I'm Just A Babysitter (COMPLE...

Af Liona_Wilhelm

82.2K 2K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... Mere

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 2: BONDING
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 13: AWAY
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 18: SUITOR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 23: TEAR
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 25: GIVE UP
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 27: LISTEN
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 30: FOLLOW
CHAPTER 31: ACE CARDS
CHAPTER 32: STAY
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 38: HOME
CHAPTER 39: FOREVER DREAM
LAST CHAPTER: TWIN

CHAPTER 22: GRIEF

1.4K 48 1
Af Liona_Wilhelm

Quebec's POV
Napabuntong hininga ako nang matapos ang tawagan namin ng abogado na kinuha ko para kay mommy. Pwedeng makapagpyansa si mommy para makaalis sa kulungan. Pero saan naman ako kukuha ng pera?! Hindi sapat ang ipon ko sa bangko para mailabas siya sa kulungan.

Saka ayokong gastusin ang naipon kong pera mula sa mga abuloy na nakuha ko kay daddy dahil hindi pa rin naman sasapat. Napahilamos na lang ako ng mukha. Ibebenta ko ang bahay at lupa namin. Pati na rin ang natitirang sasakyan nila daddy. Para makapagsimula akong makapag-ipon para mapalaya ko si mommy.

Sana lang talaga ay magtagumpay ako sa huling iniuutos sa akin ni boss para mas mapadali na lang sa akin ang lahat. Sinilip ko muna sandali ang mga bata na masayang-masaya sa duyan bago ko tinawagan si Cassandra.

Mabilis naman nitong sinagot ang tawag ko at mukhang hindi busy. "Katatapos ko lang makipag-usap sa abogado ni mommy at makakapagpyansa na raw kami."

"That's good news! Kahit papaano mawawalan ka na ng isang tinik aa dibdib niyan." Sabi niya naman sa kabilang linya.

"Yeah. Pero hindi rin ata. I need money to make that happen. Kulang na kulang ang ipon kong pera."

"You can borrow some from me." Mabilis na sabi ni Cassandra kaya napapikit ako nang mariin. Si Cassandra talaga kahit anong maitutulong iaalok sa kapwa.

"Thank you Cassandra. Pero hindi ko matatanggap ang alok mo. Nakakahiya na masyado sayo. Ang dami mo ng nagawa para sa akin." Tanggi ko saka ko nilapitan ang mga bata nang magsimula silang mag-away dahil sa duyan.

"Quebec, that's what friends are for! Tinutulungan kita kasi alam ko na masyado ka ng maraming problema ngayon. Ayoko ng bumalik ka sa dati na halos magpakamatay na dahil sa sobrang daming problema." Depensa niya.

"I'm selling our house including the property of that lot and the car of my dad. Baka may naghahanap, pwede mong ialok."

"Nakausap mo na ba si tita tungkol sa bagay na'yan?" Sagot niya sa sinabi ko.

"Simula ngayon hindi na si mommy ang magdedesisyon. Kung dati siya ang decision maker sa pamilya namin, ngayon hindi na. Lahat ng desisyon niya palpak at puro kapahamakan. Dahil sa nga desisyon niya namatay si Qeena, Queenie at daddy. Wala akong tiwala kay mommy pagdating sa pagdedesisyon."

Narinig ko siyang huminga ng malalim. "May point ka naman. Kung hindi mo siya hahayaan na magdesisyon, sabihin mo sa kanya kahit papaano. Para ng sa ganon hindi siya magugulat na isang araw wala na pala kayong bahay, lupa at sasakyan."

Pinigilan ko sa pag-ugoy ang duyan para makaupo si Lancelot. "'Yon pa nga ang isa. Ayaw niya akong kausapin. Hindi ko alam kung bakit. Kung galit ba siya sa akin hindi ko naman alam kung anong ginawa ko para magalit siya sa akin. O kung hindi naman ay nalulungkot pa rin siya sa sinapit ng pamilya namin kaya ganon."

"Give her space for now then. Sa ngayon ako muna ang katuwang mo sa mga problema mo." Napailing ako.

"Hindi mo naman trabaho ang saluhin ako, Cassandra. Hindi kita kinaibigan para maging ganon."

"Shut up. Wala naman akong sinasabi ah! Hay nako, mamaya na nga tayo mag-usap. Sarap mong sabunutan na babae ka. Pupunta ako riyan mamaya para makapag-usap tayo ng mas klaro. Bye na. Nandito na yung boss ko." Nagmamadaling sabi nito.

"Okay. Bye. Take care."

Nang mamatay ang tawag ay dinaluhan ko na ang triplets sa duyan. Binili ko itong duyan sa online shopping dahil napanuod nila sa tv ang duyan. Tinanong nila ako kung ano raw ang pakiramdam ng nakasakay sa duyan kaya ibinili ko sila.

"Mommy, I want to sleep here." Sabi ni Lanaia sabay turo kay Landon at Lancelot na nakikisiksik sa duyan. Dapat talaga kapag ibinibili ng kahit ano ang mga 'to kailangan tig-iisa lagi.

Binuhat ko si Lanaia. "Baby hindi kayo pwedeng matulog sa duyan kasi baka mahulog kayo. Kapag nahulog kayo, mapipilayan kayo at magkakasakit." Paliwanag ko rito.

Saglit itong nagtantrums pero hinayaan naman ako na ihele na lang siya. Kaya naman si Lancelot at Landon ay natuwa dahil dalawa na lang sila ngayong mag-aagawan sa duyan.

"Pumasok na kayo maya-maya ng konti." Utos sa amin ni ma'am Sarah na sinilip kami rito sa garden. "Masyado kayong naloko sa duyan. Halatang mga sabik." Sabi pa nito saka iniwan na rin kami.

Nagpalipas pa kami ng ilang minuto bago ko sila tuluyang ipinasok sa loob ng bahay. Si Lanaia na nakatulog na sa balikat ko ay naalimpungatan at buti na lang ay hindi sinumpong. Pinakain ko na rin sila agad ng tanghalian pagpasok namin para mapatulog ko na sila para sa siesta.

Nang matapos sila sa pagkain ay idineretso ko na sila sa kwarto ko kung saan lagi silang natutulog kapag ganitong oras. Mas pabor sa akin kapag dito sila sa baba natutulog dahil kahit maglaba ako ng mga damit ko ay hindi ako matatakot na iwan sila kahit saglit. Kapag sa taas kasi sila natutulog, hindi ko talaga sila maiwanan dahil baka mga magising at mahulog sa hagdan sa pagbaba.

Marahan kong tinatapik ang kanilang mga katawan habang nakahilera sila sa tabi ko. Pinagkakasya ko ang sarili ko sa maliit na space dito sa kama ko dahil nasakop na nilang tatlo. "Mommy, let's play in the hammock." Aya ni Lancelot kahit na napipikit-pikit na ang mga mata sa antok.

Nginitian ko siya at hinaplos ko ang buhok niya. "Later baby. Pagkagising mo." Sabi ko rito. Tumango naman ito at saka ipinikit na ng tuluyan ang mga mata.

Nang masiguro ko na tulog na silang lahat ay tinawagan ko ang mga tao na pwede kong hingan ng pabor para sa pagbebenta ng ilang ari-arian namin. Mga kamag-anak, mga dating kaklase, at mga kakilala ko ay sinubukan kong kausapin mapatawag man o text. Mas mainam kung maibenta ko ang mga 'yon sa lalong madaling panahon para makalabas na rin agad si mommy.

Kahit naman hindi sabihin sa akin ni mommy ay alam ko na nahihirapan siya sa loob ng kulungan. Alam ko na hindi siya sanay sa ganoong klaseng lugar. Ilang beses ko na ring nasilip ang piitan niya at masasabi ko na masikip ito para sa kanila ng mga kasama niya. May amoy din at madumi. Isa lang ang masasabi ko sa lugar na 'yon. Hindi komportable.

Naghanap pa ako ng ibang matatawagan habang hinihintay ko na magising ang mga bata. May ilan, sinasabi nila sa akin na may mga kakilala silang naghahanap, may iba naman na nagsasabing iaalok nila sa mga kakilala, may mga nagsabi rin na subukan kong ialok sa iba.

Hindi malaki at hindi rin naman maliit ang bahay namin. Masasabi ko na tama lang siya para sa limang myembro ng pamilya. Simple lang din at walang gaanong disenyo. Kaya kahit hindi na ganon kamahal ay pwede ko itong ibenta.

Pagkatapos kong makipag-usap sa kung sinu-sino ay kinuha ko ang foam sa ilalim ng higaan ko at doon ako nahiga. Nakatulog din ako at nagising ako nang gisingin ako ni Lancelot. Nag-aaya na agad siyang magpunta kami sa duyan.

"Baby, mamaya na kapag gising na sila." Sabay nguso ko sa dalawa niyang kakambal.

Ngumuso ito pero umupo sa tabi ko. Ang ginawa ko na lang ay ang isinindi ko ang tv para pumirmi siya. Nagustuhan niya naman ang palabas sa tv kaya tahimik lang itong nanunuod at hindi naglilikot. Nang magising ang mga kakambal niya ay pinagmerienda muna sila ni ma'am Sarah bago kami hinayaan na maglaro sa duyan.

Ayaw talaga nilang tigilan ang duyan kahit nang papalubog na ang araw. Si Xenon lang ang nakapagpaalis sa kanila nang makauwi ito.

"Maghapon halos nasa duyan ang mga bata Xenon. Kaya walang gaanong kalat sa sala." Sabi ni ma'am Sarah habang kumakain kami.

"Bago pa kasi sa paningin nila ma. Kapag naglaon ay magsasawa rin sila roon." Sabi naman ni Xenon habang sinusubuan si Lanaia.

"Kanina nga lang tanghali nung pinapatulog ko sila si Lancelot kahit napipikit na nag-aaya pa magduyan. Tapos nung magising siya, ginigising ako at magduyan na raw kami." Kwento ko sa hapag.

Natawa naman ang lolo at lola ng triplets. "Makabili pa nga ng dalawa. Siguradong nag-aagawan ang tatlo na 'yan sa iisang duyan." Sabi ni sir Michael.

Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi matawa. Tama naman kasi ang lolo nila. Kilalang-kilala na talaga ang ugali nila ng mga nakatira rito. Kaya kailangan kapag may bibilhin ka para sa kanila ay tatlo agad ng tatlo.

Matapos kumain ng hapunan ay ginawa ko na ang palagi kong ginagawa sa kanila bago sila matulog. Nilinisan ko sila ng katawan, binihisan ng pantulog at saka ko sila pinatulog. Kaya lang ay ayaw pa nilang matulog at pilit pinapakuha sa daddy nila yung duyan na nakakabit sa garden.

Kakamot-kamot tuloy sa ulo yung isa. "Pasalamat kayo mahal ko kayo." Sabi nito bago umalis at bumaba para kunin ang duyan na nakatali sa garden.

Nakapirmi naman sila sa kama habang nanunuod ng teleserye nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Tinignan ko ito at may pumasok pala na text galing kay Cassandra.

Nakalagay sa text niya na papunta na siya dahil ngayon lang natapos ang trabaho niya. Tiyak akong hindi pa kumakain ang babae na 'yon. Sana lang ay may natitira pang pagkain sa hapag para rito na lang siya makakain ng hapunan. Nawala na nga sa loob ko na balak nga pala niya akong kausapin ng personal pagkatapos ng trabaho niya.

Nagtatatalon ang mga bata nang sa wakas ay nakabalik na si Xenon at dala na ang duyan. "Where am I going to put this now?!" Nakasimangot na sabi nito at naghanap pa ng magandang spot kung saan pwede ilagay ang duyan.

"Huwag diyan. Baka mauntog sila diyan kapag malakas yung ugoy ng duyan." Pigil ko sa kanya nang magbalak siyang isabit ito malapit sa isang corner dahil walang gaanong gamit doon.

Laglag ang balikat nitong nagpunta sa tabi ng kama kung saan may space pa naman. "Dito na lang. Para kapag nahulog sila sa duyan may mattress na sasalo sa kanila." Sabi nito at ikinabit na nga roon ang duyan.

Matapos maikabit ay inilagay ko ang mattress sa ilalim ng duyan at nag-unahan na nga sila sa pagsampa roon pati si Xenon. Natigil ang kasiyahan nila nang may kumatok.

"Sir Xenon, nasa baba po si ma'am Cassandra. Hinahanap po niya si Quebec." Sabi ng isang kasambahay pagkatapos kumatok.

Nagkatinginan kami ni Xenon. "Ako na ang bahala sa mga bata. Mamaya na lang ako susunod kapag nakatulog na ang mga 'to." Sabi ni Xenon.

Tumango ako at nagpaalam na sa mga bata na bababa na para puntahan si Cassandra. Pagbaba ko ay kausap na ni Cassandra si ma'am Sarah at sir Michael na nanunuod pa ng teleserye sa sala kaya hindi pa natutulog.

"Oh ayan na pala. Kumain ka muna Cassandra ng hapunan." Pamimilit ni ma'am Sarah dito at pumayag naman yung isa.

Kaya naman nang pumunta na sila sa hapag ay nagpaalam muna ako na maglilinis ng katawan saglit. Pumayag naman sila at nang matapos ako sa ginawa ko ay saktong patapos na si Cassandra kumain ng hapunan.

"Ang sarap mo talagang magluto tita Sarah." Sabi ni Cassandra matapos uminom ng tubig.

"Sino mas masarap magluto. Ako o si Xenon?" Nakangiting sabi ni ma'am Sarah at halata sa boses niya na nagbibiro lang siya.

"Syempre kayo tita. Ikaw nagtanong e." Pati tuloy ako ay natawa sa sinagot ni Cassandra. Kahit kailan talaga ang isa na 'to. Basta matripan magpatawa, magpapatawa.

Pagkatapos niyang kumain ay inaya ko siya sa lugar kung saan kami makakapag-usap ng payapa at walang ibang makakarinig. Sa veranda malapit sa garden kami nagtungo. Hinayaan naman na kami ni ma'am Sarah dahil sa ako naman daw talaga ang sadya ni Cassandra. Baka raw sobrang importante ng pag-uusapan namin kaya mabuting dito raw kami sa veranda mag-usap.

"Kamusta, babae? Sigurado ka na ba talaga na ibebenta mo ang bahay niyo?" Tanong niya agad nang maupo kami sa magkaharap na rattan chair.

Tumango ako ng walang pag-aalinglangan. "I don't have a choice."

Inirapan niya ako. "Actually you have. You have choices, Quebec. Choices. Ibig sabihin maraming pagpipilian. Hindi lang isa." Giit niya kaya ako naman ang napairap.

"Alam ko." Malditang sagot ko sa kanya.

"Oo. Alam kong alam mo. Lisensyadong teacher ka nga e. Pero bakit sa ganitong pagkakataon ayaw mong gamitin 'yang utak mo? Pauutangin naman kita, huwag mo lang ibenta ang ari-arian ng mga magulang mo."

Napailing ako habang nakatingin sa kawalan. "Ayoko. Masyado ka ng maraming naitulong sa akin."

"Kaya ganun-ganon na lang. Hahayaan mo na lang na iba ang makinabang ng bahay at lupa niyo? Pati sasakyan ng daddy mo? Wala man lang ba sayong sentimental value yung mga 'yon? Ayaw mo bang maalala na roon kayo sabay-sabay na lumaki nila Qeena at Queenie?"

"You know that, that house reminds me a lot of nightmares and miseries. Alam mong ayoko sa bahay na 'yon dahil sa mga masasamang ala-ala na nandoon. Buti nga sana kung ang naaalala ko parati roon ay ang mga ala-ala namin nila Qeena. Kaso hindi e. Laging pumapasok sa utak ko kapag nandoon ako, sama ng loob, galit, poot at kung anu-ano pa. Simula nung mapasok kami sa ilegal na trabaho dahil sa mga magulang namin."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ng dalawang kamay niya ang mga kamay ko. "I know that you've been very stress lately. Lalo ngayon na alam ko na nararamdaman mo na nag-iisa ka dahil halos iniwan ka na ng mga mahal mo sa buhay. Pero huwag kang susuko Quebec. Nandito lang ako. Wala naman akong mabigat na problema kaya hahatian kita sa problema mo para hindi ka masyadong mabigatan. I have to make sure that you'll not follow Qeena and Queenie."

Nginitian ko siya at niyakap. "Thank you so much Cassandra. Isa ka talaga sa nagpapalakas ng loob ko ngayon. Bukod sa mga bata."

Humiwalay siya ng yakap sa akin at nagtanong tungkol sa triplets. "Malaki ang maitutulong ng mga anak mo para makabangon ka ulit. Kaya huwag kang susuko. Kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo, ikaw pa rin ang nanay nila at mananatili silang konektado sayo."

Huminga ako ng malalim saka tumitig sa mga kamay ko. "Pero hindi ko naman deserve na maging ina nila. Mas masahol pa nga yata akong ina kaysa sa nanay ko. Pero totoo yung sinabi mo na sila ngayon ang dahilan kung bakit hindi ko pa tinutuluyan yung sarili ko. Gusto ko kasi makita silang mga magdalaga at magbinata, makatapos, magkaroon ng sariling pamilya, magkaroon ng sariling mga anak, kahit na hindi nila alam na ako ang ina nila."

Agad kong pinunasan ang luhang namuo sa mga mata ko. "Thank you for giving me this job. To be a babysitter of my own children. Akala ko habang buhay ko silang hindi na malalapitan o mahahawakan man lang. Pero sapat na sapat na sa akin ngayon kahit yaya lang ang pagkakaalam nila sa akin. Kahit may pagsisisi na isinuko ko sila kay Xenon, alam ko na ganon pa rin ang magiging desisyon ko kung magkataon man. Dahil alam mo na simula pa lang ng ipagbuntis ko sila, wala na talaga akong choice."

"All along you're the biological mother of my kids?! The woman who abandoned them?!"

Pareho kaming napatayo ni Cassandra nang marinig namin ang boses ni Xenon sa pinto ng veranda.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

No Escape Af Navi

Generel Fiktion

98.5K 2.6K 33
Warning spg!!! Contains. Drugs, murder. Read at your own risk. Hanggang sa kamatayan, hanggang sa kabilang buhay ayaw kitang iwanan. Xantheus...
26.8K 1.5K 76
In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early...
85.4K 2.5K 54
Viviana "Vivi" Nepomuceno. 29. NBSB. Dahil sa galit ng madrasta labing-tatlong taon nang nakakaraan, sinumpa nito si Vivi na hinding-hindi siya magka...
132K 3.8K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2