I'm Just A Babysitter (COMPLE...

By Liona_Wilhelm

82.1K 2K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... More

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 2: BONDING
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 13: AWAY
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 18: SUITOR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 22: GRIEF
CHAPTER 23: TEAR
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 25: GIVE UP
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 27: LISTEN
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 30: FOLLOW
CHAPTER 31: ACE CARDS
CHAPTER 32: STAY
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 38: HOME
CHAPTER 39: FOREVER DREAM
LAST CHAPTER: TWIN

CHAPTER 20: CHAOS

1.4K 39 0
By Liona_Wilhelm

Quebec's POV
"Hello, Oscar. Bakit napatawag ka?" Bungad ko agad nang sagutin ko ang tawag ni Oscar.

"Ang mommy mo, nahuli ng mga pulis." Sabi nito na kaagad nagpakaba sa akin.

"A-Ano?!" Halata sa boses ko na hindi ko pa naaabsorb ang ibinalita ni Oscar.

"Oo. Susundin kita sa inyo." Sabi pa niya.

"Si daddy? Nasaan si daddy?" Wala sa sarili kong tanong saka nilingon sandali ang mga bata na abala sa pagkain ng ice cream.

Hindi ito agad sumagot kaya lalo akong kinabahan. "Oscar! I'm asking you!" Tarantang sabi ko sa tawag. Ang mga bata tuloy ay napatingin sa akin.

"I'll tell you later when I g-"

"Tell me now!" Atat na atat na sabi ko.

Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "He's dead."

Ang mga tuhod ko ay nanginig at parang mawawalan ako ng malay sa sinabi ni Oscar. "Inatake siya sa puso nang mahuli sila ng mommy mo. Tinakbo siya sa hospital pero dead on arrival na."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Halos pabulong na tanong ko sa kanya.

"Kararating lang din sa akin ng balita kaya ang tawagan ka ang una kong ginawa. Where are you? Susunduin kita."

Sinapo ko ang bibig ko para walang lumabas na hagulgol mula sa akin. "I'll text you the address."

Pinatay ko na rin pagkatapos ang tawag namin at agad kong binalingan ang mga bata na pinagmamasdan pala ako. Kaya huli na nang punasan ko ang luha sa mga mata ko.

Mabilis na tumakbo papunta sa akin si Lanaia at niyakap ng mahigpit ang mga binti ko. "You okay?" Nag-aalala niyang tanong.

Lumunok ako bago siya sagutin. "I'm not baby. I'll leave you for awhile. Is it okay? I have a family emergency." Pasimple kong pinunasan ang mga luhang sunod-sunod sa paglabas.

Hindi ito nakakibo. Ibinalik ko siya sa mga kakambal niya at agad kong pinuntahan si ma'am Sarah na nasa kusina.

"Ma'am Sarah." Tawag ko sa kanya.

Nilingon niya naman ako habang nagluluto ng merienda. "Oh may problema ba? Parang galing ka sa iyak?"

Nilapitan niya ako kaya nagbaba ako ng tingin. "Ma'am, magpapaalam po sana ako. May emergency po kasi sa pamilya namin. Kailangang kailangan po ako ngayon doo ."

"Nako namumutla ka hija. Hala sige at ako na muna ang bahala sa mga bata." Sabi niya saka hinila ako papunta sa sala kung nasaan ang nga bata.

"Tatawag na lang po ako mamaya kay Xenon kapag nagkaroon ako ng oras. Pasensya na po talaga."

Hinaplos nito ang mukha ko. "Huwag mo ng alalahanin ang trabaho mo. Naiintindihan ka naman namin. Saka emergency 'yon kaya wala kaming magagawa. Ako na muna ang bahala sa mga bata."

Tumango ako at hinalikan sa nuo ang mga bata bago kinuha ang ilang gamit ko sa kwarto at nagmamadaling umalis. Ayaw nga akong paalisin ng mga triplets at nagsiiyakan pa sila pero wala naman akong magagawa sa ngayon. Kailangan ko muna silang tiisin.

Ilang sandali pa ay may huminto na sa aking sasakyan at dumungaw mula sa loob non si Oscar. "Hop in." Sabi niya nang makita ako na agad ko namang sinunod.

"Saan muna tayo? Sa hospital kung nasaan pa ang bangkay ng daddy mo o sa presinto kung nasaan ang mommy mo?" Naiilang na sabi ni Oscar nang maisakay na niya ako sa sasakyan niya.

"Hospital. Wala namang ibang mag-aasikaso sa katawan ni daddy kung hindi ako." Nanghihina kong sabi.

Tumango naman siya at nagdrive na papunta ng hospital kung saan isinugod si daddy. Habang nasa byahe kami ay tinawagan ko si Cassandra.

"Cassandra." Tawag ko sa kanya nang maghello siya sa kabilang linya.

"Hello, Quebec. Napatawag ka? Kamusta ang triplets?"

I smiled even though I'm not happy. "They're fine. I called because I need your help." Tinibayan ko ang loob ko para hindi ako maiyak sa kausap ko.

"Help? Para saan? May nangyari ba?" Nahimigan ko na parang nag-aalala na siya sa kabilang linya.

"Mom was arrested while daddy is...is in the hospital. He's now dead and I'm now on my way to the hospital to get his body and to organize his burial."

Narinig ko ang pagsinghap nito sa kabilang linya. "What hospital?! I'm coming! Wait for me." Tarantang sabi nito sa kabilang linya.

"Victory Hospital." Sagot ko at sakto naman na papasok na kami sa Victory Hospital.

"I'm coming." Pinatayan na rin niya ako ng tawag pagkatapos non.

Nang makapagparking si Oscar ay nanghihina akong lumabas ng kotse. Naiisip ko pa lang na makikita ko ang katawan ng daddy ko na wala ng buhay ay pakiramdam ko mababaliw ako. Nung mamatay si Qeena at Queenie ay nadepress talaga ako at ilang beses ko na ring pinagtangkaan ang sarili ko na sumunod sa kanila.

Qeena, Queenie and now daddy. Kami na lang ni mommy ang natitira. Talagang bang ito ang plano ng maykapal sa amin? Tapos nakakulong pa si mommy. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin.

"Quebec be strong. Nandito naman kami ni Arthur kapag kailangan mo ng tulong." Sabi ni Oscar nang makalapit siya sa akin.

Tumango ako at nagpasalamat saka humakbang na pero nanlalambot talaga ang mga tuhod ko. Gulong-gulo na rin ang pakiramdam ko. Sa pagkamanhid ko sa mga nangyari ngayong araw ay hindi na ako makaiyak pa.

Inalalayan naman ako ni Oscar hanggang sa makapasok kami sa hospital. Hindi muna agad kami pumunta sa lugar kung nasaan ang bangkay ni daddy. Hindi ako hinayaan ni Oscar dahil mukhang mahihimatay daw ako ano mang oras.

Nagpalipas muna kami ng ilang minuto bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na kunin na ang katawan ni daddy. Nakatakip na ito ng makapal na kumot habang nakahiga ng payapa sa kama. Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot sa mukha niya para malaman kung siya nga 'yon at napaiyak na lang ako nang makumpirma ko nga na daddy ko itong nasa harapan ko.

Tinakpan ko ang bibig ko para makontrol ko ang ingay ko. "Daddy." Mahina kong sambit habang pinakatitigan ko siya. Hindi magtatagal ay magiging ala-ala na lang ang mukha niya sa akin.

"Daddy. I'm sorry." Sa dami kong gustong sabihin ay 'yon na lang ang nasabi ko. Hindi ko alam na ang huling pagkikita namin ay nuong nagkaroon pa ng maliit na tensyon sa bahay dahil sa pagsetup sa akin ni mommy kay boss sa Guam.

Dahil wala naman akong ibang karamay ay pinagkasya ko na lang ang sarili ko na yakapin si Oscar. "Ganon talaga Quebec. Kapag oras na natin, oras na natin. Wala na tayong magagawa kung hindi ang ipagdasal na lang si daddy mo." Mahinang bulong nito sa akin.

Ilang minuto pa ay dumating na rin ang funeral service na kinuha ko para maasikaso si daddy. Nang mailabas si daddy ay sumunod na rin kami ni Oscar at sakto naman na papunta na sa gawi namin si Cassandra.

Niyakap ko siya agad at mas lalo akong naiyak. Sa lahat ng tao, sa kanya lang ako komportable maliban syempre kay Qeena at Queenie. "Cassandra, hindi ko na kaya." Mahina kong bulong sa kanya.

Niyakap niya lalo ako nang mas mahigpit. "Huwag kang susuko. Nandito lang ako. Saka ang mommy mo, kailangan ka pa niya. Ang triplets, isipin mo sila." Sabi niya habang panay ang haplos sa buhok ko.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang sumuko. Pakiramdam ko kahit anong laban ko sa buhay parang wala namang patutunguhan.

"Think of them, Quebec. Please. Lanaia, Lancelot and Landon were waiting for you."

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko habang nakayakap ako kay Cassandra. "Ako na ang bahalang mag-asikaso kay tito para makapagpahinga ka."

"Naisip ko na ipacremate siya gaya ng ginawa namin kay Qeena at Queenie." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Okay. Kung 'yon ang naging pasya mo." Sinundan namin ang service na kumuha kay daddy at nang maasikaso na nila ang abo ni daddy ay agad kong kinuha ang pinaglagyan nito saka ko niyakap.

Please be happy daddy.

'Yon lang ang tangi kong hiling dahil alam ko na sobrang paghihirap ang dinanas ng pamilya namin simula nung malubog kami sa utang.

Iniuwi ko ito sa bahay at hinayaan ang mga taong kinuha ko para asikasuhin ang bahay kung saan ibuburol si daddy ng dalawang araw. Ayoko ng patagalin pa ang pagkakaburol sa kanya dahil malulungkot lang ako lalo at malalaman pa ng iba naming kamag-anak na nakulong si mommy.

Nang sumapit ang gabi ay nagpaalam si Cassandra na uuwi saglit para magpalit lang ng damit. Ganon din si Oscar kaya naman ako na lang ang naiwang mag-isa sa simpleng burol ni daddy habang hinihintay ko ang ilang kamag-anak ko.

Buti na lang ay tinulungan ako ng ilang tito at tita ko sa mga pagkain at inumin na iaalok sa mga bisita kaya ang tanging ginawa ko na lang ay ang ientertain ang mga nakikidalamhati. Hindi rin nagtagal ay bumalik si Cassandra at nasa tabi ko lang siya lagi.

Xenon's POV
Nang mapatulog ko ang mga bata ay tinawagan ko si Cassandra. Kanina ko pa kasi sinusubukang tawagan si Quebec pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Sana lang ay alam ni Cassandra ang nangyari dahil hindi ako mapakali sa kwento ni mama kanina nung nagpaalam sa kanya si Quebec.

Nakahinga ako ng maluwag nang sagutin naman ni Cassandra ang tawag. 'Yon nga lang ay medyo maingay ang background kaya hindi ko siya gaanong maintindihan.

"Hello, Cassandra. Ang ingay. Nasaan ka ba?" Sagot ko nang tanungin niya ako kung naririnig ko raw ba siya.

"Teka." Maikling sabi nito at ilang sandali pa ay nawala na ang ingay sa paligid.

"Magkasama ba kayo ni Quebec?" Tanong ko nang maayos na ang linya.

"H-Ha? Hindi. Bakit?" Sagot pa lang niya alam ko na nagsisinungaling na siya.

"Cassandra, alam mo kung gaanon kita kakilala. Hindi niya sinasagot ang tawag ko kay tinatanong ko kung magkasama ba kayo?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "Magkasama kami." Napailing ako. Ano naman kung sabihin niya sa akin kung magkasama sila.

"Anong nangyari? Nag-aalala na ako. Ang sabi sa akin ni mama kanina namumutla at naluluha-luha raw si Quebec nang magpaalam."

"It's not my story to tell. Siya na lang ang kausapin mo kasi ayokong sa akin mismo manggaling."

Nainis ako sa sinabi ni Cassandra. "Kaya nga ikaw ang kinausap ko kasi hindi ko siya makausap tapos hindi rin pala kita makakausap ng matino."

"Cassandra, nandito ka lang pala. Itatanong ko sana yung pangalan ng bulaklak sa baba." Narinig ko ang boses ni Quebec sa kabilang linya.

"Is that Quebec? Let me talk to her, please." Pakiusap ko kay Cassandra na hindi ko alam kung nasa loob pa niya na magkatawagan kami.

"Hydrangea and Genesta." Narinig kong sagot ni Cassandra sa tanong ni Quebec.

"Ah okay. Baba na ako. Pinatatanong kasi ni tita. Balak pang bumili ng mga bulaklak." Dagdag pa ni Quebec.

"Wait. Someone wants to talk to you." Cassandra said.

"Who?" Quebec replied.

"It's Xenon. He said that he's worried and you're not answering his calls so he called me instead. Saka na kita gigisahin kung bakit alalang-alala sayo 'yang lalaki na 'yan. I smell something fishy between the two of you." Sabi ni Cassandra na rinig na rinig ko rito sa tawag.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang paghello ni Quebec sa tawag ko. "I'm worried. You okay?" Umalis ako sa tabi ng mga bata at pumunta sa bintana ng kwarto.

"I am. The kids?" Hindi ko napigilan na mapangiti. Malapit na malapit talaga sa kanya ang mga anak ko.

"They're now sleeping. Nakwento sa akin ni mama ang nangyari kaya nag-aalala ako tapos hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko."

"Sorry. Sobrang busy lang." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Halatang ayaw niyang magkwento dahil ang tipid niya sumagot.

"You sound tired. Hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin kung ano ang tunay na nangyari? Mama told me that it's family emergency again."

Hindi ito sumagot kaya ako na lang ulit ang nagsalita. "Quebec, I know that I'm not in the right place to ask such questions but I'm really worried. Kung may maitutulong ako magsabi ka lang. Nandito lang naman ako."

"Daddy died because of heart attack. Dead on arrival. Napacremate ko na siya kanina at tinulungan ako ni Cassandra sa pag-aayos ng simple niyang burol."

"You didn't tell me that because?" Hindi ko alam kung tama ba na sumama ang loob ko sa hindi niya pagsabi sa akin na namatayan siya ng ama. Ayaw niya ba ng karamay?

"I'm very busy. Panay ang dating ng mga bisita kaya nawala na sa loob ko ang sabihin sa inyo. Pasensya na." Ramdam ko sa boses niya ang pagod.

"Pupunta ako riyan para makiramay." Agad kong sabi at naghanap agad ako ng pamalit na damit.

"You don't have to. How about the kids?" Sagot niya.

"Papabantayan ko sila kay mama hanggang sa makauwi ako."

"Xenon, okay lang talaga kahit hindi ka na pumunta pa." Napakunot nuo ako. Bakit ba ginigiit niya na huwag akong pumunta?! Ako na nga itong nakikiramay.

"I know that you're tired but do you think that it's appropriate to push me away, now that I want to send my deepest condolences to you and to your family personally?"

"Fine. I'll wait for you here. Ingat sa daan." May sasabihin pa sana ako pero pinatayan na niya ako ng tawag.

Nang makapagbihis ay pinuntahan ko sila mama para magpaalam at nang may magbantay sa mga bata pero sumama rin sila ni daddy. Kaya naman pinagkatiwala ko muna ang mga bata sa isang kasambahay. Malalim naman ang tulog nila kaya malabo na magising sila habang wala kami.

Nang paalis na kami ay tinawagan ko si Cassandra para itanong kung saan nakaburol ang tatay ni Quebec at sinabi niya naman agad. Habang nasa byahe ay wala akong ibang nasa isip kung hindi ang naging sagot kanina ni Quebec. Parang ayaw nga niya na malaman ko na namatay ang daddy niya.

Nang makarating kami sa bahay nila ay medyo marami na ang tao. Agad kong hinanap si Quebec pero si Cassandra ang sumalubong sa akin. "Where is she?" Tanong ko nang paupuin niya kami sa isang upuan.

"Ah kinausap lang yung ilang pinsan niya para sa mga nilulutong pagkain." Sagot nito at siya ang kakwentuhan namin habang hinihintay namin si Quebec.

Lumipas din ang ilang minuto bago nagpakita sa amin si Quebec. "Kasama po pala kayo ma'am at sir." Sabi niya nang mapansin niya na hindi ako nag-iisa.

Namumula at medyo maga ang mga mata niya. Namumutla rin siya at halata ang pagod at antok sa mukha.

"Condolence hija." Sabi ni mama at daddy sa kanya.

Ngumiti naman si Quebec at nagkwento kung ano ang nangyari kanina nang magpaalam siya kay mama. May dumaan sa aming isang babae na may hawak na tray at may nakalagay doong ilang tinapay, biscuits, candy at kape. Kinuha ko agad ang kape at ibinigay kay Quebec.

Lahat sila ay nagtataka akong tinignan. "She needs coffee. Para magkakulay naman 'yang mukha mo." Sabi ko kay Quebec.

Nag-aalangan naman niyang kinuha ang kape at nagpasalamat. Si Cassandra naman ay tumingin sa akin ng naniningkit ang mga mata.

"Kanina pa ako nagtataka sa mga kilos at salita niyo ha. Anong meron sa inyong dalawa?" Sabi ni Cassandra kaya si daddy at mama ay nabaling ng husto ang atensyon sa akin.

Minsan talaga sobrang daldal din nitong si Cassandra.

Continue Reading

You'll Also Like

169K 2.4K 36
For me to know and for you to find out. This story is my own story don't plagiarized it and this is the original story. Thank you for reading and don...
67.6K 1.5K 47
He's gay and he knew that he is still VIRGIN. But a stranger told him that he is the father of their child. What will he gonna do? Genre: Humor #4 hi...
138K 3.7K 59
"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niy...
82.1K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...