•CHAPTER 1•

1.5K 49 4
                                    

"Damn it!"

Napasinghap ako nang tumilapon sa harap ko ang pagkaing iniluto ko para kay Hace.

"How many times do I have to remind you na ayaw ko ng ma-alat?!"

"Sakto lang naman 'yung—" naputol ang anu mang sasabihin ko nang tumayo siya sa harap ko at ibinuhos sa'kin ang isang basong tubig. Natigagal ako. Parang pinipiga ang puso ko pero ayaw kong umiyak.

Magtataka pa ba ako? Hindi. Nasanay na ako na lagi siyang naghahanap ng dahilan para magalit sa'kin. Para masaktan ako. Hobby na yata niya ang saktan ako nang paulit-ulit.

Pero wala akong magawa kun'di ang tanggapin ang anu mang pasakit na ibibigay niya. Ang mahalaga ay makasama ko siya.

Kahit kailan napakatanga mo talaga!” bulyaw pa niya.

I'm sorry.” Nakayukong saad ko.

Sorry? Hoy tanga, hindi na mababago ng sorry mo ang nangyari!” tiim bagang na muling bulyaw niya sa'kin.

Ano pa ba ang gusto mong gawin ko, Hace?” Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas upang magsalita ng ga'nun.

“H-halos inalipin mo na ako Hace, buong buhay ko nasa'yo na, lahat ng gusto mo ginagawa ko, wala na akong itinira sa sarili ko.” Dugtong ko pa. Ayaw kong umiyak pero this time sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko.

Nakakapagod na. Pagod na ako. Hindi ko namalayan na napa-upo na ako sa sahig. Yug-yog ang balikat sa pag-iyak.

“Pagod kana? Puwes magdusa ka! Nagsisimula palang ang kalbaryo mo Yna. Dudurugin kita hangga't nararamdaman mo 'yung sakit, tandaan mo 'yan.” Iyon lamang at tinalikuran na niya ako.

“YNA!” Sigaw ni Hace papasok sa bahay. Kakarating lang niya. Mag a-alas dose na ng hating gabi at alam kong pag-iinitan na naman niya ako. kung hindi ako nagkakamali ay lasing na naman siya. Dali-dali na akong bumaba ng hagdan upang salubungin siya.

“Hace, b-ba't ngayon ka lang?” natigilan ako nang makitang namumula ang mukha niya sa kalasingan.

“Wala kang—p-pakialam!” Pasalampak siyang naupo sa sofa at napapikit. Napalunok ako. Pagkuwa'y nilapitan siya upang alalayan papasok sa kuwarto niya. Hinawakan ko siya sa braso at tinulungang tumayo pero tinampal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

“Bakit ka ba kasi naglasing? 'Yan tuloy, buti nalang walang nangyaring masama sa'yo.” Nag-alala parin ako sa kabila ng mga pananakit na ginagawa niya physically and emotionally. After all; I love him. I love him more than I love myself. Na kahit ano pa ang gawing pananakit at pang-iinsulto niya sa pagkatao ko, I still manage to smile every time I see him.

His eyes that full of unexplained emotions, his pointed nose, his lips, his smile, everything about him. I really love him eversince.

Na dahilan kung bakit ako sunod nang sunod sa kan'ya kahit alam kong may girlfriend na siya. Kahit alam kong malabo na. But I didn't expect na 'yung obsession ko sa kan'ya ay siyang magiging dahilan upang mapawi ang mga ngiti sa labi niya. I changed him. And I'll do everything para mahalin niya ako.

I know na hindi ko na maibabalik ang buhay ng babaeng pinakamamahal niya. And it hurts me a lot! I want him. But I can't do anything to make him happy. Though he's my happiness. My only world. At kakayanin ko. Oo. Kakayanin ko lahat ng sakit. Maibsan lang ang sakit na nararamdaman niya sa puso niya.

Hinaplos ko ang pisngi niya. Alam kong naglalakbay na ang diwa niya sa pagtulog. I kissed his forehead.

“Mahal na mahal kita, Hace,”

Kasabay 'nun ang pagmulat ng mga mata niya, diretsong nakatitig sa'kin ang kulay abong mga mata niya.

I don't know what to say. Para akong istatwa na nakayuko sa mukha niya.
Ramdam ko ang init ng hininga niya. Hinihintay ko na sampalin niya ako. Pero hind nangyari.

Perhaps,

He kissed me. Hinalikan niya ako sa labi dahilan upang bumilog ang mga mata ko. Then suddenly, I closed my eyes and kissed him back.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko nang mga oras na 'yun. Magkahalong tuwa at kaba. Tuwa dahil finally, naramdaman ko ang init ng halik ng lalakeng mahal ko.
Kaba dahil ayu'kong mamulat sa katotohanan na lasing lamang siya kaya niya nagawa 'yun.

I know na kapag bumalik na siya sa realidad ay sasaktan na naman niya ako. Ayu'kong samantalahin ang kalasingan niya. Pero traidor itong puso ko.

Naramdaman ko ang mga kamay niya na humahagod sa likod ko. Bahagya akong napa-igtad nang pumaloob ito sa t-shirt ko at naramdaman ko ang init ng palad niya. I heard him moaned. Calling out someone's name.

“Sol...”

Then I stopped him. Ang sayang naramdaman ko kanina ay napalitan ng sakit. Sakit na ilang ulit ko nang naramdaman sa kan'ya pero hindi namamanhid ang puso ko.

Reality hits me. That the man I'm kissing with, the man I love, is not loving me back.

Kumalas ako sa yakap niya at tumayo.
Sabay ng pagpunas ko ng luhang traidor na nangilid sa magkabilang pisngi ko.

“Bakit ga'nun?” Bulong ko habang umiiyak.

“Bakit kahit anong sakit ang maramdaman ko— hindi parin kita matiis, sobrang nasasaktan na ako, Hace...” napahagulgol na ako at patuloy na nagsalita.

“Pero sabi ko nga—kakayanin ko,”

Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ko. Para na akong baliw habang nakatitig sa mukha niyang ngayon ay natutulog na pagkuwa'y napabuntong hininga at inayos ang sarili.

Bahagya akong umupo sa paanan niya para hubarin ang sapatos niya.
Pagkatapos ay kumuha ng kumot sa itaas para kumutan siya. Inayos ko rin muna ang higa niya para naman kahit papaanu ay kumportable siya sa pagtulog. Pagkatapos ay pumasok na ako sa bodega kung saan ako puwedeng matulog.

You read it right. Sa bodega ako natutulog. 'Yun kasi ang gusto ng mahal na prinsipe. Alam kong sadya niya 'yun. Isa 'yun sa mga parusa niya sa'kin.

KINABUKASAN,

Sobrang sama ng pakiramdam ko pero kailangan kong bumangon para magluto. Ewan ko kung bakit sobrang bigat ng ulo ko. Nahihilo rin ako.
Sinubukan kong bumangon pero napapahiga ulit ako sa matigas na higaan ko.

DEEJEE_SAI

Slave Of A Heartless Demon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon