Slave Of A Heartless Demon

By Deejee_sai

33.1K 271 23

Isang babaeng walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ang lalakeng wala ring ibang ginawa kun'di ang sakta... More

•PROLOGUE•
•CHAPTER 1•
•CHAPTER 3•
•CHAPTER 4•
•CHAPTER 5•

•CHAPTER 2•

1.1K 38 1
By Deejee_sai

{HACE'S POV}

"Shit!"

Nagising ako na sobra'ng sakit ang ulo due to hang over. Sa sala pala ako nakatulog. Saglit ako'ng napasandal sa sofa at pumikit ng kun'ti pagkuwa'y tumayo na at pumanhik sa 'taas upang maligo. Pasado alas otso na ng umaga.

After ko maligo ay dali-dali ako'ng nagbihis dahil nakaramdam ako ng gutom. But what the hell? Pagbaba ko ng kitchen ay wala'ng kahit na ano'ng pagkain na nakahain.

"Shit, Yna!" sigaw ko na nag-echo sa buong bahay.

"Kung kailan pa nagugutom na ako oh! Na'san na ba 'yong b'wesit na babae'ng 'yun?"

Tumungo ako sa sala. Ilang beses ko pang tinawag ang pangalan nito pero wala'ng sumasagot. Like, wtf? Sinasagad talaga ako ng babaeng 'yun. Tinungo ko 'yung bodega kung 'san ito natutulog. Hmn! Alam ko kasi na takot ito sa ipis at daga kaya sinadya ko'ng sa bodega ito patulugin.

She deserves it. Kinalabog ko 'yong pintoan ng bodega ng ilang beses.

"Yna! Ano'ng oras na hindi kapa nakapagluto?!" Nanggagalaiti na ako sa galit. Humanda talaga sa'kin ang babaeng 'yon oras na buksan nito 'yong pinto.

'Bog!bog!bog!' Halos gibain ko na ang pintoan pero wala parin. Hangga'ng sa nakarinig ako ng isang ungol at pagkatapos ay isang malakas na kalabog na para bang may isang malaking bagay na nahulog o natumba.

Napatigil ako sa pagkatok at pinakinggan ang kung anu'mang ingay sa loob. Bahagya ako'ng napalunok. Salubong ang kilay na kumatok ulit. I don't know but I felt something bad na hindi ko ma explain sa loob ko.

"Yna!"

Sabay ng huling katok ko ay ang pagbukas ng pinto. Ang kaninang galit na naramdaman ko ay hindi ko na makapa. Para akong istat'wa na nakatingin lang sa mukha niya. She looked pale. Pero anong pakialam ko?

She's mine. She's all mine. And I can do everything I want to do with her.
I can also kill her if I want to. But this is not the right time. Kaya hindi dapat ako makaramdam ng awa sa kan'ya.
Not even a little bit.

"Hace, pa-pasensya kana. Masama kasi ang pakiramdam ko."

I smiled. Gusto ko 'yan. Ang mahirapan siya.

"So anu ngayon? Sino ang magluluto? Ako?"

"Hindi, s'yempre ako 'yong magluluto."

Saad nito at nagpatiyuna na papunta'ng kusina. Sinundan ko ito ng tingin. Para nga ito'ng nangangapa habang naglalakad. Sumunod na lamang ako sa likod nito. Its payback time.

"Wala na palang laman ang ref. Ma-malengke ka muna." Utos ko dito.
Napatigil naman ito sa ginagawa pagkuwa'y napatingin sa gawi ko.

"May reklamo ka?" Nakangiti'ng hamon ko dito.

"Wa-wala. Ah si-sige, magbibihis lang ako."

{YNA'S POV}

God, kayo na po ang bahala sa'kin.
Nan'dito ako ngayon sa palengke.
Pakiramdam ko anuma'ng oras ay matutumba ako dahil sa hilo.
Dag-dag pa ang ingay sa paligid.
Sobra'ng sama na talaga ng pakiramdam ko. Hangga'ng sa tuluyan nang umikot ang paligid ko.
Napatumba ako ngunit hindi ko naramdaman na bumagsak ako sa semento sapagka't tuluyan na akong nawalan ng ulirat.

•••••

NAGISING ako na may mga tao'ng nakapaligid sa'kin.

"Ha-hace?" Napabangon ako nang mahagip ng mga mata ko si Hace, pero dahil sa mga tao'ng nagkumpulan ay bigla na lamang ito'ng nawala. Siguro ay na malik-mata lamang ako.

Bahagya ako'ng napalingon at 'nun ko napagtanto na nakahilig pala ako sa isang lalake. Pagkuwa'y tumayo ito at inilahad ang kanang kamay upang tulungan ako'ng tumayo. Medyo masama parin ang pakiramdam ko.
Pero kailangan ko'ng tumayo sapagka't masyado na ako'ng naka-tawag pansin sa mga tao'ng nan'dun.

Tinanggap ko 'yung kamay nito at dahan-daha'ng tumayo. Unti-unti na din nagsi-alisan ang mga tao na kanina'y nakapalibot sa'min.

"Are you okay?" Kunot ang noo'ng tanong ng estranghero na ngayon ay bahagyang nakayuko sa mukha ko.

"Pa-pasensya kana, masama kasi ang pakiramdam ko." Bahagya ako'ng napahawak sa sentido ko nang maka-ramdam na naman nang kaunting hilo. Agad naman ako'ng hinawakan ng lalake sa braso at inakay. Napatigil kami sa harap ng isang itim na sasakyan.

"Uhm, if you want p'wede kitang ihatid sa inyo." Alok pa nito. Hindi ako nakaimik. After all, he is still a stranger.

"Look, kung iniisip mo na masamang tao ako, then you're wrong. I just wanna help you. Sa gan'yan kasing kalagayan mo mukhang hindi mo kakayanin umuwi mag-isa."

Tama nga s'ya. Talagang 'di ko kakayanin.
Dahil sa sama ng pakiramdam ko ay pumayag ako'ng ihatid ng estranghero sa bahay ni Hace.

Binigay ko dito ang exact address ng bahay at ilang minuto lang ay narating namin 'yon.

Agad ito'ng bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.
Pakiramdam ko anuma'ng oras ay babagsak na naman ako kaya nanatili ako'ng nakaupo sa frontseat.

Then he asked me;

"May kasama kaba dito sa bahay?"

Isang tango lamang ang naging sagot ko dito.
Then lumapit ito sa gate at nag door bell.
Bumukas 'yon at ini-luwa si Hace.
Seryuso ang mukha at mukhang manunuklaw anuma'ng oras.

Walang anu-ano'ng lumapit si Hace sa sasakyan at hinablot ako sa braso.

Nakita ko'ng kumunot ang noo 'nung estranghero pagkakita sa inakto ni Hace.

"Excuse me pare ah, pero p'wede bang dahan-dahan naman? Masama kasi ang pakiramdam ng kapatid mo eh."

Bahagyang napa-tigil si Hace .
Tiim bagang na nilapitan nito 'yong lalake.

Magkasintangkad silang dalawa.
Hawak parin ni Hace ang kanang braso ko.

"She's not my sister, she's mine, 'coz she is my SLAVE. So back off!"

'Yon lang at inakay na naman ako papasok sa bahay.
Pagkuwa'y itinulak niya ako sa sofa sa sala, pakiramdam ko ay lalong umalog ang ulo ko at nadagdagan ang hilong nararamdaman ko.

'She is my slave'

Paulit-ulit na nag echo sa isip ko ang sinabi nito'ng 'yon.

It hurts me a lot.

Again.

How I wish na sana bumigay na 'yong katawan ko,
na sana mawala na ako,
Kasi,

I'm living with a heartless demon that I love the most.

And it feels like hell.

Napatingala ako dito na ngayon ay lakad dito lakad doon ang gina-gawa.
Hindi ko alam kung anu ang iniisip nito.

'Galit ba siya?'

Balisa?

Ewan.

Pero hindi na ako natatakot na masaktan niya ako ulit.
Mula ngayon, wala na ako'ng pakialam.
Wala na ako'ng pakialam sa sakit,
pipilitin ko'ng maging manhid ang puso ko,
Para sa lalake'ng mahal ko.

KAHIT sobra'ng sama ng pakiramdam ko ay pinilit ko parin ang katawan ko sa gawaing bahay. Ipinagluto ko si Hace saka nilabhan ang mga damit nito.
Kasalukuyan ako'ng naglilinis ng bathroom niya nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin.

Para akong baliw na humarap sa sarili ko sa salamin pagkuwa'y ngumiti. Naalala ko 'yong paghalik ni Hace sa'kin.
Wala sa sarili'ng nahaplos ko 'yong labi kong bahagyang maputla. Natutuwa man ay hindi parin mababago ang katotohanan na si Solenn ang iniisip nito 'nung gabing 'yun.

"Solenn."

Mahinang sambit ko sabay nang pagtulo ng luha sa magkabilang pisngi ko.

Si Solenn, ang babaeng pinakamamahal ng lalake'ng mahal na mahal ko.
Si Solenn ang babae'ng nasagasaan ni Martyl,
or should I say Kuya Martyl.

My brother.

Na inakala ni Hace na sinad'ya ng pamilya namin para lang ma pasa'kin siya.

But the truth is,
wala ako'ng alam.
Hindi ko alam.
Hanggang ngayon ay hindi malinaw sa'kin kung anu nga ba ang totoo.
Sa sobra'ng pagmamahal ko kay Hace ay nakalimutan ko 'yung pagkatao ko. Nakalimutan ko'ng babae ako.
Na hindi gawain ng isang babae ang maghabol sa isang lalake.
Nag ala-masokista ako,
na kahit sobrang nasasaktan na ay pinagsiksikan ko parin ang sarili ko kay Hace. Na kahit sukang-suka na siya sa pagmumukha ko ay pilit ko parin siyang sinusundan kahit saan. Kahit alam kong kasama niya si Solenn.

Parang pinipiga ang puso ko everytime na nakikita ko siyang masaya kasama si Solenn. Naisip ko,
bakit hindi niya ako kayang mahalin?
Ano'ng me'ron si Solenn na wala ako?

FLASHBACK

Nasa dance floor si Solenn at Hace 'nung mga oras na 'yun.
Sweet na sweet na sumasabay sa musika.
Habang ako ay tahimik na nakamasid sa 'di kalayuan na mesa.

Nakailang lagok na ako ng tequila kung kaya't ramdam ko na din ang tama 'non sa'kin. 'Maya lang ay nakita ko'ng naupo si Solenn at mukhang nagpaalam saglit si Hace.

'Dun ko siya sinundan.
I followed him hanggang sa madilim na bahagi ng bar.
Mukhang may tatawagan siya sapagka't dinukot niya 'yung cellphone niya sa bulsa.

Lasing ako pero hindi pa gaanu.
Lumapit ako at niyakap siya mula sa likod.
Halatang nagulat siya at agad na lumingon.

"Hace, I love you."

Sambit ko sabay yakap sa kan'ya.

"Yna anu ba? Stop it!"

Pilit niya'ng tinatanggal ang mga kamay ko na nakapulupot sa leeg niya.

"Shit! Yna get off me!"

Sabay tulak sa'kin dahilan na napaupo ako sa sahig.
Sabay 'nun ang pag-alis niya.

END OF FLASHBACK

I smiled bitterly.
Ga'nun siya ka allergic sa'kin.
Para bang may isang malubhang sakit ako na hindi p'wedeng dumikit sa kan'ya. Pero kabaliktaran 'nun,

His presence is my happiness,
His smile is my strength,
And he, himself is my world.

But I?

I maybe a nightmare to him,
I maybe a trash that's need to dispose,
I am nothing, but a piece of shit to his life,
Who doesn't deserve to love and be loved.

Sobrang bigat sa pakiramdam.
Na anuma'ng oras ay sasabog na sa sakit.
Ang laki na nang 'pinagbago ko.
Lalo na ng hitsura ko'ng napapabayaan na.
Wala na 'yung dating Yna na malakas ang loob.
Dating Yna na matapang.
Yung dating Yna na magagandang damit ang suot kahit pa pinapagalitan lang palagi ng mga magulang dahil sa pangungutang ng pambili ng damit.

Napalitan 'yon ng isang
Mahina at ni hindi makapag bihis nang maayos.
Paanu ba naman ako makapagbihis nang maayos sa sobrang dami ng gawaing bahay.

Pinaalis ni Hace ang dalawang kasambahay nila para lang ako ang sumalo lahat ng gawaing bahay. Sinadya niyang pahirapan ako para makaganti.

Kung iniisip niyang susuko ako dahil lang sa sakit at pagod na binibigay niya sa'kin, nagkakamali siya.
I'll try my very best para kayanin lahat.
I know na darating ang panahon na mapapagod 'din siya.

At hihintayin ko ang araw na 'yun.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at lumabas na ng bathroom. I still have so many things to do.

NO TO PLAGIARISM

Continue Reading

You'll Also Like

140K 7.7K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
109K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
73.2K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...