Heart Over Mind (gxg)

By gawkytho

113K 1.8K 87

Hey guuysss!! :)))) GxG po itong story na to, Kung Di po Kaya ng sikmura nyong basahin to then go! leave thi... More

Prologue
Chapter 1: Meet the Main Characters
Chapter 2: Meet the Other Characters
Chapter 3: Ice Cream Fight
Chapter 4: Exchange Partners
Chapter 5: Exchange Partners 2
Chapter 6: War
Chapter 7: Who's Joshua and Kyle?
Chapter 8: Sarcasm of Me
Chapter 9: Peace Offering
Chapter 10: Fieldtrip
Chapter 11: Meet Ate Dean's Lister
Chapter 12: Kiss
Chapter 13: Is It The End?
Chapter 14: For me, it's the end
Chapter 15: End of Bestfriendship (The Official)
Chapter 16: Patulong Naman Oh
Chapter 17: Open Forum
Chapter 18: Mutual Feelings ?
Author's Note
Chapter 19: Dencio and Dyosa
Chapter 21: Yes
Chapter 22: Varsity Player
Chapter 23: Gonna Live With You
Chapter 24: Confession
Flashback 1
Flashback 2
Chapter 25: FIRST DAY AND FIRST KISS

Chapter 20: The Plan

2.6K 51 0
By gawkytho

Edgar's POV:

Kasalukuyan akong nandito sa mall kasama ung mga teammates ko. Katatapos lang kasi ng practice namin, Kaya eto gala gala muna kahit class hours excuse kasi kami sa mga class namin

Alam nyo ba paano manligaw readers?? kung Oo, tulungan nyo naman Ako oh

May gusto kasi akong ligawan and Di ko alam kung papaano, hehe *kamot sa ulo*

wala pa kasi akong nagiging gf kahit isa, pinangako ko kasi sa sarili ko na pag Ako nagkaroon ng girlfriend sya lang ang first at ang magiging last ko. Corny ba?? Heheh pasensya na, ganito tlga Ako e

marami na akong naging crush pero sa kanya ko lang naramdaman tong tinatawag nilang love. Ewan ko ba, pero kasi prang may something sa kanya na wala sa iba. Hindi ko rin ma-explain kung bakit ganito Ako kabaliw sa kanya

Owww. Kilala nyo na ba sya?? Hmmm sa tingin ko Hindi pa ata e. Ano? sasabihin ko ba? Haha. Sya lang naman si......

*drum rolls*

*drum rolls*

*drum rolls*

*drum rolls*

......

DENNISE MAE PARKER <3

ang ganda nya kasi *o*  

Haayssss ang sarap ng feeling pag in love :)))

Pero may plano na rin Ako sa panliligaw ko sa kanya. Kaso nga lang, prang natatakot Ako. Baka kasi mamaya, i-reject nya Ako tapos mapahiya pa Ako diba?

Pero dibale na, basta para sa taong mahal ko gagawin ko ang lahat. I really really love her that much that I can do everything for her

shocks, corny ko! HAHA XD

"Oh pare? Ngi'ngiti ngiti ka dyan ng mag isa ah. Si dennise nanaman nasa isip mo noh?" tanong ni kyle sa akin ng may ngiting nakakaloko sa labi nya at sabay siko sa akin. Katulad ko ay swimmer din sya pero silent type sya pagdating sa taong mahal nya. Pero kahit na silent type yan, haayy nakuu daig pa ang nakawala sa mental pag iyan gumawa ng kalokohan

"Ibang iba na tlga pag in love p're. Pagpahingain mo naman si dennise, baka pagod na yan kakatakbo sa isip mo" panggagatong naman ni mark at nag apir pa sila ni erick

Si mark at erick ay kambal and ka team ko rin sila. Pero kahit na halos magkamukha na sila ay Grabe ang agwat ng ugali ng dalwang yan

Si erick ung tipo ng lalake na kung maka asta eh parang gangster at Hindi rin sya mahilig pagdating sa love life love life na yan. Ayaw nya rin sa mga Babae at pili lang ung mga kinakaibigan nyang babae

Si mark naman ay ang talagang PINAKAMAGULO at PINAKAMALAKAS ANG TRIP sa aming magbabarkada. Chickboy din yan at halos linggo linggo ay iba iba ang gf nya. Minsan nga sa sobrang dami nyang syota Hindi nya na alam ung mga pangalan. Ewan ko ba, Hindi pa ata nagseseryoso yan pagdating sa pag-ibig eh.

"Tigilan nyo nga Ako. Ako nanaman nakita nyo eh!" tumawa lang sila at nagpatuloy lang kami sa paglalakad

Habang naglalakad naalala ko nanaman ung mga moments namin ni den noong field trip. Ang saya saya lang kasi, lalo na noong nagpapaturo Ako sa kanyang manligaw kaso nga lang parang Di naman sya nag seseryoso e -,-

Kaming dalwa ang halos magkasama nung field trip. Medyo napansin ko rin na Hindi sila nag uusap ni jill. Nakakapagtaka nga e, pag tinatanong ko sya, kung hindi sya sisimangot iililihis nya naman ung topic kaya ayun pinapabayaan ko na lang, baka may misunderstanding lang tlga sila

Hindi ko pa rin kasi nakakausap si jill, baka kasi matulungan ko sila if ever na may problem nga sila. But Hindi ko na lang sya kakausapin kasi baka mas lalo pang gumulo e

pumunta lang kami sa bench para bumili ng bagong body spray naubusan na kasi Ako and nag ikot ikot lang din kami

nung pasado ala sais na ng hapon umalis na ung mga kasama ko pero nagpa iwan muna Ako, marami pa kasi akong kailangan bilhin like ung mga ibibigay ko Kay den

Tsaka kailangan ko pang mag grocery, wala na kasi akong mga foods sa condo

Inabot rin Ako ng alas otso bago Ako makauwi. Binaba ko ung mga pinamili ko sa table at umupo muna Ako saglit sa living room

Haayysss. Kaya ko ba tlga to? kinuha ko ung bag ko at Doon ay kinuha ko ang isang maliit na kulay red na box, tinitigan ko lang Ito

Kaya ko ba to?

Pumunta na lang Ako ng room dala ang backpack and dala dala pa rin ung maliit na box. Pinatong ko iyon sa study table at nilagyan ko pa Yun ng pabango, Victoria's secret.

saan ko nakuha? wala, naiwan lang nung pinsan ko Yun nung minsan syang pumunta dito. Nasa abroad sya Kaya alangan naman na ibalik ko pa diba?

Naghilamos lang Ako at humiga na para matulog pero bago ko ipinikit ang mga mata ko may naisipan muna akong tawagan

"Hello bro? Napatawag ka?"

"tatanong ko lang sana kung ready na ung para bukas?"

"don't worry dude, plantsado na lahat"

pagkatapos nun ay pinilit kong matulog para may energy pa Ako kinabukasan

***

Heto naaa! Huuuuhhh! Nagdala na Ako ng extra clothes ko para mamaya at pati na rin ung gitara na bigay sa akin ng lolo ko. Woaa, sana lang tlga Hindi Ito maging palpak

umalis na Ako ng condo at pumunta Agad sa parking lot, dumaan muna Ako ng Goldilocks para bumili ng cake at pagkatapos sa Goldilocks dumaan naman Ako sa flower shop

8:30. At salamat naman nakarating na Ako sa school, Agad Agad akong nag parking at tinawagan ko muna sila mark at erick. Wala pang 10 minutes andyan na sila Agad, kinuha nila ung mga cakes at flowers sa likod ng kotse

Pumunta muna kami Doon sa tambayan namin na abandon classroom at Doon inilagay lahat ng mga dala namin

Pagkatapos noon ay umalis muna sila mark at erick para tawagin ung mga iba pa naming kasamang mag p'prepare. Samantalang Ako pumunta muna ng cafeteria para kumain, Di na kasi Ako nakakain sa pagmamadali e

Shawarma lang at coke in can ung kinain ko. Nakita ko pa nga si dennise kasama si Joshua e. Close sila? Aaahh, dibale sa susunod ko na lang iisipin yan, ang mahalaga is ung ngaun

nagtext si mark na okay na ung sa main stage at nakausap nya na rin si ate czarina. Ayos na rin daw ung sound system at nag practice na rin sila nung mga back up ko mamaya

Pagkatapos kumain bumalik Agad Ako doon sa abandoned classroom  para mag compose ng sarili ko. Nag palit na rin Ako ng damit ko. 10:30 na kasi, ganun pala tlga Yun noh? kapag busyng busy ka tlga, parang ang bilis ng oras

inayos ko na rin pati hair style ko. Ginamit ko rin ung binili Kong pabango kahapon at bago lumabas ng abandoned classroom ay kinuha ko ung red box at inilagay sa bulsa ko

naglakad na Ako papuntang main stage dala ung gitara at halos lahat ng madadaanan Kong babae ay nakatingin sa akin at lahat sila ay nakangiti. FC lang teh?! lol

Pagkadating ko sa stage all set na nga, Meron ng red curtain, pinalagay ko yan dahil gusto ko ung pa-suspense, ung tipong wala munang nakakaalam kung anong Meron at bakit may curtain na nakatakip

pumunta akong backstage at umakyat sa main stage. Punong puno Ito ng mga balloons at may mga neon lights pa. Meron ding lumalabas labas na bubbles Doon sa Ewan ko ba kung anong tawag Doon. Basta lahat ng nag design nito pakana lahat ni ate czarina Kaya super thankful Ako sa kanya.

"Ate, si den?" nilapitan ko sya habang inaayos nya ung mga balloons na nakadikit sa wall ng stage

humarap sya sa akin after nyang ayusin yon

"Oh edgar, andito ka na pala. Hmm si den? Wait, may tatawagan lang Ako saglit" kinuha nya ung fone sa bulsa nya at may kinausap

"kailangan na ba sya ngayon?" tanong lang nya and umiling lang Ako

"Oh bakit mo hinahanap? Ikaw edgar ha! wag excited masyado. Haha" lumapit sya sa akin at kinukurot kurot pa nya Ako sa tagiliran ko

Nagpaalam na rin sya kasi kailangan nya ng hanapin si den and text ko na lang daw sya kung kailangan nang pumunta ni den dito

Bumaba muna akong stage at nakita ko sila mark, erick and kyle.

nag fist bump muna kami isa-isa

"Grabeh pre, ngayon lang kita nakita na ganto nag effort ah. Sya na ba tlga?" tanong sa akin ni kyle at umakbay pa sya sa akin. Tila, sinisigurado nya kung itutuloy ko pa ba

"Haha. Oo naman pre noh, All set na nga tapos mag b'back-out pa Ako? Nah. Pagkakataon ko na Ito pre. Bat mo pala natanong?" sabi ko at umakbay din Ako sa kanya then I tap his shoulder then tumango-tango lang sya

"Wala lang. Tara cafeteria muna tayo, nakita ko sila dennise dun" umiling lang Ako, marami pa kasing kailangan asikasuhin dito.

wala syang choice kundi dumito na lang rin sa back stage at samahan kami mag prepare. Nag rehearse na rin Ako sa kakantahin ko at pati Doon sa speech este sasabihin ko

den, pwede ba kita----, Ayy Mali Mali, ang pangeett!

Dibale, bahala na si batman

11:30. ti-next ko na si ate czarina na kailangan na si den dito

wooaahhh.. eto naaa. nag retouch ulit Ako and humarap sa salamin

tiningnan ko lang ung sarili ko

Kaya mo yan edgar, give your best shot

kinuha ko ung wallet sa bulsa ko at Doon ay may kinuha akong isang wallet size picture.

picture namin nila daddy and mommy bago sila mamatay. Pumikit Ako at ki-niss ko Ito. Ginagawa ko Ito lagi if kinakabahan man Ako or may sasalihan akong contest. It serves me as my lucky charm

from: Ate czarns
papunta na kami dyan. get ready :) and godbless :***

Agad Kong tinago ung fone na kanina ay hawak ko at pumalakpak Ako as a sign na kailangan na namin mag ready.

Nilagay na nila ung uupuan ko sa gitna ng main stage at pati ung gitara ay tinono ko na rin. Umakyat na akong stage at pati na rin ung mga ibang kasama ko.

andoon lang Ako sa main stage at Hindi pa rin tinatanggal ung red curtain

after 5 minutes, nakita ko na lang ung taong mahal ko na nakatayo sa aking harapan. Naka blind fold sya at naka hawak Kay ate czarns as her support. Baka sya ang nagdala dito

mayroong nakalagay sa likudan ni dennise na Hindi ko malaman kung Ano Yun basta ang sabi sa akin ni ate czarina pag nagsalita raw si dennise eh maririnig iyon ng mga tao lalo na at nakakabit Ito sa speaker namin

Nag sign na si mark at erick na okay na raw at pwede na akong mag umpisa

nag strum na Ako ng guitar and bumukas na rin ung curtain

nabigla Ako sa nakita ko, andaming tao at halos lahat ng faculty members ay nandito

nag strum ulit Ako and inumpisahan na ung intro

HARANA--- PAROKYA NI EDGAR

Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'to, mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
at nasisintunado sa kaba

narinig ko ung mga tilian ng mga kababaihan habang kinakanta ko pa lang ung unang verse

Meron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma nakabarong sa awiting daig pa minus one at sing along

nagsalita pa si dennise at nag sabi ng 'weh? Di nga?' Kaya Doon ay napatawa yung mga nanunuod sa amin

Chorus:
Puno ang langit ng bituin

At Kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin, ako'y nababaliw, giliw
At sa awitin Kong Ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa'yo

Nang matapos ko ung chorus ay nagsalita ulit sya 'Ayy malamang kuya, Kaya nga langit eh, Kaya may mga stars. Try mo kayong guhitan ng circles, triangles at kung anu-ano pang mga shapes at para magkaroon ng libreng tutor when it comes to shapes lessons noh' at dahil sa sinabi nyang iyun ay, nagtawanan ulit ung mga tao

Hindi ba't parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Hindi ba't ikaw ang bidang artista at Ako ay iyong leading man
Sa istoryang nagwawakas sa pag-ibig na wagas

(repeat chorus)

'Ano ba yan ate, bakit ba kasi naka blind fold Ako? Asar ka a, Tsaka sino ba yang kanta ng kanta dyan?' nag side comment nanaman si den pero imbes na sagutin sya ni ate czarina ay pinalo lang nya Ito sa braso

Inalis na ni ate czarina ung blindfold nya at halos lumawa ung mga magaganda nyang mata sa nakikita nya ngayon. Wala sguro syang kaalam-alam na sya na pala ung hinaharana

napatingin sya sa akin at sa mga taong nasa likuran ko na pansamantalang nakatalikod. May nakasulat kasi na isang letter bawat isa sa may front nila

tumayo Ako at inilapag ko ang hawak Kong gitara sa kinauupuan ko kanina. Humarap Ako sa mga audience at hanggang ngayon ay nagtitilian pa rin sila

"ANG GWAPOO MO TALAGA EDGAAARRRRR" ngumiti lang Ako Doon sa nagsabi nyan at lumapit Kay den

"dennise?" pabulong na sabi ko at tinitigan nya lang Ako

Humarap ulit Ako sa audience kuno namin at may mga sumisigaw at mga nag s'sign language. ung tetee teh? Saan ka nag aaral? Dito ba tlga?? :3

Hinawakan ko ung kamay ni den at lumuhod Ako sa harapan nya. Inalis ko muna ung pagkakahawak ko sa kamay nya at kinuha ung red small box sa bulsa ko

KYAAAAHHHHHH!

GOOO EDGAAAARR! ANG HOOOTTT MOOO!

MARRRYYY MEEE PLEEAAASEEEE

Tssskk.. mga nababaliw na tlga ung mga tao ngayon. tumingala na kang Ako para tingnan ung maamong mukha ni dennise. Para syang isang anghel at kulang na lang eh ung pakpak nya

Isa-isang humarap ung mga lalakeng nasa likuran ko kanina at iyun ay naglalaman ng mga katagang

C

A

N

I

C

O

U

R

T

Y

O

U

At Syempre nasa akin ung question mark. Inilabas ko un galing sa likudan ko. Lalong nagtilian ung mga tao sa paligid namin at halos lahat ay nagwawala na

Binigyan Ako ng microphone ni mark at nagsimula na akong magsalita

"Den, noong una kitang nakita. Alam Kong ikaw na, ikaw na ung mamahalin ko pang habang buhay. Nasa harapan mo Ako para humingi ng permiso at lahat ng Yun ay nais Kong masaksihan ng lahat.." tumayo Ako at humarap sa mga taong nakapaligid sa amin

"Lahat kayo, lahat kayong mga taong narito ay nais Kong masaksihan nyo ang labis-labis na pagmamahal ko sa babaeng Ito. Kung sakaling Hindi man nya Ako payagan, tatanggapin ko iyun ng buong puso dahil alam ko lahat ng nangyayari ay may kanya kanyang rason.." humarap ulit Ako Kay den at tumingin Ako sa magaganda nyang mata

"Naaalala mo ba nung field trip? Diba sabi ko magpapatulong Ako sayo kung paano manligaw? Eto na Yun, at ikaw ang nais Kong ligawan den.." lumuhod na ako sa harapan nya at binuksan ko na ung maliit na box na naglalaman ng silver necklace na may pendant ng E

"Maaari ko bang ipakita sayo kung gaano kita kamahal? Can I court you?" andoon lang Ako nakaluhod sa harapan nya at nakatingin lang sa kanya. Bakas sa maamo nitong mukha ang pag da-dalawang isip kung Ano ang dapat isagot nito

Makalipas ang 5 minuto ay wala pa rin syang response. Nawalan na Ako ng lakas ng loob at napayuko na lang Ako at sa huling pagkakataon ay nagsalita ulit Ako

"Dennise mae Parker, can I court you? If you say yes, let me give you this necklace as a symbol of my eternal love for you" pero ganoon pa rin, wala pa rin syang response

ang kaninang magulo at naghihiyawan na crowd ay tila naputulan ng kanilang mga sariling dila at halos namamayani na ang katahimikan

Nakita ko sila mark, erick, kyle at ate czarina na nag c'cheer-up sa akin. Napangiti na lang Ako pero Hindi iyun umabot sa mga mata ko

Halos lahat ng mga tao ay kanya-kanya na ang bulung-bulungan

papayagan nya pa ba Ako??

Masasayang na lang ba itong mga effort ko??

-----

HIII :)

SEE YOU AGAIN! :***

XoXo.

P.S.
SORRY SA LATE UPDATE

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...