Embracing the Sea

By gvmuxxeervi

613 66 6

This story is full of flaws and also imperfect characters, so if you don't want that kind of characters, just... More

Disclaimer
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
Epilogue
NOTE!

19

18 1 0
By gvmuxxeervi

A/N: Sorry for grammatical errors.

Hapon na pero eto pa rin ako at punong puno ng kaba, pumunta ako sa kwarto ko at humarap sa salamin. Tinignan ko ang  repleksyon ko doon. Kanina palang ay naligo na ko at nagbihis na din.

I wore a yellow stripped tee and I put over it is a yellow floral slip dress and my white platforms.

Nakaayos na ang katawan ko pero hindi pa ang puso at isip ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang utak ko naman ay halo halo ang iniisip. Lumabas ako ng kwarto para umupo sa sofa, habang nakaupo ay kita ko si Glaish na papunta sakin.

Binuhat ko naman ito ng makalapit ito sakin. Kaya napadako ang tingin ko sa bago kong orasan, binigay ito kanina sakin ni Toff kaya  mas lalo akong kinakabahan.

"Nauna pa siyang magbigay sakin." Sambit ko sa kawalan habang nakatuon ang tingin sa relos.

Sobrang ganda nito at mukhang mamahalin, I look at the words engrave inside.

"Agapiméno átomo." I said, I don't understand those kaya humingi ako ng tulong sa internet.

Napagalaman ko na ang ibig sabihin non ay 'favorite person'.

My lips stretched into a smile because of it, he's also ny favorite person kaya mas nakakatuwa.

Napahinga nalang ako ng malalim at tinignan ko si Glaish na nagkukutkot ng kung ano-ano.

"Boss, mukhang bumabawi si daddy mo. Mamaya magiging maganda ang araw ko at araw mo kasi magkakaayos na kami." Sabi ko sa kanya pero parang wala itong narinig.

Hinayaan ko nalang. Tinignan ko ang oras at alas singko na, mas kinakabahan tuloy ako.  Naisipan kong kumain muna dahil mamaya ay mas gusto kong mamasyal lang kaming dalawa ni Toff.

Natapos akong maghain para sa kakainin ko ay kumain na ako, habang kumakain ay natatandaan ko ang nangyari kaninang umaga.

Tanghali umalis si Toff kaya nung umaga ay nagulat ako sa inaakto  nito.

Pagkagising ko palang ay naaamoy ko na ang niluluto niya kanina, siya ang nagluto ng almusal, pinagsilbihan niya pa ako.  Panay rin ang pagkausap niya sakin kaya noong una ay medyo naiilang pa ako, pero di kalaunan ay nasanay na rin ako.

Nilalaro niya din si Glaish pero ang ida tahimik lang at hindi man lang nag-iingay, mukhang may tampo ata si Glaish.

Ang mga kaganapan kaninang umaga ang nagpapa alala sakin na magkakaayos pa kami, na kahit anong pagsubok kaya naming harapin.


Natapos akong kumain kaya tinignan ko ulit ang orasan ko. 5:25 p.m .

Kinakabahan na naman ako dahil malapit ng mag ala seis.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang isang tao na alam kong matutulungan akong kumalma.

Ilang ring pa ang dumaan at buti ay sinagot niya.

"Ano na namang tinatawag tawag mo?" Aburido niyang sagot, napangiwi nalang ako.

Kailan ba umayos ang tono nito, kahit ata umiiyak ako ay aburido pa rin to e.

"Kase kinakabahan ako, date namin ngayon remember? Anniv namin." Sagot ko sa kanya at ilang segundong tumahimik ang kabilang linya.

"Oh, tapos ano gusto mong gawin ko? Pagsindi kita  ng kandila?" Sarkastiko niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya.

"Ano namang gagawin mo sa kandila?" Inosente kong sambit sa kanya.

"Advance lamay sa patay mong puso kapag di ka  niya sinipot." Sabi niya na parang napaka laking tulong noon.

Mas kinabahan tuloy ako, naramdaman ko nalang na nagpapawis ang mga kamay ko.

"Yang bunganga mo itikom mo nga yan." Sabi ko at parang gusto ko siyang saktan dahil sa sinasabi niya.

"Takot kang matuloy no. Hahahahaha! Don't worry, baliw na baliw sayo yon, ganda mo ba naman." Bawi niya kaya napangiti naman ako.

Takot pala to sakin e.

"Alam kong maganda ko." I said and I also flip my hair.

She scoffed before answering me.
"Susme! Tigil tigilan mo ko, Lana. Sakin  mo lang nasasabi yan."

Napatawa naman ako dahil totoo ang sinasabi niya, kapag siya ang kausap ko ay lumalabas ang confidence ko.

"Oo na, oo na. Tulungan mo ko." I said, begging her.

"Wow. Call a friend ganern? Alam mo wala akong maipapayo sayo—"

"Hindi naman payo,  pakalmahin mo ko." Pagputol ko sa mahaba niyang sasabihin.

"So ano to gamot na ako pampakalma ngayon. Di niyo naman ako ininform?" She said again in a sarcastic way. Napailing nalang ako, di talaga siya magbabago.

"Alam mo, Liv. Di ka talaga helpful, you're helpless." Naiirita kong sambit sa kanya.

"Oo na, oo na. At least, may help, che." She said before ending the call.

Napatingin nalang ako sa screen ng phone ko, napaka bastos talaga ng babaeng iyon.

"Patayan daw ba ako." Wala sa sariling ko sambit.

Napailing nalang ulit ako. Nakatulong pa rin naman siya dahil nabaling sa iba ang atensyon ko kahit kaunti.

Lumabas na ko ng unit at buhat buhat ko ngayon si Glaish para ibaba siya  sa grooming parlour. Pagkarating doon ay agad ko rin siyang binigay.

Ganoon nalang ang gulat ko ng biglang itong nagtatatahol at naging matapang. Nag alala naman ako dahil baka makalagat pa ito ng iba. Agaran ko itong nilayo sa may hawak at humingin ng tawad.

"P-pasensya siya na po. Bigla po siyang nagwala." Sabi ko at lumabas na dahil sa hiya.

Unti unti namang kumakalma si Glaish kaya huminto muna ako sa labas ng elevator.

"Ano bang problema, boss?" Nag-aalala kong tanong.

Ng bumukss agad ang pinto ng elevator ay pumasok na agad kami. Nakarating kami sa unit ko at pumasok doon, ibinaba ko siya at bigla nalang itong tumahol ng palabas na ako.

Tinakpan ko ang tenga ko at palapit na tumingin sa kanya, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng pandinig.

Lumuhod ako at tinignan siya na patuloy pa rin sa pagtahol.

"Boss, ano bang problema? Bakit ka nagwawala?" Taka kong tanong sa kanya at ibinaba na ang kamay.

Tuloy tuloy pa rin ang pagtahol niya pero di na gaanong malakas.

"Boss, nasa bahay ka na tumatahol ka  pa rin, ano bang gusto mo? Wag ngayon, please." Nakikiusao kong sabi sa kanya, tinitignan ko ang orasan ko dahil baka magtagal ako.

Unti unting humina ang pagtahol niya kaya nilapitan ko siya at niyakap, mabilis din ang tibok ng puso niya siguro ay dahil sa lakas ng pagtahol niya.

"Boss, please uuwi rin naman kami ni daddy mo e. Wag ka ng magwala, please." Pagpapakalma ko sa kanya, mahina pa  ring umaalulong.

Nawala na ang tahol niya kaya humarap ako't nginitian siya, isang matamis na ngiti upang kumalma siya.

"Thank you, boss. Thank you." Sabi ko at lumabas na para pumunta sa simbahan.




Nakarating ako sa simbahan at nakita kong wala pa doon si Toff, medyo halo halo ang emosyon ko, masaya na ako ang nauna at natatakot na baka nga hindi siya pumunta.

Pinilig  ko ang ulo ko, hindi ko na dapat isipin pa ang kung ano-ano.

Tumingin naman ako sa simbahan na pinagtatayuan ko. Sobrang ganda pa rin nito, walang nagbago. Vintage ang simbahan pero sikat ito sa lahat, nakita kong sobrang dilim ng langit, mukhang uulan.

May mga bituin pa naman baka hindi matuloy.

Maybe  it's really dark that's why the clouds are also dark.

When I was a child my mom used to tell me that it the sky has a stars, it means that it will not rain but if it's empty and full of loneliness then the rain will be heavy.

Mukhang tama nga si mama dahil alam kong totoo ang sinasabi niya.

Naisipan kong tawagan ulit si Liv para hindi ako mabagot sa paghihintay.

"Putang! Ano ba Lana! Tawag ka ng tawag, saka ka na tumawag kapag palpak!" Sigaw niya agad sakin, kaya napasibangot nalang ako.

"Bakit ba ayaw mo paistorbo? May ginagawa ka ba dyan? Hoy! Wag kang lumandi ah!" Sabi ko sa kanya at rinig ko naman siyang tumawa.

"Lana, my dear friend, kahit lumandi ako eh ayos lang at least ako lalanding may class. Don't worry, tutuwad lang ako kapag kailangan." She said dismissively.

Napahawak naman ako sa bibig ko, grabe na talaga itong babaeng to.

"Hoy! Nasa simbahan ako, wag ka ngang makasalanan." Pagsaway ko sa kanya.

Ang bruha tumawa lang ng pagkalakas lakas.

"Hahahahahaha! Ayos lang, anak niya tayo naiintindihan niya iyon. Pero teka nga bat ka nga ba kase tumawag?" Tanong niya sakin.

"E! Kase nga kinakabahan ako! Sobrang kaba ko!" Sambit ko sa kanya, dahil don ay naramdaman ko na naman ang kaba ko.

"Alam ko kung bakit." Putol niyang sabi.

"Bakit?" I said curiously.

"Kae alam mong ngayong gabi mawawasak ng sobra sobra ang bataan. Wag mo munang isuko, kiputan mo muna." Seryoso niyang sabi. I almost slap my forehead because of her.

"Siraulo ka talaga, di ko alam bat pa kita tinawagan. Sige na, sige na, baba ko na to." Sabi ko sa kanya.

"Oh sige, sige. Basta wag kakalimutan ang bilin ko, wag kang tutuwad, dumapa ka. Adiós bijj." Huli niyang sambit bago ako pinatayan.

"Sabing ako magpapatay e." Inis kong asik sa sarili ko.

Napailing nalang ako.



Tinignan ko naman ang orasan ko ulit at kita kong 8 o'clock na pala.

I check my phone to see if Toff already   text me but I see nothing. Wala ni isang text o tawag kaya ako nalang ang tumawag sa kanya.

Ilang tawag ang ginawa ko pero ni isa doon ay walang sagot. Hinayaan ko nalang at hinintay na dumating siya.

Biglang may tubig na tumulo sa kamay ko kaya napatingala ako, napatakan na naman ako sa noo at doon ko nalaman na umaabom.

Luminga linga ako sa paligid at ang ibabg tao ay may payong o di kaya ay nakasilong. I just shrugged my shoulders.

Mahina pa lang naman.





11:30 p.m . That's the time when I look at my watch, I am glad that the watch Toff gave is a water proof. Tinignan ko ang sapatos ko na basang basa na dahil sa ulan.

Akala ko ay mahina lang ang tubig pero mukhang nagkamali  ako dahil kani kanina lang ay bigla itong lumakas na para bang may bagyo.

Pinunasan ko ang mata ko dahil sa luha, kanina pa ako naghihintay sa kanya pero ni isang anino ay walang dumadating.

Kita ko ang pagtingin  ng bawat taong nadaraanan ako, pero hindi ko yon pinapansin. Wala akong pakielam sa kanya.

Darating siya, alam kong darating siya. Siguro ay na traffic lang siya, kaya ko pa namang maghintay, mahina lang naman ang ulan.

Pinunasan ko ang dalawa kong mata dahil sa luha na tumutulo mula dito.

Naiiyak na naman ako! Bakit ba lagi nalang  akong naiiyak! Darating  nga siya eh, alam kong darating siya.

Sigaw ko sa utak ko.

Nakayuko nalang ako at humihikbi hikbi.

Sinabi ko sa kanya na pumunta siya, pero sino ba naman ako para puntahan niya. Galit nga siya sakin eh, sigurado akong tumatawa na siya kasi nagmukha na akong tanga.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay napaka sakit ng naisip ko na iyon.

Masakit dahil posible talagang mangyari iyon.

Bakit ganto, ang hirap hirap niyang mahalin pero minamahal ko pa rin.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko, pakiramdam ko ay paulit ulit nalang.

Habang pinapatahan ko ang sarili ko, biglang tumunog ang phone ko  kaya agad ko itong binuksan. Nakita kong mula na naman ito sa 'unknown number'.

May nakalagay na address dito, kaya napabuntong hininga nalang ako.

Akala ko naman siya na.

I am hopeless.

Then, some ideas struck my mind. Pwede kong i track kung nasaan si Toff, yun nga ang ginawa ko.

I track his location at napakunot ang noo ko ng matandaang parehas ng address ang sinend nung wrong number.

Maybe he has a surprise for me. With that thought, nagmadali  akong umalis ng simbahan at pumunta sa address na yon.

Nakakita ako ng ilaw doon sa may address kaya mas lumawak ang ngiti ko, di ko na pinansin ang basa  kong damit. Mahalaga sakin ngayon ay si Toff at ang anniversary namin.

Nakarating ako sa mismong address at nagulat ako ng private place pala ito, nakita ko din ang daming tao.

Ang mga tao na narito ay mga mayayaman, ang iba sa kanila ay sa business kilala at ang iba naman ay sa ibang industriya.

Makikita mo pa rin naman ang nangyayari dahil sa mga butas ng gate kaya lumapit ako sa may gate at nakita ko ang isang kilalang pigura na nakaupo sa harap ng stage.

Nakatalikod kase kaya hindi ko makita.

Bigla namang may nakatuxedo na lalaki na pumunta sa stage, mukhang siya ang host ng party. Gusto kong malaman kung bakit nandito ang address ni Toff kaya nagpatuloy ako sa pakikinig sa host.

"Good evening ladies and gentlemen, I want you all to be seated in your own place. Tonight, we will see and hear the most important news that we've all been waiting for. First, let me call on Mr. Kristoff Villanueva and Ms. Amina Francisco here in stage." The host said enthusiastically.

Pumalakpak naman ang ibang guest pero ako ay seryosong nakikinig sa sinabi niya dahil narinig ko ang pangalan ng dalawang taongdi ko alam na magkasama.

Bakit nandito si Toff? Takang tanong ng isip ko.

Bigla akong napapalunok, my hands are sweating, my heart is throbbing to fast, and sweats are forming bullets in my forehead.

Umakyat si Toff at Amina, napakapit ako ng mahigpit ng makita kong magkahawak sila ng kamay.

Nakangiti si Amina at si Toff naman ay seryoso lang pero bigla namang nagkaroon ng liwanag sa mga mata niya.

"What a beautifil partners we have here tonight. The news will be said by the Mother of Mr. Kristoff." Ani ng host at biglang umakyat sa stage ang mommy ni Toff, hawak hawak na nito ang microphone na hawak ng host kanina.

Pumalakpak muna ang mga tao, kita ang saya sa mga mata nila.

"Good evening to all of you, hindi ko magpapaligoy ligoy pa. My son and my goddaughter Amina is officially engaged—" Hindi ko na pinakinggan ang iba pang sasabihin ng mommy ni Toff. Tama na ang narinig ko, ayoko ng dagdagan pa.

Lumakas lalo ang ulan, hindi ko na nga napansin ito kanina dahil sa sobrang focus ko sa event. Rinig ko ang malalakas na kulog.

Parang nagngangalit ang langit.

Tumakbo lang ako ng tumakbo at huminto malapit sa dagat, kita ko ang malalakas nitong alon na sumasabay sa galit ng langit.

Para rin itong may sariling buhay at nagngangalit, pinagmasdan ko itong mabuti at kusang tumulo ang luha ko. Hinayaan ko lang ito.

Tinignan ko ang dagat. Noon, para itong isang anghel sa sobrang payapa ngunit ngayon ay para itong nagagalit dahil sa isang bagay.

Ngayon ay naintindihan ko na ang lahat.

"Even the serene sea gets angry, ako pa kayang tao lang." I said, emotionless looking at the sea.

Masakit. Masakit ang makita ko siyang pinapakilala sa mga tao para malaman na ipapakasal siya sa taong hindi ako. Ano bang kulang ko? Ano bang mali ko? Nakakadiri ba ako? Sa araw ng anibersaryo namin, pinakilala siya upang ipakasal sa kanya. Sa kanya. Siya. Siya na maganda, mayaman at matalino. Siya na  nag aral pa sa ibang bansa, habang ako heto ilang taon na pero di pa rin umaasenso.

My mind said, pagod na kong masaktan. I think my mouth is already tired to talk.

Bakit sa araw na ito pa? Pwede bang kahit isang araw man lang mayakap ko siya, wag naman sa birthday ko, wag naman ngayon. I never let him go because he's the reason while I smile even though he's also the reason why I'm broken.

It's my birthday today, it's our anniversary today and it's also the day that we both separated our ways.

He's my anchor in the raging sea, but the anchor has let me go. I smile, painfully. I'm happy he already let me go, sana ako rin makayanan kong wala siya, sana masanay din akong wala na siya. Bakit niya ba kasi ako sinanay sa presensya niya?

Sana kayanin ko lahat ng sakit. Sana kayanin kong mawala na siya.

Sana sinabi niya nalang sakin na ayaw na niya, hindi yung makikita ko pang may kasama siyang iba.

I'm not okay, I will be ... I will try to be ...

Susubukan ko, kahit mahirap. I promise, susubukan ko.

"Ayaw mo kong masaktan pero nilagay mo ko sa sitwasyong nagpadurog sakin." I said still remembering the words he said to me.

Ayaw daw akong saktan? E ano to? Hindi ba to masakit?

People in my life are always there temporarily ... Lord, please gave me someone that can be by my side, till my last breath.

"Kaya pala siya humihingi na tawad, dahil dito. Tangina! Napaka bobo ko!" Sigaw ko at kasabay non ang isang malakas na kulog.

Pagak akong tumawa, matagal na niya kong binibigyan ng sign. Tanga lang talaga ako.

"Hahahahaha, gandang regalo. Happy birthday, self, ang ganda nung surprise." Sabi ko at patuloy pa rin sa pag-iyak.

Nasa loob na ako ng kwarto ko, nakarating ako kanina, naglajad lang ako. Nag-iimpake ako ng gamit ko, nagpalit na ko ng damit ko para hindi ako lagnatin.

Mabilis akong naglakad palabas,  tinawag ko rin si Glaish. Aalis na ako dito sa unit ko.

Hindi ko kakayaning makita ang taong nanakit sakin at ang pamilya niyang tumapak sa pagkatao ko.

Naghihintay kami ng taxi kaya tinawagan ko muna Liv.

"Ano na nama—" Pinutol ko agad siya.

"Liv, aalis na ko dito. Dyan muna ko sayo, please. Babayaran nalang kita, please."  Pagmamakaawa ko.

"Ha? A-ano bang nangyari?" Tanong nito.

"S-si Toff, ikakasal na siya—"

"Ano? Gago ba siya? Sige, dito ka muna. Hinding hindi ka na babalik dyan!" Galit nitong asik sakin.

Pinatay ko na ang tawag ng makakita ako ng taxi, mabilis ko itong pinara.

"Kuya, sa station po." Sabi ko at tumango naman ang driver.

Pinunasan ko naman ang mata ko dahil nagbabadya na namang tumulo ang luha ko. Nakita ko namang tinitignan ako ng driver kaya napayuko nalang ako.

Tinignan ko naman si Glaish na nasa tabi ko at nakahiga na. Hinaplos ko ang ulo nito.

I'm sorry, boss. Single mom ata talaga   destiny ko.


Nakasakay na kami sa bus at nilapag ko naman si Glaish sa tabi ko, ang tali nito ay tinali ko sa may hawakan pero hindi ko hinigpitan.

Sumandal ako sa bintana pero tinalukbong ko ang kurtina nito at habang tumitingin ako sa labas ay hindi ko na pinigilang tumulo ng luha ko.

Napaka bobo ko talaga, kasalanan ko ito. May mga oras na pwede ko na siyang hiwalayan pero hindi ko ginagawa.

Nagmakaawa pa ako sa kanya pero anong nangyari, ganto ang kinahinatnan ko.

Nakakapagod siguro akong mahalin kaya lahat ng taong malapit sakin umaalis.

Pagod na silang mga nagmamahal sakin, pero pagod na din ako, hindi ako umalis, kahit nakakapagod, kahit nakakasakit, nanatili pa rin ako.

Inintindi ko siya, inintindi ko lahat ng ginagawa niya. I give up my real dream just to works at their family's company. Inintindi ko lahat but maybe it wasn't enough.

Instead of explaining myself, I ended up saying sorry. Wala akong kasalanan pero para hindi madagdagan ang galit mo, I apologize.

Sumugal ako sa isang laro na hindi ko ipinanalo. Ayoko ng sumugal, masakit, sobrang sakit.

My eyes are tired and I can feel my lids slowly falling because of dizziness.

Nagising ako ng may maramdaman akong yumugyog sa balikat ko.

"T-toff?" Sambit ko.

I am still half awake.

"Ayy miss, hindi ako lalaki. Babaan na." Rinig kong sabi ng isang babaeng boses at bigla itong nawala.

Unti unti kong minulat ang mata ko, nilibot ko ang tingin ko at ako nalang pala ang tao, tinignan ko naman ang labas, madaming tao at mausok ang paligid.

"Hoy! Bababa kaba?" Sigaw sakin ng driver at nahihiya naman akong tumango at linuha ang bagahe ko.

Backpack lang naman ang nilagyan ko, mga damit ko lang at dinala ko pati pera at mga gamit na  alam kong kailangab ko.

Bumaba na kami at rinig ko ang ingay ng paligid, sari saring ingay ang maririnig. Napaka dami ding tao at sasakyan. Hi di ito ang first time ko pero kakaiba kapag hindi ka nasanay.

Huminga naman ako ng malalim at tinignan ko si Glaish na hawak hawak ko ang tali, sobrang laki na din niya pero ilang buwan pa lang.

Nilibot ko ulit ang tingin ko. Napangiti ako.

"I will begin a new life, a new me in this city. I will change not for other people's expectancy, I will change for myself." I said while I feel the breeze of Manila that is embracing me.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 84 18
Briana Beauty Phoenix sounds good for a name. But for Briana, it is not. For her, she believes that beauty is poisonous and dangerous. It makes her...
6.9K 442 30
Duology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamily...
7.8M 230K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...