7. In-charged Parents Of The Day!

5.2K 57 0
                                    

A/N:


SORRY, WAS NOT ABLE TO UPDATE YESTERDAY. I SAVED IT ON MY PHONE BUT DIDN'T TRANSFER DUE TO BAD CONNECTION. BAWI AKO NGAYON. ANYWAY, DO YOU GUYS REMEMBER FOREVER AND A THOUSAND YEARS? IT REACHED 5K+ READS SO EXPECT A SPECIAL CHAPTER THIS WEEK.

STAY TUNED.

Pangalawang araw pa lang pero lubos lubos na ang saya ko. Ilang beses ko napatawa si Sasa. She's such a simple girl. Hindi sya mahirap mapangiti. She should do that more often, her smiles are priceless. She even looks more prettier when she shows that sexy curve, her smile.

Kahit masyado akong nagpaka-corny hindi ako nagsisisi. I just punches numerous jokes and she easily gave in.

Sino ba namang hindi matatawa sa mga pinagsasabi ko.

1. Anong bato ang tumatalbog? edi BATOtoink-toink-toink.

2. Anong sasakyan ng magikero? Edi trrrrrreeen

3. Ikaw ba si Auntie? AUNTIE-nitibok ng puso ko?

4. Susi ka ba? Pa-KEYS nga.

Hahaha! Shiiiit ang corny ko talaga. Huwag lang talagang malalaman nila Jude to kundi ilang libong tawa ang aabutin ko sa mga lokong yun, paniguradong gagantihan nila ako sa mga pang-aasar na ginawa ko sa kanila.

Matapos mamasyal at magtawanan, bumalik na din kami sa hotel dahil alas-dos na pala ng hapon.

"Aba ang future love birds lumabas na naman" bungad ni Yeleina sa amin na mukhang inenjoy na naman ang swimming kasama ni Brent at ng mga anak nila.

"Yeleina talaga. Nagpahangin lang kami sa labas. Ang daming pwedeng pasyalan dun. Try niyo later." 

Defensive naman nito ni Sasa. Totoo naman ah. Future love birds kami! Basta ako naniniwala ako sa pangarap ko.

"Oo nga eh. May papasyalan sana kami ni Yeleina. Kaya sana Jiro, ano, sana..."

"Ano na naman?" Parang alam ko na ah. Iiwan nila sa amin si Bella at Baby Raffy.

"Alam mo na yun. Nababasa ko sa utak mo na alam mo na. Pls pare."

"Oo na!" Naku talaga tong si Brent. Lalo tuloy ako naiinggit na may asawa na sya ngayon.

"Thank you Jiro. Sana okay lang din sayo Sasa? Doctor ka na nga ng dalawang bata tapos ibibilin pa namin sila sayo. Si Jude and Katy pwede sana naming pag-iwanan kaso naman namasyal na sila nila Kris. Umalis sila kanina, hinanap nga kayo. Eh hindi ata kayo na-contact kaya hindi na kayo naantay."

His One-Sided Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon