Awake of the Demon [COMPLETED]

By ampslurpee

2.3M 44.4K 3.2K

Awake of the Demon Part 1 & 2 Si Johan Ricardo, isang isip-batang babaeng walang ginawa kundi ang mangulit at... More

Awake of the Demon
Prologue
Chapter 1
Chapter 1.5
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 8.5
Chapter 8.6
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12.5
Chapter 13
Chapter 13.5
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 21.5
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Important Note!
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
BOOK TWO 04/07/15
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59: Final Chapter
Announcement 6/15/18

Chapter 37

37.3K 642 50
By ampslurpee

Dedicated to: @ Sleepy_Ice  &  @ _wickedgirl_ 

====================================================

Chapter 37 - Kidnapped

Mabilis na pinaharurot ni Lui ang van na sakay upang mahabol ang van na sakay naman ni Johan. Masyado na itong malayo kung tutuusin.

"They're out of Maynila. Based on the tracker, papunta sila sa Pier 2." pagulat ni Paulo. Napahigpit ang pagkayukom ng kamao ni Zack.

Nagoover take si Lui sa mga kotseng nakaharang sa dinadaanan nito. Madaming bumusina dito dahil sa bilis ng takbo. May mga napapahinto din para murahan ang van.

Napatawa naman si Derrick na nasa shotgun at Lui. "Their faces are so priceless." ani Lui.

Samantala,

"Pre, ito ba yung syota nung Uno na hari pala sa Underground?" sabi ng isang armadong lalaki habang pinagmamasdan si Johan na walang malay.

"Oo. Ang ganda no? sexy pa." sabi naman ng katabi nito

"Tara" aya nito habang may mapang-akit na tingin sa babae.

"Gago. Baka tayo naman malagot nan kay boss"

"Itago lang natin"

"Mga gago! Itigil niyo yang binabalak niyong kalibugan sa babae. Wala yan sa trabaho natin!"  sabi ng armadong lalaki na nasa shotgun seat. Ito yung nagpaamoy ng hindi kaayaayang amoy kay Johan kanina.

"Panira ka naman pre." naiinis na sagot ng lalaking katabi ni Johan saka ipinagpatuloy ang paghaplos sa braso ni Johan.

Naalipungatan naman si Johan dahil sa gaspang na nararamdaman sa braso pero hindi nito minumulat ang mata.

"Grabe, ang kinis talaga nito oh." narinig niyang boses mula sa malapit. Patuloy pa rin ang magsapang na kamay na nararamdaman niya sa braso niya, pero pababa na ito. Napunta ang kamay sa hita nito. Biglang nag-init ang ulo ni Johan sa ginagawa ng lalaki.

Mas nag-init pa ang ulo nito lalo na ang dugo nito na kumukulo na nang hahawakan na sana ng nasa kaliwa ang dibdib niya pero agad niya itong hinuli. Ang kaninang dalawang lalaking katabi nito ay napaitlag pa. Inikot ni Johan ang kamay na hawak patalikod at inipit. Mabilis niyang iniusod ang katawan ng lalaki at pinagpalit ang pwesto nila. Kinuha nito ang baril sa beywang at itinutok sa isa pang lalaki dahilan para tumaas ang dalawang kamay nito. Mabilis niyang inilagay ang isang kamay niyang nakahawak sa braso ng lalaki saka sinakal ang bihag.

"Argh!"

Malamig ang mga mata nitong nakatangin sak lalaki. Sa hindi malamang kadahilanan, nangilabot ang lalaki dahil sa lamig ng mata nito.

"H-hoy! Tulungan moko!" sigaw ng bihag ni Johan sa kasama nito.

Tinignan ni Johan ang kabuuang van. Apat lamang sila. Ang driver, ang lalaki sa shot gun seat at ang dalawang malibog.

"Ibaba mo ang baril kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo!" sigaw ng lalaking nasa shot gun seat. "Ibaba mo sabi eh!"

Napatingin doon si Johan at sakaniya naman itinutok ang baril. Magkatutukan na sila ngayon ng baril nila.

"Ibaba mo din yan kung hindi papaputukin ko ang mga bungo niyong lahat. Stop this car or else..." itinutok ni Johan ang baril nito sa ulo ng bihag niya. "Aaaah! Pakawalan mo akong babae ka! Tulungan moko tungak!" sigaw nito at nagpupumiglas. Bumaba ang baril nito hanggang sa pisngi ng lalaki, pataas sa kanang mata nito. "Manahimik ka!"

Napaawang ang bibig ng mga armadong lalaki dahil sa inasal ng babaeng binihag nila. Imbis na siya ang bihag,ang isa pa sa mga kasamahan nila ang naging bihag ng babae.

Tinignan ng lalaking nasa shot gun seat ang babae. Walang emosyon ang mukha nito maliban sa kilay nitong nakakunot. Bigla nalang siyang namutla sa kinauupuan niya ng biglang tumingin sa gawi niya ang babae.

"Bakit niyo ako kinuha? Sino nagpakuha sa inyo?" malamig na sambit nito.

MAs diniinan naman ni Johan ang baril sa mata ng lalaking bihag niya. Pati ang pagkakasakal nito ay mas diniinan niya. "Sagutin niyo ako!" saka hinawakan ang trigger.

"S-si Joker! S-si Joker nagpakuha!"

Napakunot ang noo ni Johan. "Sinong Joker?" sambit nito sa sarili. "Wala akong kilalang ganun. Stalker ko ba yun?"

"Haaaa!" napatingin siya sa lalaking umagaw ng hawak niyang baril. Nanlaki ang mata nito.

Tumawa ang lalaking nasa shotgun seat. "Hahahaha! Na-uto mo kami ah! Bitawan mo siya!" sigaw nito. 

Dahil wala na siyang kalab-laban, dahan dahan niyang binitawan ang lalaking bihag niya. "Magpalit kayo ng upuan!" utos pa ng lalaki. 

Nakipag palit naman na siya ng upuan, nasa gitna ulit siya. 

Natawa ang nasa kaliwang lalaki. "Ang sakit nun ah, ang lakas mo pala. Hahahaha!" sabi nito habang hinihilot ang leeg na nasaktan.

"Talian niyo yang babaeng yan!" may kinuha sa console box ang lalaki saka inihagis sa mga lalaki. Itinali ng nasa kaliwa si Johan sa kamay.

Kinuha naman ng lalaki na nasa kanan ang baril na kanina lang ay hawak ni Johan saka itinutok sa kaniya. Nakangisi ang lalaki habang si Johan naman ay walang emosyon na nakipagtitigan dito.

Nagtitigan silang dalawa ng ilang segundo.

Biglang naghead butt si Johan sa lalaki dahilan para magkagulo nanaman.

Distracted, pilit na inaagaw ni Johan ang baril na hawak ng lalaking nasa kanan niya at itinaas.

Sinipa nito ang lalaking nasa kaliwa niya nang magtangka itong mangielam.

"Hoy! Ano ba! Wag kang palabang babae ka!" sigaw ng lalaking nasa shotgun seat. Mula sa kinauupan niya ay tumayo ito saka nakigulo kina Johan.

"Akin na yang baril na yan!" sigaw nito.

Sinipa ulit ni Johan ang lalaking nasa kaliwa niya nang magtangka itong sumali. Ngayon ay malakas na kaysa kanina kaya nakatulog ito.

"Ferdie! Wag kayong magulo! Nagdadrive ako dito! Baka mabunggo ako!" sigaw ng driver kay Ferdie na siyang kanina'y basa shotgun seat ng van.

"Manahimik ka! Gusto mo barilin kita?!" singhal ni Ferdie at pinagpatuloy ang pakikipag agawan sa baril.

"Aaaah! Ibigay niyo na kasi sa akin to!" naiinis na sigaw ni Johan habang inaagaw ang baril.

Biglang pumutok ang baril at natamaan ang salamin sa harapan.

"Ano ba?!" sigaw ng driver.

Sinisiko-siko ni Johan ang mukha ng lalaking nasa kanan niya hanggang sa bumitaw na ito at hawak ang ilong na dumudugo. "Aaah! Dumudugo ilong ko!" sigaw nito at nag-panic na.

"Mga duwag! Bakla!" galit na sigaw ni Ferdie. Bumaling ulit ito kay Johan habang nananaliksik ang mata. "Akin na... Ang baril... Na.... To..!" nahihirapang sambit nito dahil nakikipag-agawan parin ito ng baril sa babae.

"A-yo... Ugh! Ko..!" sagot naman ni Johan saka itinutok sa kaniya ang baril.

Iniwas ito ni Ferdie sa kaniya at muli ay pumutok nanaman. Nadaplisan naman ang tenga ng driver.

"A-Aaaaaaah! Ang tenga ko! Aaaaaah!" sabi nito saka bumitaw sa steering wheel dahilan para mawalan sila ng kontrol sa kotse at magpageywang geywang.

Halos mangiyak ngiyak ang driver sa sakit dahil hindi ito magkamayaw sa tuluyang agos ng dugo sa tainga niya. Maya-maya pa'y bigla nalang itong nawalan ng malay at nagdiretso ang mukha sa steering wheel.

Nanlaki ang mata ni Ferdie at agad na pumunta sa driver para kontrolin ang steering wheel ngunit huli na siya. Nagdiretso ang kotse sa isang puno dahilan para bumunggo ito. Sa lakas ng impact, nauntog ang ulo ni Ferdie sa salamin sa harapan that lead him to death at si Johan naman ay nauntog sa bintana ng van hanggang sa head rest ng upuan that lead her to unconsciousness.

--x

MELANIA UNIVERSITY,

"Hoy! Dito yan, tapos doon mo ihuhukay yan. Tatanga-tanga eh!" singhal ni Principal Miranda sa mga manggagawa.

Kasalukuyang rinerenovate ang bagong gym and field ang Melania University dahil sa utos ng Head Mistress. Mga ilang linggo pa ang walang pasok ng mga estudyante sa paaralan dahil sa mga estudyanteng nadamay sa pagsabog.

Kasalukuyan ding kasama ni Miranda si Apollyon.

"Bakit ba hindi ka na umalis sa harapan ko, Apollyon?" naiinis na wika ni Miranda.

"Ang boring kasi sa condo." nakahalumbabang sagot ni Apollyon habang pinapanood ang mga manggagawa.

"Bakit ayaw mo sa UC at makipagbasag ulo? O kaya magroad trip ka sa Baguio?"

"Tss. Nagawa ko na yan. Last week pa."

Napailing nalang si Miranda dahil sa inasal ng kasama.

"Oo nga pala, may balita ka na sa hinahanap mo?" maya-maya'y pagtanong ni Miranda ulit.

Tumingin si Apollyon kay Miranda. "Oo. Nahanap ko na siya." diretsong sambit nito.

"Eh? Nasaan na? Bakit ayaw mong ipakita sa akin?!"

Umiwas tingin si Apollyon sa babae. "Hindi niya nga lang ako kilala. Baka kapag ibinalik ko siya sa bayan namin eh baka matakot pa siya."

Napakunot noo si Miranda at nagpameywang. "What do you mean?"

Napabuntong hininga si Apollyon. "Nothing." saka pinanood ulit ang gumagawa.

*ring ring*

Napatingin si Apollyon sa cellphone nito ng biglang tumunog. Unknown number.

Hindi niya ito sinagot. Bagkus ay pinatayan niya ito.

*ring ring* *ring ring* *ring ring*

"Hoy sagutin mo nga yan. Ang ingay ingay ng ringtone eh." singhal ni Miranda.

Inismiran lang niya ito. Sinagot naman din ito ni Apollyon pagkaraan.

"Hello?! Alam mo kung stalker lang kita, pasensya na kasi wala akong panahin sayo!" inis na sigaw ni Apollyon sa kabilang linya. Papatayin na niya dapat ito nang sumagot ang kausap sa kabilang linya.

"Really?" sabi ng isang napakalamig na boses.

Nanigas naman sa kinatatayuan si Apollyon, bahagya ring nanlaki ang mata nito.

"You described me as your freaking stalker?"  nanguuyam na sambit nito.

He gulped. Nararamdaman niya ang pagtuyo ng lalamunan niya. "A-ah... a-ano ah---"

"Nevermind."

"Pffft. Sino yan?" natatawang singit ni Miranda nang makita ang reaksyon ni Apollyon.

Pinanlakihan naman ng mata ni Apollyon si Miranda.

"You---you know, i-i'm just kidding---"

Biglang namatay ang linya.

"He-hello? Hello?! Hello!! Hello!" tinignan ni Apollyon ang cp nito. Wala na nga ang linya niya.

"What the heck!" singhal nito. Napabuntong hininga si Apollyon. Tinignan niya si Miranda. "You know what----!" naputol ang sasabihin nito nang makitang wala sa kaniya ang atensyon niya. Kundi nasa gilid nito.

Tinignan niya ang tinitignan din nito.

"I never thought I would meet you right here right now, Apollyon."

--x

JAPAN,

Sinabit ni Katsumi ang dalawang bokken na hawak nito sa dingding pagkatapos ay pinunasan nito ang pawis na masaganang tumutulo sa noo nito.

"Guddogemu." sambit ng isang lalaking nakahiga sa may elevated area ng training grounds.

"Amarini mo oku no enerugi o ushinatta!" sagot ni Katsumi dito saka itinaas ang sleeves ng kimono.

Tumawa ng mahina ang kasama ni Katsumi. "By the way, bakit ka napunta dito at nag-aya ng laban? You know I'm very busy."

"Busy for what?"

Naging seryoso ang aura ng lalaki. Bumangon ito sa pagkakahiga saka tinignan ng diretso si Katsumi. "I'm looking for someone so important."

Natawa si Katsumi. "Demeter, kung sino man importanteng yan, ipagpaliban mo muna. I came here to relax, so you are."

Natawa ng mahina si Demeter bago tumayo at lumabas ng kwarto sa mansyon ni Katsumi. Dumiretso ito sa labas at naglabas ng isang kaha ng sigarilyo.

"This is a no smoking area, dude." sabi ni Katsumi pagkaraan.

Hindi siya pinansin ni Demter bagkus ay binugahan pa nito ng hangin sa mukha. Sinimangutan siya ni Katsumi.

"Why did you go back here all of a sudden? Akala ko ba ay permanente ka na sa Pilipinas sabi ni nong?" sabi ni Demeter kay Katsumi

Napabuntong hininga ito bago sumagot. "May bombing incident kasi at ambush ang nangyari sa pinapasukan ko doon noong nakaraang linggo. Suspended ang class for a month so i decided to come back here for a while and unwind." napatingin si paligid si Katsumi.

Makulimlim ang langit. Madaming bulaklak at puno ng cherry blossoms sa paligid. Malamig din ang hangin. Nakakarelax kung tutuusin ang lugar hindi katulad sa Pilipinas.

"I get it." ani Demeter, pagkaraan ay ngumisi ito. "Mukha kang broken hearted, dude."

Nanlaki ang mata ni Katsumi. "W-what?! No! Hindi ah! Bakit naman?! Kanino?!"

"Ah. Defensive." ani Demeter saka binugahan ng hangin si Katsumi sa mukha. "Tell me, who is this girl."

He looked at him in disbelieve. Napailing nalang si Katsumi sa pinsan. Kilalang kilala siya nito kung may problema ba siya o hindi. It runs in the blood, ika nga.

"Her name is Johan." he paused. "...I like her but... she likes somebody. Wala na ata akong pag-asa kahit na hindi pa nagsisimula yung panliligaw ko." natawa siya sa sinabi niya.

"Loser." komento ni Demeter. "You should not give up, dude. Kung may gusto, may paraan. Kung ayaw, laging may dahilan. Yun lang yun." sabi nito pagkatapos ay binuga ang huling usok. Inapakan nito ang sigarilyo sa lupa.

"Tss. Ikaw naman, magkwento ka sa hinahanap mo." ani Katsumi. "Is it a boy or a---?"

"A girl." singit ni Demeter.

"Damn dude, naghahanap ka ba ng girlfriend?" pangaasar ni Katsumi

"Hell no." naiinis na wika ni Demeter

"So, sino ba to? What's her name?"

"Her name is..." he paused. "..is Daniela Violenzio. Our leader."

"W-what!" Ang kaninang singkit na mata ni Katsumi ay nanlaki. "Yu-yung gang leader niyo?! Yung big boss ng pinakanakakatakot na Violenzio Mafia clan sa Sicily?! Nawawala?!" hindi makapaniwalang sambit nito.

Tumango si Demeter. "Yes and.. let's not talk about it." biglang naglakad si Demeter palayo. Nagsindi ulit ito ng isang stick ng sigarilyo.

"P-pero dude! Nakakacurious naman! Nawawala pala siya?! Kailan mo siya nakilala? Maganda ba? Anong edad? Mas matanda ba yun sayo? May picture ka ba? Totoo bang nakakatakot yun?"

Napaismid si Demeter. "Naturingang Yakuza ka hindi mo pa siya nakikilala? Anong klaseng tao ka ba ha Katsumi?" naiinis na wika nito.

"Dude naman." parang batang nagtatampong sambit ni Katsumi. Kinulit ito ng kinulit ni Katsumi. "Dude naman eh! Magkwento ka! Magkwento ka na!!!"

"Shut up!" naiinis na sigaw ni Demeter kay Katsumi pero hindi ito natinag. "Okay fine!" may nilabas mula sa pantalon na suot si Demeter. Isang wallet.

"Hindi ko kailangan ng pera! Magkwento ka na!" singhal ni Katsumi saka nagpameywang.

"Baka!" singhal ni Demeter. "Diba sabi mo gusto mong makita?"

Nanalaki ang mata ni Katsumi saka mas lalong lumapit sa pinsan. "Hontoni?! Hontoni?! Dokoni?!"

Binuksan ni Demeter ang wallet  niya saka iniharap kay Katsumi. Nanliit ang mata ni Katsumi, pilit na kinikilala ang mukha. "That's her. Satisfied?" sarkastikong sabi ni Demeter.

Tinitigan pa muli ni Katsumi ang larawan sa wallet. "Bakit naman ganito. Hindi ko makita! Low Quality naman nito!" singhal nito saka lumayo kay Demeter.

Itinapat nito ang picture sa mas maliwanag na parte saka tinitigan ang larawan. May shoulder-length na buhok, maputing balat, may mga matang sobrang lamig na kapag tinitigan mo ay parang hinahanap ang kaluluwa mo.

"Kahawig niya yung..." ani Katsumi. Biglang lumabas sa isip niya ang nakangiting si Johan.

"Ang alin? Yung Johan na sinasabi mo? Wow." sagot ni Demeter.

Nanlalaki ang mata nitong tinignan ulit ang larawan. "Impossible!" hindi makapaniwalang sambit nito.

Inagaw ni Demeter ang wallet nito at kunot noong binalingan si Katsumi.

"What are you talking about? Anong imposible? You thought she's that ugly? Are you kidding me?"

Sumagi muli sa isip nito ang mukha ni Johan Ricardo noong nakaraang linggo. Ang matapang mukha nito habang nakikipaglaban. Ang paghawak nito sa baril at katana. Ang paglalaban nito kay Apollyon.

Paano nangyari--- Ano--- Ang alam ko---

Kamukha ni Johan ang babaeng nasa larawan. Malaki ang posibilidad na si Johan iyon, maliban nalang kung may kakambal ito. Ang features ng mukha nito, ang mga mata nito, malayong malayo sa masayahing mukha ng isang Johan Ricardo.

Wala sa sariling napailing si Katsumi saka sinulyapan si Demeter.

Tatalikod na sana ito nang hawakan ni Demeter ang braso nito at hinarap sa kaniya.

"What's happening?" sabi nito. "Tell me."

"Wa-wala.. Wala." umiiling iling na sagot ni Katsumi. "I-I need to go na, dude. May training pa ako kay Dad." saka ito tumalikod.

--x

Napatingin si Lui sa rearview mirror ng van. Napansin niya ang isang itim na Mustang ang nasa likod nila. Kanina pa niya ito napapansing nakasunod sa van kaya mabilis nitong nilihis ang kotse pagdating sa intersection.

"What do you think you're doing, Lui?!" sigaw ni Zack sa likod at napaayos sa upo nito.

"Someone's following us." sabi ni Lui habang diretso ang tingin sa unahan at sa rearview mirror nito.

Napatingin ang tatlo sa likuran nito. Si Derrick naman ay tumingin sa sidemirror.

Napakunot noo si Cloud. "Duling ka na ba, Lui?" natatawang saad nito.

"What? May sumusunod sa atin!" pagpumilit pa ni Lui.

Tinuro nito ang itim na Mustang na nasa kabilang lane, dalawang kotse ang pagitan.

Sumandal si Zack sa upuan nito. "Turn left. Faster." walang emosyon na sambit nito. Mabilis na lumiko sa kaliwa si Lui. "Stop." ani Zack.

Binuksan ni Zack ang pintuan ng van at bumaba. Lumapit ito sa itim na Mustang na nakapark din sa likod nito. Nasa isang eskinita sila na walang taong dumadaang tao. Isang basurahan lang, at pusang napadaan.

Itinutok bigla ni Zack ang baril nito sa salamin ng shotgun seat.

"Bumaba kayo jan." malamig na utos nito.

Bumaba ang nasa driver's seat, pati sa passenger's seat. Si Kristy at Hugo na nakataas din ang mga baril, nakatutok kay Zack.

Mabilis na bumaba si Cloud at Paulo, tinutukan ng baril si Kristy at Hugo.

Binaba ni Zack ang baril nito sa salamin saka ngumisi ng nakakaloko.

Nagbukas ang pintuan sa shotgun seat at bumaba si Frey. Matalim ang titig nito kay Zack.

"Where's Johan?! Huwag mo na siyang itago pa!"

Sinagot ng isang ngisi ni Zack si Frey.  "Why would I?"

Nagigting ang panga ni Kristy at kinasa ang baril nito. "Ibigay mo na samin siya! Hindi mo siya pagmamay-ari, wala kang karapatang itago siya sa amin!"

"She's my girlfriend. Now tell me, wala ba akong karapatan?" mapanguyam na saad ni Zack. "Kung tutuusin ay kayo ang walang karapatan dahil kaibigan niyo lang siya. You're not even blood related."

Katahimikan.

"Her parents wants to see her." Frey.

"What if she doesnt want to see them?"

"Just give Johan back to us!"

"Idiots," malamig na saad ni Zack kay Frey. "Do you think Johan wants to see you after she heard all of the secrets you kept from her?"

Zack saw the pained reaction from Frey,

"That's why we wanted to see her, para makausap namin siya. To tell her that those were just a lies!" ani Kristy.

Napangisi muli si Zack dahil sa sinabi ni Kristy. "Ang kakapal ng mukha niyo." natawa si Zack ngunit hindi ito umabot sa mata. Nagdidilim na rin ang aura nito, base sa nakikita ni Paulo.

"Lies? To tell you the truth, not even a single person will believe you.. Even me.

"Hindi niyo ako maloloko. I will not let you feed lies to Johan again anymore. It's proven enough that you all lied to her, ever since she woke up."

Nanigas naman sa kinatatayuan si Frey at Kristy, maging si Hugo.

Ever since she woke up.

Ibig sabihin ay may nalalaman na si Zack. He has already a clue that will prove that Johan isn't really a Ricardo. Wala na ring saysay ang pagsisinungaling ni Frey sa kaniya. Pero mali. Dapat ay wala itong malalaman.

Napayukom ang kamao ni Frey. Her breathe became heavy.

"Threatened?" ani Zack habang nakangisi. Matalim na tinignan ni Kristy, Frey, at Hugo si Zack  "But I'm not starting yet. Better yet open now your big goddamn mouth before I do."

Saka ito tumalikod. Papasok na sana ito ng van nang magsalita ulit ito. "Don't worry, Johan will be safe with me... Kahit wala kayo. So don't follow us."

Pinaharurot muli ni Lui ang van nito. Naging tahimik ang biyahe. Patingin tingin pa rin si Lui sa rearview at side mirror nito kung may nasunod pa. Pero sa wakas ay wala na.

"They used the nearest shortcut. Dumaan ka don." ani Paulo.

"Wait.. They were not moving."

Tinignan ni Zack ang laptop ni Paulo. "It seemed that kanina pa nanjan yung red dot pagkalabas natin sa van.. And i supposed they stopped. I dont know why."

Napatingin sa daan si Zack. Dapit hapon na't nakasilip pa rin ang araw. Walang kotse ang dumadaan. May sementadong daan at may iilang punong nakatayo sa gilid.

Binilisan pa ni Lui ang pagmaneho hanggang sa maispotan nila ang isang punong mataas na may umuusok na kotse sa ibaba.

"We're here." pagulat muli ni Paulo.

Mabilis na bumaba si Zack at ang grupo patungo sa van. Binuksan ni Zack ang pintuan kaso ay hindi mabuksan. Sinuntok niya ng malakas ang bintana dahilan mabasag ito at magsugat ang kamao niya pero hindi nya inintindi ito. Itinaas niya ang lock saka binuksan ang van. May dalawang lalaki ang nasa loob. Si Johan ay nakaupo sa nasa pagitan ng driver's seat at ang passenger's seat.

Itinulak ni Zack ang isang lalaking nakahiga palabas at binuhat si Johan na walang malay patungo sa van nila.

"Let's go."

"Bro, may apat ba lalaki don. Dalawang wala nang buhay, pero yung dalawa humihinga pa." ani Lui na kakarating pa lang.

"Just drive us first to the nearest hospital." ani Zack. "Cloud, you know what to do."

"Yes leader!"  nagsalute pa ito bago lumabas.

Nagsimula nang magmaneho muli si Lui.

Hiniga naman ni Zack si Johan sa tabi niya pero nakapatong ang kalahati ng katawan nito sa kaniya, nakayakap.

Napunta ang kamay nito sa ulo. Naalarma ito nang maramdaman niyang basa ito.

"Love... Wake up." nagaalalang saad ni Zack saka yinugyog ang katawan nito. "Please, wake up.."

Nakita niyang nakatali ang kamay ni Johan. Agad naman niyang tinanggal ito at yinapos ang kamay.

"Zack, here. Use this para magkaroon ng pressure yung ulo niya." ani Paulo na may hawak na panyo.

Pagkarating sa malapit na hospital ay agad na tinungo nila Zack ang babae sa emergency room. Ang ospital kung saan pagmamay-ari ng mga Alonzo.

"Tito!" tawag ni Zack sa napadaan doktor.

"Oh Zackary, naparito ka?" sabi ng lalaking doktor at napatingin sa buhat niya. "Wait," sabi agad nito. "Nurse! Nurse!"

--x

"Don't worry, Zackary. Hindi naman nadamay yung skull niya. Natuklap lang yung balat niya and it caused bleeding. Tinapalan ko na ng benda and some medicine yun and I'm very sure, your girlfriend will be fine as soon as possible. Kailangan lang niya magpahinga."

"Thanks Tito." saka napabuntong hininga.

Napangisi ang tiyuhin nito. "I thought you'll never had a girlfriend. Akala ko bakla ka eh." natatawang sambit nito.

Napairap sa hangin si Zack. "I'm not gay. I just don't like clingy girls around me." naiinis na wika nito.

"Bakit? Hindi ba siya clingy?"

Zack just shrugged. "I don't think so. She's just too noisy."

Napailing ang tiyuhin nito. "Parehas kayo ng ama mo."

Hindi na sumagot si Zack bagkus ay tumayo na ito para lumabas sa opisina ng tiyuhin.

"Why don't you clean your wound here?" turo nito sa kamao ni Zack.

Napailing ito. "I don't need to--"

"No. I insist. Tara."

***

The door suddenly opened. Bumungad sa akin ang napakaingay na tao. Cheering its bet like there's no tomorrow.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa gitna. I am not wearing any mask or cloth to keep my face. Hindi ako ganun. Even my gangmates. The Nine Tails.

Gusto ko nakikilala kami, gusto ko nakikita nila kung sino kami at kung paano kami lumaban ng patas... Pero walang awa.

And that's what we were doing. Showing ourselves in front of thousands or more people sa Lotta Arena, in Italy.

People started to cheer our name. Our Gang. And that makes me crave more power.

Napangisi ako nang makita ang kalaban namin for tonight.

First Rank in Australia. Seriously? I don't even know them nor their gang name. Sino ba sila at ang lakas ng loob maghamon sa amin?

After a few minutes, the battle started.

The man was about to punch my face when suddenly some person catches his hand. 

"Artemis." I grunted. "Go back to your own fight will you." I emotionless said.

She smiled at me first before she punched the man in front of her. that smile that I wouldnt forget.

I grunted again.  That's mine.

"Welcome. " Sabi niya. I rolled my eyes heavenwards.

I walked in the middle of the battle arena,  not minding those stupid people whose shouting my name. Kada may lalapit sa akin, laging hinaharangan agad ng isa kong gangmate.

I dont have a choice but to just sit down and watch them fighting their own battle. They become so greedy when it comes to battle. Mga madadamot.

I watched them silently hanggang sa matapos na.

And of course we won. Always.

Pumunta ako sa harapan nila. Lahat sila naguusap at nagkukuwentuhan tungkol sa mga nakalaban nila. Purke mga weak, loser and mayayabang daw. They didn't even noticed me.

Tss.

Mabilis kong nahawakan ang pulsuhan ng babaeng may hawak ng patalim na dapat lalaslas sa leeg ko. Natahimik ang buong arena. My gang mates fell silent too.

She's fast, but Im way better than her.

Mabilis kong inikot ang braso niya sa likod niya and just a one swift move, nakahiga na siya sa semento, with her arm broken.

"Aaaargh!" sigaw nito habang sapo ang brasong bali.

I evilly smirked.

Naglakad ako patungo sa kaniya at lumuhod. One knee on the floor and one arm on my legs. "Do you think, you can beat me easily with that knife?"I whispered.

Matalim ang titig nito sa akin. If looks can kill, no, i wouldnt die.

"I will kill you." bulong nito sa akin.

My smirk became bigger.

Tumayo ako at kinuha mula sa malayo ang tumalsik na kutsilyo niya. An army knife.

Inikot ko ito sa mga daliri ko ng walang kahirap hirap habang nakikipagtitigan sa babeng nakahiga.

In a second, nakatarak sa tiyan niya ang army knife na kanina lang ay hawak ko.

"Aaaargh! Fuck! Fuck! Fuck!" sigaw nito.

Lumapit ako sa kaniya at walang sabi sabing hinugot ang malalim na nakabaong army knife sa tiyan niya.

"Fuck! Fuck you, bitch!" mas malakas na sigaw niya pa.

Inikot ko muli ang army knife sa mga daliri ko. Not minding the blood that is dripping to my fingers.

In a second, nakatarak na sa noo niya ang army knife na hawak ko.

***

Nakarinig na ako ng ingay mula sa paligid. Hindi ko mabuksan ang mga mata ko pero nagagalaw ko yung mga daliri ko sa paa.

"Gumagalaw yung paa ni baby Johan." rinig kong sabi ng lalaking boses.

"Pfft. Bakit paa? Diba dapat sa kamay?" natatwang sabi ng isa pang boses.

Namulat ko yung mata ko. Napapikit ulit ako.

"Pakisara ng bintana~" sabi ko.

"Whoa! Gising na si Aurora!" narinig kong sabi ni kuya Derrick

Minulat ko ulit yung mata ko. Nakasara na yung bintana.

"Tubeeeg~" utos ko habang inaalalayan ako ni kuya Derrick na umupo.

Nagbigay naman agad si Lui ng isang boteng tubig. Inubos ko agad yon.

"Aaah~ ang sarap." sabi ko.

Natawa sila sa hindi ko malamang kadahilanan. Hayaan na nga.

"Sino nagdala sa akin dito?" sabi ko

"Your Prince Charming, of course." sabi ni Lui. Napakunot noo ako. Si Zacky ba yun?

Napahawak ako sa ulo dahil parang may nakatali sa buhok ko. Nanlaki yung mata ko.

Naalala ko nanaman yung mga nangyari kahapon. Si Mamang katabi ko, nagdugo yung ilong tapos si mamang driver na nabutas yung tenga kaya kami nabangga. Hay. Reckless driver.

Anong oras na ba? Makauwi na nga.

"Anong oras na ba? Nasan si Zacky? Bakit kayo nandito? Nakapagalmusal na ba yon?"

Natawa sina Lui at Kuya Derrick.

"Ilang araw na yun hindi nakakatulog dahil nandito ka baby Johan. Yae na, nakikipagsagutan lang naman yun sa tito niya sa opisina niya."

Napakunot noo ako. Anong pinagsasabi nito? "Araw?"

"Pffft! Hahaha! Ilang araw ka nang tulog baby Johan. Halos himatayin na si bro kakahintay lang na magising ka. Mukhang iiyak na eh!" natatawang sabi ni Lui saka naghalagapak ulit ng tawa. Sumali naman si kuya Derrick.

"Ah okay." sagot ko saka humiga ulit. Kinuha ko yung unan sa likod ko para gawin kong yakapan.

Nanliit yung mata ko. Alonzo's Medical and Health center.

"Si Zacky ba may-ari nitong ospital?" sabi ko bigla.

"Wow! Talino mo baby Johan ah. Oo, sila nga."

Napatango nalang ako saka humiga ulit. Hunarap ako sa may bintanang nakatakip ng blinds, pero nakatalikod kay Lui at kuya Derrick.

Biglang pumasok sa isip ko yung panaginip ko...

Isang lugar na malawak at maraming tao. Lotta Arena.

Ano naman kaya ginagawa ko don? Pati sino yung mga kasama ko? Pati yung babaeng may mahabang buhok na tinawag ko daw na Artemis? Sa buong panaginip ko, yun lang ata yung mukha na yun yung pinaka-naalala ko. Yung ngiti niya... Napakapamilyar sa akin. Parang nakita ko na noon.

Pagkatapos ng ngiting yun, wala na ako maalala. Sino ba si Artemis? Totoo kaya yung babaeng yun? Artista ba yun? Waaah! Gusto ko siya makita sa personal!

Makakatulog na sana ako kundi lang dahil sa biglang paglagapak ng pintuan sa pader ng napakalakas. Napaitlag pa ako.

"YOU SAID IT'S JUST FOR A DAY! BUT WHY IS SHE STILL SLEEP---!"

Nakakunot noong tinignan ko si Zacky na sa tingin ko ay nagwawala na. Baliw na ata tong isang to.

Walang pang tatlong segundo, nasa harapan ko na si Zacky at yinakap ako ng mahigpit. Naparinig pa ako ng tawa sa paligid.

"Shut the fuck up!" sigaw ni Zacky na hindi bumibitaw sa akin. Nakita ko sila Kuya Cloud at Kuya Paulo na papasok dito.

"Oh? So the Sleeping Beauty is now awake!" nakangising sabi ni kuya Cloud sa akin.

"Waaah! Zacky! Nasasakal nako! Bumitaw ka nga!" sabi ko saka pinalo siya sa braso.

Bumitaw naman siya sa yakap pero hindi nya pa binibitawan yung braso ko. Napanguso ako.

Ngumiti lang siya sa akin.

"Ehem! Bili tayo sa baba. Nakakagutom dito eh." sabi bigla ni kuya Cloud.

"Kakakain lang kaya natin." segunda ni kuya Paulo.

Nakita kong pinandilatan siya ni kuya Derrick.

"Hahaha. I have to check Johan, Zack. Umalis ka muna jan. Baka mabinat itong kasintahan mo, magsisigaw ka nanaman sakin." sabi nung matandang doktor pagkalabas nila Lui.

"Tss."

Lumayo nga sa akin si Zacky pero hindi gaanong lumayo. Tumabi lang. Tinignan nung doktor yung dextrose ko at kung anu-ano pang ginagawa sa mukha ko.

"Talagang patay na patay sayo tong pamangkin ko ah." bulong sa akin nung doktor na tito pala ni Zacky.

Pakiramdam ko.naman nagiinit yung mukha ko. "Hehehehe. Ta-talaga po?"

"Oo. Noong isang araw pa yan iyak ng iyak---"

"I'm not crying!" inis na singit ni Zacky.

Tumawa yung tito ni Zacky. "Joke lang naman! Oh siya, makaalis na nga tutal ay maayos naman ang mga vitals signs mo, ija. Mag-iingat sa susunod ah?" saka lumabas na siya.

Napalunok ako ng dalawang beses dahil sa kaba. Napatingin ako kay Zacky ng tumikhim siya. Nakahalukipkip lang siya saka tinaas ako ng kilay.

"Bakit?!" nakangusong sabi ko

"Bakit ka lumabas ng unit ko? Were you trying to runaway that time?"

Nanlaki yung mata ko. "Hindi ah! Hindi!" iiling iling na sabi ko. "K-kasi... Kasi..."

"What?!" singhla niya.

"K-kasi... May nagmessage sa akin na may alam daw siya sa sinabi nila Frey kaya..." napayuko ako at nilarolaro yung daliri ko. "Kaya nakipagkita ako sa kaniya..."

Naramdaman kong nabuntong hininga si Zacky. "That's why we shouldnt trust anyone right now."

Napatingin ako sa kaniya. "Pati sayo dapat hindi ako magtiwala?"

"Uggh. Of course except for me." naiinis na sabi niya.

"Hehehe. Sorry naman." sabi ko saka nagpeace sign.

*knock knock*
*knock knock*
*knock knock*

Napatingin ako sa may pintuan pati rin si Zacky. Tatayo na sana ako para buksan yung pintuan kaso pinigilan ako ni Zacky. Siya nalang daw. Edi siya. *pout*

Binuksan niya yung pintuan pero agad ding lumabas. Napakunot noo ako.

Bakit lumabas si Zacky?

Umupo ako sa kama para sundan sana siya. Napapikit ako saka napahawak sa ulo ko noong nakaramdam ako ng sakit ng ulo saka hilo.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko saka pinahiga ulit ako. "Love, Humiga ka nalang muna. Dont force yourself."

Tumingin ako sa likod niya. Ganun nalang yung galit ko noong nakita ko kung sino yung mga kumatok kanina.

"Bakit kayo nandito?!" singhal ko. Tumingin ako ng masama kay Zacky. "Bakit hindi mo pinaalis?!" galit na bulong ko sa kaniya.

Kinunotan niya ako ng noo pero hindi sumagot.

Inirapan ko na lang siya at binalingan ng tingin yung dalawa. "Ano kailangan niyo?" malamig sabi ko.

Napayuko si Kristy si Frey naman ay napabuntong hininga.

"I'll be outside, love. Just call me." sabi ni Zacky saka lumabas.

Napuno ng katahimikan ang kwarto.

"We..  We are here to say sorry, baby Johan."

Napatiim bagang ako noong marinig ko ang tinawag sa akin ni Frey.

"Sabihin niyo sa akin yung totoo," sabi ko. "Totoo ba ang lahat ng mga pinakita niyo sa akin?"

"Yes! Yes! Totoo lahat yun baby Johan! We love you. We really treat you as our baby sister." sabi ni Kristy na umiiyak.

Nararamdaman kong may bumabara sa lalamunan ko at nagiinit na yung mata ko pero pinipigilan ko.

"Eh yung narinig ko? Totoo ba yun? Totoo ba na hindi ko talaga moma si moma at doda si doda?" dahan dahan kong sinabi.

Katahimikan.

"Ano?! Sagutin niyo ako!" sigaw ko.

"Yes. That's the truth."

Naparinig ko yung hagulgol ni Kristy. Tumingin ako sa harapan ko. Sa blankong pader. Unti unting tumulo yung  mga luha kong kanina ko pang pinipigilan.

Masakit pa rin pala talga kapag sa kanila mimso nanggaling yung mga katotohanan. Alam ko na yun eh. Inaasahan ko na yung mga sinabi ni Frey eh. Pero mas masakit pala talaga kapag personalang sinabi. Pakiramdam ko, sinaksak ako ng paulit ulit sa dibdib ko.

"P-paano kayo nagkakilala nila moma at doda? Matagal na ba kayong nagkakilala?"

"Matagal na, baby Johan." sai ni Kristy. "Inutusan nila kaming dalawa na sumama sayo palagi at protektahan ka."

"Kung ganun, bakit hindi niyo sinabi sa akin noong una pa lang?" maya maya sabi ko pa.

"Ayaw naming malungkot ka. Ang sabi ng mga magulang mo, huwag muna naming sabihin sayo kasi malulungkot ka lang kapag alam mo ang katotohanan. Mahal ka nila, Johan. Ang moma mo, doda mo at ate mo. Totoong mahal ka nila. Totoong inalagaan ka nila. Totoo lahat ng mga pinapakita nila sayo. Noong nagising ka sa ospital, pilit nilang hinanap yung magulang mo pero nabibigo sila. They can't find your true parents."

Hindi nalang ako sumagot pero tuluy-tuloy pa rin yung pagbuhos ng luha ko.

Ibig sabihin.. hinanap talaga nila yung totoong pamilya ko? Tapos nung hindi nila mahanap, kinupkop nalang nila ako? Ganun ba?

Pero maya maya napakunot yung noo ako.

"Paggising ko sa ospital? Ibig sabihin nakita lang nila ako moma sa ospital?" nagtatakang sabi ko.

Nagkatinginan silang dalawa. "Y-yes. Actually.. You've got an accident that time."

Nanlaki yung mata ko.

"Aksidente?" mas lalong napakunot ang noo ko. "Bakit... bakit ako naaksidente?!" sigaw ko bigla.

Nagkatingin ulit silang dalawa saka lumapit sa akin. Napaatras naman ako sa kinauupuan kong kama.  Napatigil sila sa paglapit sa akin. Malungkot yung mga mukha nila. "Hindi na namin alam yung parteng yun." sabi ni Frey

"Pe-pero bakit wala ako maalala? A-anong aksidente yun? Hi-hindi ko maalala..."

Napahawak ako sa ulo ko.

"Don't be hysterical after this, okay baby Johan?" takot na sabi ni Kristy.

Napailing ako.

Bumibilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba nerbyos at takot. Hindi ko alam kung bakit pero may inaasahan akong sasabihin nila.

"Hindi-- hindi ko alam."

"Just control your emotions, baby Johan."

Tumango ako.

And just what I expected, "You have an amnesia."

 Bumilis pa lalo yung tibok ng puso ko. Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko alam na pinigilan ko palang huminga simula kanina.

"Bakit... bakit hindi niyo manlang pinaalam sa akin noong nagising ako para naman hindi ako nagmukhang tanga?" walang emosyon na sambit ko saka tumingin sa kanilang dalawa.

Nagkatingin ulit yung dalawa. Napatawa ako ng pagak. "Is this some kind of a joke? Scripted ba tong mga sinasabi niyo ngayon sa akin?" ngumisi ako. "Sabihin niyo nga, may pinaplano ba kayo sa akin kaya niyo tinago sa akin na may amnesia ako?" it's just my theory.

Natahimik silang dalawa.

Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa pinaghahalong inis, galit at gulo na nararamdaman ko ngayon.

i can't believe this.

"Wala kaming pinaplano sayo, Johan. Tandaan mo yan." malamig na sabi ni Frey.

Tumingin ako sa kaniya habang nakangisi. "Talaga lang?"

Hinawakan siya ni Kristy sa braso saka umiling. Bakas ang takot at pagtataka sa mukha ni Kristy.

"Trust me on this, Kristy. Just this once." sagot naman ni Frey. Tumingin siya sa akin. Mata sa mata.

"We are just protecting you."

nawala ang ngisi sa labi ko. Protecting? Ano to, isa akong prinsesang nawawala tapos hinahunt? Nino? "Kanino?"

"Sa isang demonyo.."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Demonyo? Bakit naman ako papatayin ng isang demonyo? Isinangla ko ba yung kaluluwa ko sa isang demonyo?

Saktong pumasok si Zacky sa kwarto. "Fifteen minutes is over. Pwede na kayong umalis." malamig na sabi niya.

Napabuntong hininga naman sila Frey bago tumingin sa akin ng malungkot. "I wish you'll forgive us soon, baby Johan. We missed you so much." sabi ni Frey bago lumabas.

"Can I hug you?" napatingin ako kay Kristy na lumuluha.

I was hesitate that moment pero pumayag na rin dahil sa nakikitang desperasyon sa mukha niya. Yinakap niya ako ng mahigpit, gumanti naman din ako. "I love you, baby Johan. Para ka nang kapatid sa akin. Trust me, ganon din si Frey sayo. I hope you forgive us soon, baby Johan. We really miss you." bulong sa akin ni Kristy bago kumalas at tuluy-tuloy na lumabas ng kwarto ko.

Nakatulala naman ako sa pintuang pinaglabasan nila. Hindi ko alam kung ano na mararamdaman ko. Parang halo-halo.

Yinakap ako ni Zacky ng mahigpit kaya yinakap ko din siya.

===========================================

A/n: New fictional character kay Frey, tignan niyo sa mga casts.

Continue Reading

You'll Also Like

12.2M 267K 65
COMPLETED/UNEDITED A girl who uses fake eyeglasses to suppress her identity accidentally bumped the notorious King of Lee-Park International. Was it...
5.1M 126K 54
Allisea is a lady that had a dark past. She ran away from the life she used to have and that's to chase her dreams ----- to be a teacher. Will she be...
259K 1.7K 200
COACH POTATO??? Love to read... Looking for me ✌, haha I mean something to fill your precious time. Check this out! ~~~Trip ko lang i-compile mga nat...
12.8K 428 53
Ito ay lugar kung saan ay nag-eexist ang mga 'di pangkaraniwang nilalang... ~~~~~ Date Started: 01/13/18 Date Finished: 07/30/20