I'm Just A Babysitter (COMPLE...

By Liona_Wilhelm

82.3K 2K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... More

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 2: BONDING
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 13: AWAY
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 18: SUITOR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 22: GRIEF
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 25: GIVE UP
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 27: LISTEN
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 30: FOLLOW
CHAPTER 31: ACE CARDS
CHAPTER 32: STAY
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 38: HOME
CHAPTER 39: FOREVER DREAM
LAST CHAPTER: TWIN

CHAPTER 23: TEAR

1.4K 44 0
By Liona_Wilhelm

Quebec's POV
"All along you're the biological mother of my kids?! The woman who abandoned them?!"

Pareho kaming napatayo ni Cassandra nang marinig namin ang boses ni Xenon sa pinto ng veranda.

"Xenon, a-anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba riyan?" Sunod-sunod na tanong ko at pilit kong inaalis ang panginginig ng boses ko. Sana lang ay hindi maliwanag ang pagkakarinig niya sa sinabi ko kani-kanina lang.

Pero mukhang huli na dahil punong-puno ng galit ang mukha niya na lumapit sa amin ni Cassandra.

"Medyo. Simula nung maghiwalay kayo ng yakapan na dalawa." Malamig ang boses na pagkakasabi niya.

"Xenon, let us explain." Sabi ni Cassandra at lumapit sa akin para yakapin ako.

"So you also knew from the beginning that she's the mother of my kids? Kasi sa pagkakatanda ko, ikaw ang nagdala rito sa bahay ng mga bata nung tatlong buwan pa lang silang sanggol."

Tumango si Cassandra. "May rason kami kung bakit namin nagawa at itinago ang sikreto na 'yon Xenon." Sabi pa ni Cassandra.

"I don't care. The fact still remain that you lied to me! Both of you! You deceived me! Akala ko ikaw na ang babae na karapat-dapat para maging ina ng mga anak ko. Kaya pala ganon na lang ang turing mo sa kanila. Kasi sayo sila nanggaling! Nabuhay sila ng siyam na buwan diyan sa sinapupunan mo."

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa nag-uunahang pagtulo ng luha ko. "I don't have a choice! Kung meron lang akong choice, hindi ko sila isusuko sayo. Kahit ako na lang mag-isa ang bumuhay sa kanila gagawin ko. Kaso hindi pwede! Mapapahamak sila kung sa akin sila lalaki."

Umiling ito at tumawa ng sarkastiko. "Pabaya kang ina. Kung kailan medyo malalaki na sila at nakakaintindi na saka ka nagpakita. Kung kailan tapos na ang mga araw na hindi ako nakakatulog sa pag-iyak nila at kapag nagkakasakit sila. Kung kailan puro na lang sila kalikutan saka ka pa nagpakita."

"Xenon! Wala kang karapatan na pagsabihan si Quebec ng ganyan. Huwag mo siyang husgahan dahil lang sa napilitan siyang ipaubaya sayo ang mga bata at ngayon lang siya nagkalakas ng loob na malapitan sila." Saway ni Cassandra rito.

Dinuro niya si Cassandra kaya nakita ko ang panginginig ng kamay niya. Marahil ay sa pinipigilan niyang galit sa amin ni Cassandra. "You're a traitor Cassandra. Dapat una pa lang hindi na ako naniwala sa sinabi mo na iniwan lang din sayo ang mga bata ng hindi mo kilala. Ngayon ko lang naisip na bakit nga ba hindi man lang ako naghinala sa mga katwiran mo noon sa akin nang ipaako mo sa akin ang mga bata!"

Mabilis na pinahid ni Cassandra ang luha na pumatak mula sa mata niya. "I'm sorry Xenon. Pero para rin naman sa mga bata ang ginawa namin ni Quebec na 'yon."

"Get out Cassandra. I don't wanna hear your lies anymore. Kami muna ni Quebec ang mag-uusap. Saka na kita kakausapin kapag nawala na ang galit ko sayo."

Umiling si Cassandra at niyakap ako ng mahigpit. Lumapit lalo sa amin si Xenon. "Alam mo kung paano ako magalit Cassandra. Umalis ka na hanggat kaya ko pang pigilan ang galit ko. Kung hindi ka susunod sa gusto ko ay hihilahin kita palabas ng bahay. Wala akong pakialam kung nandito sila mama. Hindi nakakatulong na nandito ka ngayon."

Humarap sa akin si Cassandra. "Call me later. You can do this. Face your fear, Quebec. Kailangan mong tumayo ngayong mag-isa kahit na kaya naman kitang tulungan."

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay ni Cassandra. "Sobra-sobra na ang naitulong mo sa akin Cassandra. Kaya ko na 'to. Mag-iingat ka pauwi."

Tumango ito at niyakap muna ako ng mahigpit bago nagmamadaling umalis. Nang makaalis si Cassandra ay hinila ako ni Xenon papunta sa kwarto ko.

"Xenon." Tawag ko sa kanya nang maisara niya ang pinto ng kwarto kung saan nakulong kaming dalawa sa loob.

"Pack your things."

Tuluyan akong nanghina sa sinabi niya. Ilalayo na niya ang mga bata sa akin dahil nalaman na niya ang totoo. Naupo ako sa higaan ko dahil pakiramdam ko ay mabubuwal ako ano mang oras.

"Hindi mo pwedeng gawin sa akin 'to. Paano ang mga bata." Sagot ko sa utos niya.

Binigyan niya ako ng pekeng ngiti. "Tatlong taon ko silang napalaki ng wala ka Quebec. Kayang-kaya ko ulit gawin 'yon ng wala ka sa tabi ng mga bata."

"Hindi mo ako kailangan ilayo sa kanila. Nandito na nga ako oh! Pinipilit kong punan yung mga panahon na wala ako sa tabi nila. Saka pwede ba pakinggan mo muna ang paliwanag ko. Hindi yung ganito na paaalisin mo ako ng wala man lang hinihingi na paliwanag. Saka mo ako husgahan kapag narinig mo na ang paliwanag ko."

"Kahit anong paliwanag pa 'yan, hindi na ako makikinig sayo. Nagsinungaling na kayo sa akin ni Cassandra kaya nadala na ako sa inyo. Paano ko pa paniniwalaan 'yang paliwanag mo ngayon? Hindi mo na mababago ang isip ko. Umalis ka na at iwan mo na kami ng mga bata. Kalimutan mo na rin na naging anak mo sila gaya ng paglimot na ginawa mo sa kanila noon."

Tuluyan ng bumuhos ang mabibigat na luha mula sa mga mata ko. Walang pag-aalinglangan na lumuhod ako sa harapan ni Xenon. "Xenon, huwag naman ganito. Hayaan mo naman akong makasama ang mga bata kahit na hindi nila malaman na ako ang totoo nilang ina. Ginagawa ko naman ang lahat para maparamdam sa kanila na mahal ko sila."

"Sa tatlong taon na wala ka sa tabi nila, pinatunayan mo lang sa akin na isa kang walang pusong ina. Ni ha ni ho wala kang paramdam. Kahit man lang sulat o text na kamusta na ang mga bata kahit na hindi ka na sana magpakilala pa. Kasi ang tagal kong inasam na sana nagkaroon man lang yung nanay ng mga anak ko ng interes sa kanila. Tapos magpapakita ka sa ganitong paraan?! Na para kang isang ulirang yaya sa kanila? Para ano Quebec?! Para hindi na maungkat pa na ikaw ang ina ng mga bata?! Bakit kailangan mo pang magpanggap na mahilig ka lang talaga sa mga bata at tinalikuran mo na ang pagiging sekretarya para maging babysitter!"

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at umiyak na lang ako ng umiyak. Nararamdaman ko na sarado na ang isip niya para sa mga paliwanag ko. Saka kung magpapaliwanag man ako ay hindi ko alam kung maipapaliwanag ko ba ng maayos dahil sa hindi naman biro ang ilegal na trabaho namin ng pamilya ko.

"Hindi ka makasagot! Kasi ano?! Ayaw mo talagang malaman namin na ikaw talaga ang ina nila at gusto mo na habang buhay manatili ka na lang na babysitter sa mata naming lahat. Buti at maaga kong nalaman. Bago mo pa tuluyang mabilog ang ulo ko. Kalimutan mo na lang yung nararamdaman ko sayo. Sigurado ako na sa tindi ng galit ko sayo ngayon ay mawawala rin 'tong pagkagusto ko sayo sa lalong madaling panahon."

Hindi ako kumilos at iyak lang ako ng iyak kaya siya na ang naglabas ng mga gamit ko at basta na lang itong isinilid sa maleta ko. Siniksik niya nang siniksik ang maleta ko hanggang sa halos hindi na masara 'yon dahil sa mga inilagay niya sa loob.

"Babalik ako Xenon. Mag-usap tayo ng maayos. Hihintayin ko na humupa muna ang galit mo sa akin."

Hindi ito kumibo at hinila na ulit ako palabas ng bahay. Wala ng tao sa sala at mukhang tulog na ang lahat kaya madali lang niya akong nahilahod palabas ng bahay.

"Ang mga bata. Hayaan mo akong makita sila at mahalikan kahit ngayon lang." Pakiusap ko sa kanya nang umpisahan na niyang buksan ang gate.

"Stop the drama Quebec and get out of our lives. Hindi na mababago ng mga halik at yakap mo sa mga bata ang pagsisinungaling mo sa amin! Ako na ang bahala sa mga bata. Bumalik ka na lang sa dati mong buhay kung saan wala kang inaalalang mga anak."

Tinulak ako nito palabas ng gate ay dahil mas malakas siya sa akin ay wala na akong nagawa pa kung hindi ang huwag na lang manlaban. "Babalik ako. Tell to the kids that I'll be back. Hindi ako papayag ng ganito Xenon."

Nameywang ito sa harap ko habang nakapagitan sa amin ang gate. "Get loss. Umalis ka na at huwag ka ng babalik pa."

Iniwan na ako nito at pumasok na sa loob ng bahay. Unti-unti na ring nawalan ng ilaw sa loob ng bahay kaya alam ko na umakyat na siya para matulog sa taas. Hindi ko mapigilan ang maiyak na naman.

Mamimiss ko ang mga bata. Pero dahil sa nangyari ay alam ko na mahihirapan ako na lapitan sila ngayon. Galit sa akin ang ama nila at kapag umabot 'to kila ma'am Sarah ay siguradong magagalit din sila sa akin. Alam ko na bukas paggising ng mga bata ay ako ang hahanapin nila.

Mamimiss ko ang mga yakap, hagikgik at mga halik nila sa akin. Mamimiss ko ang pagtawag nila sa akin ng mommy kahit na hindi naman nila alam na ako talaga ang mommy nila.

Lancelot. Lanaia. Landon. Mommy loves you so much my babies. Gagawa ako ng paraan para mabalikan ko kayo. Aayusin ni mommy lahat ng problema para lang sa inyo.

Tinignan ko ng isa pa uling sulyap ang bahay kung saan nakatira at lumaki ang mga anak ko. Nang mukhang wala talagang balak si Xenon na bawiin ang pagpapalayas niya sa akin ay wala na akong nagawa pa kung hindi ang umalis na lang at umuwi sa bahay namin.

Xenon's POV
"Himala yata at ikaw ang nagbaba sa mga bata nang magising. Hindi pa gising si Quebec?" Tanong ni mama nang iupo ko isa-isa ang mga bata sa upuan nila rito sa hapag.

Maging ang mga bata ay siya ang hinahanap nang magising sila. "She left." Maikli kong sabi saka ako naupo sa tabi ni Lanaia at Landon.

"Oh? May emergency na naman ba?" Tanong ni daddy.

"Pinaalis ko na siya. Simula ngayon hindi na siya babysitter ng mga bata at maghahanap na ako ng bagong babysitter nila."

Napahinto sa pagkain si mama. "May problema ba Xenon? Bakit hindi mo pa sabihin kung anong rason at pinaalis mo siya."

Sinalubong ko ang tingin ni mama. "Not in front of my kids, ma."

Tumango ito at mukhang naintindihan naman niya at iniba na ang usapan. Pagkatapos kumain ng mga bata ay pinaasikaso ko muna sila sa ibang kasambahay at saka kami nag-usap nila mama. Dito namin napagdesisyunan sa garden mag-usap.

"Cassandra visited her last night. Nang mapatulog ko ang mga bata hinanap ko sila at nakita ko sila sa may veranda nag-uusap. Lumapit ako ay hindi ko sinadya na marinig ang pinag-uusapan nila." Kwento ko.

"Ibig sabihin may kinalaman yung narinig mong usapan nila kaya mo pinaalis si Quebec?" Singit ni mama na ikinatango ko.

"She's the biological mother of my kids. Kaya pala ganon na lang ang trato niya sa mga bata."

Natigilan si mama habang si daddy naman ay halatang nagulat sa sinabi ko. Pagkalipas ng ilang segundo ay pinalo ni mama ang braso ni daddy. "Sabi ko na nga ba! Kaya may pagkakahawig sila ni Lanaia."

Tumango si daddy. "Ilang beses ko na ring napansin ang pagkakahawig nila sa iba't ibang anggulo. Kaya pala napakabait at lambing niya sa mga bata."

"Pero bakit hindi siya nagpakilala sa atin bilang ina ng mga bata?! Bakit babysitter pa ang pinasok niya para mapalapit sa mga bata."

Napasabunot ako sa buhok ko. "'Yon nga rin ang tanong ko ma. Bakit kailangan pa niyang maging babysitter sa halip na magpakilala na lang siya sa atin na siya pala talaga ang ina ng mga bata. Ang tagal ko siyang hinintay. Alam niyo 'yan."

"Maybe she has her own reason." Sabat ni daddy.

"'Yon nga rin ang sabi ni Cassandra." Dagdag ko pa.

"Ano bang paliwanag ang ginawa ni Quebec kagabi?" Tanong ni mama.

"She didn't explain her side."

"What?! Bakit naman hindi siya nagpaliwanag? You deserve an explanation after all these years of being a single father to the triplets." Mama said.

Huminga ako ng malalim. "It's my fault. Hindi ko siya hinayaan na magpaliwanag." Hindi nakakibo sila mama. "Hindi ko na kasi alam kung paano ko pa siya paniniwalaan matapos nilang magsinungaling na dalawa ni Cassandra."

"Si Cassandra? Ibig sabihin simula't sapul pa lang alam na niya na si Quebec ang ina ng mga sanggol? Nung dinala pa lang niya ang mga bata rito nung tatlong buwan pa lang sila matapos maipanganak?!" Sunod-sunod na tanong ni mama habang sapo-sapo ang dibdib.

Tumango ako. "Ayaw nga niyang umalis kasi ayaw niyang malayo sa mga bata. Nangako siya na babalik siya pero sinabi ko na huwag na at bumalik na lang siya sa dati niyang buhay."

"Xenon." 'Yon lang ang tanging nasabi ni mama.

"Sana hinayaan mo muna siyang magpaliwanag anak. Hindi biro ang mawalay sa mga anak. Naranasan ko 'yan nung nagtrabaho ako sa abroad nung mga bata pa kayo." Sabi ni daddy habang pinapakalma si mama.

"Tama ang daddy mo. Sana kahit gaano ka kagalit o kahit hindi mo man siya paniwalaan, hinayaan mo na lang sana siyang magpaliwanag. Para sa mga bata." Dagdag ni mama.

Nagkibit-balikat ako. "Nangako siya na babalik siya at mag-uusap kami."

"Kahit na nangako siya. Sana ikaw din ang nagbigay mismo ng konsiderasyon, kahit para sa mga bata na lang."

Tumingala ako. "Gulong-gulo ako, ma. Hindi ko alam ang gagawin ko kagabi. Nauna kasi yung galit ko kaya hindi na ako nakapag-isip pa ng maayos. Naaawa kasi ako sa mga bata. Bumalik lahat sa ala-ala ko yung mga panahon na nahihirapan akong alagaan sila dahil bukod sa tatlo sila ay kailangan kong kumayod para mabuhay tayo. Pati yung mga panahon na kailangan kong palitan ang mga nag-aalaga sa kanila dahil sa hindi naman nila tinatrato ng mabuti ang mga bata. Yung isip ko punong-puno ng tanong na nasaan siya nung mga oras na sobrang kailangan namin siya. Mga panahon na kailangan siya ng mga bata, lalo na kapag nagkakasakit sila."

Lumapit si daddy sa akin at inakbayan ako. "Alam mo anak, mahirap talagang mag-isip at gumawa ng desisyon kapag puro galit ang puso mo. Mas mabuti nga muna siguro na pinaalis mo si Quebec dito para makapag-isip ka ng maayos. 'Yon nga lang, ang mga apo ko, sigurado akong hahanapin nila ang ina nila."

"Pasensya na, ma at dad. Hindi ko naman ginusto na magkaroon ng ganitong klaseng pamilya. Na may maaanakan akong tao ng hindi ko alam tapos sumulpot na lang isang araw ang mga bata rito. Sorry kung masyado akong nagpasarap sa buhay at nakadisgrasya ako ng babae." Nahihiya kong sabi kila mama.

Maging si mama ay lumapit sa amin. "Huwag mong sabihin 'yan, anak. Walang may gusto ng nangyari. Saka hindi ba ang saya nga kasi may Landon, Lanaia at Lancelot na nagbibigay ng kulay sa buhay mo? Hindi ba ang sarap sa pakiramdam na pag-uwi mo galing trabaho, kahit pagod, basta makita mo sila nawawala na yung pagod mo?"

Tumango ako. "They're gift from God." Bulong ko na sinangayunan ni mama.

"They will always be blessing to this family." Mama answered back.

Continue Reading

You'll Also Like

252K 5.7K 54
COMPLETED STORY Vivien, a brat who came from a wealthy family got assigned to babysit a child. Vivien is known to be a spoiled woman who's always spe...
No Escape By Navi

General Fiction

98.6K 2.6K 33
Warning spg!!! Contains. Drugs, murder. Read at your own risk. Hanggang sa kamatayan, hanggang sa kabilang buhay ayaw kitang iwanan. Xantheus...
8.3K 211 44
Montevilla Series 1 Kendell Clint Montevilla Hate na hate ni Rosette Divina Asuncion ang mga bakla, dahil sa bakla rin siya ipinagpalit ng ex-fiance...
274K 7.5K 39
Her bestfriend betrayed her. Nilinlang siya nito para makuha ang gusto niya. Pero isang pagkakamali ang naging kinalabasan nito.Ang plano nila ay nas...