Kiss Me, Cole (Part 1) [IN ED...

Autorstwa dominojavier

1.1M 17.4K 13.1K

~~my entry to the friends-to-lovers- trope/cliche~~ GENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish ( sprinkled... Więcej

WARNING
KMC Plot Teaser
Cole (1)
Cole (2)
Anna (3)
Cole (4)
Anna (5)
Cole (6)
Anna (7)
Cole (9)
Anna (10)
Cole (11)
Anna (12)
Cole (13)
Cole (14)
Anna (15)
Cole (16)
Anna (17)
Anna (18)
Cole (19)
Anna (20)
Anna (21)
Cole (22)
Anna (23)
Anna (24)
Cole (25)
Covers From Fans (lorsenmadrid)
Covers From Fans (dewyeur)

Cole (8)

18.9K 627 463
Autorstwa dominojavier

Napatingin ako sa relos ko at napapalatak. Kanina pa siguro naghihintay ang driver sa labas ng lobby.

Nilingon ko si Theo na kasabay ko lang naglalakad at nagtanong. "Tinext mo ba si Igor na male-late tayo?" .

"Hindi," agad niya namang sagot at may gana pa siyang ngisihan ako na lalo kong ikinakunot ng noo. "Alam naman niya 'yon. Wala tayo sa lobby at naghihintay sa kanya. Malamang late tayo."

Gusto ko siyang pagsabihan na maaaring mag-panic ang driver namin at biglang manawag ng back-up at magkagulo-gulo ang buhay namin. Nagugustuhan ko na 'tong eskuwelahang ito. Ayaw kong ma-pull-out ni Mommy rito na siyang mangyayari kapag napraning 'yon na baka may mangyari sa amin dito.

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong tumugon pa sa kanya dahil naagaw na naman ang atensyon ko ng babaeng hila-hila ko dahil nagpupumiglas na naman. Akala ko ba napagod na 'to? Nag-ipon lang pala ng lakas para makapanggulo na naman.

"Stop it, Orie!" asik ko na dito. Medyo napupuno na ako.

"Orie ka ng Orie! Hindi ako cookies! Anna nga sabi! Anna ako!" Nanggigigil na naman niyang sigaw at nagpapapadyak pa habang napipilitang maglakad dahil hindi naman ako huminto.

Gustong-gusto ko nang matawa dito kay Orianna pero nagpigil ako. Baka mas lalong ma-engganyong maglilikot kapag nakita niyang naaaliw ako sa kanya.

Gusto kong bilisan ang paglalakad pero nagbigay konsiderasyon ako sa maliliit niyang mga binti. Bakit ba kasi ang liit ng babaeng ito? 'Di naman nagugutuman. Minu-minutong dumudukot ng kung ano-ano sa desk storage niya sa gitna ng mga klase namin. Saan napupunta ang mga kinakain niya? Sa vocal cords siguro. Well-developed eh. Ang lakas ng boses.

Pinipilit na naman niyang alisin ang pagkakahawak ko sa pulsuhan niya. May pagbabanta ko iyong pinisil na ikina-igik niya. Napalingon ako para tingnan kung totoo ba siyang nasaktan sa ginawa ko pero mukhang hindi naman. Nagda-drama lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero bahagya kong niluwagan ang pagkakahawak sa kanya. Tama lang na hindi siya magkapasa pero hindi naman makakawala. Natatakot din naman akong baka mabalian siya. Ang lambot niya pa naman. Parang hangin ang laman ng buto. Maaaring totoo. Ang bilis tumakbo kanina, eh.

"Bitiwan mo na kasi ako," matigas niyang sabi. Kinukurot na niya ang mga daliri kong nakakapit sa kanya pero dahil wala naman nga siyang kuko, parang kinakamot niya lang ako.

"No," mariin ko namang tanggi. "Late na tayo."

"Eh, 'di iwan niyo na ako rito! Bakit niyo ba ako pinipilit isama? Kidnapping ito!"

"May packing tape ako dito sa bag," biglang anunsyo ni Theo na nakatingin sa akin at ngumingisi. "Puwede nating gawing makatotohanan itong kidnapping scenario na ito. Let's tape her mouth to shut her up." Sabay pa kaming napatingin sa babaeng kinakaladkad ko nang malakas itong napasinghap.

"You won't dare!" hiyaw niya.

Dinuro pa niya si Theo gamit ang malaya niyang braso. Nginisihan lang siya ng kaibigan ko bago nagbukas ng bag at naglabas nga talaga ng packing tape. Muling napasinghap si Orianna at nanlalaki ang mga matang napatitig sa hawak ni Theo.

Epektibo ang pananakot ni Theo dahil huminto na ang babae sa kakahila ng kamay niya. Mas madali ko na siyang napapasunod sa akin. Distracted na siya kay Theo at sa packing tape nito. Hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad. Mas madali talagang i-manage ang babaeng ito kapag distracted.

"Bakit may packing tape ka?" bulong ko kay Theo. Hindi naman kami naririnig ng babae dahil nauuna kami sa kanya ng isang hakbang. Our classmate continued dragging her feet. Parang batang napipilitan.

"Sa Art class kanina. Hindi ko sinasadyang maisilid 'to sa bag ko," mahina naman niyang sagot.

Nang biglang huminto si Orianna at nagmatagis na hindi na humakbang, napilitan na rin akong huminto. Kapag pinilit ko siyang hilahin, baka matanggal na ang braso niya. Napaharap ako sa kanya at naiirita siyang tinitigan ng masama.

"Bitaw," utos niya sa pinaka-intimidating na boses. Intimidating sa imahinasyon niya.

"Ayaw. Wala akong oras na habulin ka ulit. Kanina pa naghihintay ang driver namin sa atin. Mas paghihintayin mo pa ba siya ng mas matagal kasi 'yon ang mangyayari? Tapos, sa huli, sasama ka pa rin naman sa amin."

Nalukot ang mukha niya lalo bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Fine," naiinis niyang sambit. "Pero puwede bitawan mo na ako kasi masakit na ang galang-galangan ko talaga."

Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga. Binitawan ko nga ang pulsuhan niya pero hinuli ko naman ang palad niya at ipinagdaop iyon sa palad ko. "O, ito, okay na?"

Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa mga kamay namin bago tumingin sa akin at sumimangot. "Saan ang bitaw diyan?"

"Asa ka. Wala akong tiwala sa'yo. Malingat lang ako tiyak kakaripas ka na naman ng takbo."

"I. Hate. You."

Natigilan ako at tinitigan ang babaeng kung naging pusa ay nagtataasan na lahat ng mga balahibo at nakalabas lahat ng matatalim na mga kuko. She didn't mean what she said.

All talk, no bite, kiska.

Nginisihan ko na lang siya. "Liar."

Tinapik ko ang pisngi niya ng likod ng kamay kong may hawak pa rin sa palad niya. Tinaliman niya ako ng tingin at iniiwas ang pisngi niya. Umakto pa siyang kakagatin ang kamay ko. Natawa na lang ako at muling naglalakad.Napilitan naman siyang sumabay sa akin at takbo-lakad na ang ginagawa para mahabol ang mga hakbang ko.

Nalingunan ko si Theo na ngingiti-ngiti sa tabi ko. Parang may kung anong ipinapahiwatig ang mga ngisi niya pero hindi ko alam kung ano.

"Ano?" nagtataka kong tanong. Umiling lang siya, ngumiti, at umakbay sa akin. Tinitigan ko pa siya pero inakay na niya ako papuntang lobby. Pasipol-sipol pa ito.

Napapagitnaan ako ng dalawa. Sa aking kaliwa si Theo. Sa kanan ko naman si Orie na nakakapantay na sa amin. Napagod na rin siguro sa kaka-tantrum at naisipan niyang walang epekto iyon lahat sa akin. Nagsasayang lang siya ng energy. Binagalan na rin namin ni Theo ang paglalakad para makasabay na siya. Mahirap na at baka madapa pa siya sa kakahabol ng mga hakbang namin. Umiyak pa.

Natanaw namin si Igor sa labas ng kotse na panay check ng cellphone. Halatang naghihintay ito ng text na hindi pinadala ng gagong si Theo. Tinaliman ko ng tingin ang kaibigan ko na ikinakibit-balikat lang nito at ngumiti.

Lalapit na sana ako sa kotse pero humarang ang braso ni Theo sa harapan ko.

"Saglit, vor," sabi niya. "Hindi pa tayo sinesenyasan ni Igor."

Ang dami kong gustong sabihin pero napabuntong-hininga na lang ako at naiinip na naghintay. Nagsisimula na namang maglikot ang isa kong katabi kaya inakbay ko na ang braso kong may hawak ng kamay niya sa kanya. Hindi na siya ngayon nakagalaw habang nararamdaman ko naman ang mga labi niyang dumadampi sa pulso ko. Gumalaw ang mga iyon.

"Sasakalin kita kapag kinagat mo ako," babala ko sa malumanay na boses. Ang tono ko ay parang sinasabihan ko lang siya na maaraw sa labas. Agad na huminto ang paggalaw ng mga labi niya. So, may plano nga talaga ang contrary na babae na kagatin ako?

Doon na kami napansin ni Igor. Tumuwid siya ng tayo at maingat na inikot ang tingin sa paligid bago kami tinanguan. Agad rin siyang pumasok sa kotse. Inalis ko na ang pagkakaakbay kay Orie at hinila siya papalapit sa kotse, tahimik na nakasunod sa likuran namin si Theo. Sumakay siya sa passenger's seat. Sa upuan sa likuran niya ko naman pinaupo si Orie.

"Seatbelt," utos ko sa babae. Agad naman siyang nangapa para sa seatbelt. Halatang hindi siya sanay magkotse. Nahirapan siyang isuot ang webbing sa kanya kaya tinulungan ko na.

Don't think about that, mahigpit kong kastigo sa aking sarili nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking pisngi pagdukwang ko para ilock ang seatbelt niya. Nanayo lalo ang mga balahibo ko sa batok nang parang dumampi ang labi niya sa pisngi ko dahil napaka-usisera. Gumalaw ang ulo niya para tingnan ang ginagawa ko. Napatitig ako sa kanya pero nasa seatbelt lock ang mga mata niya. Kaunting galaw at malalapat ang labi ko sa pisngi niya.

Depuga, Cole?! Ano nga bang nangyayari sa akin at kung ano-ano na ang iniisip ko?

"Oy, Sokolov." Ang boses na iyon ni Theo mula sa front seat ang nagpabalik sa akin sa tamang huwisyo. "Ang lalim naman yata ng seatbelt buckle na 'yan at nalunod ka na diyan."

Kamuntikan pa akong mauntog nang bigla akong napatuwid ng tayo. Narinig ko ang tawa ng gago kaya napatingin na ako ng masama sa kanya. Naka-upo siya paharap sa amin at nginingisihan ako ng nakakaloko na lalong ikinapag-init ng mukha ko. Nangangati tuloy akong suntukin siya.

"Seatbelt mo, Devin," asik ko na rin sa kanya.

Biglang nagseryoso ang mukha niya at napasulyap kay Igor na noon ay inaayos ang side mirror ng kotse at hindi kami pinapansin. "Andreyev, vor."

Doon naman ako natauhan. Hindi nga pala dapat binabanggit ang apelyidong iyon. Kagaya ng hindi pagbanggit sa Sokolov. Pareho kaming nakalimot.

"Seatbelt mo," ulit ko na lang sa mas malakas na boses para pagtakpan ang pagkakamali namin.

Muling ngumiti si Theo. "Ilang segundo rin ang mababawas sa reaction time ko kapag may nangyari."

"Kapag may nangyari, hindi kita mapapakinabangan na basag ang bungo. Kaya, seatbelt," pagbibigay diin ko.

Tatawa-tawa namang sumunod si Theo.

"Pumasok ka na," sabi niya pagkatapos. "Ninenerbyos akong nakatayo ka pa rin diyan sa labas. Ang laki mong target."

Nakatawa ang mga labi niya pero matigas ang kanyang mga mata. Hindi na nga siya mapakali. Lalo na at alam kong mas gusto niyang ako ang nasa likuran niya at hindi si Orianna. Unfortunately, sa apat sa amin sa loob ng sasakyang ito, ang babae ang pinaka-vulnerable kaya siya ang dapat sa likuran ni Theo. Para mabawasan ang anxiety ng kaibigan ko, sinara ko na nga ang pinto ni Orianna at lumipat naman ako sa kabila para sumakay na rin.

Pinaandar na ni Igor ang kotse at rinig na rinig namin ang pagsinghap ng babaeng kasama namin. Parang humugot ito ng maraming hangin at wala nang balak pang huminga sa kahabaan ng biyahe namin. Napabuntong-hininga na lang ako bago ibinaba ang bintana sa side ko. Inabot ko rin ang bintana sa side niya at ibinaba iyon.

Nilingon ako ni Theo at pinanlalakihan ng mata pero hindi ko lang siya pinansin. Umikot ang mga mata niya.

"Fine. Gusto natin ng adrenaline rush? Sige. Buksan na natin lahat ng bintana. Let us make it easy for them to kill us all," naaasar niyang sabi sabay mariing pindot ng window control niya. Siniko niya si Igor. "O, ikaw rin. Hindi puwedeng ikaw lang ang mabubuhay sa atin," nang-uuyam niyang sabi sa driver.

Naiiling na lang ako sa inaasal ng kaibigan ko at hindi na lang kumibo. Hindi ko na binangga ang init ng ulo niya at baka mag-rumble pa kami ritong dalawa sa kotse. Sumunod naman si Igor at binuksan rin ang bintana sa side niya.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Theo at kalmadong nagsalita. "Ibang daan ang gamitin natin ngayon."

Tumango naman si Igor at pinaandar na ang kotse. Maingat na naming binabagtas ang ibang daan papuntang Atrium. Mas mahaba ang bihayeng ito. Hindi ko maiwasang tapunan ng tingin ang babaeng hindi na kumikibo sa kabilang sulok ng rear passengers seat. Tahimik siyang nakatingin sa labas ng bintana habang ang mga daliri ay pinaglalaruan ang seatbelt na suot. Mukhang habit ng babae ang may nilalaro sa kamay na wala sa sarili kapag anxious. Very tactile. Kaya siguro wala itong sense of personal space.

Panaka-nakang nababasag ang katahimikan sa loob ng kotse sa tuwing may ipinapaalam si Theo na tinext daw ng mga dati naming soccer teammates sa Eagleridge. Tungkol iyon sa friendly match sa weekend. Kahit na hindi na kami estudyante ng Eagleridge, iniimbitahan pa rin naman kami ng dati naming coach at mga teammates na maglaro. Pumupunta naman kami ni Theo dahil kailangan namin ang ehersisyo. Kakasimula lang ng klase namin sa JAFH. Hindi pa namin alam kung ano ang mga sports na meron sa eskuwelahan. O, kung mayroon man. Mukhang hindi iyon priority ng eskwelahan, eh.

Sa gilid ng aking mga mata, nakikita kong pinaglalaruan na ni Orianna ang webbing ng seatbelt niya pero hinayaan ko lang. Kung sakali mang aksidente niyang matanggal ang pagkaka-buckle niyon dahil sa kakulitan niya, madali lang naman siyang abutin ulit at i-buckle ulit. Hindi naman siya nanganganib na tumilapon kahit walang seatbelt dahil mahina lang naman ang pagpapatakbo ni Igor sa sasakyan. Mas mabagal iyon kung ikukumpara sa usual niyang bilis kung kaming tatlo lang ang nasa loob ng sasakyan.

Naalala ko ang ponkan na binigay ng babae sa akin kanina. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng backpack ko. Agad na umalingasaw ang amoy niyon sa kotse nang buksan ko. Doon ko naman na napansin ang mga kakaibang ginagawa ng classmate namin. Tuluyan na niyang inalis ang seatbelt niya at ngayon nga ay pasimple na siyang umuusog papalapit sa akin.

Umuusog siya sa tuwing may lubak kaming nadadaanan para magmukhang natural daw. Hindi niya kami maloloko. Hindi ko alam kung paano niya naiisip na hindi kami nakakahalata sa ginagawa niya samantalang kitang-kita ng dalawa sa harap, sa rearview mirror, ang mga pinaggagawa niya.

May isang hump kaming nadaanan at paglampas namin doon, nakasiksik na si Orianna sa gilid ko. Huminto naman sa pagsasalita si Theo sa harap at maging si Igor ay umaktong inaayos ang anggulo ng rearview mirror pero hindi nila ako maloloko. Gusto lang nilang makita ng mabuti kung ano ang nangyayari dito sa likod. Mga tsismoso talaga.

Tapos na rin naman ako magbalat ng ponkan at nilingon ko ang babaeng nakadikit sa akin. Hanggang balikat ko lang yata ang top ng ulo niya. Nakatingala siya sa akin at ang ganda ng pagkakangiti. Sinulyapan ko ang pinanggalingan niya sa kabilang dulo at muli siyang tinitigan. She fluttered her eyelashes at me na ikina-arko ng isa kong kilay. Nabawasan ang liwanag ng kanyang ngiti at kinurot ako ng aking konsensiya. Maliit na kurot lang kaya nasabi ko pa rin ang mga sumusunod na linya, "Ang layo ng iginulong mo, ah."

Nanghaba ang nguso niya, umirap, bago nanlulumong yumuko. Napabuntong-hininga ako kasi medyo mas malakas na ang kurot ng konsensiya ko doon.

"Orianna," tawag ko sa kanya pero hindi siya nag-angat ng tingin.

"Sabi nang Anna, eh," mahina niyang bulong sa sarili pero narinig ko naman.

"Anna," tawag ko na pero hindi pa rin siya lumilingon. "Kiska, Orie na ang sunod kong babanggitin kapag hindi ka pa tumingin sa akin."

"Ano?" angil niya pero sa wakas tumingin na rin naman sa akin.

"Gusto mo?" alok ko sa kalahati ng ponkan.

Tinitigan niya iyon ng ilang minuto pero umiling din naman pagkatapos. "Mas lalong sasama ang tiyan ko niyan." Yumuko na naman at ang sariling mga daliri naman ang pinaglaruan ngayon. Ilang taon na nga ulit 'tong babaeng ito? Kaklase ko ba talaga 'to?

"Masama na naman ba ang pakiramdam mo?"

Maliit siyang tumango pero hindi pa rin ako tinitingnan.

"Gusto mong kumandong?"

Tiningala niya akong muli at tinitigan diretso sa mata. Ngayon ko lang natitigang maigi ang mga mata niya at hindi pala iyon simpleng light brown na iniisip ko dati. Cognac. Kakulay ng paboritong klase ng alak ni Daddy ang mga mata ni Orianna. May pagka-alak din yata ang epekto ng mga mata niya kasi mukhang nalalasing na rin ako habang matagal na nakatitig doon.

Nangunot ang ilong niya kaya bumaba naman doon ang mga mata ko. May mga pekas siya mukha. Hindi naman ganoon kahalata kung hindi tititigang maigi pero meron. Light dusting lang naman. Parang winisik lang. Wala akong opinyon tungkol sa mga pekas dati. Ni hindi ko nga sila napapansin. Pero kay Orianna, maganda sila tingnan. Parang may constellations sa mukha niya. Cute.

Nahinto ang pagdidiskubre ko ng ibang mga bagay tungkol sa mukha niya dahil bigla siyang tumungo at bumulong-bulong. Hindi ko masyadong narinig ang sinasabi niya kaya yumuko ako para mailapit ang tainga ko sa kanya at nang magkarinigan kami.

"Anong sabi mo?" ulit ko.

"Sabi ko, gusto ko sana pero aalaskahin lang ako ni Theo kaya huwag na lang."

"Sigurado ka?"

Sinulyapan niya ako at agad dumako ang mata niya sa leeg ko at tinitigan iyon na parang nauuhaw siya. Pati ang lalamunan ko ay nanuyo sa titig na 'yon. Pero nagbawi naman siya agad ng tingin at parang nanlulumo pang tumango. Tapos biglang muling nagliwanag ang mukha niya na mukhang may naisip siyang sobrang bright idea.

"Aamoyin na lang kita." At bigla niyang ibinaon ang mukha sa dibdib ko na ikinakurap-kurap ko lang. Humugot siya ng sobrang lalim na hininga na para bang inuubos ang lahat ng scent na meron ako bago naupo ng tuwid. "Ang bango mo," masaya niyang sambit. "Amoy ponkan."

Ang lakas ng tawa ng gagong Theo na halatang nakikinig sa usapan ng may usapan. Nabato ko nga ng balat ng ponkan bago ko rin mahinang binato itong katabi ko. 'Yong maliit na balat lang at baka umangil na naman na nasaktan.

"Ang dami mong alam," asik ko sa kanya.

Tinawanan niya lang ako bago mas ipinagdiinan pa ang sarili sa gilid ko at sininghot-singhot ako. Mukhang idinadampi-dampi niya pa ang pisngi niya sa braso ko.  Parang pusa.  Kiska nga talaga. Hinayaan ko na lang. 

 Pinandilatan ko na rin si Igor na ngingiti-ngiting nakatingin sa rearview mirror. Maaksidente kami sa pagiging tsismoso niya.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...