   
⚘KishinRyumei
   
   

Continue Reading

You'll Also Like

332K 24.9K 40
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
20.6M 759K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
105K 3.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
4M 190K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...