I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND...

By wickedangel070

192K 3.1K 158

What if the person you are looking for is already with you? And this person is the one you love, can you stil... More

AUTHOR's NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
(A/N)
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
Let's Call it Pain of the Past
EPILOGUE
AUTHOR's NOTE

CHAPTER 45

977 20 0
By wickedangel070

CHARLES POV

"Kausap ko siya, habang kaharap ko ang babae na yun bago kami umalis." Nanlulumo kong sabi.

"Siya ang sumama sayo, Pumalit siya sa akin!" Sigaw ni Ziel. "Kung alam ko lang na iiwan mo siya doon!!! Hindi na sana ako pumayag na pumalit siya sa akin!!" Sigaw nito

"Papatayin kitang hayop ka!!!" Sigaw ng kuya ni Sam. "Minahal ka ng kapatid ko tapos iiwan mo siya doon!!! Papatayin talaga kita!!! Bitawan niyo ako!!" Pilit na nagpupumiglas ito "Bakit hinayaan mo na si Sam ang pumunta doon Ziel!!! Hindi ka dapat pumayag!!!! Anong silbi pa ng mga Sha-ynah kung wala siya!!!!! Tang*na!!!! Ikababagsak ng maraming tao ang pagkawala niya!!!" Kita ang galit sa mga mata ng kuya ni Sam

"Siya si Samantha, wala kaming laban sa kaniya." Saad ni Mia

"Kung sinabi niyo agad sa akin, narito sana siya at ako ang pumunta doon!!! Ipinahamak niyo ang kapatid ko!!!"

"A-ang sabi niya." Tumingala ako at bumuga ng hangin "Shit! N-narito siya naghihintay. This is just a joke right? This is just a prank right?" Umaasang sabi ko. "Sam!!!" Sigaw ko, tumingin ako sa paligid "L-lumabas kana! Hindi nakakatawa ang Pagtatago mo!!!" Sigaw ko. "P-pinatawad mo na daw ako!!!! Sam!!!! Labas na!!!" Para akong isang baliw na sumisigaw. Tahimik ang lahat, narinig ko ang mahinang paghikbi ng ilan.

"Tang*na pupuntahan ko siya!" Sigaw ni Ziel. "Chlea! Mia! Pakiayos ng flight ko!"

"I'll go with you." Saad ng kuya ni Sam

"No! Ziel! Hindi ka pupunta do--" Kontra naman ni Li

"Kaibigan ko yun Liam! Kaibigan ko! Pamilya na nga ang turing ko sa kaniya! Wag mo akong pipigilan dahil hindi ako magpapagil sa iyo!! Mag sama kayo ng kaibigan mo!! Tinulungan ka na nga niya! Iniwan mo pa!!!!" Sigaw nito at dinuro ako.

"Wala na tayong magagawa." Nahinto ang lahat ng sabihin iyon ni Mark

"Mer--"

"Marami sila. Iilan lang tayo, hindi natin kakayani--"

"Dahil hindi naman natin sinusubukan! Kaibigan ba ang tingin mo kay Sam?!! Lahat ng imposible ay gawin nating posible!" Saad ni Mia.

"Shit!" Sigaw ni Myael, nahulog ang phone nito na nagvi-vibrate. Muli niya iyong kinuha at sinagot ang tawag. Lumayo ito sa amin. Ilang saglit lang ay bumalik rin ito. "Uhm..." Umubo muna ito bago mag-salita. "We have to go home." Nangungumbinsi ang tono nito. "Lalo na kayong tatlo!" Itinuro niya ako, si Mom at si dad. "Bantayan mo doon si Irish." Saad nito at tumalikod. Ang kaninang nagsisihikbi ay tumahimik, sumunod lang sila kay Myael

SAMANTHA's POV

"Son!!!" Sigaw ng ama ni Charles, Napatingin ako kay Charles. Kinuha ko ang kutsilyo na nasa paanan ko at pinatamaan ko ang kamay ng lalaking may kapit na baril, siniko at sinipa ko palatikod ang lalaking nakayakap sa akin.

Nakita ko ang mga lalaking papalapit sa amin. Doble ang bilang niyon, kaysa kanina. Kinapitan ko ang dalawang kutsilyo gamit ang isang kamay, ang kabilang kamay ko ay may kapit na baril

"Let's go!!" Sigaw ni charles "Hey let's go!" Sigaw muli niya sa akin "Let's go--" itinapat ko ang pisngi ko sa pisngi niya

"Mauna na kayo, kapag hindi ako nakarating ng limang minuto. Umalis na kayo sa bansang ito, ako na ang bahala" pabulong kong sabi, bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ito gumalaw at nakatingin lang sa akin. Baka nakilala ako ng lokong 'to! "Mauna na kayo." Bulong ko at itinulak siya papalayo

"No, Kailangan kitang isama pauwi." Nakikiusap ang tono nito

"Mauna kana. Pinatatawad kana ni Samantha kaya mauna na kayo. Hinihintay niya kayo sa pilipinas.Ingat." sabi ko at patapong ibinigay sa kaniya ang riffle na kapit ko "sige na mauna na kayo." Inis na sabi ko.

Tumango ito. Napabuntong hininga ako, kung hindi kayo aalis ipagtutulakan ko kayo para maka-alis! "Hihintayin ka namin."

"Kapag hindi ako nakarating ng 5 minutes, baka talo na ako ng mga ito kaya mauna na kayo."nakangiti kong sabi, pero hindi niya iyon makikita dahil may telang nakatakip sa mukha ko "Sige na." Muli itong tumango.

"Mag-iingat ka." Kinapitan nito ang pisngi ko na ikinabigla ko. Muli ko siyang itinulak papalayo sa akin tumayo siya at tumakbo na papalayo sa kinaroroonan ko.

"I love you." Kinagat ko ang labi ko.

-----

Nagvibrate ang phone ko, kinuha ko iyon at sinagot "Sam?"

(Nakaligtas ba kayo?) Tanong ko

"Oo, nasa himpapawid na kami." Nakahinga ako ng maluwag

(That's good.)

"Hihintayin mo kami dyan sa Airport, sabi niya nasa Ai--"

(Oo, hihintayin ko kayo.) Biglang may tumamang bala sa balikat ko. Argh!!!! Shit!!!! Kinuha ko ang baril ko sa gilid ko at itinapat iyon sa lalaki

"Sam? Anong nangyayari?" Rinig sa tono ng boses niya ang kaba at pag-aalala

(Nagpra-practice ako) pagsisinungaling ko, pinaputukan ko ng baril ang isa. Napapikit ako sa hapdi.

"akala ko ba hinihintay mo ak--" pinutol ko ang sasabihin nito

(Oo, hinihintay kita. Dumaan lang naman ako ng saglit. Sige papunta na ako sa Airport) Pilit kong hindi ipinahalata ang pagod at sakit.

"Magiingat ka." Napangiti ako sa kawalan

(Mas mag-ingat ka, bye.) Ang pag-patay ng tawag ko ay siyang pagtutok sa akin ng mga baril sa ulo ng tatlong lalaki na may katabaan, may tattoo sila sa pisngi na tatlong dragon. Pumwesto ang isa sa likuran ko, at inilapat ang dulo ng baril sa ulo ko ang dalawa naman ay sa magkabilang gilid ko inilapat rin nila ang dulo ng Baril sa ulo ko

CHLEA's POV

"Ano ba Myael?!!! Kailangan naming puntahan siy--"

"No! Wag kayong pupunta. Kuya Clouxe, pwede ka nang bumalik sa America." Kalmadong sabi ni Myael

"Ako ba ang inuutusan mo?" May awtoridad na tanong ni kuya.

"Kahit ngayon lang. Naka-ayos na ang lahat, mamaya pwede ka nang umalis. Pwede kang makilala dito, baka nasundan ka pa nga"

"Ano't kalmadong kalmado ka pa?!"

"Magsi-ayos nga kayo!" Sigaw nito na ikinabigla namin ni Mia.

"Kailan--"

"Puro kayo kailangan! Hindi niyo ba naisip na pwede niyong ikapahamak ang padalos dalos na desisyon ninyo?! Mag-i-stay kayo dito! Sa ayaw o sa gusto niyo! Kuya hinahanap ka sa akin ng emperor dumaan ka muna sa Japan bago bumalik sa America. At kayong lahat kailangan niyong mag-stay dito!!! Kung ayaw ninyo dito! Bumalik kayo sa inyo!"

"Talagang uuwi ako!"

"May mga nakabantay sa kaniya kaniya niyong bahay! Napatay ang mga tauhan ni Ar sa kanila. Nung dumaan ako roon kanina. Sa bahay ni Ziel may tatlo ako doong iniwan na bantay--"

"What the heck! Pinababantayan mo ba ako!" Sigaw ni Ziel

"Yes, pero wala na sila ngayon. Kay Mia biglang naglaho ang mga tauhan mo! Malinis ang paligid. Ikaw Chlea! Magulo ang loob ng bahay mo! Susunduin sana kita sa inyo kanina pero bukas ang pinto ng bahay mo na hindi mo naman ginagawa! Sarado ang ilaw! May mga katulong kang kasama hindi ba?" Tumango ako "Oh? Bakit hindi nila bubuksan ang ilaw kung nandoon sila! Kaya mag-i-stay kayo dito sa bahay ko!"

"Paano ka nakakasigurado na wala dito?" Tanong ni Ziel

"Baka nakakalimutan mo na tatlo ang tirahan ko." Nagmamalaking sabi ni Myael. "Paniguradong ang pinuntahan nila ay yung malapit sa inyo."

"Psh. Ilang kwarto ba ang meron dito?"

"Seven. May mga gamit na doon, pinaayos ko kanina."

"Hahayaan nalang natin si Sam doon?" Inis na sabi ko.

"May sinabi ba akong hahayaan natin siya?"

"Bakit parang wala lang sayo Myael ang nangyari? Nasa Australia si Sam! Baka pagtulungan siya doon! "

"Kapag may nangyari sa kapatid ko! Pagsasabayan ko kayong ilibing nung lalaki na yun!" Sigaw ni Kuya Clouxe.

"Kahit patayin mo ako ngayon! Sa mismong kinatatayuan ko! Ito ang tamang gawin!!Kung ayaw niyong sumunod! Bukas ang pinto, pwede na kayong lumabas at sumugod doon!!" Sigaw ni Myael at habang nakaturo sa pinto.

CHARLES POV

Dalawang araw na ang lumipas pero wala parin akong nababalitaan kay Sam. "Li? Napatawag ka--"

(Ian, overnight daw tayo ngayon kina El.)

"Oh? Anong meron?"

(Kaunting selebrasyon daw.)

"Hindi ako pupunta."

(Sige na, Ian. Wag kang killjoy! Gusto kong makita si Ziel.) Saad nito na animo'y namamangha

"Edi, pumunta ka!"

(Pumunta ka rin! May bisita daw sila--)

"Sino?"

(Ewan, kailangan daw na makarating tayong tatlo nina Irish before 5pm.)

"Anong gagawin natin doon? Anong selebrasyon ba iyan?"

(Overnight nga Ian! O.V.E.R  N.I.G.H.T. nga! doon na daw nila sasabihin. Sasagutin na siguro ako ni Ziel.)

"Sabado, oras ng pahinga ko--"

(Bihira na nga lang mag-aya ni El tatanggihan mo pa?)

"Oo na! Oo na! Pupunta na kami!" Pinatay ko ang tawag.

"Kami?" Tanong ni Irish sa likuran ko.

"Myael inviting us to overnight in his house." Walang ganang sabi ko. Nagsalin ako ng champagne sa glass ko.

"Kailan?"

"Now. Before five pm."

"Mag-ayos kana." Itinulak ako nito.

"Mabilis lang akong mag-ayos, ikaw na ang mauna." Lumabas ito ng pinto. Muli akong nagsalin ng Champagne sa Glass ko. Bahagya kong ginalaw ang Glass. '...Pinatatawad kana ni Samantha...' "Pinatawad mo nga ako, hindi ko naman alam kung nasaan ka! May gusto akong sabihin sayo" Biglang pumasok sa isip ko ang ginawa ko kanina.

**FLASHBACK**

Kinuha ko ang singsing na binili ko kanina. "Irish." Lumuhod ako sa likuran niya.

"Uhm... Ano yu--" humarap ito sa akin, nagulat ito ng makita niya akong nakaluhod habang may hawak hawak na singsing. "C-charles." Kabadong sabi nito. "W-what's going on?"

Narinig ko ang bahagyang pagtili ni mom. Kay Sam ko dapat ito ginagawa! ngumiti ito at tumango. Isinuot ko ang singsing sa palasingsingan niya. She hug me.

Lumapit sa akin si Mom at niyakap ako, nakatingin lang sa akin si Dad. Alam ni Dad na si Sam ang mahal ko. "Dapat malaman ito ng lolo at lola mo." Excited na sabi nito. "Oh my—magkakaroon na ako ng manugang sa wakas ang akala ko ay tatandang binata itong si Charles."

"Ano ka ba naman Elisa? Alam mo naman na may gusto na talaga ang batang ito noon pa. Nasaan na nga pala ang kaibigan mo na hinalikan mo noon?" Pabirong tanong ni Dad. Bahagya naman akong natawa.

"Siya si Sam Dad" nakangiti kong sabi, gulat nila akong nilingon. Nginitian ko lang sila, ang babaeng mahal na mahal ko ay nasaktan ko. "Siya yung babaeng iniwan natin sa Australia." Pilit na ngiting sabi ko.

**END OF FLASHBACK**

Nagising ako sa reyalidad ng may kumatok sa pinto, rinig ko ang pagbukas niyon "Son?" Tawag naman ni Dad, tumingin ako sa pinto. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tumango ako, lumapit ito sa akin. "Sigurado ka ba sa desisyon mo?"

"I think so. Wala rin naman akong magagawa." Huminga ako ng malalim

"Do you love her?"

"I'll try to love her." Pilit na ngiting sabi ko at sumimsim sa champagne

"Naka-ayos na siya sa labas, hindi ka pa ba mag-aayos?"

"Uubusin ko lang muna ito." Itinaas ko ang wine glass.

"Son, I'm sorry."

"It's okay Dad." Pilit akong ngumiti

"Sige na, mag-ayos kana naghihintay na doon si Irish sa ibaba." Lumabas na sa kwarto si Dad. Ilang minuto pa akong uminom, ininom ko ang natitira at itinapon ang wine glass sa sahig. Malakas na ingay ang pumuno sa buong silid. Sinipa ko ang mga bote na nasa tabi, itinulak ko ang table bago tumayo at pagapang na naglakad papuntang cr.

Hindi pa ako nakakapasok sa Cr ay bumukas na ang pinto. "Anak anong nangyaya—Oh my—ayos ka lang ba?" Tanong ni Mom at lumapit sa akin

"Y-yes mom." Saad ko at umayos ng pagkakatayo.

"Mag-ayos kana anak, naghihintay sayo si Irish sa labas." Saad nito, tinapik niya ang balikat ko bago lumabas.

-----

Humarap ako sa salamin, polo, short, at white shoes. "Ang gwapo naman ng anak ko." Nilingon ko si Mom.

"Thanks Mom."

"Anong oras kay--"

"Overnight mom. May time kayo para makagawa ng kapatid ko." Natatawa kong sabi.

"Ikaw talaga."

"Mom!! M-masakit!" Sigaw ko ng hilahin niya ang tenga ko.

"Oh siya, umalis na kayo. Baka kayo nalang ang hinihintay." Tumingin ako sa Watch ko, 4:42pm

"Yeah mom." Humalik ako sa pisngi nito bago, lumabas ng kwarto. Nakita ko si Irish na kausap si Dad. "Hey,Dad." Pareho itong tumingin sa akin.

"Son! Your so... Handsome." Lumapit ito sa akin.

"Of course Dad."

"Nagmana ka talaga sa akin." Bahagya akong natawa.

"Irish?" Bigla itong tumayo. "Let's go?" Tumango ito.

Continue Reading

You'll Also Like

33K 591 50
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
15.3K 554 57
"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala n...
470K 735 100
This story is not mine credits to the rightful owner. πŸ”ž