Falling Into The Depth

By 1wannabefr33

14.1K 429 57

DEVOZIONE ISLAND SERIES #2 THE POLICE Police Lieutenant Fritillaria Amapola Galvez is the badass woman you'll... More

Falling Into The Depth
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20

Kabanata 5

402 17 2
By 1wannabefr33

Cussed

Kinuha ko ang cellphone ko at palihim na dinial ang numero ni Reyes. Nilagay ko ito sa tenga ko nang hindi inaalis ang tingin kay Gauge.

Nanatili itong nakangiti sa 'kin habang sakal-sakal siya ng lalaking nakabonet. Pinanlisikan ko siya ng mata ngunit hindi pa rin nito inaalis ang ngiti niya habang nakatingin sa 'kin.

Gago talaga siya. Siya lang ang nakita kong hinohostage na nakangiti pa rin. Tuwang-tuwa ang gago.

"Sup Lieutenant. Napatawag ka? Namiss mo 'ko---"

"Pumunta kayo rito sa Rosso Mall sa Quezon Ave. May nagaganap na robbery dito. Ninanakawan ang isang Jewelry Shop at may ginawang hostage. Bilisan niyo at wag kayong kukupad-kupad." nagmamadali kong sabi bago ko binaba ang tawag.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. I need to calm down para makapag-isip ako ng plano. Plano para iligtas na naman ang bwesit na lampang 'to.

Wala na siyang ibang ginawa kundi ipahamak ang sarili niya. He caused too much trouble. Nakakaabala pero hindi ko alam kung bakit patuloy ko pa rin siyang sinasagip.

Nagmulat ako ng mata at bumungad agad sa 'kin ang nakangiti nitong mukha. Kinuyom ko ang kamay ko sa inis at sinuklay pataas ang buhok.

God! Sobrang konsumisyon ang nakukuha ko sa lalaking 'to. Tatanda akong maaga dahil sa kabobohan ng taong 'to.

Nagulat ako nang biglang may nagpaputok ng baril. Ang akala ko ay ang mga magnanakaw ang salarin ngunit isang gwardya pala ang gumawa no'n.

"Itigil niyo 'yan! Paparating na ang mga pulis kaya sumuko na kayo hangga't maaga pa!" sigaw ng gwardya.

Napatapik na lang ako sa noo ko dahil sa inis. Like what the fvck! Suicide 'yang ginagawa niya. Bobo ba siya? Hindi ba siya nag-iisip?

Ang lakas ng loob niyang magbanta sa mga magnanakaw ng mag-isa lang samantalang ang kalaban niya ay lagpas sampo. Anong laban niya d'yan? At talaga inexposed niya pa na parating na ang mga parak.

Ang bobo anak ng putcha.

"Hindi kami kasing bobo mo tanda!" sigaw ng isa sa mga nakabonet at nagpaputok ng baril sa pwesto ng gwardya.

Pigil hininga ko namang tiningnan ito at napahinga nang mabilis na nakatago ang gwardya. Pakshet! Muntikan na 'yon ah.

"Pst! Hoy guard!" tawag ko sakanya.

Mukhang narinig niya ako kaya nagpalinga-linga ito hanggang sa mahanap niya ako. Kumunot ang noo nito habang nakahawak pa rin sa baril.

"Anong ginagawa mo dito ineng? Umalis kana dahil delikado rito." umiling naman ako at kinuha ang identification card ko at pinakita sakanya.

"Pulis po ako kaya wag kayong mag-alala." mukhang nagulat pa ito sa sinabi ko ngunit kalaunan ay tumango na rin.

"Hindi po tama ang ginawa niyo kanina. Muntik pa kayong mabaril dahil sa ginawa niyo." ngumiwi naman ito at nagkamot sa ulo.

"Wala na akong ibang naisip. Hindi ko kaya na titigan na lang ang mga inosenteng tao na umiiyak at nagmamakaawa na makalaya mula sa mga salbahing nilalang na 'yan."

Bumuntong hininga na lang ako at palihim na sumilip sa loob ng shop. Nakita ko silang nagmamadaling kinukuha ang mga alahas sa istante habang ang lalaking may hawak kay Gauge ay sumisigaw. Tila ba pinapagalitan niya ang mga kasamahan niya.

Hindi ko na kasi sila marinig dahil malayo na ang pwesto ko sakanila. Mahirap na, baka makita pa nila ako at mapahamak. Wala pa naman akong dalang armas.

Paano ako makakadala ng baril kung sa mall ang punta ko. Baka mabilanggo pa ako dahil sa dala kong deadly weapon. Hindi ko naman inexpect na may mangyayaring ganito.

Kapag talaga nakikita ko ang lalaking 'yon, lagi na lang may gulo. May balat ata sa pwet ang lampang 'yon.

"Ako na po ang bahala rito. Paparating na rin naman ang mga kasamahan ko. Umalis na po kayo dahil delikado kayo rito. Isipin niyo po ang pamilya niyo kung sakaling may mangyaring masama sainyo."

Tila naman nag-isip ito at hindi nagtagal ay huminga ito nang malalim. Ngumiti ito sa 'kin at tumango.

"Ano ba ang maitutulong ko sa 'yo ineng?" nakangiti nitong tanong.

Nilingon ko si Gauge at bahagyang nagulat nang makita ko itong nakatingin sa direksyon ko.

How? Ang layo ko na at nakatago na ako pero alam pa rin niya kung nasaan ako. Ang weird talaga ng lalaking 'yon.

"Pahiram po ako ng baril niyo. Ako na po ang bahala rito." nakangiti kong sabi sakanya.

Nakangiti naman itong tumango at pinasayad ang baril papunta sa direksyon ko. Agad naman akong umupo para abutin ang barin na tinapon niya mula sa sahig.

Tumayo na ako nang makuha ko ito at sumaludo sakanya. Ngumiti naman ito at sumaludo pabalik.

"May kailangan ka pa ba?"

Nag-isip naman ako dahil sa tanong niya. Ano pa bang kailangan ko bukod sa pagpatay sa lalaking nagngangalang Gauge?

"Alam niyo po ba kung may ibang daan papasok sa Jewelry Shop?"

"Nako, hindi eh." tumango na lang ako sakanya at kinasa ang baril na hawak ko.

"Gano'n po ba.. pwede na po kayong umalis manong. Baka mapahamak pa kayo kapag nagtagal pa kayo."

"Ako. Alam ko ko kung saan ang ibang daan papasok sa Jewelry Shop na sinasabi mo." bahagya pa akong napatalon sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod ko.

Nilingon ko naman ito at nakita ang isang babaeng medyo matangkad na nakasuot ng unipormeng...

"Teka... isa ka ba sa mga staffs sa Jewelry Shop?" ngumiti naman ito at tumango.

Sabi na eh. Kapareho kasi ng suot niya ang nakita kong suot ng karamihan sa loob ng Jewelry Shop.

"Tama ka. Nagpa-alam ako saglit na magbabanyo at hindi ko alam na may mangyayari na palang ganito." malungkot nitong sabi.

Agad akong lumapit sakanya at hinawakan ang balikat niya. Hindi ito ang oras para magdramahan kaya kailangan na naming kumilos.

"Nasaan ang daanan? Ituro mo sa 'kin para maisalba natin ang buhay ng mga katrabaho mo." nagmamadali kong sabi sakanya.

Atat na kung atat. Kailangan ko ng magmadali dahil baka ang maabutan ko na lang ay ang nakahandusay na lantang katawan ng lampang si Gauge.

Tinapunan ko pa ng tingin si manong guard at ngumiti sakanya. Ngumiti naman ito bago naglakad papaalis. Sinundan ko ang babaeng nasa harap ko hanggang sa nasa harap na kami ng itim na kurtina.

"Seryoso? May daanan dito sa Toy store?" hindi makapaniwalang sabi ko habang nililibot ang tingin sa loob.

"Yes po. Ang may-ari kasi ng Jewelry Shop ay ang may-ari rin ng Toy Store na 'to. Nilagyan ng secret passage dahil may anak itong three years old na mahilig sa tagu-taguan."

Kinumpas ko naman ang kamay ko at mahina siyang tinulak para makadaan ako sa secret passage na 'to.

"Hindi ako interesado sa history ng lagusang 'to. Tell me, saan patungo ang daanang 'to?"

"Dirediretsohin mo lang 'yan at lalabas ka sa counter ng Jewelry Shop kaya kailangan mong dumapa para hindi ka nila makita."

Tumango naman ako sakanya at nagpasalamat. Agad kong hinawi ang kurtina at bumungad sa 'kin ang madilim na paligid. Kinapa ko sa bulsa ko ang cellphone at binuksan ang flashlight nito.

Nang sa tingin ko ay malapit na ako sa labasan ay agad kong pinatay ang ilaw at gumapang habang nakahawak ng mahigpit sa baril. Bahagya kong hinawi ang kurtina at bumungad sa 'kin ang maliwanag na ilaw.

Agad akong nagtago nang may dumaang lalaking nakabonet sa harap ko. Fvck! Muntikan na 'ko do'n.

Muli akong sumilip at nakahinga ng maluwag nang wala na akong nakitang umaaligid sa pwesto ko. Agad akong gumapang papunta sa ilalim ng counter at sumandal doon.

Malalim ang paghinga ko at tumatagaktak na rin ang pawis ko. Dahan-dahan akong sumilip mula sa taas ng lamesa at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Gauge na malapit lang sa 'kin. Hanggang ngayon ay hawak pa rin siya sa leeg ng nakabonet habang may nakatutok na baril sa ulo niya.

Bumalik ako sa pagkakasandal at huminga ng malalim. Think Fritillaria. Paano mo maliligtas ang lalaking 'yon? Tangina sana naman gumana ang utak ko ngayon.

May naisip ako. But I don't think na gagana agad 'to. But I will try. Alam kong malakas ang pakiramdam ng mokong na 'yon.

Muli akong sumilip sa taas at mariing tinitigan si Gauge. C'mon, please gumana ka. Mas nilaliman ko pa ang titig sakanya yung tipong sobrang bigat na para maramdaman niyang may nakatitig sakanya.

Muntik na akong mapasigaw nang gumalaw ito at nagpalinga-linga sa paligid. That's right! Tumingin ka sa likod mo gago.

I don't know ha. And im not sure pero parang ang lakas talaga ng radar naming dalawa kapag ganito ang eksina. Alam mo 'yon, yung konting galaw mo lang. Ramdam niyo na agad ang isa't-isa. Parang lumalakas ang pakiramdam namin kapag ganito eh.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong ngumiti nang magkatagpo ang mata namin. Nakita kong namilog ang mata nito na parang hindi makapaniwalang nakikita niya ako ngayon.

Akmang magsasalita ito nang nilagay ko ang isa kong daliri sa bibig ko para sabihing wag siyang maingay. Kumunot naman ang noo nito at ngumuso sa 'kin. Inirapan ko na lang siya at tinanggal na ang daliri sa bibig.

Pumikit ako nang mariin bago siya tiningnan sa mata. Nagkatitigan kami ng ilang minuto na parang binabasa namin ang isa't-isa.

Hindi ko alam kung magwowork 'to pero itatry ko pa rin. I remember our first encounter. Noong nasa gitna rin kami ng barilan at isang tingin ko lang sakanya ay nalaman niya na agad kung anong plano ko.

And hopefully, na gumana ulit 'yon. Yun na lang ang alam ko para makipagcommunicate sakanya. I know it's impossible, pero nagawa na namin 'to. At naniniwala akong magagawa ulit namin 'yon.

Kinagat ko ang labi ko para pigilang lumabas ang ngiti ko nang ngumiti ito sa 'kin at tumango.

Fvck! How can he do that? Minsan may pagkafreak din talaga siya eh. Is he a mind reader? Pero walang gano'n eh. Then how come na nababasa niya ang isip ko?

Katulad ngayon. I just look at him for a minute at mukha nagets niya na ang ibig kong sabihin. He's really a freak, a fvcking handsome freak.

Nagsimula na itong magsway ng paunti-unti paatras. Hindi naman 'yon napansin ng nakabonet kaya nagpatuloy ito sa paggalaw paatras. Yung parang hinehele ng ina ang anak sa bisig.

Hindi namamalayan ng lalaking may hawak sakanya na nasa likod niya na ako. Agad kong nilibot ang paningin ko at nang makita kong busy ang mga kasamahan niya sa pagkuha ng alahas ay agad kong kinapa ang leeg niya at may ginalaw na ugat para patulugin siya.

Agad namang sinalo ni Gauge ang katawan nito at hinila papasok sa counter kung nasaan ako. Nginisihan ko siya at tinapik ang balikat.

"May silbi ka rin pala, Lampa. Not bad huh." ngisi kong sabi sakanya.

Tiningnan pa nito ang kamay kong nakahawak sa balikat niya kaya agad ko itong binawi. Pinanlisikan ko siya ng mata nang tumingin ito sa 'kin ng may malisya.

Assuming ampota.

"Mas makikita mo ang silbi ko kapag ako naging boyfriend mo."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Natawa ito at mabilis na pinisil ang pisngi ko.

What the fvck! Ano raw? Boyfriend? Mamatay na lang ako. Gago yaks! Never. Hindi ko siya type at hinding-hindi ko siya magiging boyfriend. Over my dead gorgeous as hell body.

"Kulang ka lang sa tulog boy." naiiling kong sabi sakanya.

Ngumuso naman ito at kumamot sa batok. "Takot ka lang kasi baka mabaliw ka sa 'kin." ngumiwi naman ako sakanya at akmang babatukan siya nang biglang may sumigaw.

"Asan na si Kaloy? Pati yung hostage niya wala rin. Tangina hanapin niyo!" sigaw ng sa tingin ko ay kasamahan ng pinatulog ko ngayon.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Gauge at tila umusok ang ilong ko nang nakuha pa nitong kumindat.

Walanghiyang lalaki 'to. Nanganganib na ang buhay namin, nakuha niya pang lumandi.

"Should we fight them, Lieutenant?" walang emosyon ko naman itong tiningnan.

"Anong we? Ako lang. Ang lakas mong mag-aya na sumugod eh lampa ka naman." irap kong sabi sakanya.

Ngumisi lang ito at nagkibit balikat. Napanganga ako nang bigla niyang sakalin ang lalaking nakahandusay sa sahig.

"What the fvck! Anong ginagawa mong loko ka?" gulat kong tanong sakanya.

Inosente itong tumingin sa 'kin at mas diniinan pa ang pagkakasalkal sa walang malay na lalaki. Nataranta naman akong lumapit sakanya at inalis ang kamay niya sa leeg ng lalaki.

"Gumanti lang ako baby. Mas malala nga ang pagkakasakal niya sa 'kin kanina eh."

Nagsalubong naman ang kilay ko sakanya at tiningnan ang walang malay na lalaki. Malakas ko siyang tinulak kaya napaupo ito sa sahig. Pinanlisikan ko ng mata ang lalaking nakahandusay at mariin itong sinakal.

Narinig ko ang mahinang pagsinghap ni Gauge at nagmamadali nitong kinuha ang kamay kong nakasakal sa leeg ng lalaki. Nagpumiglas naman ako pero mahigpit niya akong niyakap sa likod kaya bigla akong nabato.

"What are you doing baby? Parang kanina lang pinipigilan mo 'ko ah." bahagya pa akong nakiliti nang magsalita siya sa tenga ko.

Agad naman akong nagpumiglas at tinulak siya papalayo. Inayos ko ang nagulo kong buhok bago siya inirapan.

"Hindi lang ikaw ang pwedeng gumanti, Gauge. Igaganti rin kita."

Pati ako ay nagulat sa sinabi ko. Potangina, ano 'yon? Bakit may gano'n? Ano bang nangyayari sa 'kin what the fvck!

Bakas din ang gulat sa mukha ni Gauge at namumula pa ang tenga. Nag-iwas naman kami ng tingin at bahagyang napatalon sa gulat nang may sumigaw sa harap namin.

"Potangina may kalaban!" sigaw ng nakabonet kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Gauge.

Tumango kaming dalawa bago 'ko binaril sa balikat ang sumigaw. Malakas itong dumaing at napaupo sa sahig. Agad namang napatingin sa 'min ang mga kasamahan niya at tinutukan kami ng baril.

Agad akong dumapa kasama si Gauge para iwasan ang mga tumatamang bala. Dumaing ako nang may tumusok na salamin sa aking paa.

"Fvck! What happened baby?" gulat ko naman siyang tiningnan.

Tama ba ang narinig ko? Did he fvcking cussed? Wow! For the first time in forever ha.

Uminit naman ang pisngi ko nang matauhan na sobrang lapit na pala namin sa isa't-isa. Parang isang dangkal na lang at magtatagpo na ang labi namin.

Kumurap ako at agad na umalis sa ibabaw niya. Mahina akong dumaing nang maramdaman ko ang bubog sa paa ko. Nakita ko namang nataranta si Gauge at hinawakan ang mukha ko.

"What happened to you? Anong masakit? Hey! Magsalita ka naman." natatarantang sabi nito.

Magsasalita na sana ako nang may nagpaputok na naman sa banda namin. Nagulat ako nang si Gauge naman ang nakadagan sa 'kin. Ilang minuto pa kaming nagkatitigan hanggang sa matauhan na ako at agad siyang tinulak.

Ano 'to. Unlimited titigan kahit nasa panganib na? Nakakaloka...

"Itaas niyo ang inyong mga kamay! Sumuko na kayo dahil napapaligiran na namin kayong lahat!" ngumisi naman ako nang marinig ko ang boses ni Reyes.

Mabuti naman at dumating na sila. Kahit kailan ang kukupad talaga nila.

"Hey! Should we escape na?" tinaasan ko naman ito ng kilay.

Taray! Ang conyo ng lampang 'to ah..

"Geh, una kana." ngumuso naman ito sa sinabi ko.

"Ang sungit mo talaga, Lieutenant. Should I kiss you para lumambot kana?"

Pinanlisikan ko naman ito ng mata at agad na umiwas ng tingin. Kinuha ko na ang baril ko para pagtakpan ang namumula kong mata.

Tangina kasi eh.. kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bunganga niya.

"Anong susuko? Walang susuko mga gago!" sigaw ng isang nakabonet habang hawak ang isang malaking bag na puno ng alahas.

Napailing na lang ako at inayos ang hawak sa baril at tinutok iyon sa kanya. Walang nakabantay sa 'min dahil lahat sila ay nakatutok sa mga pulis. Hulaan ko, mga naiihi na 'yan sa kaba.

"Dito ka lang. Wag na wag kang aalis dito. At sinasabi ko sa 'yo, kapag sinuway mo na naman ako. Wag na wag kana sa 'king magpapakita. Naiintindihan mo?" banta ko habang nakatutok ang isang daliri ko sa harap niya.

Lumunok naman ito at nagbaba ng tingin. Nagtaka naman ako when he looks at me like he saw a ghost.

"B-baby... your leg is bleeding." nanginginig na sabi nito.

Hahawakan niya na sana ito nang pigilan ko siya. "Alam ko. Lahat ng tao ay may dugo kaya wag kang oa." irap kong sabi.

"But--"

"Tumahimik ka na lang. Dito ka lang ha. Isa pang suway mo sa 'kin. You'll be dead as meat."

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad na sumugod sa mga magnanakaw. Nagpalitan na kami ng bala at mabuti na lang at nakatakas na ang mga sibilyan.

"Alam mo miss. Umalis kana lang. Pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa babae." mahanging sabi ng nasa harap ko.

"Gano'n ba? Ako kasi pumapatol ako sa mga lalaki." ngisi kong sabi at agad siyang sinipa sa tiyan.

Napaatras naman ito ngunit agad ding nakabawi. Yumuko ako nang susuntukin niya sana ako. Puro iwas lang ang ginagawa ko hanggang sa mapagod na siya.

Tutuhurin ko na sana siya sa tiyan nang mahawakan nito ang tuhod ko at nang-uuyam niya akong tiningnan. Tinaasan ko siya ng kilay at nginisihan.

I have no choice but to punch him on his hideous face. Sinapo nito ang mukha niya at nagdadaing. Hinawakan ko naman ang kamay ko at kinagat nang mariin ang labi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Everyone has a weakness. At sa kaso ko, ang kamao ko ang kahinaan ko. Kaya nga more on sipa ako kasi that's my strenght. Madali akong masaktan kapag ang kamay ko ang ginagamit ko.

Akmang susugod ulit sa 'kin ang sinuntok ko nang agad akong maka-ilag at sinipa siya mula sa likod. Hinila ko ang buhok niya at nanggigil na pinukpok ang ulo niya sa istante ng mga alahas. Naglikha ito ng malakas na tunog at puno na ng dugo ang mukha nito.

Binitawan ko siya at inayos ang buhok. Nilingon ko na ang mga kasamahan ko na ngayon ay nakangangang nakatingin sa 'kin.

Tinaasan ko lang sila ng kilay at binalingan si Gauge na nakasilip na parang bata sa akin. Pinigilan kong matawa dahil para siyang batang musmos na nag-aabang ng kendi.

Hindi rin nagtagal ay nahuli na ang mga magnanakaw. Dinala na sila sa presinto habang kami naman ay nasa labas na ng mall. May medic na rin na nag-aaskaso sa 'ming mga nasugatan kanina.

"Ako na Miss. Sa iba ka na lang mang gamot, ako nang bahala rito." umirap naman nang biglang sumingit si Captain Pineda.

Nandito pala 'to. Sabagay, lagi naman 'yang sumusulpot na parang si... teka! Nasaan na nga pala ang lampang 'yon? Kanina ko pa siya hinahanap eh, saan na naman kaya nagsususuot ang lalaking 'yon.

"Aray! Ano ba... hindi ka naman ata marunong eh. Ako na nga d'yan." inis kong sabi at inagaw sakanya ang first aid kit.

Nagsalubong naman ang makakapal nitong kilay at muling inagaw sa 'kin ang hawak ko. Aagawin ko sana ulit 'to nang ilayo niya ito sa 'kin kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Wag nang matigas ang ulo. Sugod ka kasi nang sugod kaya ayan. Pinapahamak mo lang ang sarili mo." pang sesermon nito habang nililinis ang sugat ko.

"Wala kang pake okay? Bilisan mo na lang dyan nang maka-alis na 'ko." ngumuso naman ito at tumango.

Pinagmasdan ko lang si Uno sa paglilinis sa sugat ko. Okay naman siya eh... he's okay when we were together. Mabait, maalaga at sweet. Ang kaso madaling matukso.

No hard feelings naman na. Past is past and I don't want to talk about the past. I know that he's still hitting on me. But... wala na talaga. Matagal ko ng natanggap na hanggang do'n na lang.

"Baby!"

Agad naman akong napataas ng ulo at bumungad sa 'kin ang tumatakbong si Gauge papunta sa direksyon ko. Ang kaninang nakangiti nitong mukha ay napalitan ng walang emosyon. Tumigil din ito sa pagtakbo nang tumingin ito kay Uno na siyang nakatingin din sakanya.

"Ikaw ba ang tinatawag niyang b-baby?" hindi ko pinansin ang sinabi ni Uno at nanatiling nakatingin sa walang emosyong naglalakad na si Gauge.

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya. Parang manlalapa na ng tao eh. At habang naglalakad siya, parang may itim na usok ang nakayakap sa katawan niya. Parang modern demonyo lang eh..

Pero totoo, nakakatakot siya ngayon. Ang lalim kung tumitig eh. Ngumuso naman ako nang makalapit na siya sa 'min.

"Why are you touching my baby's leg?" walang emosyon nitong sabi habang matalim na nakatitig kay Uno.

Kumunot naman ang noo ni Uno at tumayo kaya pareho ko silang tiningala dahil nakaupo lang ako. Pareho silang nagtitigan na parang binabasa nila ang isa't-isa.

Talaga palang matangkad 'tong si Gauge. Matangkad 'yang si Uno eh. Pero lumamang ng dalawang pulgada ang taas ni Gauge kay Uno. Pero halos magkatanggad na rin naman sila.

"Eh ano naman? And why are you calling her baby? Bakit kayo ba?" maangas na sabi ni Captain

Okay... I can feel the tension na ha. Ano bang meron? Kung hindi ako nagkakamali... ngayon lang sila nagmeet. Pero kung umasta sila parang magkaaway na sila ng ilang taon.

"We're not together. But soon, we will. So fvcking back off." matigas nitong sabi sa mukha ni Uno.

Pakshet! Pangalawang mura niya na 'to ngayong araw. Wow! The improvement grabe... akala ko takot siyang magmura eh. Nice, mukhang tumatapang na si lampa.

But wait... ano raw? Soon we will? Ay ewan hindi ko nagegets kasi namamangha pa rin ako sa pagmumura niya. Ang lutong bestie, mas malutong pa sa crispy pata.

"Gising tol. Mukhang lunod na lunod kana dyan sa imagination mo. Hindi ka papatulan ni Pretty. Mukhang lalamya-lamya ka eh." sabi nito at tumawa ng malakas.

Tumaas naman ang kilay ko at pinagkrus ang kamay sa dibdib. Sabagay, hindi naman talaga ako papatol kay Gauge no. At wala akong balak na makipag relasyon sa kahit sino. Kotang-kota na 'ko sa potanginang 'yan kaya wag na lang.

Ang saya kaya maging single.

"Is that it? How sure are you that im a weak person? Gusto mo bang masampolan?" maangas na sabi ni Gauge at tinulak ang dibdib ni Uno kaya bahagya itong napaatras.

Agad naman akong tumayo at pumagitna sa kanila. Hindi ko na ininda ang kumikirot kong sugat sa paa. Tangina kasing Gauge 'to eh. Nagyayabang na naman tapos pag nasugatan ang mukha, magpapaawa.

'Yun na lang nga ang asset niya, mawawala pa.

"Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata." sigaw ko sakanila at agad na kinuha ang hawak na first aid kit ni Uno.

Dinuro ko ang mga mukha nila at pinag-iirapan sila. Iniinis nila 'ko eh. Sinira nila ang day-off ko, mga walanghiya.

"Ako na ang gagamot sa sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit isa sainyo. Naiintindihan niyo 'ko?" taas kilay kong sabi at tinalikuran na sila.

"I'm sorry baby. It's just that... your dumbass ex here is fvcking annoying." gulat ko namang nilingon si Gauge

Tangina.. pangatlo na 'to. Mukhang nagugustuhan ko na ang pagmumura niya ah. Well, his fvcking hot when he cussed. Okay... that's gross.

At teka... paano niya nalaman na..

"Paano mo nalaman na ex ko siya?" ngumisi naman ito at nakapamulsang binangga si Uno.

Akmang susuntukin ni Uno si Gauge nang pagtaasan ko ito ng kilay. Ayoko lang ng gulo. Kakagaling ko lang sa bakbakan tapos may dadagdag na naman. Tangina pagpahingahin niyo naman ako.

Nakangisi naman itong tumigil sa harap ko kaya tumingala ako. Nilapit nito ang mukha niya sa 'kin kaya agad akong lumayo. Tumawa ito nang mahina at muling lumapit sa 'kin... sa tenga ko pala.

Ang assuming ko rin eh. Akala ko kasi ano...

"I know everything about you, Lieutenant. Everything..." paos nitong bulong at ngumisi bago ako nilagpasan.

Continue Reading

You'll Also Like

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...