UNISTAR : INVISIBLE MOON ( An...

By Cozzzette

459 27 2

[ Thai BL Novel Translation ] "Invisible Moon (Buwan na Hindi Nakikita)" ang bansag sa idolo na si In na isa... More

Translator's Note
Panimula : UNISTAR PROJECT
Prologue
Kabanata 1 ~ Ang Hangin At Ang Buwan Na Hindi Nakikita ~
Kabanata 2 : Hindi Nakikita at Hindi Nakikita

Kabanata 3 : Ang Buwan Na Nais Maging Hindi Nakikita

37 3 0
By Cozzzette

Kabanata 3

Ang Buwan Na Nais Na Maging Hindi Nakikita

"Ang bato ay nais na maging isang buwan, ngunit ang buwan ay nais na maging isang bato."

#WINisWIND


🌙~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🌙



May mga nagsasabi na maraming bagay sa mundong ito ang mananatili kung ano sila magpakailanman.

Tulad ng isang bato sa lupa na kailanman ay hindi maaaring maging isang buwan sa kalangitan.

Ang hangin ay mananatiling isang hangin, at ang isang taong kumukupas na tulad ko - paanong kikinang kalaunan? Kahit na noong unang araw ng freshman ceremony, wala man lang nakakapansin sa akin.

Sa unang bahagi ng aktibidad ay isang pagpapakilala sa aming mga sarili sa pamamagitan ng isang masayang laro. Ang lahat ng mag-aaral sa unang taon sa kanilang faculty ay maayaos na nakaupo at nakahilera sa isang hanay. Ang bawat estudyante ay isa-isang tatayo, ipapakilala ang buong pangalan at palayaw, at haharap upang ipakita ang itsura( ipakita sa ibang estudyante ang mukha), pagkatapos ay ang kasunod naman na estudyante ay sasabihing ang pangalang ng sinundan niya saka niya ipapakilala ang sarili katulad ng nauna sa kanya, ang bawat estudyante ay uulitin iyon hanggang sa matapos ang lahat. Kailangang makilala nila kahit man lang iyong mga nasa katabi nila.

*T/N : Sa Thailand, mas madalas na ginagamit nila ay nickname + full name.
Ex: Win Archawin Deshsakul
Win - Nickname
Archawin - First name
Deshsakul - Surname
Mas madalas na ang nickname ang ginagamit nila*

Ngunit, nang ako na ang magpapakilala, kabisado ko na ang pangalang ng taong susundan ko, ang hindi ko inaasahan, ang estudyante sa aking tabi ang tumayo at nagpakilala. Nilaktawan niya ako na para bang hindi niya napansing nandirito ako.

Nilaktawan na ang aking pagpapakilala, kahit ang mga senior ay hindi iyon napansin.

Ang tulad niyang ipinanganak na hindi napapansin ay nakakalungkot, miserable sa pakiramdam, pero wala siyang magagawa.

"Sa lahat ng freshmen! Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para magpahinga, maaari kayong uminom ng tubig o pumunta sa banyo. Pagkatapos ng break time, kailang ninyong bumalik dito at ipapaliwanag namin ang tungkol sa signature collection book,"sabi ni P'Noey.

Bahagya akong napabuntong hininga. Tapos na ang unang bahagi ng aktibidad at kahit isang salita ay wala akong nasabi o kahit magpakilala man lang.

Gayundin, nang balak niyang kumuha ng libreng softdrinks mula sa isang senior, biglang may ibang estudyante ang kumuha ng dapat ay kanyang inumin.

Damn invisible!

Kahit na ayaw niya ng ganoong sitwasyon, nakasanayan na lang niya. Kaya naman kinuha na lang niya ang libreng bote ng tubig na iilang estudyante lamang ang kumukuha. Pagkatapos, naglakad siya papunta sa may balkonahe at pinagmasdan ang mga puno. Nakatulong iyon upang gumaan ang kanyang pakiramdam.

Marahil, dahil sa pakiramdam ng pagiging isang bahagi ng kapaligiran - pagiging isang kaibigan ng kalangitan, mga puno at ng mga munting ibon hindi ko na kailangan pang ikumpara ang sarili kaninuman - hindi ko na nararamdaman ang pagiging iba.

Oh? Si P'In ba 'yon?

Habang abala kami sa aktibidad, hindi ko napansin si P'In. Kaya hindi ko rin alam kung nasaan ito. Pero habang break time, nakita ko siya may kalapit na hardin.

Hindi ko maiwasan ang aking kuryosidad, bakit kaya hindi sumali si P'In sa mga aktibidad?

At ano kaya ang ginagawa nito roon?

Pinagmasdan ko siya, si P'In ay naglalakad habang tinitingnan ang mga warbler (isang klase ng maliit na ibon ~ yata 🙂) humuhuni ang mga iyon habang gumagawa ng pugad sa puno. Kinuha ni P'In ang cellphone para kuhanan ito ng mga larawan. Tiningnan nito ang mga kinuhanan larawan, pagkatapos, umakyat ito sa sanga ng puno para muling kuhanan ng litrato ang mga ibon.

Hindi ko maiwasang hangaan si P'In dahil nagawa nito iyon ng marahan at tahimik. Ni hindi namalayan ng mga ibon na mayroong tao sa malapit. Nang matapos, tumalon ito pababa.

Kasabay nito, bahagya akong nagulat ng biglang magkatitigan kami ni P'In.

Bigla akong nag-alangan, hindi ako sigurado kung magpanggap ba akong sa ibang panig nakatingin, bahagyang ikiniling ni P'In ang kanyang leeg, pagkatapos ay naglakad ito palayo.

Hindi ko namalayang nanatili akong nakatingin lang kay P'In, iniisip kung saan ito papunta, nakatingin lang din si P'In sa kanya.

Nang maglaon, tumigil sa paglalakad si P'In, may bahid ng pagdududa sa mukha. Umatras ito, tapos umabante, tapos umatras uli. Paulit-ulit nitong ginagawa ang kakatwang bagay na iyon, habang nakatitig sa kanya, maybekpresyon iton tila 'di makapaniwala.

Hm? Nakakapagtaka. Bakit paulit-ulit na naglalakad nang paatras-abante si P'In? Nag-e-exercise kaya ito ng ganoong oras?

"Bakit nakakakita?", sambit ni P'In.


(*T/N ~ Si P'In ay medyo weird magsalita ☺☺😂😂)

"Ha?" Bigla akong natigilan.

Lumingon ako sa kaliwa, kanan, sa harap at sa likod. Hindi ako sigurado kung ako ba ang kinakausap nito o ibang tao, pero walang ibang naroon kundi sila lang.

Kinakausap ba niya ako? O nakakaistorbo na ako sa kanya?

" Oh... ipagpatuloy mo lang 'yang ginagawa mo, 'wag mo 'kong alalahanin, aalis na ako, " sabi ko agad.

Nakatingin lang sa akin si P'In, tila may pinag-iisipan. At dahil wala na akong iba pang masabi, hindi na lang ako pinansin ni P'In at ibinaling ang atensyon sa cellphone nito.

"Sa lahat ng freshmen! Tapos na ang break time!"

Tinatawag na sila ng mga 3rd year senior. Kailangan ko nang pumunta roon.

Pero bakit kaya nandoon lang si P'In at kumuha lang ng litrato?

"Uhm.. Senior, bakit po hindi ka tumutulong sa ibang 3rd year sa mga activity?" saad ko ng hindi nag-iisip. Pagkatapos, bigla kong naisip na bawiin ang lahat ng mga sinabi ko.

Maaaring gawin ni P'In ang kahit na anong gusto nito. Wala na akong kinalaman doon, wala akong karapatang sabihin iyon.

Nanatiling nakatayo lang si P'In, pagkatapos ay yumuko ito para kuhanan ng litrato ang mga damong tumutubo sa pagitan ng mga tile.

"Tutulong mamaya, ngayon ibang bagay muna." Sagot ni P'In nang hindi man lang tumitingin sa akin.

"Ibang bagay?" Hindi ko ma-gets. Ang ibang bagay na tinutukoy nito - paglalakad, pagmamasid, pagkuha ng mga larawan ng mga ibon?

"Mag-update ng tatlong beses, sabi nila." Maikling sagot ni P'In.

Huh? Sa pagsasalita nito ng maikli at hindi malinaw, nagugulumihanan ako. Pero naglakad na papunta sa kabilang panig si P'In. Kaya naman nawalan na ako ng pagkakataon na tanungin pa ito, dahil na rin kinailangan ko nga bumalik para sumali sa iba pang aktibidades.

Nang makabalik na ang lahat ng freshmen, nag-ikot ang mga Senior para ipamahagi ang mga notebook na may itim na pabalat. Kinailangan ko oang tawagin ng dalawang beses ang Senior para makakuha. Kung hindi, siguradong hindi niya ako makikita.

Pinagmasdan ko ang notebook, kulay itim iyon na may sibolo ng kanilang faculty. Kulay itim ang mga pahina sa loob niyon at may nakataling ding ballpen.

"Ang mga notebook na nakuha ninyo ay ang Senior Collection Book." Gamit ni P'Tong ang isang megaphone hanbang nagpapaliwanag.

"Huwag ninyong iwawala iyan. Ang bawat freshmen ay kinakailangang makakuha ng mga pirma mula sa mga senior hanggang sa kung saan ang kaya ninyo. Kinakailangang ang lagda ay may kasamang pangalan, apelyido, faculty at pirma. Itse-tsek namin 'yan sa susunod na linggo."

Ang Senior Collection Book? May mga nabasa na ako tungkol sa aktibidad na ito sa internet. May mga senior na madali lang makakapagpapirma, pero may mga senior din na may ipapagawa muna bilang kapalit.

Mayroong higit sa isang-daan senior sa faculty of business and managment. Kung gugustuhin kong makolekta ang lahat ng pirma ng mga senior mula sa ikalawang antas pataas, hihigit iyon sa tatlong-daang katao. Pero, siguro na kahit makuha ko ang kanilang mga pirma, marahil na karamihan sa kanila ang makakalimutan na napapirma ko sila.

"Ang susunod, sasabihin ni P'Noey ang tungkol sa Moon and Star Contest para sa faculty natin."

Nang marining ang 'Moon and Star Contest', nakinig akong mabuti. Dahil si P'Wun, kapatid ko, ay isang Star ng Faculty of Accounting. Sobrang proud ng mga magilang ko. P'Wun ang sentro ng atensyon ng lahat ng mga kaibigan at mga pinsan namin. Ang lahat ay 'di maiwasang hangaan ang sinumang pinsan o kaibigan ang maging Star (o Moon).

At ang isang taong kumukupas (fading) na tulad ko , may pagkakataon kaya? Napabuntung-hininga na lang ako. Marahil, nangangarap ako ng malaki.

"Hello! ang aking pangalan ay P'Noey." Ang babaeng iyon na nagpapakilala, ay nakilala niya sa registration table.

"Alam ko na ang lahat ay interesado sa Moon and Star Contest, dahil marami ang nagtatanong sa akin. Karaniwan, ang ating unibersidad ay ginaganap ang paligsahan bago ang midterm exam, kailangang ang bawat faculty ay may listahan ng mga nominadong kandidato sa simula pa lang ng semestre."

Narinig pa lang ang tungkol sa Moon and Star Contest, tila lahat ay excited na.

"Senior," isang first-year ang nagtaas ng kamay. "Kung ang candidate ng faculty natin ang naging University Moon, eh 'di maaari siyang makasali sa UNISTAR Contest, tama po?"

"Tama 'yan," nakangiting sagot ni P'Noey. "Katulad noong nakaraang taon, N'Wayu - ang Moon candidate ng Faculty of Engineering - nakasali siya ng UNISTAR Contest, pagkatapos ay naging UNISTAR member."

Nang ang salitang UNISTAR ang naging paksa, lahat ng freshmen ay naging energetic.

"Freshy, pakiusap, manahimik ang lahat." Sabi ni P'Noey.

"Pakiusap, huwag po tayong sumigaw, sapagkat noong nakaraang paligsahan ng UNISTAR 4th Generation Contest, isinama ng mga komite ang una hanggang sa ikatlong henerasyon ng UNISTAR members. Kaya naman nagtatag ang ating unibersidad ng mga bagong regulasyon para paligsahan, at para sa taong ito, nais ng ating unibersidad na ang sususnod na University Moon ay magiging kasapi din ng UNISTAR, kaya naman-"

Lahat ay nakikinig ng mabuti, kasama na ako doon.

"Sa taong ito, sa ating University Moon Contest, ang mga magiging *hurado ay sina P'In at P'Wayu."


(T/N : sa english version, committee(s) ang nakalagay, pero sa wika natin, bihira lang gamitin ang komite/committees sa mga contest kaya mas angkop na hurado na lang ang ilagay ko 🙂✌....)


Whoa!! Bigla na lang na, maraming babae freshman ang biglang nasabik. Karamihan sa kanila ang nagsabi ng 'Pwede ba nating iboto ang mga hurado?', 'Kailangang nating pumunta para makasilay tayo sa mga hurado,' at marami pang iba...

"Senior, paano pipiliin ang mga magiging Moon candidate ng ating faculty? Galing ang tanong sa isa sa mga freshman student, na maaari ring tanong ng halos lahat sa kanila.

"Napag-usapan na namin ito, si P'In na ang nakatoka para d'yan."

"P'Innnn~"

Dahil lang sa salitang 'In', maaari na itong maging sanhi ng malakas na hiyawan.

"Yep, hindi makikialam ang faculty sa paligsahan, pero si P'In ang naatasan na pumili ng mga Moon at Star candidates, at tutulungan siya ng ilang seniors at teachers. Kaya naman, kailangang ang lahat ng freshmen ay lumahok sa lahat ng aktibidad araw-araw, bawal lumiban, dahil nagmamasid si P'In para sa natatanging freshmen."

Nang sabihin iyon ni P'Noey, lahat ay biglang napatingin sa paligid-ligid.

"Kung gayon, Nasaan kaya si P'In?" "Well, hindi ko ri alam."

"Gusto kong makita si P'In." "Pupunta kaya dito si P'In?"

"Naririyan lang sa paligid-ligid si P'In, hindi ba't si P'In ay isang Invisible Moon?" sagot ni P'Noey.

Hinahanap ko rin si P'In, habang inaalala na pagpunta din doon si P'In ngunit hindi ito nakilahok sa anumang mga aktibidad.

Naiintindihan ko na kung bakit mayroong libreng oras si P'In para magmasid sa mga ibon at mga puno, dahil wala itong ibang trabaho kundi ang maghanao ng mga natatanging first-year students para sa Moon and Star Contest.

Ngunit si P'In - ang may pinakamahalagang papel para sa kanilang faculty Moon and Star Contest - nasaan na kaya siya? Sinusubukan ko siyan hanapin, pagkatapos, Yun! Nakita ko na siya! Oh, naglalakad pa rin ito sa may hardin.

Hmmm, naguguluhang napakamot na lang ako sa ulo. Sabi ng mga senior, naghahanap si P'In ng mga natatanging estudyante, pero ni hindi man lang nito tinitingnan ang mga freshmen students - nanatili itong kumukuha ng mag litrato ng mga puno.

"Okay, freshy,ipinaliwanag na namin sa inyo ang tungkol sa Moon and Star Contest, ang sususnod, hahtiin namin kayo sa iba't ibang grupo, ang bawat grupo ay lalahok sa iba't ibang aktibidad. Lahat ng freshy, magsitayo..."

Nang maiayos na ng mga senior ang mga grupo, maraming mga freshman ang nagsimulang mag-ingay. Karamihan ay pinag-uusapan ang tunkol kay P'In at ang pagpili nito ng mga kandidato para sa Moon and Star Contest.

"Hoy! Nag-update si P'In sa Instagram!' sabi ng isang first year, kaya naman halos lahat ay nagmadali para tingnan ang kanya-kanyang cellphone.

"Oo nga! Ito 'yung itim na puno ng afara, ito ba 'yung punong iyon?" sabay turo sa may balkonahe.

"Ahhhhh!!! Baka nandoon si P'In!!"

Kaya naman, maraming babaeng estudyante ang sumigaw at tumakbo papunta roon.

"Hoy, saan kayo pupunta?" tanong ng isang senior.

Biglang nagkagulo, ang mga inayos n grupo ay naging magulo.

"Asan? P'In? Nasaan si P'In?" Lahat ay naghahanap kay P'In at pansamantalang kinalimutan ang mga senior.

Nakatingkayad na akong nakatayo habang naghahanap din, naalala ko na nasa paligid lang si P'In, pero ngayon, hindi ko na siya makita.

"Tong, nagpunta ba talaga si P'In?" tanong ni P'Noey kay P'Tong, kasama ang iba pang mga senior.

"Siyempre, tumawag ako para paalalahanan siya kahapon. Tinanong ko din siya kung gusto niyang maging activity leader pero tumanggi siya. Hindi niya gusto ang pagsasalita. Kaya naman sinabihan ko siyang siya na lang amg pumili ng Moon at Star candidate. Nagboluntaryo din siyang maglilinis."

"Ha!! Ano?! Si In ang maglilinis?!"

"Oh? Sayang naman. Ang isang poging lalaking tulad ni In ay naging isang nagapaglinis." Tumawa si P'Noey.

"Pero teka lang, paano mo siya natawagan? Meron kang numero ng UNISTAR? Sobrang higpit ng privacy protection policy ng ahensya nila."

Sa sinabing iyon ng isang senior bigla niyang naalala niya ang isang balita, noong panahong iyon, sa UNISTAR, si Leo, ay madalas na ma-harass. Kinailangan nitong magpalit ng contact number ng maraming beses. Hanggang sa tumagal, tanging ang mga manager at mga miyembro lamang ng pamilya ang hinayaan ng agency ng mga ito ang magkaroon ng contact numbers ng UNISTAR. Kung gusto ng UNISTAR member na ibigay sa isang kaibigang ang numero nito, kailangan nitong ipaalam iyon sa ahensya, para na rin maiwasan ang pagkalat niyon.

"Wala ako niyon, karaniwang tinatawagan ko siya sa Facebook. Madalas, hindi siya sumasagot. Kapag nag-iwan ako ng mensahe, madalas na nakakalimutan niyang mag-call back. Pero kung ang kokontakin mo 'yung manager ni In, baka sakali.

"Ha? Iyong manager ng UNISTAR Project?"

"Oo, 'yung numero 'para sa trabaho' sa instagram."

"Ah, naintindihan ko na. Gumagamit pa ba siya ng facebook? Madalas ko siyang makita sa facebook, active seven days ago..."

"Bihira lang din siya sa Twitter."

"Madalas ko siyang makita sa IG. Pero nagpo-post lag siya, hindi tinitingnan ang inbox, pero nagbabasa siya ng mga comments."

"Ni hindi natin alam ang LINE niya, o phone number. Ang malala, bihira ko lang din siya makita. Ni hindi ko alam kung nasaan siya."


(T/N : isang messaging app ang LINE na commonly used sa ibang parte ng Asya. Alam ko pwede yan dito sa Pinas,,)


Sumasang-ayon ako. Habang nakikinig ako sa pag-uusap ng mga third year senior, napapa-isip din ako kung nasaan na kaya si P'In. Kaya't nahahanap din ako sa paligid.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si P'In na naglalakad habang nangongolekta ng mga walang lamang plastic cups at mga naiwang pakete ng mga kendi na naiwan sa lamesa, na kinain at iniwan ng karamihan ng mga freshmen. Gumamit din ito ng walis para walisin ang sahig.

Gulat na nakatingin lang ako kay P'In.

Karaniwan, ang mga sikat na tao ay malamang na hindi gumawa ng mga ganoong trabaho. Malamang na mas nanaisin nilang gumawa ng ibang gawain, 'yung tipong makakakilala siya ng maraming tao at magiging sentro ng atensyon.

Ang ugaling iyon ni P'In ang nagpa-alala sa akin kung ano ako noong high school. Pag may sport events, karamihan ng mga kaibigan ko ay nakatalaga sa cheering duty, ang iba ay atleta, samantalang ang hindi napapansing tulad ko, sumali man o hindi, walang nakakaalam. Kaya naman ang tanging nagagawa ko lang ay ang madalas na di pinapansin - ang paglilinis.

Ginagawa ni P'In ang eksaktong ginagawa ko noon.

Ngunit, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang isang sikat na taong tulad nito ay mas piniling gawin iyon.

"Oh, kanina lang, makalat pa sa lamesang iyan, pero ngayon malinis na. " ang senior, siyang nakatalaga sa paghahanda ng mga inumin at miryenda, ay nagulat.

"Sinong naglinis sa lamesa, sino rin ang naglinis sa may sahig, ikaw?"

"Hindi, hindi ako, parang may taong kakatapos lang maglinis dito, baka ang janitor."

Nakita ko si P'In. Hinuhugasan ang basahan sa may gripo, kung saan hindi siya nakikita ng ibang mga senior. Siguro, mabilis nitong ginawa ang lahat habang nag-uusap paang mga ito, at nang bumalik ang mga ito, mabilis na nakapunta na si P'In sa may gripo.

"Ang maging isang invisible na celebrity na tulad ni In ay napakahusay. Madali siyang makakatakas sa mga gawain," sabi ng isang senior.

"Huwag mong sabihin iyan. May tiwala ako kay In. Pag sinabi niya, ginagawa niya," kontra ni P'Tong.

"Tama si Tong, bihira lang siya magsalita, pero madalas siyang nakikipag-cooparate. Nagpupunta ito sa mga appointment (meeting) at tinatapos ang trabaho sa oras. Satisfied din ako sa mga gawa niya," sabi naman ni P'Noey.

"Well, alam ko. Nag reklamo lang naman ako ng 'di nag-iisip."

Habang busy sila sa pagtatalo, natapos na si P'In sa paglalaba ng basahan. Pagkatapos ay naglampaso naman ito.

Sa mga nakita ko ngayon, si P'In ay kakaiba.

Para sa akin ay boring ang pagkakaroon ng buhay na tulad nang sa akin (a fading life). Kung ako ay papapiliin, nanaisin kong ipanganak na isang agaw-atensyong tao. Habang si P'In naman ay nakukuha ang atensyon ng lahat ng tao ngunit mas nina-nais nitong maging isang invisible. Nakatuon ang atensyon nito sa paggawa ng maraming bagay/trabaho ngunit hindi nito kailanman ipinapaalam sa iba.

Bigla, napaisip ako.

Gusto kong makilala pang mabuti si P'In.



🌙~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🌙






~ minsan, gusto ko na lang 'ding maging katulad ni P'In at Win. 'Yung tipong walang nakakakita sa'yo, walang nangingi-alam, walang pumapansin,,..... 'lam mo 'yon... kaway-kaway sa mga tsismosang kapit-bahay....... ~

*hehehe peace.*

Continue Reading

You'll Also Like

40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...