The Lust Suffer

By Stoutheart

5.8M 59.1K 4.4K

This is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malama... More

The Lust Suffer
Authors Note
PROLOGO:
UNANG KABANATA
IKALAWANG KABANATA:
IKATLONG KABANATA
IKA-APAT NA KABANATA
IKA-LIMANG KABANATA:
IKA-ANIM NA KABANATA
IKA-PITONG KABANATA
IKA-WALONG KABANATA
IKA-SIYAM NA KABANATA
IKA-SAMPUNG KABANATA
IKA-LABING ISANG KABANATA
IKA-LABING DALAWANG KABANATA
IKA-LABINTATLONG KABANATA
IKA-LABING APAT NA KABANATA
IKA-LABINLIMANG KABANATA:
Note :
IKA-LABINGANIM NA KABANATA:
IKA-LABINPITONG KABANATA:
IKA-LABING WALONG KABANATA:
IKA-LABING SYAM NA KABANATA:
IKA-DALAWAMPUNG KABANATA:
IKA-DALAWAMPU'T ISANG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT DALAWANG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT TATLONG KABANATA:

IKA-DALAWAMPUT APAT NA KABANATA:

89.9K 1.6K 165
By Stoutheart

THORIN (FLASHBACK)

Nanginginig ang kamay ko nang damputin ko ang litratong iyon nakakalat sa sahig. Hindi ko maapuhap ang nararamdaman ko sa pagkakataong nahawakan ko iyon. Ang mga luha sa aking mga mata ay tuluyang napigtas nang pakatitigan ko ang litratong iyon. Litratong nagpapasikip sa dibdib ko. Litratong nagpagulo sa nararamdaman ko at sa isip ko.

Buntis si Johanna at anak ko ang kanyang dinadala. Ako ang ama ng batang nasa litratong iyon. Paulit-ulit iyong naghuhumiyaw sa utak kong napuno ng emosyong hindi ko maipaliwanag. Natutuwa, Nasasaktan, nalulungkot sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Pero bakit?

Nanatiling hawak ko ang ang itim na litratong iyon. Ang gitnang bahagi ay may malabong pigura, pero malinaw na nararamdaman kong akin ang batang nandoon. Anak ko. Pinakatitigan kong maigi ang larawang iyon na may ngiti sa labi, hindi na pinansin ang iba pang nagkalat na papel sa sahig..

Ngunit ang ngiting iyon ay kaagad na napawi nang dumako ang paningin ko sa isang papel na tila nakaayos na nakapaharap sa akin.

Abortion Paper.

Lumakas nang lumakas ang pagkalabog ng dibdib ko habang unti-unti kong inaabot ang papel na iyon. Para bang ayoko na iyong abutin at kuhanin, pero hindi ko napigilang abutin. Nanginginig kong tinitigan ang unang pahina at ganoon na lamang ang gulat ko sa nakasaad doon. Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko ang pirma ng pinakamamahal kong babae.

signed by:

Johanna Samonte.

Unti-unti kong nabitawan ang litrato kong hawak at nanginginig ang kamay na isa-isang dinampot ang ilan pang nagkalat na papel at litrato.

Fuck!

Abortion? Pinalaglag n'ya ba ang anak ko?

Gulong-gulo ang isip ko, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Naninikip ang dibdib ko na parang pinatitigil ako sa paghinga. Nagmalabis ang mga luha ko, at kahit sa nanlalabo kong mata, malinaw na nabasa kong pumayag s'yang ipalaglag ang anak namin.

Gusto kong paulit ulit na magmura, magwala at sumigaw ng bakit, ngunit pinatatag ko ang sarili ko at binuo ang isip kong, pakana lang ni Daddy ang lahat.

"Tama, pakana lang 'to ni Dad. " Pagkumbinsi ko pa sa sarili ko. Wala akong inaksayang sandali. Kahit nanghihina ay inilikom ko ang folder na hinagis ni Dad. Ang pagkalasing ko ay tuluyang nawala nang lumabas ako sa condo. Nagmamadali akong sumakay sa elevator, at walang pakialam kung anuman ang itsura ko ngayon. Ang mahalaga Mapuntahan ko si Ian. Si Ian ang sasagot sa lahat ng tanong ko. 

Kaagad akong naghanap ng sasakyan, at nagpapasalamat akong hindi pa masyadong gabi kung kaya't tyempong nakakuha agad ako ng taxi. Sinabi ko kung saan kami pupunta na tinanguan lang ng driver.

Tulala ako habang nasa loob ng sasakyan, punong-punong ang isip ko ng mga tanong. Mga tanong na puro bakit? paano? kailan at saan. Napahilot ako ng sentido at mahinang napamura.

Kung anak ko ang batang dinadala ni Johanna, bakit sinabi n'yang hindi akin 'yon? Bakit n'ya ako iniwan kung magkakanak na kami? Paano nangyari ang abortion?

Nakalagay sa papel na Feb. Isang buwan matapos kong umalis. Pero bakit hindi n'ya sinabi?

Johanna, ano bang iniisip mo?
Nanghihina kong bulong. Panay ang tingin sa akin ng taxi driver, kung bakit siguro panay ang mahihina kong mura.

Halos 30 mins din ang naging byahe namin nang marating ko ang condo ni Ian sa makati. Agad akong pumasok at tinungo ang reception area, tumango lang sa akin ang nandoon at mabilis kong tinungo ang elevator. Madami akong nakasabay at lahat sila ay nakatingin sa akin na tila ba nagtataka. Hindi ko sila pinansin at tinuon ang isip ko sa maraming katanungan na nais kong masagot.

At si Ian ang sasagot ng lahat ng iyon. May tiwala ako sa kanya. Magkapatid kami. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay wala na akong inaksayang sandali at lumabas doon. Mabilis kong nilakad ang pasilyo na may mabigat na paghinga. Kinakabahan ako sa di mawaring kadahilanan. Natatakot ako sa p'wede kong malaman, pero kung ito ang magiging dahilan para malaman ang totoo, gagawin ko.

Kipkip ang ilang folder, nang kumatok sa pintong iyon. Ilang beses ang ginawa kong pagkatok, bago buksan ni Ian ang pintong iyon. Hindi gulat ang bumalandrang emosyon sa kanyang mukha, isang seryong tingin ang pinakawalan n'ya nang tingnan ang folder na hawak ko bago niluwangan ang pagbukas ng pintuan. Nagkalat rin ang basyo ng bote ng alak sa paligid ng silid ni Ian. Pero wala na akong pakialam doon.

''This is not true, right?" nangingiti kong tanong bago ko itinaas ang folder na hawak ko. Si Ian naman ay umupo sa couch at tinungga ang bote ng alak na nasa table.

"Ian. Tell me, this is not true." nanginig ang labi ko nang itanong kong muli iyon.

"Sit." turan n'ya, matapos ituro ang ang kaharap na bangko.

"Ia--"

"I told you to sit down and listen!" sigaw n'ya sa akin.

Nagulat ako sa paraan ng tono n'ya, kaya tiim bagang akong umupo.

"She aborted your child Thorin." seryosong n'yang saad nang makaupo ako. Nabitawan ko ang folder at muling nagkalat ang mga ito doon.

"Hindi y'an totoo!" napatayo akong bigla sa galit. Nagpalakad lakad ako sa harap n'ya habang sinasabunutan ang sarili.

Ngumisi lang s'ya at umiling.

"Totoo Thorin!" hiyaw n'ya. " 'Wag kang magtanga-tangahan na hindi mo naiintindihan ang abortion paper na nakalagay sa putang inang folder na 'yan. 'Wag kang tanga na hindi mo nakikita ang mga putang inang litrato na nagpapakitang, hindi ka mahal ng babaeng mahal mo." tiim ng tiim ang labi ni Ian ng bigkasin ang mga iyon.Bumakas din ang talim ng kanyang tingin na dahan-dahan kong ikinabagsak sa sahig. Sapo ko ang ulo habang malayang lumandas ang luha sa aking mga mata.

Pakiramdam ko ay sinampal ako ng kung ano.

Yumuko ako at pinagmasdan ang mga nagkalat na larawan na nuon ko lamang napansin.

Si Johanna.

May kasama s'yang lalaki na nakahawak sa bewang nito, papasok sa isang ospital.

"Bakit di mo sinabi sa akin? Kapatid kita hindi ba? bakit di mo pinigilan? Pamangkin mo iyon." buong pagdadamdam na tanong ko sa kanya.

"Huli na nang malaman namin." sagot nito.

Umiling ako.

"Hindi 'to totoo, Hindi magagawa ni Johanna ang ganito." Tumingin ako sa kanya at inilang hakbang ang pagitan namin.

"Tell me, hindi 'yan totoo, Gawa lang ni daddy y'an." naghihina kong turan. Hindi ako naniniwala. Hindi ako makapaniwala. "Diba, Ian? Gawa-gawa lang ni dad y'an." nanginginig kong saad.

"Sana nga ay gan'on ang nangyari. Pero hindi Thorin. HINDI."

_____________________________________________________________

THORIN 

Bogsh!

Ang palitan ng mga suntok namin ni Ian ang s'yang gumagawa ng ingay sa silid na iyon. Mga suntok na hindi ko alam kung saan nanggaling. Mga suntok na tila doon namin nailalabas ang lahat ng sama ng loob sa nakalipas na apat na taon. Nagulo na ang ayos ng upuan at nagkalaglagan na ang ilang papeles sa ibabaw ng mesa.

Bogsh!

Isang malakas na suntok ang tumama sa kaliwang piSngi ko kaya napaatras ako at napaupo sa couch. Agad lumapit si Ian sa akin at kinuwelyuhan ako. Punit na rin ang ilang bahagi ng suit na suot namin at namumula narin ang parte ng mukha naming natamaan ng suntok.

"Damn you Thorin! Iiwan mo rin si Johanna dahil may pamilya kana! Putang ina! Kasal kana! " nanggigil na saad nito bago ibinalya nang malakas sa upuan kung saan ako nakaupo.

Tumalikod s'ya at bahagyang hinagod ang gulo nitong buhok kasabay nang mahihina nitong pagmumura. Napatawa ako nang malakas sa nakikita kong reaksyon sa kakambal ko. Isang reaksyon na hindi ko inaasahan sa kanya.

" 'Wag kang mag-alala Ian. Pag sawa na ako sa kanya, ibibigay ko s'ya sayo" ngisi kong turan sa kanya kasabay nang malakas na pagtawa.

Akala ko susugurin n'ya akong muli,ngunit laking gulat ko nang humarap lang s'ya sa akin at seryosong tumingin.

"Hindi ko iniisip kung anong nararamdaman ng babae mo." Kitang-kita ko ang mariing pagpikit ni Ian, kasabay ng mahabang paghinga. "Iniisip ko ang asawa mo Thorin. You should love her better. Mahal ka noong tao, pero ganyan ang ginagawa mo." Ipinilig nito ang ulo at nagpalakad-lakad sa harap ko na nakalagay ang dalawang kamay sa bewang.

"I love her Ian. " diretso kong sagot sa kanya. "I love Liana, pero hayaan mo muna akong gumanti." walang emosyon kong sagot.

Tumingin s'ya sa akin na kunot na kunot ang noo.

"Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito Thorin." seryoso n'yang banggit, ngunit bago pa man ako magsalita, ay malakas na bumukas ang pinto at niluwa noon ang seryosong mukha ni Daddy.

Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa aming dalawa at lumibot ang paningin sa magulong ayos ng office.

Walang nagsalita sa aming tatlo, pare-parehas lang kaming nakatingin sa isa't-isa. Hanggang basagin ni Dad ang katahimikan

"Mag-usap tayo." saad n'ya, at binalingan n'ya ng tingin si Ian, ngunit nagulat ako ng...

"Thorin."

________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

Utos Niya By HumiGad

General Fiction

167K 2.7K 42
With his drop-dead gorgeous looks and irresistible charm, Xander Marudo instantly made a name for himself in show business. He could not have done it...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

89.8K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
1M 28.8K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
3.2M 42K 27
Si Monique Gabriel ang nag-iisang apong babae sa buong angkan ng Torralba dahilan kung bakit nasasakal siya sa atensyong nakukuha sa pamilya. Bukod p...