The Odious Doxy (Flight Atten...

By Blacckkfairry

15.8K 227 36

FLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

17

142 2 0
By Blacckkfairry


"Fidanzato."



Kunot noo akong napatingin at naguguluhang tinignan si Gaviniel matapos marinig ang sinabi niya. Napalunok ako at minsan pa ulit na nilingon si Bea na nagtataka na ng sobra. Pinalipat lipat pa niya ang paningin sa aming dalawa.



Napapikit ako at halos ganon nalang kalakas siyang hinampas sa braso. Ang galing niya talaga kahit kailan mamikon! Oo napikon na niya kaagad ako. Lumayo siya at kaagad na humawak sa braso niya. Umakto na para bang nagdugo at nawala na ang kanyang buto.




"Anong sabi mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko.




"Wala. Sabi ko ang ganda mo." Nakangisi na sabi niya sabay lapit niya sakin para guluhin ang buhok ko. Kinindatan pa niya ako ng hindi siya makuntento!





Parehas kaming napataliwas ng bigla naming marinig na umubo si Bea. Napako ang paningin ko sa labas ng bintana habang si Gaviniel naman ay kumilos lang ng normal at parang walang nangyari. Pagkatapos niyon ay walang salita na niyang ini-start ang sasakyan. Pero bago pa man niya iandar ay naramdaman ko pang tumingin siya muli sakin dahilan para biglaan kong buksan ang bag ko at umakto na may hinahanap. Kahit na ang totoo ay wala naman talaga.




"Sorry! May ubo kasi ako kaya ganon." Pagpapaumanhin at makahulugang sabi ni Bea. Gusto ko man siyang lingunin muli sa likod ay hindi ko na magawa pa dahil alam ko naman na palusot niya lang yon para asarin na ako!






Buong biyahe ay napuno lang ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Maluwag na rin ang kalsada kaya naman mas mabilis naming naihatid isa isa ang lahat sa kani-kanilang bahay. Habang nasa biyahe rin kanina pabalik ay isa isa ko ng kinontact ang mga parents nila at nagpaliwanag dahilan para hindi na sila mag alala pa. Ilang minuto pa ang lumipas bago namin tuluyan narating ang bahay nila Aiofe.






Paghinto namin sa labas ng bahay nila ay tanaw ko na kaagad ang nakababatang kapatid niya. Umikot siya agad sa gawi ko kaya naman mabilis ko na ibinaba ang salamin ng bintana.




"Hello!" Ngiting bati ko sa kanya.





"Hello din po!" Ngiti niya rin sakin sabay kaway bago mabilis na lumingon sa likuran ko para hanapin ang ate niya. Naningkit pa siya ng minsan dahilan para tapikin ko ang binti ni Gaviniel para utusan siyang buksan ang ilaw na kaagad rin naman niyang ginawa. "Hay nako! si ate talaga!"





Napakamot nalang siya at wala sa sariling napairap sa ere. Hindi nagtagal ay bumaba na rin kaagad kami ni Gaviniel para maibaba si Aiofe na sobrang himbing na himbing na sa tulog. Matapos niyon ay sunod namin na hinatid si Bea sa dorm na inuupahan niya pero sa kasawiang palad ay sarado na iyon at halos wala ng sumasagot kahit kumatok pa kami ng ilang beses.





Sa lahat ng hinatid namin siya lang ang walang nauwian ngayon kaya naman nagdesisyon na akong sa bahay ko nalang muna siya patuluyin. Since marami naman akong uniform at maipapahiram na damit sa kanya.





"Mabait ka na niyan Sam?" Pang aasar bigla na sabi ni Gaviniel sakin sa kalagitnaan ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Kunot noo ko siyang nilingon kaagad at pinagtaasan ng kilay. Nagtataka.





"Oh? wag mo sabihing susungitan mo ako?" Saglit pa niya akong nilingon habang nakangisi bago siya muli tumingin sa kalsada.





Hindi ako nagsalita at tahimik lang siyang tinignan. Ni hindi ko rin namalayan na sa sobrang pagtitig ko sa kanya ay dahan dahan na palang naglalakbay ang mga mata ko para lang makita ng husto ang suot niya. Suot niya na simple lang naman pero para sa akin ang lakas na kaagad ng dating.





He was only wearing a simple plain tee color black together with his color gray shorts na ipinares niya sa color navy shoes niya na sneakers. Natigilan lang ako sa pagtingin doon ng maramdaman at mahuli niya akong nakatingin. Tingin na mas halatang nang aasar na kaysa kanina. Agad ko siyang pinagtaasan ng kilay.



"Why are you staring at me?"



"Hoy hindi ah!" Kaagad na depensa ko at umayos ng upo. "Hindi ikaw ang tinitignan ko."



"Talaga ba?" He laugh a bit. But it was a quick. "E ano pala yung tinitignan mo kung hindi ako?" Pinagkadiinan niya ang salita sa dulo.



"Yung damit mo. Naalala ko lang kasi si Mark. May ganyan din siyang damit." Pagpapalusot ko.




"Ah... Baka naman hindi branded yon." Nakangiwing sabi niya at basta nalang na pumindot ng kung ano sa player niya.



"Siguro nga." Tanging nasabi ko nalang.



Hindi ko na ulit siya narinig pa na magsalita pagkatapos niyon. Naging tahimik na ang atmosphere namin hanggang sa tuluyan na kaming nahinto sa tapat ng bahay. Inayos ko pa ulit ng minsan ang sarili ko bago ako tuluyan na bumaba para buksan ang pintuan sa backseat para maibaba na rin si Bea.





"Kunin mo nalang yung gamit niya. Bubuhatin ko nalang siya." natigilan ako ng bigla nalang sumulpot si Gaviniel sa kabilang pinto. Akmang magsasalita sana ako pero hindi ko na nagawa dahil agad na siyang kumilos para buhatin si Bea palabas. Kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga nalang at sundin ang utos niya.




Pagpasok namin sa bahay wala na kaming naabutan pa na tao sa sala. Tinignan ko pa saglit ang oras bago ko sinenyasan si Gaviniel na sumunod sakin. Nilapag ko nalang muna sa study table ang gamit ko pati ni Bea ng makapasok na kami sa kwarto. Matapos mailapag ni Gaviniel si Bea ay agad na rin akong lumapit dito para ako na ang mag asikaso.




I thought Gaviniel wasn't around already after that. Pero ganon nalang ang gulat ko ng nakatayo pa rin pala siya hanggang ngayon sa kinatatayuan niya. He slowly scratching the back of his head while letting a heavy sighed. Kay Bea lang rin siya nakatutok ng husto dahilan para tumayo ako at ilagay sandali ang sapatos ni Bea sa gilid.




"Bigla ka yatang naging seryoso?" Nag aalinlangan na tanong ko habang nakatalikod sa gawi niya. "May...may...nasabi ba akong hindi maganda kanina dahilan para magkaganyan ka?"



I did not received any answers from him so I assumed that there's something wrong. Pero hindi ko naman alam kung ano. A few minutes later, I heard his footsteps came off to me. Halos mapaupo ako ng wala sa oras sa sahig ng bigla nalang niyang hawakan ang balikat ko. When I look back at him, he only shooked his head and giving me a small smile.



"Don't worry about me, It's not about on what you've said earlier. Maybe because I felt sleepy already." Ginulo pa niya ng minsan ang buhok ko at pinisil saglit ang pisngi ko. "So I think I shall go now?"



"Ihatid na kita sa gate." Pagmamagandang loob ko at akmang tatayo na sana pero mabilis niya rin akong pinigilan.




"Wag na." He smiled at me before looking at Bea who's now facing the window. Balot na rin siya ng kumot at sobrang himbing na ng tulog. "Asikasuhin mo nalang siya."



Matapos niya umalis ay doon na ako nagsimulang mag asikaso ng sarili ko. Nagpalit at nagsuot nalang ako ng sleepwear dress bago sumampa sa kama at humiga. Pero kada susubukan kong ipikit ang mga mata ko, hindi ako ganon kaagad na nakakatulog. Kung ano anong posisyon na rin ang ginawa ko para lang makatulog na ako pero wala.





"Bakit ba kasi hindi ako makatulog? Inaantok na ako kanina e." Inis na bulong ko bago ako tuluyang nagtaklob ng kumot.



"Sam? Sam?" Nagising akong bigla sa ingay na dala ng taong yumuyugyog sakin. Pagtanggal ko ng kumot, it was Bea who's now panicking like there's something bad happened nakahawak pa ang magkabila niyang mga kamay sa sentido.



"Kaninong kwarto to? Bakit dito ako nakatulog? Isa pa bakit hindi sa dorm ko?" Sunod sunod na tanong niya. Patuloy pa rin na nililibot ang paningin sa bawat sulok ng kwarto. Gulong gulo.




Dahan dahan akong tumayo at hinatak ang kamay niya para hawakan. Para pakalmahin siya. "Bey listen to me. It is my room dito ka nakatulog dahil...dahil nakalock na ang dorm nyo. Tawag rin kami ng tawag ni.."



"Nung guy kagabi?" Nasapo ko ang ulo ko matapos niyang sabihin iyon.



Hindi pa pala niya nakakalimutan yon?!



Napapikit ako at hindi ganon nakapagsalita kaagad. I cleared my throat before going down into my bed. Mabilis akong kumilos para ligpitin na rin kaagad ang kumot na ginamit ko. Umaakto na hindi narinig ang sinabi niya.




"Uy! Anong nangyari sayo? Bakit bigla ka nalang nanahimik?" Nag aalala na tanong niya. Kumilos na rin siya pababa ng kama para mag asikaso. "Oh siya, tatawagan ko nga muna yung kapatid ko." Paalam niya ng bigla nalang tumunog ang phone niya.




Tumango lang ako at tipid siyang nginitian. Nakahinga lang ako ng maluwag ng tuluyan na siyang makalabas. Pinakiramdaman ko pa ng minsan ang dibdib ko bago ako tuluyan na nag asikaso.




I just wore a black high waisted pants with a brown sweat jacket. I let my hair for the first time to tie in a ponytail style and applied some light make up. Sinuot ko rin ang modern pearl earrings ko at ang white rubber shoes ko, so I can feel comfortable.




Eksaktong katatayo ko lang rin sa vanity mirror ng bumalik at pumasok si Bea. She look a little upset while slowly scratching the back of her head. Dare-daretso lang siyang naglakad papalapit sa kama at padabog na umupo roon.




"Kamusta pag uusap nyo?" Lumapit ako at naglakad papalapit sa kanya. "Problema nanaman ba?"



Bumuntong hininga siya bago ako nilingon. "Ano pa nga bang bago?" sabay yuko pa niya. "Napapagod na ako sa ganito ah?"



"Do you want me to help you regards on your problems? Okay lang naman sakin." Silip ko sa kanya but she already waving her both hands. Tumatanggi.



"Hindi na kailangan. Wag na."



"Bey, ano ba? palagi ka nalang ganyan. Ang gusto ko lang naman tulungan ka but why you're still avoiding it?" Inis na sabi ko at padabog na lumayo sa kanya.




"Dahil ayoko lang naman na pati kayo madamay pa. Kaya wag na." Nanginginig na ang boses na sabi niya.




"Bey..." Hawak ko pa ulit sa kamay niya.




But he just letting go of my hand. After that she stood up and started to fixing herself. Pinanuod ko pa siya na maglakad papunta sa bathroom. Sa huli, wala na rin akong nagawa kung hindi ang tumahimik nalang at tumayo para kumuha ng maipapahiram na damit sa kanya.




Sa dami ng damit ko, yung dress ko nalang na 3/4 long sleeves ang ipinahiram ko. Kulay puti iyon na ang haba ay hindi ganon na lalagpas sa tuhod. Pagkatapos ay inilapag ko lang iyon sa ibabaw ng kama.




I waited for her after a few minutes, Sumilip pa ko ng minsan sa bintana para tignan ang araw. Napalingon ako ng marinig kong tumunog ang pinto yon pala ay dahil nakalabas na si Bea at tapos na siyang makaligo. Pero natigilan siya kaagad ng bigla nalang niyang makita ang damit na inihanda ko para sa kanya.




"Why? is there a problem ba?" Lumapit ako sa kanya at mabilis na itinaas ang dress.




Hindi siya nagsalita. Dahan dahan siyang napatitig roon bago umiling at mapalunok. Basta nalang rin niya kaagad iyon na hinablot sa kamay ko bago mabilis na bumalik sa bathroom para isuot.




Eksaktong nasa ibaba na sila Kuya Harvey at Tita Vangie ng makababa na kami ni Bea. Prente lang silang nakaupo at pawang nanunuod habang kumakain ng almusal. Natigilan lang sila ng makita ako at akmang babatiiin ako ng bigla nalang nilang mapansin si Bea.




I cleared my throat and gave them a little bit smile before looking back at Bea who's now looking down trying to avoid to meet their eyes. So to help her not to act weird and pressure at the same time, I slowly held and pressed her hand before introducing her to them.



"Kuya, Tita.. Meet Bea my blockmate." I smile. "Bea, my brother and my aunt."



"Hello ija!" Masiglang bati ni Tita.


"Hi!" Kaway naman ni Kuya sa kanya at pagkatapos ay mabilis na nilingon sakin. Lingon na sa unang tingin pa lang ay alam ko ng nagtatanong siya tungkol kay bea.




"Uhm...hello po." Nahihiyang sabi niya habang kumakaway. Nakayuko pa rin. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa ng bahagya. Naramdaman ko rin kaagad ang pasimpleng dunggol niya sa tagiliran ko dahilan para tumigil ako.




"Masyado naman yatang mahiyain ang blockmate mo Sam?" Pang aasar na sabi ni Tita Vangie sa gitna ng usapan. Lumakad siya papalapit sa amin at mabilis na inakay si Bea papunta sa kusina.




Napangiti lang ako na pinanuod sila bago ako lumapit kay Kuya Harvey na abala rin sa panunuod sa kanila. So I cleared my throat to get his attention.




"Hindi kita tatanungin tungkol sa kanya. Ang itatanong ko lang ay kung bakit anong oras ka na naman nakauwi?" Awtomatikong nawalang bigla na parang bula ang ngiti niya matapos akong tignan. "Did you drunk?"



Napasinghap ako at mabilis na napahawak sa sentido. "Kagabi lang naman kuya."




"Aish! Samantha naman! Akala ko ba tumigil ka na jan?" Nakangunot na ang kanyang noo at halata na agad sa boses niya ang inis. Pero hindi ko hinayaan na lumala pa iyon kaya mabilis ko na inihiga ang ulo ko sa balikat niya. Nang uuto.



"Alam mo naman na hindi ko iyon maiiwasan hindi ba? Isa pa, sa kanila lang naman ako sumasama e." Ngumuso ako.



He did not answer. He was only deeply letting a heavy sighed. I thought gagana iyon pero sa huli ay padabog niya na binitawan ang kamay ko. Inayos niya ang suot niyang damit pero this time hindi na siya sakin nakatingin.




Napangiwi akong tinignan siya bago patago na umirap sa ere. Umalis na rin siya matapos niyon dahilan para tumaas nalang din bigla ang kilay ko at iwanan siyang mag isa sa sala. Mas mabuti pa na puntahan ko nalang si Bea.




"Masyadong mahinhin talaga tong blockmate mo ah?" Natatawang salubong sakin ni Tita Vangie ng makita niya ako. Hindi ko alam pero ganon ko nalang kaganda kanina pa ang ngiti niya simula nung makita niya si Bea. Maybe because she's so adore to her that much. "Biruin mo, kapag tinanong ko siya 'yon lang din ang isasagot niya." Tumawa pa siya.





"Tita naman!" Nakangiting sabi ko bago tuluyan na lumapit at umupo sa tabi ni Bea. "Wag mo nga siyang ginaganyan. Bakit ba adore na adore ka sa kanya?" Tanong ko pa ulit habang abala ako sa pagsa sandok ng kanin.




"Bakit ba? hindi naman masama hindi ba ija?" Pabirong sabi pa ulit ni Tita Vangie. Talagang ayaw niya papigil! Nang lingunin ko naman si Bea ay parang mas dumoble lang ang hiya niya. Pero para sa ikakatihimik ni Tita Vangie tumango nalang rin siya even though I know it already that she's being upset.




Pagkatapos namin mag agahan nagpahinga lang kami sandali at nakipag chikahan pa ng minsan kay Tita Vangie ng kung ano ano bago kami tuluyan na umalis.




"Mag-ingat kayo ah?" Kaway pa sa amin ni Tita Vangie. Hanggang sa labas kasi ay hinatid niya pa talaga kami. "Sam? Yung pagda drive mo ah? Alam mo na? Matulin ka pa naman magdri-"




"I know it already Tita, It keeps always here." Turo ko sa sentido ko matapos siyang ngitian.




We wave our hands once again to her before we left.




"Ang bait pala ng Tita mo no?" Lingon sakin ni Bea. Gamit pa rin ang malumanay niyang boses.



"Yup. She used to be like that because she didn't had a chance to become the mother of her childrens." Tipid na ngiti ko bago siya saglit na nilingon.




Kaagad na nangunot ang noo niya. Nagtataka. "Bakit? Anong rason?"



"Mahabang storya e. Besides hindi ko rin naman 'yon ganon na alam." Nagkibit balikat ako.




"Ah..." Tumango tango siya. "Pero, yung mama mo saka papa mo? Nasaan?" curious bigla na tanong niya dahilan para bigla akong mapa preno ng malakas.




Kabado akong napahawak ng matindi sa manibela ko ng matapos at mapapikit. I thought we got accident pero ng maimulat ko ng dahan dahan ang mga mata ko, I feel so much relieved. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko if something happens to us. Especially kay Bea na may nag aantay pa na kapatid.




"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Bea. Halos manginig na agad ang boses ko dahil sa pag aalala. I held her cheeks and her wrist to check if she might get wound but she already insist that she's totally fine and okay.



"Aish! I'm so so sorry Bey..." Sincere na pagpapaumanhin ko. Napahawak ako sa sentido ko at doon malalim na bumuntong hininga. Sam? Ano ba kasing ginagawa mo?! Maaaksidente pa kayong dalawa ng kaibigan mo sa ginagawa mo! The fudge!



"Hindi. Hindi mo kailangan mag sorry." Umiling iling siya. Ramdam ko ang paghawak niya sa balikat ko. "Nagulat ka lang kaya ka napa preno ng bigla. Pero..." Sinilip niya ang mukha ko. "Pero bakit?"




"Uhm...Bey, ang totoo kasi niyan..." Dahan dahan na sabi ko. Hindi ko alam kung papaano sisimulan. "My both parents and I had a misunderstanding."



Nanlaki at gulat siyang napalayo ng kaunti sakin. I thought she was still throwing some questions to me after that but she did not tried it again. Mabilis siya na umayos ng upo at tumingin sa labas ng bintana. But I could feel and see to her face that she's so curious about it.



Pagdating at paghinto namin sa harapan ng dorm niya kaagad na siyang nagpamaunang bumaba. She gestured me to follow her inside but I just nodded to her. Ilang minuto pa akong nagpahuli sandali bago ako tuluyan na bumaba.




Wala pa man ako sa pinaka pintuan ng kwarto ni Bea ay kaagad ko ng naririnig ang ingay na nanggagaling roon. When I looked at it, there I saw Bea with someone. Hindi ko siya makita pero kita ko ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ni Bea.




"Alam mo kahit magtago ka pa jan, Nakikita kita." Gulat akong napatayo ng maayos matapos akong lingunin ni Bea. She walked towards on me with a wide smile on her face kasa-kasama ang batang babae na nakapulupot sa bewang niya.



Hindi ko naiwasan ang matawa ng bigla ng makita ko kung papaanong nagtago kaagad ito sa likuran niya at sumilip sakin.



"Hi," I smiled at her. Trying to control myself to squeeze her cheeks because of her overload cuteness.


"Drianne? Nasaan ka na?"


Kaagad na nangunot ang noo ko at napalingon sa pintuan ng may babaeng nakatayo roon. Walang paa-paalam ay pumasok ito sa para lumapit sa bata.


"Namiss yata niya ako ate." Halakhak na sabi ni Bea sabay pisil sa pisngi ng bata. She even gestured it in front of me at lumuhod rin. "By the way she's ate Sam. Say hi to her." utos pa niya dito.



Drianne did not response. Tahimik lang siya na tumingin sakin bago ibinalik ang paningin sa mama niya at kay Bea. Pero kahit na ganon pa man ay tipid pa rin akong ngumiti bago tumayo.



"Ako na nagpapaumanhin. Mahiyain kasi talaga itong si Drianne ko." Alinlangan na ngumiti sakin ang mama nito. Sabay aya na niya sa anak niya. Minsan pa namin sila pinanuod na maglakad bago niya tuluyan na sinarado ang pintuan.




Minsan pa niya akong nginitian ulit bago siya naglakad papalapit sakin para umupo rin sa paanan ng kama niya. Dahil sa ngayon lang rin ako nakapasok sa kwarto niya ay hindi ko na napigilan na ilibot ang paningin sa buong sulok. Nakakamangha lang din isipin dahil, kahit na hindi man ganon kalaki itong tinitirahan niya ay napaka ayos at maganda.




"I thought you're already had a child." I chuckled a bit.



Tumawa siya. "Sa totoo lang, Alam mo, maraming beses na akong napagkakamalan na anak ko yung bata na si Drianne."



"Paano ka naman kasi hindi mapapagkamalan, e sobrang close kayo nung bata."



"Mahilig kasi ako sa bata." Nakangiti at tipid niya akong nilingon. "Kaya ganon ko nalang siya ka close. Pero ikaw ba? Hindi ka ba mahilig sa mga bata?"



"Hmm?" Umakto ako na parang nag iisip pa kunwari bago siya tinignan. "Mahilig din. Kaya nga kanina hindi ba? lumuhod pa ako para lang makausap yung bata? Kaso 'yon nga lang, hindi naman niya ako kinausap man lang." I pouted.




"Syempre, ngayon ka lang naman nakita. Ano gusto mo? I welcome ka na para bang sobrang close n'yo na kaagad?" Sarkastiko na sabi niya at pagkatapos ay mabilis na humiga sa kama. "Pero alam mo Sam? Ito talaga yung hindi mawala-wala sa isip ko kagabi pa e." Pagpuputol niya sa sinasabi dahilan para kunot noo ko siyang nilingon. "Hindi ko alam kung papaano ko ba itatanong to pero...Yung guy kagabi? Sino ba talaga yon? Hindi ba? May Mark ka na? At matagal ka na niyang nililigawan pero hindi mo pa siya sinasagot? So sino yon?" sunod sunod na tanong niya.




Agad akong napalunok at hindi ganon na nakasagot. Iniisip ko kung papaano ba ipapaliwanag sa kanya ang tungkol kay Gav.




"Uhm..." panimula ko matapos makakuha ng buwelo. "Ano kasi...Before we know each other, me and Gaviniel are already known each other." Pagpapaliwanag ko. "Pero para mas madali mong maintindihan, Yung mama ko ay naging empleyado ng family nila noon."




Kitang kita ko sa mata niya ang pagkamangha at pagkagulat. Napatakip pa siya sa kanyang bibig dahilan para pabiro ko siyang hinampas sa kanyang balikat. Pero tumawa lang siya. Tawa na may kasamang impit na tili na siyang ikinanuot rin kaagad ng noo ko. Nalilito.



"Bakit may pag ganon?"


"Ay hindi ba?" Ngiwi niya. "Sorry! Akala ko kasi may pagtingin ka sa kanya." Tumawa siya ulit.




"Hay nako! Sam! Bestfriend lang ang turing ko doon. Ganon rin siya sakin kaya yang iniisip mo, tigil tigilan mo." pabirong dunggol ko sa kanya.



Nagkibit balikat siya. "Okay! Sabi mo e."




Halos isang oras lang akong nanatili sa dorm niya at pagkatapos ay sunod akong dumaretso papunta sa gym. Laking pasasalamat ko ng wala masyadong tao dahilan para magkaroon ako ng peaceful mind.




I changed my clothes into a simple brassiere with a partner of black jogging pants. Tinanggal ko na rin ang earrings ko at itinabi sa bulsa ng bag ko para hindi mawala. Pagkatapos ay nagsimula na ako.




Dahil sa tagal ko ng hindi nakakapag workout ay nanibago ako ng sobra dahilan para maramdaman rin ng katawan ko iyon. Nagpapasalamat rin ako dahil yung dating trainer ko for my workout routine ay madali kong na contact that's why she's the one who help me to stretching more my body.




Sa sobrang dami niyang pinagawa sakin ay ramdam ko rin ang sakit ng parte ng katawan ko. Mabuti na lang at pagkalipas ng ilang oras ay binigyan niya ako ng water break.




"Sam!" I stopped drinking my water when someone called my name. Nang lingunin ko it was Mark again!




"Uy! What are you doing here?" I smiled at him. "are you with someone?" lumingon pa ako sa paligid para tignan kung may kasama siya.



"No. Ako lang mag isa." He wipe his sweat before sitting beside of me. "You know what? I'm so happy." Ngiti pa niya.




"Bakit naman?" Nagtataka ko siyang tinignan, habang abala rin ako sa pagpupunas ng pawis. I also checked quickly my phone to see if there's something urgent about the girls. Pero wala naman that's why I turned it off and put it back on my bag.



"Because you're here."



"Ahe!" Pabirong hinampas ko siya sa braso. Palagi siyang ganyan kapag nagkikita kaming dalawa! He always used those words just to make me smile and blush!
"Ako talaga happy pill mo e no?"




"Well," He licked his lower lip before looking away, making me to gulp.




Bakit ganon? Yon lang naman ang ginawa niya pero parang nagwawala na kaagad tong stomach ko? The fudge was happening to me?!



Mabilis akong umayos ulit ng upo ng makita ko siyang ibalik ang tingin sakin. Pinapakalma ang sarili kahit na sa loob loob ko ay nakakaramdam na ako ng kung ano.



Sa tagal kasi niyang nanliligaw sakin, since we we're in first year, until now I can't decide if my heart is already to love again. Dahil kahit alam ko na naka move on na ako kay Kiel ay minsan naiisip at naalala ko pa rin yung ginawa niya sakin. Pero umaasa ako. Umaasa ako na sana hindi na 'yon mangyare pa ulit.



"You're blushing!" He pointed at my face.


"H-huh?" Nagtataka at nautal na tanong ko.



He chuckled a bit and after that he pinch my cheek making my eyes widened. Agad akong yumuko dahil pakiramdam ko ay mabilis na namula ang mukha ko! Shete! nakakahiya!




"Samantha, it's time to workout again." My trainer suddenly interrupted us making me to stood up and give him a small smile before I walk away from him.




I thought he'll go back into his post after what I did. But I surprised seeing him still sitting there while straight looking at me with a smile on his face. Hindi ko rin aakalain na aantayin niya talaga akong matapos.




"You don't have classes today pala?" I asked to him again after I changed my clothes into a simple yellow shirt. Tinali ko na rin ang buhok ko because I felt already hot. Maging ang earrings ko ay sinuot ko na ulit.



Kukunin ko na sana ang gamit ko para bitbitin ng matapos ako pero nagtaka ako ng bigla nalang iyon kunin ni Mark. Natawa pa ako ng iminuwestra niya pa ang daan nang papalabas na ako.



This guy!



Nang makarating kami sa parking lot ay doon ko na kinuha ang gamit ko sa kanya at mabilis na binuksan ang backseat para ilapag doon ang bag. Pagkatapos ay muli ko siyang hinarap matapos maisara ang pinto.




"Thank you!" I smiled.



"Did you have something important next to do?" He asked. He licked his lower lip, while he putting his left hand into his pocket.



"Uhm...wala naman why?"



"Can we had a coffee?"


Tumango ako. "Fine. I'll drive and follow you back."



Gaya nga ng sinabi ko, Nakasunod lang ako sa kanya habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero sa pagkakaalam ko hindi naman iyon ganon kalayo kaya okay lang. Pagkarating namin sa location ay magkatabi na rin namin na ipinark ang mga sasakyan namin.



"Ow! You know how to choose some beautiful places huh?" Pabirong sabi ko sa kanya.



"No. I'm not." Tumawa siya habang iwinawagayway ang magkabila niyang kamay. "It's just...This coffee shop was my mom's favorite."



"Ah okay." I nodded at him.



After we went inside the coffee shop, I'm the one who insisted to find our seats. Nakakatuwa lang rin dahil may pwesto roon sa may bandang bintana that's why I already ran into that place.




Pag upo ko nilabas ko agad ang phone ko to read the messages of the girls. Ganon nalang ang tawa ko ng mabasa iyon isa-isa.



Aiofe: Gagi kayo! Pinagalitan ako ng kapatid ko!



Chandria: Hangover still waving shuta!




Yvette: That's why I haven't trusted all of you dahil ito ang kababagsakan. Mga siraulo kayo ang sakit pa rin ng ulo ko!




Gianna: Pero aminin? nasarapan naman kayo sa soju hindi ba? HAHAHAHAHAHA!



Bea: Saved.



Gianna: How to be a good girl like you Bea?



Aiofe: Simple lang naman Gi.


Gianna: Paano?



Aiofe: Dahil lumaki siyang maayos.



Gianna: Inamo Aiofe! Kahit kailan ka talaga! Bakit? Ano akala mo sakin? Hindi lumaki ng maayos?



Yvette: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!



Chandria: Savage! Umayos ka kasi mame Gi!


Sam: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA kawawang Gianna! Oks lang yan bawi ka nalang next time! No hate just love!




Chandria: Oo nga naman girl! Masyado ka namang seryoso kaya palagi ka nalang sawi e.



Bea: Pft!




Yvette: HAHAHAHAHAHAHAHAHA




Chandria: Uy! gago kayo! ang mean n'yo kay Gianna. Sending Virtual hugs Gianna, wag ka mag alala hahanapan kita ng papa pag 4th year na tayo.



Sam: Ang bait naman. Hinay hinay lang Chands, baka naman lumagpas ka na niyan sa langit.



Chandria: Gagu!



"Why are you laughing so hard?" Natigilan ako sa pagbabasa ng makita kong nakaupo na sa harapan ko si Mark at daretsong nakatingin sakin.




"Yung mga kaibigan ko kasi. Kung ano anong pinag uusapan sa gc namin." Pinakita ko sa kanya ang phone ko bago saglit na pinatay. "Ano palang inorder mo?" Pag iiba ko rin kaagad ng topic.




Ngumiti siya at dahan dahan na tinulak ang isang coffee latte sa harapan ko. Nagulat pa ako ng makita na may heart design yon sa ibabaw at may nakasabit na simple note na ang nakalagay ay 'You're the most beautiful than the sun. ILY!' Napatakip ako sa bibig ng iangat at ibalik ang paningin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.





Napamaang ako ng maramdaman ko na hawakan niya ang kamay ko. Hawak na sa una ay parang wala lang hanggang sa unti-unti ng humihigpit. Dahan dahan akong napatitig doon. Inaalam kung para saan iyon. Gusto ko man na hatakin pabalik ang kamay ko ay hindi ko magawa dahil pinipigilan niya.


"Mark..."



"Ang tagal ko ng nanliligaw sayo. But this time I will not let this passed again." Biglang seryoso na sabi niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at dahan dahan na inangat iyon para tignan siya. Inaantay ang mga susunod pang sasabihin niya.



"So I'll be asking you direct to the point. Lagi ko tong tinatanong sayo nung first year college pa. That's why I'm hoping that this time you'll be giving me an answer." Dagdag pa niya.



Dahil sa kaba at kaunting hiya na nararamdaman ko, napalingon ako saglit sa paligid. Doon ay sinimulan ko na tanungin muli ang sarili ko tungkol roon.



Kaya ko na ba ulit? Sigurado ba akong magiging okay na ako tulad ng dati? Magiging masaya na ba ako this time? O baka maulit lang ulit ang nangyaring iniiwasan ko na?



Alam ko na sa pag-ibig palagi naman nasasaktan ang isang tao. Dahil wala namang tao na hindi nasasaktan e.



Saglit ko pa na pinakiramdaman din ang nilalaman ng puso't isip ko bago siya ulit nilingon. At habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko alam pero bigla nalang kaagad na sumisigla ang puso ko.



So it means? Ito na ba yon? Yung sign? Na ready na ako ulit?



"Sam," He called on my name.


"Hmm?" Tanging sagot ko. Habang pinipigilan ang mangiti.



"Can you be my girlfriend?" Seryoso niyang tanong. But this time, he held the both of my hand. Kita ko pa kung papaano siyang napapalunok that's why I laugh a bit.


Nagtatanong ng ganon tapos kabado! Tsh!


"Why you're laughing?" Nagtataka na tanong niya pa!


Umiling iling akong  tumatawa pa rin. "Nothing. But let me say that you're so cute."


Tulad ko ay natawa rin siya. But it was a quick. Dahil kaagad rin siyang bumalik sa pagiging seryoso mode.


"So, can I be your boyfriend?" Pagtatanong niya ulit.


Ang kulit niya!


"Uhm..."


"Uhm..." He mimicked.


Sinamaan ko siya kunwari ng tingin. But he's just continued what he was doing. He still loved teasing me.


"No."


"No?" Gulat na sabi niya. Babawiin na sana niya ang kamay niya pero mabilis ko din iyon na kinuha dahilan para maguluhan siya.


I smiled at him and laugh a bit again. "Ano ka ba? It was a joke love."


"L-love?" Naguguluhan na tanong niya. "T-teka...Tama ba naririnig ko? Did you call me..."


Tumango ako. "Oo. Tama ka ng rinig love."


"So you'll be my girlfriend now?" Paninigurado pa niya.


"Yes!" Nakangiting tinanguan ko siyang muli.


"Yes!" Masayang sabi niya sabay lingon sa paligid dahilan para kaagad ko rin na hampasin ng mahina ang kamay niya. Bigla nalang kasi niyang tinawag ang atensyon ng lahat para lang inanunsyo ang tungkol sa amin.



Mabilis ko na binawi ang kamay ko at ipinangharang sa mukha ko. Jusme! Nakakaloka!


Pero mabilis rin na nawala ang ngiti ko sa labi ng may mamataan akong sasakyan. But I'm not so sure if that's Gaviniel's car. Dahil sobrang bilis nalang kaagad ng takbo niyon.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.4K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
188K 7.9K 19
❝ HAVE YOU SEEN THE WAY THEY LOOK AT EACHOTHER? ❞ 🖇 two best friends and their short journey of overcoming the fear of rejection and the fear of le...
2.7M 50.3K 38
They are the most-sought hot magnates in town with their oozing sex appeal, connections, social and political status and wealth. What most does not d...
8.3K 1.7K 56
(But not everyone recognizes love when it hits them...And then it happens) He hovered above me, his kisses melting my insides. I shivered with antici...