I'm Just A Babysitter (COMPLE...

By Liona_Wilhelm

82.3K 2K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... More

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 2: BONDING
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 13: AWAY
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 18: SUITOR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 22: GRIEF
CHAPTER 23: TEAR
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 27: LISTEN
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 30: FOLLOW
CHAPTER 31: ACE CARDS
CHAPTER 32: STAY
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 38: HOME
CHAPTER 39: FOREVER DREAM
LAST CHAPTER: TWIN

CHAPTER 25: GIVE UP

1.5K 49 1
By Liona_Wilhelm

Quebec's POV
"Mommy, konting tiis muna kasi kulang pa yung pampyansa ko sayo." Sabi ko sa kanya habang kumakain siya ng pagkain na dala ko.

Hindi na naman niya ako pinansin. Simula nung makulong siya ay hindi na niya ako kailanman kinausap pa. Pero kapag kausap naman niya ang abogado na kinuha ko para sa kanya ay salita naman siya ng salita.

Huminga ako ng malalim saka tinignan ang ibang preso na binisita rin ng mga mahal nila sa buhay. Halata na masaya sila na may bumisita sa kanila samantalang itong kaharap ko parang ayaw naman akong makita.

Kaya naman habang kumakain siya ay hindi ko na siya tinangka pang kausapin dahil wala naman patutunguhan at baka mainis pa ako. Pagkatapos niyang kumain ay iniwasan niya ang tingin ko.

"Look. If you're mad at me, tell me. Hindi yung bibigyan mo ako ng silent treatment. Hirap na hirap na ako mommy. Kaya pwede ba makisama ka naman?!" Asik ko sa kanya.

Tumingin siya sandali sa akin at nag-iwas na naman ng tingin. "Kung dahil sa bahay at mga gamit natin ang dahilan kaya hindi mo ako kinakausap, wala akong magagawa. Hindi mo mababago ang isip ko. Marami na akong buyer ng bahay at nauubos na rin lahat ng gamit sa loob kabebenta ko para lang makaipon ng pyansa para sayo."

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. "Aalis na ako. Hindi ko kayang tumagal na kausap ang pipi o bingi. Lalo na kung nagpapanggap lang."

Wala pa rin akong narinig sa kanya hanggang sa makalabas na ako ng tuluyan ng presinto. Sumakay ako sa kotse ko pagkatapos ay nagpunta ako sa isang tindahan na may tindang mga alak. Bumili ako ng dalawampung bote ng alak. Ayoko na. Suko na talaga ako sa buhay ko na 'to.

Pagkabili ko ay nilagay ko na ito sa kotse ko at nagmaneho na naman ako sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagmamaneho ko. Ayaw ng gumana ng utak ko ng maayos. Ganitong-ganito ako noong namatay si Qeena at Queenie. Sabi sa akin ni Cassandra depress daw ang tawag doon.

Sa tantya ko ay isang oras na rin akong nagmamaneho. Sinilip ko ang orasan sa cellphone ko at tama nga ang tantya ko. Ang mga buildings kasi ay nawala na at puro talahiban na lang ang nakikita ko. Hanggang sa nay madaanan akong signage. Nakasulat doon ang salitang Doña Samaniego. Familiar sa akin ang lugar na 'to dahil sa may mga naririnig na akong usapan na dito madalas may nangyayari na krimen dahil walang gaanong dumadaan dito.

Wala rin akong makita na mga bahay sa dinadaanan ko. Madamo, mapuno at madalang ang poste ng ilaw dito sa kalsadang tinatahak ko. Nang makakita ako ng maliit na parang kubo ay hininto ko roon ang sasakyan ko saka ako lumabas.

Malakas at sariwang simoy ng hangin ang bumulaga sa akin paglabas ko ng kotse ko. Hindi maituturing na kubo ang hinintuan ko dahil parang pinagtagpi-tagping dahon lang pala ito ng anahaw para maging bubong. Kumukuha rin ito ng suporta sa punong malaki na katabi lang nito.

Umupo ako sa damuhan pagkatapos. Dito pala ang magandang lugar para makapagrelax kahit saglit lang. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Pinagmasdan ko ang wallpaper ko na picture naming apat ng mga anak ko. Kamusta na kaya sila? Ang tagal ko na silang hindi nakikita. Ilang beses ko na ring sinubukan na silipin sila kahit pasimple sa bahay nila Xenon pero hindi ko sila masilayan.

"I love you mga anak ko. Miss na miss na kayo ni mommy." Mahinang sabi ko saka ko binuksan ang internet ng cellphone ko.

Medyo mahirap ang signal dito kaya mabagal ang internet. Tumingin ako sa mapa sa cellphone ko para malaman kung gaano na ako kalayo sa kabihasnan. Almost 30 minutes ang layo ko sa matao ng lugar dahil sa mga landmark na lumilitaw sa mapa.

Tumayo ako at binuksan ko ang kotse ko. Hinayaan ko na nakabukas ang pinto ng kotse ko para pumasok ang hangin sa loob habang umiinom ako ng alak. Ilang oras pa ang lumipas ay hindi ko na mabilang ang mga bote ng alak na nakakalat sa kotse ko. Hindi ko tuloy alam kung alin sa mga ito ang may laman pa o wala na.

"Hmmm." Ungol ko nang biglang umikot ng sobra ang paningin ko.

Kaya ang ginawa ko ay bumalik na ako sa loob ng sasakyan ko tapos ay isinara ko na ang pinto nito saka ko ibinaba ng konti ng salamin ng bintana ko para hindi ako masuffocate. Pagkatapos ay dumukdok ako sa manibela ng sasakyan ko hanggang sa makatulog ako.

Nagising na lang ako nang may kumatok sa bintana ng sasakyan ko. Nagulat pa ako nang makita ko ang isang babae at binatilyong lalaki na nakadungaw dito sa loob.

"Miss, ayos ka lang ba?!" Tanong agad ng babae nang masilip niya ako sa maliit na awang ng bintana ko na nagising ako.

Pipikit-pikit pa ako na tumango. Nakahinga naman silang dalawa nung binatilyo nang makita nila na mukhang wala namang nangyayari na masama sa akin.

"Akala namin kung napano ka na. Napadaan kami rito kasi galing kami sa bayan. Akala ko may krimen na naman na nangyari rito kaya mabilis ka naming pinuntahan ng anak ko. Umalis ka na rito. Delikado itong daan na 'to kung magtatagal ka pa rito lalo na at nagsisimula nang gumabi."

Mas nilakihan ko ang awang ng bintana ko dahil mukhang nahihirapan ito na kausapin ako sa maliit na siwang ng salamin na ilang dangkal lang. "Salamat po."

Ngumiti ito at inaya na ang anak nitong bumalik sa sasakyan nila na nasa harapan lang ng sasakyan ko. Nang makaalis sila ay tumingin ako sa paligid. Madilim na nga at katiting na liwanag mula sa mga poste na lang ang nagsisilbing liwanag dito. Pinihit ko ang susi ko para sumindi ang sasakyan ko para makauwi na.

Hindi pa ako nakakalayo ay nagiging dalawa pa rin ang daanan sa paningin ko. Hindi pa kasi gaanong humuhupa ang pagkalasing ko. Kaya naman inihinto ko na lang ulit ang sasakyan ko sa gilid at muli akong nakatulog.

I grunted when someone tries to open the door of my car with force. Doon nawala ang kalasingan ko. Mabilis kong tinignan ang tao na nasa likod non pero dahil malayo ang poste ng ilaw dito sa nahintuan ko ay hindi ko makita ang mga mukha nila.

"Ahhh!" Napahiyaw ako nang mabasag ang salamin sa likuran ng kotse ko. Nagsimula na akong kabahan at magpanic.

Dahil sa nabasag nga ang salamin ko sa likuran ay medyo naaninagan ko na ang mga ito at narinig ko ang mga boses nila. Nasa lima o higit pa silang kalalakihan. Nasilip ko rin ang isang van sa likuran ng sasakyan ko at palagay ko ay sila ang lulan non.

Napatili na naman ako nang subukan nila na buksan ang lahat ng pintuan ng kotse ko. Kaya dali-dali kong pinaandar ang kotse ko. Muntik pa nga akong hindi makaalis sa pinaghintuan ko dahil sa humarang sila sa harapan ng kotse ko. Buti ay mabilis kong naikabig ang manibela para makaliko.

Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko nang mapansin ko na hinahabol nila ako gamit ang van. Nanginginig ang mga kamay ko na mahigpit ang hawak sa manibela at malamig na pawis na ang inilalabas ng katawan ko. Ilang beses ko hiniling na sana sumunod na rin ako kila Qeena pero hindi naman sa ganitong paraan. Gusto ko pa makita ang mga anak ko hanggang sa makamit nila ang mga pangarap nila sa buhay.

Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ko nang marinig ko ang malakas na pagkaskas ng gulong ng van na humabahol sa akin at sobrang lapit na nito sa akin. Ang hilong nararamdaman ko ay lalong nadagdagan nang sumalpok ang van sa likuran ng kotse ko ng sobrang lakas.

Hindi ko alam kung gaano pa kalayo ang kailangan kong imaneho bago ako makarating sa mga kabahayan pero sisikapin ko. Ilang beses din nilang sinalpok ang kotse ko pero hindi ako nagpatinag. Dati akala ko sa palabas ko lang makikita ang ganitong mga eksena. Wala na akong pakialam kung puro yupi na ang likuran ng sasakyan ko.

"Konti na lang. Konti na lang." Pagpapalakas ko sa loob ko nang matanaw ko na ang maraming ilaw sa daan at nawawala na ang mga puno at talahib.

Babagalan ko sana ang takbo ng sasakyan ko ng konti nang may maputik at mukhang madulas akong nadaanan pero huli na. Mabilis ang takbo ng kotse ko na dinaanan ang madulas na daan at nawalan na ako ng kotrol.

Lalo akong naiyak. Hindi pwede! Gusto ko pa makita at makasama ang mga anak ko. Pero mukhang hindi na mangyayari 'yon dahil nang makarating ako sa papalikong daan ay sumalpok na ang kotse ko sa mapupunong parte at tumilampon ako palabas.

Nanghina ako ng husto at hindi ko maidilat ang mga mata ko. Ilang segundo lang ay narinig ko ang pagsabog ng kung ano at saka ko naramdaman na may mainit sa gawing paanan ko.

***

"Nang may marinig kaming malakas na kung ano ay tumakbo agad kami ng asawa ko para hanapin." Kwento ng isang matandang lalaki habang nakaupo sa upuan malapit sa hospital bed kung nasaan ako.

"Sanay na rin kasi kami na palaging may naaaksidente sa paliko na 'yon dahil sa walang ilaw at takaw aksidente talaga sa gawi na 'yon, anak." Dagdag ng babae na kasama nito na napag-alaman ko na mag-asawa nang magpakilala sila nang magising ako, ilang minuto na ang nakararaan.

Pinilit ko silang ngitian. "Salamat po. Akala ko hindi na ako mabubuhay pa."

Nginitian din nila ako pabalik. "Habang inaasikaso ka ng mga doktor ay pinuntahan kami ng mga pulis. Sinabi nila sa amin na may humahabol daw sayo kaya ka naaksidente. Base na rin sa bakas na iniwan ng mga gulong sa daan malapit kung saan ka naaksidente." Sabi pa ng matandang babae.

"Hanggang ngayon may ganoong modus pa rin sa lugar namin. Pero wala naman kaming magagawa dahil talaga namang kulang ang seguridad sa lugar namin." Sabat naman ng asawa niya.

Tinignan ko ang kanang braso ko na sinemento dahil nabalian daw ako ng buto. Hindi lang 'yon ang natamo ko. Pati ang kanang hita ko ay nasimento dahil sa lakas ng pagkakatalsik ko mula sa loob ng sasakyan papalabas. May first degree burn din ako sa kaliwang kamay ko dahil sa tumalsik na parte ng kotse ko na may apoy.

Sabi ng mag-asawa ay napakaswerte ko raw dahil tumilampon ako papalabas ng kotse dahil kung hindi ay baka nasunog ako sa kotse ko nang sumabog. Nakatulong din ang suot kong pants kaya hindi nasunog ang binti ko. Puro galos at sugat din ang mukha ko dahil sa pagbagsak ko sa kalsada at may neck brace din ako dahil kailangan pa raw obserbahan ng doktor kung naapektuhan ba ang spinal cord ko o ang batok ko mismo.

"Pwede po bang makahiram ng cellphone?" Tanong ko pagkatapos ng ilang sandali.

Dali-dali namang ibinigay sa akin ng matandang babae ang cellphone niya pero pasimple akong napangiwi nang makita ko na may keypad ito. Hindi dahil sa nag-iinarte ako. Hindi ko kasi kabisado ang number ni Cassandra kaya balak ko sana na icontact na lang siya sa social media accounts niya.

"Huwag na po pala. Hindi ko po kabisado ang number nung tatawagan ko sana."

Tumango ito. Kanina may inabot sa akin ang mag-asawa na ilang gamit ko na nakuha sa kotse pero halos lahat ay sunog kasama ang cellphone ko. Nahulog siguro sa loob ng sasakyan nung tumilampon ako at buti na lang ay ang wallet ko na naglalaman ng mahahalagang id at kung anu-ano pa ay nasa bulsa ko nung naaksidente ako.

"Anak, hindi na rin kami magtatagal. Gabi na at alam mo na, matanda na kami. Kailangan na talaga naming magpahinga." Sabi nito nang makalapit sa akin.

Dahan-dahan ko namang inabot ang kamay niya. "Maraming salamat po sa inyong mag-asawa. Baka kung hindi niyo po ako nadala agad dito ay hindi na ako buhay pa. Pangako ko po na kapag magaling na ako ay hahanapin ko kayo para magpasalamat ng pormal. Ingat po kayo pauwi."

Niyakap pa nila ako bago sila tuluyang umalis. Pag-alis nila ay may pumasok naman na isang nurse para silipin ako sandali.

"Ah nurse! Baka pwede makahiram ng cellphone. Yung may social media sana. Hindi ko kasi alam yung number ng kaibigan ko. Social media lang niya ang alam kong pwede kong macontact."

Buti na lang ay pumayag ito at nasa tabi ko siya habang gamit ko ang cellphone niya. Nakikisuyo rin kasi ako minsan dahil sa ang kaliwang kamay ko lang ang pwedeng igalaw na may paso pa nga.

Nang makita ko ang social media account ni Cassandra ay agad ko itong sinabihan kung ano ang nangyari sa akin. Buti na lang ay mukhang nakaonline ito kaya mabilis na nakasagot sa message ko at pupuntahan daw niya kung saan ako nakaconfined.

Tinanong ko pa ang nurse kung ano ang eksaktong address ng hospital at saka ko sinabi kay Cassandra. Nagpaalam na rin ako rito pagkatapos at isinauli ko na sa nurse ang hiniram ko.

"Thank you. Kailan pala ako pwedeng makalabas dito?" Tanong ko nang maibalik ko ang cellphone niya.

"Baka po mga tatlong araw kayo magtagal dito. Depende po kung magiging maganda po ang ipapakita ng recovery niyo sa observation ng doktor." Sagot nito at umalis na rin ng maliit kong kwarto.

Nang ako na lang mag-isa sa kwarto ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko para makapagpahinga. Ramdam na ramdam ko kasi ang sakit ng katawan ko gawa ng aksidente ko. Kanina akala ko katapusan ko na.

Totoo pala ang mga naririnig ko na kapag oras mo na ay magkakaroon ka ng flashback ng ilang pangyayari sa buhay mo. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Isa sa mga bumalik sa ala-ala ko kanina bago ako mawalan ng malay ay ang araw na ipinanganak ko ang triplets ko.

Pati ang araw na kailangan ko silang ibigay kay Xenon dahil wala akong choice at pati ang araw na natanggap akong babysitter ng mga bata. May ilang ala-ala rin ako na kasama sila Qeena at Queenie pati ang ilang childhood days ko. Nagtaasan ang balahibo sa katawan ko nang buksan ko ang mga mata ko. Parang isang compilation ng mga ala-ala ko ang nangyari.

"Qeena, Queenie, daddy, sorry. Hindi ko pa pala kayang sumunod sa inyo. May mga anak pa akong kailangan tignan-tignan kahit sa malayo na lang. Saka kailangan ko pang ilabas at alagaan si mommy. Kayo na lang muna diyan. Hindi pwedeng iwan ko si mommy at ang mga bata sa ngayon. Darating naman ang tamang panahon na kailangan ko ng sumama talaga sa inyo pero hindi pa ito 'yon. Sana masaya kayo kung nasaan kayo ngayon. Gabayan niyo ako dahil pakiramdam ko wala na akong pag-asa pa sa buhay ko na 'to."

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 340 33
Spoiler's copy paste: "Actually, you don't need to draw that eyebrow babe. I love you. You are beautiful enough to the point na gusto na kitang pakas...
3.8K 549 27
( UNDER EDITING ) Sabrina , a young 16 years old girl loves to visit the kids in the old creepy orphanage. Every kids adore her for being kind to the...
139K 3.7K 59
"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niy...
274K 7.5K 39
Her bestfriend betrayed her. Nilinlang siya nito para makuha ang gusto niya. Pero isang pagkakamali ang naging kinalabasan nito.Ang plano nila ay nas...