It's You [COMPLETED]

By andweaya

3.4K 353 168

Elya Kristen Llanos is a type of girl that is serious when it comes to studying. She's always in the library... More

It's You
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note

Chapter 21

66 8 8
By andweaya

Chapter 21

"Sigurado ka ba talagang sanay ka mag drive?"

"I like me better when I'm with you~"

Napairap ako ng hindi niya ako sagutin sa tanong ko, sa halip ay sinabayan lang niya ang pinapatugtog niya dito sa kotse.

Mahigpit ang hawak ko sa seat belt. Hindi naman ganoon ka OA ang pagpapatakbo ni Kipp at smooth lang ang byahe namin, pero kinakabahan pa rin ako!

"I knew from the first time, I'd stay for a long time 'cause ~ " napapahampas pa siya sa manubela habang sinasabayan ang kanta.

Napailing nalang ako at tumingin nalang sa bintana. Sabi niya ay baka bago mag lunch kami makakarating sa Tagaytay.

Sasamain talaga sakin si Mirla. Buti nalang may naipon ako mula sa allowance ko kaya hindi ako kabado ngayon na wala akong perang gagastusin.

Dahil kay Kipp, magagastos ko tuloy!

"Are you hungry? Kain muna tayo?"

Tumingin ako sa kanya at umiling lang, "Kakain na rin naman tayo pagdating dun,"

Diretso lang ang tingin niya sa daan.

"Are you sure?" Tinignan niya pa ko saglit.

"Oo," maikling sagot ko at binalik nalang ulit ang tingin sa labas. "Sino pala yung mga kasama natin?"

"Just the two of us,"

Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumingon sa kanya. Nakangisi lang siya.

"Ano? Akala ko ba may kasama tayo?!"

"Kasama mo naman ako ah, di pa ba sapat yon?" Natatawa niyang sabi.

Napairap ako, "Ayoko na, bumalik na tayo!"

"Inaya ko sila Grant pero pass daw, bebe time ang hinayupak." Naiiling niyang sabi. "Hindi naman pwedeng siya lang ang may bebe time, dapat ako rin!" Lumingon pa siya sakin saglit at kumindat.

Hindi ako nakapagpigil at hinampas sa kanya ang cardigan ko. Agad naman siyang umaray at sinamaan ako ng tingin.

"Iuwi mo na ko! Bakit tayong dalawa lang, tsaka hindi ko naman kilala ang mga kaibigan mo!" Reklamo ko.

Sabi niya kakilala ko raw at hindi kaming dalawa lang, kaya pumayag rin si mama kahit ayoko, tapos eto ang isasagot niya?

"Kaya nga kita isasama para makilala mo sila e," natatawang sabi niya, nakikita niya kasing nakakunot na ang noo ko at masama na ang tingin ko sa kanya.

Padabog akong sumandal sa upuan at humalukipkip.

"Easy kalang, malapit na tayo oh," aniya at tinuro pa ang gps niya. "Magde-date nga lang tayo e,"

"Date mo mukha mo, kuya."diniinan ko ang pagsabi nun sa kanya pero natawa lang siya.

Huminto kami sa Balay Dako. Sinabi lang sakin ni Kipp na nandito na kami sa Tagaytay at dito raw ang una naming stop para kumain.

Sinundan ko lang siya ng bumaba na siya ng kotse. Humampas kaagad sakin ang malamig na hangin kaya sinuot ko na ang cardigan ko. Lagot talaga sakin si Mirla pag-uwi ko!

Tinext ko siya kanina bakit ito ang napili niyang suotin ko, at ang reply lang niya ay dapat raw magpaka babae ako at tiisin ko nalang raw ang lamig!

Hirap na hirap akong maglakad sa tabi ni Kipp kase kapag nalalakas ang hangin ay tumataas ng bahagya ang dress ko. Nakakahiya!

"Bakit ba kase naka dress ka?"

Napansin yata ni Kipp na bukod sa nilalamig ako, nililipad ng hangin ang suot ko!

Hindi ko naman 'to gustong suotin!

"Si Mirla kase e," inis na sagot ko.

Nagulat ako ng akbayan ako ni Kipp at idinikit ako sa katawan niya.

"A-Ano.."

"Let's change your clothes later," bulong niya sakin, "I might punch those guys staring at you."

Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ngang may nakatingin sa amin na dalawang lalaki.

Nailang ako kaya hinayaan ko nalang si Kipp na nakaabay sakin hanggang sa makarating kami sa table.

"Wow," unang sabi ko ng makita ko ang Taal Volcano sa pwesto namin.

Kitang-kita dito ang view ng Taal!

Masaya kong kinuha ang phone ko at nag take ng picture ng buong view. Mukhang magkakalaman na ang IG ko nyan!

"Are you happy?"

Nilingon ko si Kipp na nakaupo na ngayon at nakatingin lang sakin habang nagpipicture.

Tumango ako at ngumit sa kanya, "Grabe, ang ganda!"

"First time?"

"Oo,"

Natawa lang sakin si Kipp. Pinapanood niya lang ako.

"Ang dali mo naman pasayahin, nagsisimula pa nga lang ako e."

Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na naiiling pa siya habang nakangiti pero hindi ko nalang siya pinansin.

Nang makuntento na ko, umupo na ko katapat ni Kipp at itinago na rin ang phone ko.

"Good afternoon, Sir, Ma'am. Can I take your order?" Ngumiti ako sa waiter at iniabot ang menu.

Wala naman akong alam na masarap dito. Puro Filipino dishes pala dito kaya hindi ako magmumukhang tanga dahil pamilyar naman ako sa mga putahe. Ang kaso lang, ang mamahal!

Marami naman yatang restaurants dito o kahit sa fast food nalang sana pero bakit dito niya napili!

"What's yours, bata?"

Napaangat ako ng tingin kay Kipp. Tinaasan ko lang siya ng kilay sa sinabi niya.

"Hindi ako bata!" tutol ko sa kanya. 18 na ko no!

Nagkibit balikat lang siya.

"Edi, baby nalang. What's yours, baby?" Nakangising sabi niya.

Ugh! Gusto ko siyang tusukin ng tinidor, buti nalang maganda ang ambience dito sa loob.

Nagpipigil lang ng tawa ang waiter sa sinabi ni Kipp. Kahit kelan talaga 'to.

"Uhm.." nahihirapan ako sa pagpili kung ano ang sakin, napansin niya yata iyon.

"Kare-Kare ang masarap dito," turo sakin ni Kipp doon sa menu.

880?!

Napalunok ako sa presyo. Grabe naman! Parang gusto ko nalang ayain si Kipp sa labas at sa Jollibee nalang kami kumain.

"A-Ah, ikaw nalang mag-order." pilit akong ngumiti sa kanya. "Busog pa naman ako." pagpapalusot ko kahit kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

500 lang ang dala kong pera at buong akala ko, kasya na yon!

Napataas siya ng kilay at hindi naniwala sakin kaya siya nalang ang umorder.

Ang dami niyang sinabi sa waiter kaya pagkaalis palang nito ay tinanong ko na kaagad siya kung magkano lahat ng yon.

"Hati na tayo," alok ko, kinakabahan pa.

Umiling lang siya at inilabas lang ang cellphone niya.

"Magkano nga, para hati tayo." Ulit ko pa pero hindi niya ko pinapakinggan. Tinutok lang niya sakin ang camera ng cellphone niya at sunod-sunod kong narinig na kinukuhanan niya pala ko ng picture!

"A-Ano ba? Huwag nga," inis na sabi ko at itinatago ang mukha.

Nakangiti siyang tinitignan isa-isa ang mga pictures ko. Pilit kong inaabot iyon pero iniiwas lang niya.

"Burahin mo yan!"

"Ayoko nga," aniya habang tinitignan. Hinarap niya sakin ang isa kong picture, nakatingin ako sa camera niya at nakakunot ang noo ko doon, "Ganda naman, masungit nga lang." Natatawang sabi niya.

"Isa! Delete mo nga yung mga yon." Utos ko pero tinawanan lang niya ko.

"Iyon na ang bayad mo sa pagkain," nakangiting sabi niya at saktong dumating na isa-isa ang inorder niyang pagkain namin.

Pagkatapos naming kumain ay inaya ako ni Kipp sa mall para raw magpalit muna ko ng damit bago kami mamasyal.

Hindi niya nga ako pinagbayad kanina kahit inaabot ko sa kanya ang 500 ko. Kumuha lang ako ng mom jeans at isang oversized na tshirt. Iyong pinakamura talaga na price ang kinuha ko para sumakto ang perang dala ko.

Pagkalabas ko ng fitting room, nakita ko si Kipp na nakatingin sa akin.

"Bakit lahat ng damit sayo, bagay?" Nagtatakang tanong niya.

Namula ako ng bahagya sa sinabi niya kaya tinalikuran ko nalang siya. Bolero.

Iaabot ko na sana ang pambayad ko ng unahan ako ni Kipp.

"Ako na," pilit ko at tumingin sa cashier na naguguluhan na rin samin. "Isa, Kipp." banta ko pero hindi niya ko pinansin.

"Here," kausap niya sa cashier at ibinalik ang pera ko.

"Sabing ako na e, sakin naman 'tong damit." Reklamo ko ng makalabas kami sa boutique. Dala-dala ko ang kaninang suot ko sa paper bag.

"Kung hindi ka kase nag dress, edi sana hindi na tayo bumili." aniya at napapailing pa na akala mo ang laki ng nagawa kong mali.

"Hindi nga ako ang namili nun, tsaka wala naman talaga kase akong balak sumama sayo no," inirapan ko lang siya kahit hindi naman siya sakin nakatingin ngayon.

Kung hindi niya ko pinilit, edi sana nasa bahay lang ako ngayon.

"Hindi mo naman kailangang mag dress para magpapansin sakin, Miss One Placer." mayabang na sabi niya kaya hinampas ko na ang braso niya.

"Aba! Nanghahampas kana ngayon ah, lumevel up na ba relationship natin?" nakangising sabi niya at umilag ng hahampasin ko ulit siya.

Pinagtitinginan na kami ng ibang tao sa lakas ng tawa ni Kipp. Napapayuko nalang tuloy ako at binibilisan ang lakad.

"Hey, wait for me!"

"Wait mo mukha mo," inis na bulong ko at binilisan pa lalo ang lakad.

Naririnig ko siyang tumatawa sa likuran ko. Napabuntong hininga nalang ako at humiling na bumilis ang oras at habaan pa ang pasensya ko kay Kipp.

Continue Reading

You'll Also Like

851 145 19
[PUBLISHED Under Ukiyoto Publishing] A teenager woman named Flaire Oliveros who fell in love with a man she just met on the internet. Andrix Elyazer...
92.2K 3.8K 41
Acknowledged by @NA Wattpad (Reading List: You have a beautiful Smile | Humor) Won FWBC Book of the Month The first time Elise has laid her eyes on E...
3M 186K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...