Sa Hindi Pag-Alala

By QueyneWrien

693 69 55

Chasing Destiny #1 Minsan may darating na isang taong mag papaniwala sayo na may walang hanggan, taong sasab... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 2

39 7 20
By QueyneWrien

"Grabe, Lord, rurupok na naman po sa malalim na boses si Mercedes" Iling-Iling na sabi ni Marie. Nagsitawanan naman ang mga kaibigan ko, syempre, natawa na rin ako. Ikinuwento ko sa kanila ang tungkol sa laro ko sa pubg kagabi kasama ang mga pinsan ko at ang lalaking kasama ni Dhienielle.


"Medyo lang naman!" Confident kong sagot at nag flip hair pa.


"Uy, Cas oh! Si Andrei" Sabay sabay naman kaming napatingin sa sinabi ni Jihan. At ayon, nakita nga namin si Andrei kasama ang mga tropa niya.


"Si Geoff pansin ko laging may dalang gitara" Marie. Oo nga, si Geoff ang mahilig sa music sa kanilang magto tropa. Ang kwento ni Cassandra  ay may sariling recording studio si Geoff sa bahay nila.


"Si Emmanuel oh, ang weird kamo ng lalaking 'yan" Singit ni Camilla. Tama, tahimik si Emmanuel na akala mo wala sa sarili.



"Si Ash, Camilla oh!" Nakita ko naman ang paglisik ng mata ni Camilla sa panunuksong ginawa ni Cassandra. Nakatingin lang ng diretso sa daan si Ash. Hmm, parang lalo yata s'yang tumangkad?


"Uy, Cas! Bakit parang hindi mo yata tinitignan ng malagkit si Andrei ngayon?" May halong panunukso ang tono ni Camilla. Napatingin naman ako kay Andrei na nakikipag tawanan sa mga tropa niya. S'ya ang pinaka maliit, pero pinaka gwapo, SA PANINGIN NI CASSANDRA! Pero aaminin ko, lahat sila gwapo. Walang kinulang sa hitsura, sa height nga lang meron.


"Cedes" Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Ash!


"Bakit?" Tipid kong sagot.



"Si Lesther oh" Bakit ba ang hilig ni Ash na ipakita saakin si Lesther? Baka naman gumagawa lang ng dahilan 'to at ginagamit kami ni Lesther para mapansin siya ni Camilla? Napatingin naman ako kay Lesther na nakatingin ngayon saakin. Walang ekspresyon ang mukha at mata niya. Napanganga naman ako ng bigla lang s'yang tumalikod at naunang maglakad. Napasulyap naman ako kay Andrei na nakatingin kay Cassandra , ganon din si Cassandra  kay Andrei. Pero kaagad ding nag-iwas ng tingin si Cassandra.


Sumunod na rin sila Ash kay Lesther na ngayon ay hindi na nila alam kung Nasaan.


"Grabe, anong atmosphere ang dinala ng mga 'yon saatin?" Natatawang sabi ni Marie.


"Hindi pa rin yata nakakapag move on si Lesther sa'yo, Cedes!" Mapanuksong sabi ni Cassandra. I glared at her.


"Tsss, nagsalita ang nakipag titigan kay Andrei" Bigla namang nagbago ang mukha niya at yumuko.

"Si Camilla chill na chill nung dumating si Ash ah? Naku, Camilla Camilla Camilla" Napapailing na sabi ni Jihan.


"Duh? Alangan naman pansinin ko s'ya? Sayang naman ganda ko kung ako ka kausap sa kaniya noh"  Totoo, maganda si Camilla. Ewan ko ba kay Ash kung bakit hindi pa kumilos, kung mag-inarte ay daig pa ang babae. Maaarte at torpe silang magto tropa.


"Ganda lang ganon?" Iling iling na sabi ni Jihan. Camilla winked at her and they all laugh.


"Ang seryoso mo naman yata, Cedes?" Nalipat saakin ang atensyon ng mga kaibigan ko.


"Nagtaka ka pa, lagi namang seryoso 'yan" Si Marie ang sumagot. Napakasama mong nilalang!



"Baka iniisip si Lesther abunjingbunjing!" At halos mamatay na sa kakatawa si Cassandra dahil sa sinabi niya. Kailan ba hihina ang boses nitong kaibigan ko?


"Mabalik tayo doon sa nakalaro mo kagabi, Cedes" Si Camilla ang nagsalita.


"Oh, ano meron?" Tanong ko. Hindi ito sarkastikong tono.



"Baka naman ma-inlove ka d'yan ha? Naku, ingungudngod talaga kita sa pader" Natawa naman ako sa sinabi ni Camilla.


"Taga saan ba 'yan?" Si Jihan.


"Taga kabilang bayan" Tumango tango naman sila at napakalalapad ng mga ngiti.


"Sa pubg mo lang nakilala, ano?" Si Marie ang nagtanong. Tumango naman ako bilang sagot.


"Ang Internet love ay gawa gawa lamang ng mga illuminati" Halos mapanganga naman ako sa sinabi ni Camilla.


"Internet love? Ano bang pinagsasabi mo? Nakalaro lang may love na kaagad?" Nilapitan naman ako ni Camilla at inakbayan.


"Malay mo naman, bukas o next week magkukwento ka na saamin na nahulog ka na! Nako, Mercedes Taliya sinasabi ko sa'yo tatawanan kita" Itinulak ko naman palayo saakin si Camilla.



"Pero if ever na magkagusto ka nga sakaniya, Cedes" Nalipat ang paningin ko kay Cassandra. This time ay sumeryoso ang lahat.

"If ever na ma-fall ka sa lalaking 'yon, laging mong tatandaan na maging masaya lang." Hindi ko alam pero para saakin ay napaka lalim na ng ibig niyang sabihin. Isa si Cassandra sa pinaka magaling na taga advice sa aming magkakaibigan. Hindi dahil kaibigan ko siya, kung hindi dahil sa lahat ng mga sinasabi niya ay may sense at tatamaan ka talaga. Matututo ka pa.


"Oo naman, salamat" Tipid na ngumiti saakin si Cassandra.


"Oo nga pala, second quarter examination na natin next week" Pagpapa-alala ni Jihan.


"Oo nga pala" Si Marie.


"Cedes, may mga notes ka?" Tanong saakin ni Camilla.


"Meron, naki kopya ako ng notes kay Cassandra" Sagot ko. "Hiramin mo ba notes ko?" Tanong ko kay Camilla at kaagad naman itong tumango kaya inilabas ko ang notebook at ibinigay ito sa kaniya.


"Isesend ko nalang din sa mga email ninyo yung ibang notes ko" Si Cassandra ang nagsalita.


"Si Shean ba 'yon?" Tinanawan namin ang lugar kung saan nakatingin si Marie. At naroon nakita namin si Shean na naglalaro ng volleyball kasama yung crush niya.


"Naks, naka harot na naman ang ante ninyo" Natawa naman kami sa sinabi ni Camilla.


"Nasaan si Cheonsa?" Pag-iibang tanong ko.


"Malamang magkasama sila ni Aleina. Kaya mo pa mapaghiwalay yung dalawang 'yon" Natatawang sagot ni Camilla.


"Oo nga noh? Grabe, tagal na rin nila" Napabuntong hininga ako.


Iniisip ako, sa tagal na nila, buti hindi sila nagsasawa sa isa't isa?



"Tara pasok na tayo" Nauna nang maglakad sila Jihan at Cassandra. Sumunod naman na kami sa kanila.


Nadatnan namin sa room si May na nagdo drawing sa sketch pad niya.


Grabe, galing talaga ni May mag drawing. Bakit kaya hindi ako biniyayaan ng talent sa pagdo drawing?


"Sana all, May" Rinig kong sabi ni Marie bago makaupo sa tabi ko. Katabi ko sila Marie at May sa seating arrangement namin.


"Siguro kung magiging architect ka sa future, May, magagandang bahay magagawa mo. Galing mo mag drawing e" Manghang sabi ni Marie. Tumango naman ako at nagpatuloy lang sa panonood kay May habang nagdo-drawing.


"Hindi mo sure" Tipid niyang sagot. Bumuntong hininga nalang ako at umupo na ng maayos.


MATH ang subject namin ngayon. Hindi ako mahilig sa math, pero hindi rin naman ako bobo sa math. Sabihin nalang natin na, nakaka intindi ako pero hindi ako magaling.


"Okay class, for today's lesson, you will learn what is Harmonic Sequence" Nagsalita na ang math teacher namin na si Ma'am Pe.


"First, what is Harmonic Sequence?" Paunang tanong ni ma'am. Nahagip naman ng mata ko si Jihan na nagtaas ng kamay para sumagot.


"Yes, Jihan. Stand up" At gaya ng sinabi ni ma'am ay kaagad namang tumayo si Jihan.


"Harmonic Sequence is a reciprocal of an Arithmetic Sequence" Pagkasagot ni Jihan na iyon ay kaagad na rin siyang umupo.


"Very good" Pagpupuri ni ma'am.


"Here's the example" Lumapit naman si Ma'am Pe sa board at nagsimulang magsulat.

"The Arithmetic Sequence are.. 5, 10,15,20,25"


"In these sequence, you'll notice that the common difference is positive 5"  Humarap saamin si Ma'am at tinignan kami isa-isa para makisigurado kung nakikinig ba kami o hindi.


"For you to obtain the terms, you need to add the common difference to the preceding term." Itinuro niya iyong positive 5 na sinulat niya kanina bilang common difference. "5 plus 5 is 10, 5 plus 10 is 15, 5 plus 20 is 25" 


Madali lang pala, kailangan ko lang ikalma utak ko para hindi ako matulala at mag-imagine na naman ng kung ano-ano.


"Therefore, the Harmonic Sequence of these Arithmetic Sequence is..."


"1 over 5, which is the reciprocal of 5, 1 over 15, which is the reciprocal of 10,  1 over 15 which is the reciprocal of 15, 1 over 20 which is the reciprocal of 20, and 1 over 25 which is the reciprocal of 25"

Nagbigay pa ng ilang examples si Ma'am Peng bago nag-bigay ng assignment.


"That's all for today class, wait for your next subject teacher" Hindi na kami nito hinintay na makapag paalam sa kaniya at tuluyan nang lumabas ng classroom namin sa Ma'am Pe. Kaagad namang nagsipuntahan sa pwesto namin sila Marie, Jihan, at Camilla.


"Taray naman ni Jihan, talino yarn" Pang-aasar ni Marie kaya naman pati ako ay natawa.


"Loka! Nasa libro naman kasi" Totoo, nasa libro. Pero hindi gaya ni Jihan ay wala akong confidence na sumagot sa klase dahil sa anxiety ko. Iniisip ko palang na mapupunta sa'kin ang atensyon ng klase ay parang gusto ko na kaagad maglaho.


Nagkatinginan naman kami bigla ng marinig ang isang notifcation galing sa isang phone.


"Kanino 'yon?" Si Jihan ang nagtanong.  Nagkibit balikat naman kami bilang sagot.


"Saakin" Si Marie ang sumagot at tumingin saakin.


"Mag-online ka raw sabi ni Dhienielle" Saakin naman nalipat ang tingin ng mga kaibigan ko kaya Kaagad kong inilabas ang cellphone ko at nag online.


Dhienielle Alvez active now
CEDESSSS


Dhienielle Alvez active now
Kamo HAHHAHAHA may kwento ako HAHAHHAAHHAH

Dhienielle Alvez active now
hoyyyyyy

Dhienielle Alvez active now
BABAITA WHERE U DITO NA ME


Dhienielle Alvez
Char. Nasaan ka ba kasiiii?


Dhienielle Alvez
Naks, may klase ka pa siguro. Aral ng mabuti, may chika ako later!!


Grabe, talagang tinadtad ako ng chat neto ah? Ano na naman kayang ichichika?

"Ano sabi?" Nagulat naman ako ng sabay sabay magsalita ang mga kaibigan ko.

"Chismosa yarn?" Sagot ko sa kanila dahilan para magtawanan kami.

Nagtype naman ako at nireply-an siya.

Dhienielle Alvez
Reply: Oh, online na ako. Ano na?

Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko na abala sa pagkukwentuhan kaya nagpagtuloy ako sa pag kausap kay Dhienielle.

Dhienielle Alvez
Gusto ka raw ulit makalaro ni Jan. Taray mo naman

Napakunot naman ang noo ko, sinong Jan?

Dhienielle Alvez
Reply: huh? Sinong Jan?

Kaagad kong napindot ang message na nag pop up sa screen ko. Hindi ko na napansin kung reply ba ito ni Dhienielle dahil kaagad ko itong pinindot.

Juan Arceo Cruz wants to send you a message.

Napakunot naman ang noo ko. Sino 'to?

Dahil sa kyuryosidad ay pinindot ko iyon at inopen ang chat niya.


Juan Arceo Cruz
Hi! Pwede ba ulit kita makalaro, Taliya?

Accept                            Delete

Ignore Juan Arceo Cruz's chat?








#SHPACCEPTORDELETE

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...