Arts and Goodbyes

By becauseitsja

1.7K 145 16

Coping with the death of her grandfather, devastated Krayola rekindles her dead dreams together with a bizarr... More

Work of fiction
Arts and Goodbyes
Simula
Kabanata 1 : Arts
Kabanata 2 : Plaza de Roma
Kabanata 3 : Binibini
Kabanata 4 : Mansion
Kabanata 5 : Eclipsar
Kabanata 6 : Aburrido
Kabanata 8 : Tree House
Kabanata 9 : Aceptación
Kabanata 10 : Kayumanggi
Kabanata 11 : Aking Guro
Kabanata 12 : Aklatan
Kabanata 13 : Kasintahan
Kabanata 14 : Emosyon
Kabanata 15 : Inconsistente
Kabanata 16 : Delicioso
Kabanata 17 : Invulnerable
Kabanata 18 : Sampaguita
Kabanata 19 : Museo
Kabanata 20 : El Amor Duele
Kabanata 21 : Competitive Erin
Kabanata 22 : Exhibit vs. Enrico
Kabanata 23 : Tu Amor
Kabanata 24 : The Confession
Kabanata 25 : Aking Binibini
Kabanata 26 : Sunset and Rain
Kabanata 27 : Nuevo Comienzo
Kabanata 28 : Maestro
Kabanata 29 : Pagitan
Kabanata 30 : Goodbyes
Wakas
Karagdagan : Liham

Kabanata 7 : Desgraciado

40 4 1
By becauseitsja

"B-BINIBINI..." utal na sambit ni Enrico matapos niyang magpakawala nang maanghang na salita.

Nang makamutawi si Krayola nang malutong na mura ay hindi siya nakaramdam ng pagkamasama kahit pa ganoon na lamang ang pagkabigla ng binata. Nagngitngit ang kanyang kalooban. Wala na siyang naging pakialam kung iba na ang iispin sa kanya ng binata. Her ego was too damn offended. Stomped to the ground and crushed. Ang isang summa cum laude ng katulad niya na halos lagi na nakakakuha nang pinakamataas na puntos sa kanilang mga likhang sining sa kolehiyo ay kailanman hindi maaring pagsalitaan nang mababa. Mali ito ng pinuna, mali ng pinintasan. Lalong lalo na kung siya ang tinagurian nang karamihan na hahalili sa bakas ng kanyang lolo.

"Lumabas ka..." marahang pagtaboy niya sa binata habang ang kanyang nanlilisik na mga mata ay nakatuon na ngayon sa kuwadro nitong dinusta.

Dahil sa sobrang galit ay nagsimulang bumabaw ang kanyang paghinga at tuluyan niya nang naikuyom ang mga kamay. Kailanman ay walang nagsalita sa kanya nang ganoon kababa. Walang nagtangka na siya ay pangaralan. Walang bumangga sa kanya kundi ngayon lamang.

"Binibini, hindi ko sinadya na saktan ka gamit ang aking mga salita," anito pagkatapos ay lumapit sa kanya na naging dahilan ng kanyang alegrong pag-atras. "Ako lamang ay nagsasabi ng aking opinyon—"

"Hindi mo ba ako naririnig o nagbibingi-bingihan ka? Ang sabi ko... lumabas ka sa silid na ito," mariing utos niya bago tuluyan ng tumaas ang kanyang boses at pinanlisikan ito ng mga mata. "Lumabas ka sa silid na ito ngayon din!"

Sandaling namayani ang katahimikan sa silid. Bumuka ang bibig nito ngunit kalaunan ay isinarado na lamang rin nito ang pinto nang iniiwas niya ang tingin senyas bilang pagpahiwatig ng kawalang interes sa kung anuman ang sasabihin ng binata. Narinig niya ang yapak nito papalayo at nang tuluyan nang marinig ang pagsarado ng pinto ay pahagibis na hinawakan ang kuwadro kanyang nilikha noong araw ng pagkamatay ng kanyang lolo. Hinagod niya ito ng tingin gamit napuno nang pangsusulakasok bago ito marahas na itinapon sa sahig at tinapak-tapakan nang paulit-ulit.

Batid niyang dapat hindi siya dapat magalit dahil naniniwala siya sa sariling kakayahan. Naniniwala siyang may kaya siyang patunayan sa madla, lalong-lalo na sa mga magulang na parehas ang ibinibuntong na kailanman ay hindi niya binigyang pansin para magpatuloy sa pag-abot ng pangarap. Subalit, ang mga salita ng binata ay tila ba tumatak sa kanyang isipin at bumabagabag sa kanyang kakayahan bilang isang pintor.

If her grandfather was here, what would he say to her?

Natulala si Krayola bago nanghihinayang na pinulot ang nasirang kuwadro nang kalma na ang sarili. Bahagyang napunit ang tela niyon sa gitna at nalukot. Mas lalo lamang itong hindi naging kaaya-ayang tingnan. Nang ginawa niya ang kuwadrong pinangalanan niyang Desgraciado ay wala siyang emosyon na naramdaman kundi ang pagkadawis... at poot. Hanggang ngayon ay ikinikimkim niya pa rin iyon sa kanyang kaibuturan. After all, her grandfather was her only inspiration, her only grail. He was her set of colors. And now that he's gone, she wouldn't know either what her grandfather would say to her dull canvas... and how she impulsively reacted by the critique.

But maybe Enrico's right. Desgraciado is colorless. Emotionless even. Totoo nga marahil ang puna nito sa kuwadro. Na marahil wala itong dating... na hindi siya magiging kasing galing ng kanyang lolo. But then she has the right to be mad for the critique though. It was the first canvas she tried after her grandfather's death, four years later to be precise. She still can manage to pull a string out of devastation and without inspiration at all. She did it without her grandfather's guidance. And if she can do it, she can do it again. Maybe even better next time if she'll make it through the hole. All she has to prove to many is that she can be what she wanted to become.

That she didn't give up.

Ang tanging kailangan niya ay hanapin ngayon ay ang inspirasyon. At kung paano pangasiwaan ang galit kapag napupuna.

Walang ginawa si Krayola buong maghapon kundi ang tumitig lamang sa kuwadrong kanyang nasira, at inisip ang mga kakulangan na nabanggit ni Enrico patungkol sa kanyang likha. Ngunit wala siyang nahanap na kakulangan dito. Tama lamang ang paglimbag niya sa makulimlim na langit na pinapailaliman ng mga punong nalagasan ng dahon at mapanglaw na kulay ng damo. Sa kanan naman ay ang gilid naman ng kuwadra ay ang imahe ng mansiyon ng lolo na ipininta niya sa itim na kulay. Eksakto lamang ang kanyang naging pagpapaliwanag sa kuwadro. Malungkot. Matamlay. Naghihinagpis. Noon ay sinabi niya pa sa sarili na ito na ang kanyang pinakamagandang nagawa sa tanang buhay niya. Ipinlano na isa iyon sa kanyang mga i-eskaparate sa nalalapit na kompetisyon sa Disyembre. Subalit gayong napuna ito ni Enrico ay parang awtomatiko na naging mababa ang tingin niya sa sariling likha.

Ipinaglipat-lipat niya ang mga matatanglaw na limbag ng kanyang lolo, ang El Camino o sa tagalog ay Ang Daan, na nailambag ng kanyang lolo ilang araw matapos ang pagkamatay ng kanyang lola. Kung saan may makitid ngunit mahabang daan, sa gilid ay may mapanglaw na damo na hinahangin at sa pinakagitna naman ay ang imahe ng munting mansyon. Sa ibabaw nito ay ang mapusyaw na kalangitan na nagpapahiwatig ng papalapit na pag-ulan.

Hindi akmang may saysay ang gawa ng kanyang lolo kumapara sa kanya, ngunit hindi niya makita ang kaibahan sa dalawang kuwadro. The two canvas was depicting the same feeling. The feeling of losing someone. The grief. But there was definitely something in her grandfather's canvas that made it compelling. To made Enrico appreciated it while all she had was an insult.

Sa tagal niyang tinuklas ang kulang sa nailikha ay hindi niya na namalayan ang paglipas ng oras. Papalapit na ang dapit-hapon. She was desperate to know what was the dearth, she didn't even bother eating the whole day just to look for the answer. Puasa. Iyon ang kanyang ginagawa bilang parusa sa sarili kung bakit hindi niya nakuha ang apresyasyon ng binata, at kung bakit hindi niya matuklasan na kung ano ang kulang.

Abala pa rin sa pagtuklas si Krayola nang marinig niya ang mamunting kaluskos galing sa labas ng mansyon. Bagaman nang biglang umilaw ng pula ang ibabaw ng pinto ay agad na napayukyok si Krayola sa sahig upang magtago.

"Shit, curse you fucking paparazzi!" mura niya pagkatapos ay gumapang nang maingat palabas ng silid. The paparazzi can sight her all the way in his grandfather's painting room from afar by using DSLR camera, she knew for sure. Mabuti na iyong nag-iingat.

Pagapang-gapang na bumalik si Krayola sa kuwarto kung saan naalala niya na hindi niya hinawi ang nakasarang makapal na kurtina bago siya umupo sa kama. Nanatili siya roon at nag-isip. It was almost dusk and she never even realize it. And Enrico isn't home yet.

Shit!

Nakagat niya ang mga hintuturo at nag-isip nang malalim. She shouted at him that's why he left. She just meant the room, not the house. And that man has always been so clueless, gullible. And now she was guilty and worried. Great!

But then she should stay because she can't risk her life to those Paparazzi lurking outside the mansion. It's too dangerous.


MARAHAS na nagpakawala ng hininga si Enrico bago ibinalik ang tanaw sa tinatahak na daan. Hindi niya na alam kung saan na siya dinala ng mga paa. Basta ang batid niya ay malayo-layo na ang kanyang narating mula sa mansyon. At ang kahapon na suot ay tila ba wala na sa ayos at hindi niya na lamang binibigyang pansin ang mga taong tumitingin sa kanya na pagdaka'y isa siyang baliw at walang pinag-aralan. Na para bang siya ay kakaiba.

Ngayong nagalit niya ang binibini ay hindi niya na alam ang gagawin sa kanyang buhay. Paano na lamang siya makakabalik sa nakaraan? Ano na ang mangyayari sa kanya ngayong wala ng gagabay sa kanya? Marahil nga ay nagalit niya nang matindi ang dalaga nang hindi niya sinasadya. At hindi siya mangmang para hindi malaman ang rason ng pagharumentado nito. Ang kuwadra na pinangalanang Desgraciado ay tiyak na limbag ng binibini. Ngunit hindi siya nakaramdam ng kung anong pagkakonsensya sa puna na ginawa. Bilang isang kapwa pintor ay wala siyang nakita na kung anong pagpapahiwatig sa kuwadra kundi ang paghihinagpis na tiyak na makakahawa sa kung sinumang susuri sa gawa nito. Tiyak na agad itong kakaligtaan. Kung plano nitong itanyag ito sa madla ay hindi tiyak na hindi ito aani ng atensyon. Sa madaling salita ay hindi ito bebenta para sa karamihan.

Napailing-iling siya at nagpatuloy sa paglalakad. Ang kaninang kinain na agahan ay hindi naging sapat para paglipasan ang tanghalian at umaabot na hapunan. Ang kanyang tiyan ay kanina pa kumakalam. At wala ring tubig na kanyang puwedeng pagkunan sa kasalukuyan. Mahigit kumulang na ilang kilometro galing sa pinaghintuan upang muling magpahinga ay natagpuan ni Enrico ang pamilihian. Naroon ang mga tao dala-dala ang kani-kanilang mga buslo marahil para sa lulutuin na hapunan at sa parating na pinabagong umaga. Iisipin niya pa lamang ang tungkol doon ay nagtutubig na ang kanyang bibig. Pakiramdam niya ay anumang minuto ay mawawalan na siyang ng malay kakalakad kaya napagisipan niyang mamahinga muna sa bangko na kung saan makikita ang isang hindi katandaan na lalaki na tantiya ay nasa kuwarenta y años lamang. Gumuguhit ito gamit ang lapis bilang pagkakakitaan ng pera.

Atubling nilapitan niya ang lalaki at tiningnan ang limbag-kamay nito na kinawiwilihan nang marami upang pagtumpukan. Nagtatakang ipinaglipat-lipat niya ang mga mata sa gawa ng matanda at sa babaeng alinsunuran nito. Sa hindi pagmamayabang ay hindi akmang mas magaling siya rito. Kung tutuusin ay hindi nito masyadong nakuha ang tamang pagtabing sa bandang ilong at sa bandang labi. Maski na ang kilay ng ginang ay hindi rin husto ang hugis.

"Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo, Ginoo, na hindi niyo po masyadong nailambag nang maayos ang ilong ng ginang..." aniya para mapalingon sa kanya ang mangguguhit ng larawan.

"Inaasar mo ba ako?" mayabang na asiwa ng matanda upang siya ay mapailing sa kanyang kinatatayuan.

"Nagsasabi po ako ng totoo. Kung titingnan ninyong mabuti. Mali ang pagkaka-anggulo ninyo sa ilong pababa sa labi,.." ani Enrico sabay itinuro ang lahat ng pagkakamali ng mangguguhit. "Naging mali po ang kalabasan ng larawan dahil simula pa lamang po sa kilay ay mali na po kayo ng nailimbag. Mali po kayo ng nasimulang anggulo."

"Aba, ako ata pinagloloko mo, ha?!" singhal ng matanda sabay kwinelyuhan siya bago itinulak palayo.

"Ganyan po ba dito sa oras ninyo ngayon? Ang nagagalit kapag napupuna? Na hindi ninyo natatanggap ang inyong mga kapintasan?" tanong ni Enrico sabay lumapit pabalik sa lalaki.

"Tangina? Eh, baliw pala itong gagong ito!" anas ng matanda sa mariin na pamamaraan bago siya inundayan ng sapak sa magkabilang pisngi at muling kwinelyuhan para maangat sa pagkakasadsad sa mabato-batong lupa. "Hindi mo ba ako kilala? Ako ang pinakamahusay na mangguguhit dito sa baryong ito. Isa pang puna galing sa iyo na isang mangmang na katulad mo ay magsisi ka kung bakit ako ang binangga mo!"

Tuluyan na siya nitong binitawan para mapahiga siya sa lupa. Ang mga tao sa mundong ito ay sobrang mapangdusta, mga mapagmataas sa sarili. Kung ito lamang ang magiging hinaharap ng bayan na kanilang patuloy na sinusubok na makuha mula sa Kastila ay mas mabuti pang hindi na lamang bigyan ng kalayaan ang mga ito.

Maingat na tumayo si Enrico at sinalat ang bibig na duguan. Huminga siya nang malalim bago inayos ang suot. Subalit ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang mai-angat ang mga mata at maaninag ang binibini na malamlam na nakatitig sa kanyang gawi, si Krayola na ilang hakbang lamang ang pagitan sa kanya. Humakbang ito palapit at mas lalo niyang ikinagulat nang yakapin siya nito nang mahigpit sa harap nang maraming tao.

"Enrico, patawarin mo ako..."

Continue Reading

You'll Also Like

10M 24.4K 8
#SAAVEDRASERIES1 Sander Eulesis Saavedra. A young man who spent his life drinking, smoking cigarettes, and playing with girls. He enjoyed life so muc...
11.7M 210K 64
The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang...
446K 10.5K 87
I may not be the epitome of a perfect guy, but I promise to be the best father for her and no one will ever love, care, protect and cherish her bette...
4.8M 191K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...