I'm Just A Babysitter (COMPLE...

By Liona_Wilhelm

82.3K 2K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... More

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 2: BONDING
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 13: AWAY
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 22: GRIEF
CHAPTER 23: TEAR
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 25: GIVE UP
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 27: LISTEN
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 30: FOLLOW
CHAPTER 31: ACE CARDS
CHAPTER 32: STAY
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 38: HOME
CHAPTER 39: FOREVER DREAM
LAST CHAPTER: TWIN

CHAPTER 18: SUITOR

1.6K 42 0
By Liona_Wilhelm

Quebec's POV
"Taya!" Sabi ni Landon nang maabutan niya kami ni Lanaia habang tumatakbo.

Humagikgik naman si Lanaia at saka hinabol naman kaming tatlo. Naghahabulan kami rito sa maliit na garden para magpalipas oras at para na rin maexcercise sila kahit papaano. Hindi pa kasi sila pwedeng lumabas dahil tirik na tirik pa ang araw.

"Quebec, may nagdeliver. Pinabibigay daw sayo." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang kasambahay na nasa pintuan papunta rito sa garden at may hawak na isang bouquet ng bulaklak.

Lumapit ako sa kanya. "Ha? Sino raw?"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi sinabi nung nagdeliver saka walang pangalan na nakalagay sa card. Sorry kung pinakielaman ko. Naintriga lang naman ako. Habang ng hair mo te. Sana all may secret admirer!"

Natawa ako sa sinabi niya saka ko kinuha ang kulay pink na bouquet na naglalaman ng white roses. "Thank you. Nako maghintay ka lang. May lalaki rin na maiinlove sayo." Kantyaw ko naman sa kanya.

Natawa rin siya saka umalis na. Pagharap ko sa mga triplets ay nasa harapan ko na sila at mukhang balak din mang-intriga. "Is that yours mommy?" Si Landon ang unang nagtanong.

Tumango ako at hinaplos ang ulo niya. "I think so baby." Hinanap ko ang card na nasa bulaklak at binasa ko ang laman non.

Good morning sunshine. I hope that you'll love these white roses. Enjoy your day and take care.

Tama nga ang sinabi ng nag-abot sa akin na walang nakalagay kung kanino ito galing. "From whom?" Lanaia said abd she's trying to reach the flowers. "Can I smell it?" She added.

Natatawa ko namang inilapit sa ilong niya ang bulaklak. "Oh I thought roses smells good." Lalo akong natawa sa sinabi niya.

Maging sila Landon at Lancelot tuloy ay nakiamoy at sumangayon sa sinabi ni Lanaia. Ibinaba ko ang bulaklak sa pwede patungan para punasan ng pawis ang mga bata sa likod. Pagkatapos ko silang mapunasan ay pumasok na rin kami agad sa loob.

Nakasalubong namin si ma'am Sarah na may hawak na isang bote ng wine. "Narinig ko sa kasambahay na may nagbigay daw sayo ng bulaklak." Sabay tingin nito sa bouquet na hawak ko.

"Ah opo ma'am. Hindi ko nga rin po alam kung kanino galing. Wala naman po kasing nakalagay sa card na pangalan."

Tumango ito. "Ang bagal ni Xenon. Hindi niya alam na nauunahan na siya." Bulong nito habang nakatingin sa bulaklak na hawak ko. Mahina lang ito kaya akala niya ay hindi ko siya narinig.

Nginitian niya ako pagkatapos. "Sige lalagay ko na 'to sa wine collection ng asawa ko. Pasalubong ng kumpare niya sa kanya galing Amerika. Sigurado ako na mamaya pag-uwi non ay mas uunahin pa niyang inumin 'to kaysa kumain ng hapunan."

Tumango ako at dinala na ang mga bata sa kwarto para paliguan. Nang mapaliguan ko ang mga bata ay ibinaba ko na ulit sila para maglaro ulit sa sala naman.

"Mommy. My tooth is aching." Naiiyak na sabi ni Lancelot habang sapo-sapo ang pisngi kung saan masakit ang ngipin niya.

Nilapitan ko siya agad para tignan ang ngipin niya. "Come on. Brush your teeth. Mawawala 'yan kapag nagbrush ka ng teeth baby." Tumango ito at nagpakarga sa akin.

"Lanaia and Landon behave for awhile okay. I'll just help Lancelot to brush his teeth."

"Okay mommy." Landon answered while playing blocks.

Mabilis ko namang dinala si Lancelot sa lababo kung saan may sipilyo rin sila saka ko siya tinulungan. Pero pagkatapos magsipilyo ay masakit pa rin daw ang ngipin niya kaya pinuntahan na namin si ma'am Sarah. Umiiyak si Lancelot habang panay ang daing na masakit ang ngipin niya.

"Tatawagan ko yung dentist nila." Sabi ni ma'am Sarah saka kinuha ang cellphone at may tinawagan nga.

Kami naman ni Lancelot ay bumalik sa mga kakambal dahil iniwan ko ang mga ito ng walang batay. Masayang naglalaro si Lanaia at Landon pero si Lancelot ay nakalingkis lang sa akin at maya't-maya umiiyak.

Ilang sandali pa ay pinuntahan kami ni ma'am Sarah at inalo si Lancelot. "Nasa medical mission yung dentist niya. Hindi raw niya maaasikaso si Lancelot ngayon. Bukas daw pwede. May alam pa akong dentist kaya lang malayo na rito. Magpapabili na lang muna ako sa kasambahay ng gamot na pang-alis ng sakit ng ngipin pansamantala. Ang problema lang ay baka hindi magustuhan ni Lancelot ang lasa non."

Binalingan ko si Lancelot na nakayakap sa akin ng mahigpit at hilam ang mga mata. "Try po muna natin ma'am Sarah. Kapag hindi po niya gusto ako na lang po ang magdadala sa kanya sa dentist."

Tumango ito at binalingan si Lancelot. "I told you to limit eating chocolates."

Tumayo na rin ito pagkatapos para magpabili sa kasambahay ng gamot pansamantala sa nananakit na ngipin ni Lancelot. Ang ginawa ko para hindi masyadong masaktan si Lancelot sa ngipin niya ay pinatulog ko siya. Nakatulog naman siya kahit na magtatanghalian pa lang. Dala rin siguro ng kaiiyak kaya napatulog ko.

Pagbalik ng kasambahay na bumili ng gamot ni Lancelot ay tulog pa rin ito kaya naasikaso ko si Lanaia at Landon sa tanghalian bago ko ginising si Lancelot. Binilin ni ma'am Sarah na pakainin ko muna si Lancelot bago gamitin sa kanya ang gamot dahil may lasa raw ito na hindi maganda. Asikasuhin ko raw si Lancelot at siya na raw muna ang bahala sa dalawa.

Pagkatapos kong pakainin si Lancelot ay inasikaso ko siyang magsipilyo at sinubukan nga naming dalawa ang gamot na para sa kanya. Pero hindi nga niya ito nagustuhan at naanghangan nga siya masyado sa lasa.

"Baby try mo lang. Mamili ka, masakit na ngipin o maanghang? Saglit lang naman yung anghang. Kapag nasanay ka na wala na yung anghang." Panunuyo ko sa kanya.

Umiling lang ito at umiyak na naman. Mabilis ko siyang dinala sa lababo para magmumog. Napahinga ako ng malalim saka ko siya dinala sa sala kung nasaan ang maglola. Nanunuod ang mga ito ng tv habang nakahiga sa tatami.

"Ma'am Sarah, hindi niya kaya yung anghang." Agad na sabi ko nang mapuntahan namin sila.

Nilingon niya naman kami. "Dalhin mo na kaya sa dentista. Ako na ang bahala sa mga bata."

"Tatawagan ko po muna si Xenon para magpaalam. Baka po mapagalitan ako." Tumango ito at bumalik sa panunuod ng tv.

"Sige. Papayag naman 'yon kasi hindi na kaya ni Lancelot ang sakit. Iyak na siya ng iyak. Hala sige, tawagan mo na si Xenon at nang madala na sa dentist itong makulit na chikiting na 'to. Nasobrahan 'to sa pagkain ng chocolate."

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa saka agad kong tinawagan si Xenon pero hindi ito sumagot. Sinubukan ko pa ng ilang beses pero ring lang ito ng ring.

"Ayaw sumagot?" Tanong ni ma'am Sarah nang mapansin niya na panay pa rin ang tawag ko sa cellphone.

Umiling ako. "Baka nasa kitchen at nagluluto. Siguro maraming customer. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Dalhin mo na siya sa dentist kaysa naman umiyak ng umiyak itong apo ko."

Tumango ako at inakyat si Lancelot sa taas para mabihisan ng pang-alis. "Masakit pa ba baby?" Tanong ko habang nilalagyan ko ng polbo ang mukha niya.

"Opo." Mahinang sabi nito.

Hinaplos ko ang buhok niya saka dinala pababa. "Konting tiis na lang. Pupunta na tayo ng dentist."

Yumakap lang ito sa akin at hindi na kumibo pa. Pagbaba namin ng sala ay sinabihan ako ni ma'am Sarah na sandali at may kukunin lang daw siya. Si Lanaia at Landon naman ay kasalukuyang tulog na sa tatami.

"Quebec, ito pambayad sa dentist." Sabay abot nito sa akin ng pera.

Umiling ako. "Nako ma'am Sarah, ako na po ang bahala sa bayarin. Hindi naman po mabigat sa bulsa ang magpabunot ng ngipin.

Umiling din ito at pilit pinakuha sa akin ang pera. "Ano ka ba namang bata ka?! Bakit ikaw ang magsasagot ng pampabunot ng ngipin ng apo ko? Mababawasan pa ang sasahurin mo niyan. Kunin mo na 'to kung hindi ay magagalit talaga ako." Pananakot niya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang kunin na lang ang pambayad.

"Hala sige, umalis na kayo ng mawala na ang sakit ng ngipin ng bata na 'yan. Mag-iingat kayo." Tumango ako at hinintay namin ang taxi na tinawag ng isang kasambahay.

Tahimik lang kaming dalawa ni Lancelot sa byahe. Hindi na ito umiiyak pero alam ko na masakit pa rin ang ngipin niya. Dinala ko siya sa dental clinic na alam ko at buti na lang ay bukas 'yon. Pagpasok namin sa loob ay may isang pasyente pa kaya hindi agad kami nasalang.

Nililibang ko si Lancelot habang naghihintay kami na matawag. Pero nang marinig niya na umaray ang pasyente na nasa edad siyam ay nakita ko na natakot siya. Kaya naman hinalikan ko siya sa nuo para kahit papaano ay mawala ang takot sa isip niya.

Nang kami na ang aasikasuhin ng dentista ay kumapit na sa akin si Lancelot at ayaw umupo sa upuan kung saan siya pinauupo ng dentista.

"Hindi 'to masakit. Parang kagat lang ng langgam." Pagpapakalma sa kanya ng dentista pero umiyak na siya at ayaw humiwalay sa akin.

"Baby, hindi mawawala 'yang sakit ng ngipin mo kapag hindi ka nagpabunot. Hindi naman masakit 'yon." Umiling ito ng malakas at lalong lumakas ang iyak. Kapag ganito siya ay hindi mo siya mapipilit.

"Dok ilalabas ko muna siya para kumalma." Nginitian naman ako ng dentista saka pinayagan na ilabas muna si Lancelot.

Pinakalma ko siya sa labas at nagawa ko naman. Kaya lang nang papasok na ulit kami sa clinic ay umiyak na naman siya at nagmakaawa na umuwi na kami. Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang iuwi na lang siya. Tinawagan ko si ma'am Sarah habang pauwi kami.

"Ma'am, hindi ko po napabunutan ng ngipin si Lancelot. Natakot po sa dentista. Iyak po ng iyak nung sisimulan na siyang bunutan ng ngipin."

Narinig kong napabuntong hininga ang lola niya nang matapos kong magkwento. "Wala tayong magagawa. May pagkamakulit talaga ang bata na 'yan. Siya rin naman ang masasaktan sa ngipin niya. Hayaan na lang natin na si Xenon na ang umasikaso sa kanya."

Sinagot ko ito ng opo at nagpaalam na ako para patayin ang tawag. Pag-uwi namin ay pinatulog ko na lang si Lancelot sa tabi ng mga kakambal niya.

Nang sumapit ang hapunan ay panay na naman ang iyak ni Lancelot. Gutom na siya pero hindi siya makakain dahil sa masakit ang ngipin niya.

"Ikaw naman kasi apo, hindi ka naman aanuhin ng dentista. Kung nagpabunot ka na kanina ng ngipin, sana magana kang kumakain kagaya ng mga kakambal mo." Pangangaral ni ma'am Sarah sa kanya.

"How about milk? You want milk?" I asked him.

Tumango siya. "Milk ka muna ngayon. Kung gusto mo lagyan ng oats para hindi ka agad magutom." Suggest pa ng lola niya. Kumakain naman ito ng oats kaya nilagyan ko na lang ng oats ang gatas niya para kahit papaano ay may laman ang tiyan niya bago matulog.

Naubos naman niya ang gatas at oats kaya tumigil na ito sa pag-iyak dahil busog na. Pagkatapos ko silang asikasuhin sa hapunan ay inakyat ko na sila sa kwarto para linisan sandali at nang makatulog na sila.

Nahirapan akong patulugin silang tatlo dahil iyak na naman ng iyak si Lancelot kaya si Lanaia at Landon ay hindi makatulog kaya nagsi-iyakan na rin. "Tahan na mga baby ko. Tulog na kayo. Hindi ko kayo iiwan."

Nagsi-iyakan pa rin sila hanggang sa naabutan nga kami ni Xenon sa ganong sitwasyon. Medyo ginabi na kasi siya ng uwi kaya hindi namin siya nakasabay maghapunan.

"Nasabi sa akin ni mama ang nangyari kay Lancelot." Bungad sa akin ni Xenon saka kinuha sa akin si Lancelot. Bumulong pa siya sa akin bago tuluyang lumayo. "You like the white roses?"

Sinalubong ko ang tingin niya. "So it's you? Wala kasing pangalan na nakalagay."

Kinindatan niya ako habang inihehele si Lancelot. Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit pero heto siya at inaasikaso na agad ang anak.

"Alam ko kasi na makikiusyoso na naman sila mama. Hayaan mo muna sila na mag-isip kung sino ang nagpapadala sayo. Let's make this setup more thrilling." Nakangiti niyang sabi.

Tumayo ako at bumulong din sa kanya. "Hindi naman ako pumayag na ligawan mo ako."

"Oh come on. The moment you open your legs for me the other night, that's the start."

Pinandilatan ko siya ng mata. Inginuso naman niya si Lanaia at Landon na nasa kama na ngayon at unti-unti ng nakakatulog.

"Takot na takot sa dentista si Lancelot. Narinig niya kasi yung nauna sa amin kanina na umaray sa sakit."

Napailing ito. "Ako na ang bahala sa kanya. Ako na ang sasama sa kanya bukas at wala siyang magagawa kahit maglupasay pa siya."

Umiling ako. "Baka naman matrauma si Lancelot sa gagawin mo."

"Hindi 'yan." Pagkaraan ay kinausap niya si Lancelot na gustong-gusto ng matulog pero hindi magawa dahil sa sakit ng ngipin. "Masakit pa ang ngipin mo Lancelot?"

Tumango ang bata. "You want to use the liquid earlier. It's spicy but I assure you that it's very effective."

Umiling ito pero hindi nakinig si Xenon. "Quebec saan mo nilagay yung ginamit niyo kanina? Hindi magpapatulog ang bata na 'to magdamag."

"Kukunin ko sa baba." Tumango ito at hinayaan akong lumabas.

Narinig ko pa nga si Lancelot na nag-umpisa na namang umiyak dahil sa ayaw niyang subukan ang ibinili sa kanya kanina na parang tubig ang itsura pero may amoy ito at maanghang kapag ipapatak sa ngipin na masakit.

Nang makuha ko ito ay bumalik din agad ako sa kwarto nilang mag-a-ama at inabot ko ito kay Xenon. Dinala naman ni Xenon si Lancelot sa banyo para hindi gaanong maingay ang pag-iyak nito dahil magigising tiyak si Landon at Lanaia na ngayon lang nakatulog.

Tumagal din sila ng ilang minuto sa banyo at paglabas nila ay basang-basa ang mukha ni Lancelot ng luha habang tikom na tikom ang bibig. Agad akong nag-alala sa kanya kaya nilapitan ko siya. Yumakap naman siya agad sa akin kaya binuhat ko siya.

"Ano nangyari?" Tanong ko kay Xenon na nakasunod kay Lancelot palabas ng banyo.

"Napilit ko rin. Minsan kasi kailangan kong maging matigas sa kanila para sumunod sila. Pero alam ko na maanghang talaga pero tanungin mo siya kung masakit pa ang ngipin niya." Sabi ni Xenon at nagpaalam sandali na magbibihis na ng pantulog.

Sinilip ko naman si Lancelot pero patulog na ito. Mukhang gumana na nga ang gamot na binili pansamantala para sa kanya. Hinalikan ko ito sa nuo saka ko inayos ang parte ng kama kung saan ko siya ihihiga. Nang maihiga ko siya ay kinumutan ko na rin siya.

"I love you babies. Sweet dreams."

Pinagmasdan ko muna sila ng ilang segundo hanggang sa lumabas na si Xenon ng banyo na nakapantulog. Agad siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi.

Tinulak ko siya agad. "Ano ka ba?! Sa harap talaga ng mga bata?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

"Tulog naman sila saka future mommy naman nila ang hinahalikan ko."

Inirapan ko siya. "Ewan ko sayo. Diyan ka na nga. Bababa na ako."

Nginitian niya ako ng pilyo. "I love you. Dream of me baby!" Pahabol pa na sabi niya na lalo kong ikinainis. Hindi ba niya naisip, paano kung may makarinig sa kanya!

Continue Reading

You'll Also Like

8.3K 211 44
Montevilla Series 1 Kendell Clint Montevilla Hate na hate ni Rosette Divina Asuncion ang mga bakla, dahil sa bakla rin siya ipinagpalit ng ex-fiance...
82.9K 1.6K 19
Mia Bianca Antonio is a traveller, a rare insect eater, loves to paint and a freesoul. She left home to explore her limitations & wanting to create h...
132K 3.8K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2
139K 3.7K 59
"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niy...