His One-Sided Love (COMPLETED)

By TinkFairy

233K 2.6K 144

MAY CONTAIN SCENES NOT SUITABLE FOR THE MIND OF YOUNG READERS. LOL :) Love is a battlefield. You'll win and f... More

His One-Sided Love
1. The Lead Characters
2. You're a stranger, but I like you, no...I love you.
3. I'm serious. I'll find ways.
5. We don't choose the person we fall for.
6. Smile on my face
7. In-charged Parents Of The Day!
8. Is She Jealous?
9. I still believe LOVE will find us.
10. Unexpected Proposal
11. It's A Yes, It's A No. Which is which?
13. Just You And I. OFFICIAL.
14. Happiness Part 1
15. Happiness Part 2
16. .....because I'm Jealous
17. Meet The Dela Merced
18. My Future Mother-In-Law. My Future Husband.
19. "Live With Me"
20. Moved in
21. Like A Family
22. Sorry I have to lie...
23. All My Love Is For You
24. He deserves my YES!<3
25. Preparing For The Big Day
26. Oh No
27. Confusion and Frustrations Part 1
28. Confusion and Frustrations Part 2
29. Realizations. Regrets.
30. Come Back
31. Pushing through the wedding
32. The Big Day
33. 1st Night as Mr. and Mrs. DM
34. 1st Trip as Mr. and Mrs. DM♥
35. Welcome Home
36. The Upset Wife
37. The Three of Us (PART 1)
38. The Three of Them (Part 2)
39. Erika's Bittersweet Revenge
40. The Truth
41. Confusing Truth
42. Heartbreak. Half-hearted.
43. FINALE ❤
LOVE FROM THE AUTHOR❤
44. Epilogue

12. Fulfilling His Promises<3

4.5K 62 6
By TinkFairy

Halos isang buwan na rin ang set up namin ni Jiro. He never fails to fulfill his promises. He's always sweet, thoughtful and caring. Napapasaya niya ako at nararamdaman ko na ulit ang kaligayahang matagal nanamlay sa puso ko since I lost Art.


Masaya ang buhay ko ngayon, wala ng lumbay. Cheerful vibes and everything seems in place.

"Mukhang masaya ka ngayon hija ha. Lagi ka ng nakangiti at hindi ka na tahimik. Bumalik na ang pagiging masiyahin mo."


"Salamat yaya. Opo, kahit ako ay naninibago sa sarili ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito."


"Edi kung ganoon, wag mo ng pahirapan ang binata, nararamdaman kong mahal ka ni Sir Jiro. Mabait sya at pati kami ay pinakikitunguhan niya ng maayos. Malamang madali syang mahalin."


"Opo yaya, hindi sya mahirap magustuhan. I like him.. Siguro po nandun na ako sa minamahal ko na rin sya."


"Edi sagutin mo na!"


"Tingin mo po ba okay lang kay Art na ipagpalit ko na sya"


"Oo naman po. I'm sure gusto ka niyang makitang sumaya. Ilang taon na rin yun hija. It's time na lumigaya ka naman."


I'm happy na pati ang tao sa paligid ko ay nakasuporta sa bagong desisyon ko sa buhay, ang hayaang mahalin ako ni Jiro at subukan kung pwedeng maging kami. Mukha pa ngang malakas si Jiro kay yaya dahil parang todo lakad si yaya para sa kanya eh!


Matapos ang pagchihikahan namin habang inihahanda niya ang breakfast ko, sa hospital naman ako dumirecho dahil may duty ako.


Balak kong mag-12 hours straight ngayon. Hinihiling kasi ni Jiro na magbakasyon kami kahit dalawang araw lang. Kaya naisipan kong mag-extend ng duty para ma-cater ko lahat ng pasyente ko.


Pagpasok ko sa office, mabangong halimuyak ang sumalubong sa akin.


Wow! May bulaklak na naman ako! Ano ba yan si Jiro, balak ata niya maging flower shop tong office ko. Lagi niyang pinupuno ito ng mga bouquet at basket of flowers. 


"Uy si doctora, napapangiti na naman."


"Naku ikaw Jill ha. Mapang-asar ka. Si Jiro talaga, sayang naman ang pera malalanta din tong mga bulaklak na to."


"Alam mo Doc Sasa, kung para sayo I'm sure walang sayang. He values you a lot that even money and the prince won't matter to him."


May point si Jill, sa lahat ng bagay na binigay ni Jiro at ginawa para sa akin, he never asked me to spend any single centavo. Lahat ay binibigay niya para masaya ako. Parating may effort hindi lang sa salita, kundi sa gawa. Ang swerte ko kung tutuusin.


Kinikilig man ako, kailangan ko ng mag-focus at asikasuhin ang mga pasyente ko. May for consultation at may vaccination din. 


"Hello, ang cute naman ng babies mo.. Hi, I am Doc Sasa and you are?"


"Hello I am Cassy and this is my brother Nico."


"Hi doc, pasensya ka na ang kukulit ng mga anak ko. Okay lang Anica. Buti at nakabalik kayo fo check up, leave kasi ako in the coming days eh."


"Oo nga doc eh. I hope my babies are healthy. Makulit lang talaga sila."



Sa lahat ng patients ko ngayon, si Nico at si Cassy ang pinaka-bibo. I even handed them some cookies dahil natuwa ako sa kanila. Okay sila at healthy, binigyan ko na lang ng vitamis para mas bumuti ang immune system nila.



Maswerte si Anica at Jake, they have these two wonderful babies. Parang si Yeleina at Brent lang din. Ako kaya? ai teka ang advance ko na naman! Ni wala pa nga akong boyfriend at sinusubukan pa lang magpaligaw kay Jiro. Pero oo na, pag iniisip ko sya kinikilig ako!



Speaking of him, asan kaya sya? Parang kaninang umaga lang sya nagtext tapos hindi na ulit. Hindi ba niya ko naalala?



Hawak ko ngayon ang cellphone ko, nagbabakasakali kung ay text or twag man sya.. Pero bakit wala???


Aiiiishhhhh!!!! "bahala ka kung ayaw mong magtext or tumawag edi wag!"


"Miss Maganda huwag na pong magalit, heto na po ako oh. Diba mas okay na pinuntahan na lang kita kesa nagtext or tumawag ako?"


"Ha...eh.. kasi....... kanina ka pa ba dyan? halika, mag-coffee ka muna. Salamat pala sa bulaklak, maganda at nagustuhan ko sila."


Shit! Nakita tuloy ni Jiro ang pagkainip ko sa pag-aantay ng tawag or text niya. Obvious tuloy ako ngayon kahit i-divert ko ang topic... :"(


"Na-miss mo ko no? Huwag ka ng magalit kung hindi ako nagtext. Bumyahe kasi ako papunta dito. Sorry."


"Ha ano ka ba? ayos lang no! Sige na mag-kape ka muna dyan, dito ka na muna sa table ko. Share tayo."


"Namiss kita."


"Che."  hiyang-hiya talaga ako. Buking ako dun ha. Pahamak na cellphone to. Bakit naman kasi ang lalim ng iniisip ko at hindi ko man lang sya napansin. Oo na, namiss ko sya!



Natapos ang break ko sa duty but Jiro still stays. Aantayin daw niya akong matapos dahil nag-aalala syang mag-isa akong magmaneho sa dilim. Simple gesture pero nakaka-touch.



Tinutulungan niya ako sa mga patients ko and kinagigiliwan din naman sya ng mga bata. He really loves kid. Bagay sa kanya ang maging daddy.



Nakakapagod, pero pag nakikita ko si Jiro na full of energy, tila nahahawaan din ako ng pagka-active at hyper  niya.



Gabi na rin nang matapos ang duty ko, Jiroinsisted to drive for me. If he has a best trait, I'd pick this one, ang pagiging caring at maalalahanin niya sa kahit sinong malapit sa kanya.


"Andito na po tayo sa bahay mo. Teka at bubuksan ko lang ang pinto. Gusto ko kasi prinsesa kita eh."


Bolero talaga tong lalaking to! Baka mamaya niyan ay magblush na naman ako.


"Salamat sa paghatid Jiro ha. Inantay mo ko sa duty ayan tuloy ginabi ka na. Next time, no need to wait for me. Kaya ko naman eh."


"Kahit kaya mo, gusto ko pa ring gawin dahil mahal kita..."


"Aishhh.. choo choo alis na!" tinutulak ko si Jiro dahil hindi ko na naman maiwasang kiligin sa tuwing sinasabi niya ang salitang mahal niya ko.... I'm definitely blushing!!!


"Aalis ako, pero sa isang kondisyon...hmmm.."


Aba! anong ngininunguso nguso niya dyan.. Pero mukhang seryoso sya at hindi sya aalis hanggang hindi ko sya pinagbibigyan eh..


"Teka pikit ka muna. dali!!!!"


Ang loko pumikit nga! Persistent talaga sya ah!!! Pwes heto na...


-------------------->TSUUUUUUUUUUUUP



***************

HAHAHA! Ang cute ni Sasa, matapos akong halikan sa pisnge, biglang tumakbo papasok ng bahay niya. Hindi na nga ako na-invite sa loob eh. Nakalimutan niya siguro dahil bigla syang nahiya. Ang cute niya, mas lalo akong na-inlove.


Sulit ang buong araw na hinantay ko syang mtapos sa duty. Kahit isang halik sa pisnge, bawing bawi ang effort kong puntahan sya.


And hell yeah, ako ang pinakamasayang manliligaw ngayon!


Para tuloy ayokong maghilamos dahil ayokong mabura ang bahid ng halik niya. Mukha akong gago ngayon pero sobrang saya ang nararamdaman ko. 


Habang nagmamaneho pauwi ay hawak ko pa rin ang kaliwang pinsge ko.


Pakiramdam ko ay isa akong bata na nakakuha ng halik mula sa crush niya! Hai Jiro, ang swerte mo talaga! It's surely a good night for me, because my sweetest dream seems to happen now. 


Promise itetext at tatawagan ko na ng madalas si Sasa, kawawa naman ang cellphone niya sa tuwing namimiss niya ako eh. LOL




A/N:

LET'S CONSIDER IT THEIR FIRST KISS KAHIT SA CHEEK LANG! WINNER SI SASA! TINGIN NIYO SHE'S FALLING NA? I THINK YES!

ANYWAY, NOTICE THAT I MENTIONED ANICA, JAKE AND THEIR BABIES IN THIS CHAPTER. DIBA I PROMISE TO GIVE SPECIAL UD SA FOREVER AND A THOUSAND YEARS? BUKAS NA YUN GUYS! :) SANA MABASA NIYO.

VOTE. COMMENT. BE A FAN! <3







Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
805K 9.9K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.5M 71.1K 55
On-going revision....