I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND...

By wickedangel070

192K 3.1K 158

What if the person you are looking for is already with you? And this person is the one you love, can you stil... More

AUTHOR's NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
(A/N)
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
Let's Call it Pain of the Past
EPILOGUE
AUTHOR's NOTE

CHAPTER 39

1.3K 24 0
By wickedangel070

LIAM's POV

"Sigurado ka ba na sa iyo yun?" Hindi ko malaman kung ano ang pumasok sa isip ko at itinanong ko ang bagay na iyon sa kaniya.

"No." Naisampal ko ang kamay ko sa mukha ko.

"Hindi ka pa niyan sigurado? Pero parang siguradong sigurado na ang mga galaw mo Ian." Inis na sabi ko. "Minahal mo ba talaga siya?" Biglang tanong ko, tumingin ito sa akin

"Oo!" Inis na sabi nito

"Bakit parang ang dali lang sayo? Nandyan ka!" Itinuro ko siya "At nandoon siya!" Itinuro ko ang labas "siya na ang lumalayo, at hindi mo naman siya sinusubukang lapitan! Mahal mo talaga ha!" Sarkastiko kong sabi, tumayo ito at agad na hinablot ang kuwelyo ko. Mabuti nalang at walang tao dito sa clinic.

"Wag na wag mong ku-kwestyunin ang pagmamahal ko sa kaniya!" Galit na sabi nito.

"Bakit hindi mo subukang ipaglaban para walang nagtatanong kung anong pagmamahal ang ibinigay mo sa kaniya!" Pinantayan ko ang galit niya. Binitiwan nito ang kuwelyo ko at tumalikod sa akin.

"Paano ko siya ipaglalaban kung siya mismo ang hindi lumalaban? Nalaman mo naman 'di ba? Nagpapaligaw siya kay El." Nawawalang pag-asang sabi nito.

"Nagpapaligaw siya dahil hindi naman siya sayo. Wala siyang dahilan na pwedeng sabihin sa pwedeng manligaw sa kaniya na siya ay para na sa iisang tao! Pag isipan mo ito Ian, nasa isa kang kwarto pero hindi sayo kundi sa kaibigan mo. May gustong pumasok gusto mong sabihin na hindi pwede pero wala kang titulo na kapit. Ganoon ang nasa isip niya Ian!" Pilit kong ipinaintindi sa kaniya.

"Paano? Kung lahat ng tao, bagay at nakaraan ay nakaharang?" Nawawalang pag-asa, nanlulumong sabi nito.

"Madali yang labanan. kung makakasama mo siyang lumaban sa mga iyon." Naupo ako sa upuan na nasa gilid ng kama. "Minsan talaga mas matalino ako sa 'yo hindi lang nakikita nina Miss." Pabiro kong sabi. Umiling ito

"Pasensya na, nadala lang ako ng galit." Paumanhin nito.

"Akala ko itutuloy mo, sisirain mo pa ang pagkakaayos ng mukha ko." Pabiro kong sabi "Pero Ian seryoso, Wag mong hayaang mawala sayo si Sam. Baka pagsisihan mo sa huli ang desisyon na 'yan."

"Ayaw kong tumakas sa ginawa kong mali Li." Mahinahong sabi niya. "Nakagawa ako nang mali dapat tanggapin ko ang kinahinatnan ng mga iyon."

"At tanggapin ang batang iyon nang hindi sigurado? Yun ba?"

"Mahal mo parin si Irish." Bumuntong hininga siya "Bakit siya hindi mo pinaglaban? Kaya bakit ko gagawin ang inuutos mo?"

"Magkaiba tayo, ako mahal ko si Irish pero hindi ako ang mahal niya. Ikaw" itinuro ko siya "mahal niyo ang isa't isa. Kaya dapat lumaban ka, lalaki ka Ian. Ang lalaki minsan ang nauunang lumaban lalo na kung may ipaglalaban."

"Paano kung siya ang may ayaw na ilaban k-"

"Siya ba... O ikaw?" Tiningnan ko siya nang may panghuhusga "Parang hindi na ikaw ang Charles Gianne Jimenez. na nakilala ko. Yung mahilig sa bakbakan, suntok dito, suntok doon. Pasa sa muka, galos sa katawan at pilay sa paa, makuha lang ang gustong mapasa kaniya. Wag mong mamasamain ang tanong ko ha? Tanong lang ito walang suguran ha?" Paninigurado ko "Gusto mo ba talaga siyang bumalik sayo... O ayaw mo?"

"Ayaw ko." Walang alinlangang sagot nito, gulat ko siyang tiningnan.

"Sa pagkakataong ito ang isang Jimenez ay nag-ayaw sa gusto niya. Kakaiba, anong dahilan ba ang meron ka para ayawan mo ang gusto mo?"

"Haharapin ko ang bagay na nasa harap ko mismo Liam Vhile Mirandez!" Galit nitong sabi

"Isipin mo ang nasa likod mo kung ganoon. Kung uunahin mo ang nasa harap mo, alamin mo kung may nasasaktan ba sa likod mo. Parang sinasabi mo na mas mahalaga ang nasa harap mo bago ang nasa likod mo." Kalmado kong sabi. Isang Jimenez na tumalikod sa gusto niya para lang harapin ang nasa harap niya, hindi kapani-paniwala ang nangyayari.

"Wala kang alam Mirandez!"

"Hindi lahat nang may alam ay alam ang gagawin." Hinilot ko ang sintido ko "ihalintulad natin sa labanan, kung hindi ka titingin sa likod pwedeng may sumaksak o sumugod nalang bigla sayo. Ngayon tumingin ka sa likod mo para may makita kang dahilan para lumaban."

"Kung titingin ako sa likod pwede namang umatake ang nasa unahan."

"Pairalin mo ang pakiramdam mo para may maramdaman ka. Para namang ang hirap intindihin ng sinasabi ko"

"Naiintindihan ko--"

"Pero ayaw mong itumba yang nasimulan mo? Mauna na ako." Tumayo ako at lumapit sa kaniya "Sana wag mong pagsisihan ang desisyon na pinili mo Ian." Tinapik ko ang kaliwang balikat niya at lumabas ng Clinic

SAMANTHA's POV

"Sigurado ka? Babalik ka talaga doon?" Tanong sa akin ni Ziel "Bakit kailangang bumalik ka pa?"

"Utos ni Kuya" sabi ko habang inaayos ang gamit ko.

"Doon ka titira ulit?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ziel

"Oo." Isinakbit ko ang bag ko sa isa kong balikat

"Ano naman ang utos ni--"

"Usapang magkapatid yun." Pabiro kong sabi, napapailing naman siya. "Mauna na ako, dadaan pa ako sa room nila." Paalam ko

"Hindi ako makapaniwala kanina. Ang sweet nila doon sa itaas tapos nung biglang susugudin na ni Clouxe si Charles ang kinampihan niya pa ay si Clouxe."

"Kuya niya kase yun."

"Ang kuya naman niya ang unang sumugod 'di ba? Kaya dapat niyang pagsabihan ang kuya niya hindi si Charles"

Tumingin ako sa dalawang babaeng nag-uusap habang naglalakad, nakatalikod ito sa akin kaya lumapit ako.

"Kung sa bagay, maganda ang ipinakita ni Charles kay Sam tapos ganoon ang ibabalik niya. Hindi na ako magtataka kung ang buong mundo ay magalit sa kaniya."

"Baka itakwil din siya nang eskwelahan na 'to"

Tumapat ako sa gitna nila at inakbayan sila pareho, dumeretso lang sila sa paglalakad. "Oo nga 'no? Baka itakwil siya sa sobrang ganda at talino, kaya pati mundo magagalit sa kaniya. Pero hayaan niyo kaya ko namang labanan ang buong mundo lalo na kung mga katulad niyo, sabit sa buhay ko." Natigilan ang dalawa

"S-sam, s-sorr--"

"Isang kalabit ko lang sa kamay na nakasabit sa akin lahat kayo hulog." Bulong ko sa kanila at hinigpitan ang pagkaka-akbay. "Ituloy niyo lang 'yang gawain niyo na 'yan, ilalagay ko kayo sa bulsa ko at habang buhay na mamumuhay roon. Ang bulsa ko ay matindi pa sa init nang araw kaya kayong patayin kahit magsuot pa kayo nang kung ano-ano." Saad ko bago tanggalin ang pagkaka-akbay nang kamay ko. Naglakad na muli ako.

"Sila na nga!!" Impit na kilig na sabi nang isang babae.

"Mas bagay sila ni Sam" kontra nang kasama niya

"Ni Sam na sinaktan lang si Charles, no way. Ayokong nakikitang nasasaktan si Charles 'no!!"

"Kung maka-asta akala mo girlfriend siya." Umiiling kong sabi, natigilan ang dalawa at tumingin sa akin na naglalakad patungo sa dulong bahagi nang building na ito.

Huminto ako sa tapat nang Room nila, at tumambad sa akin si Charles at Irish na mag-kahawak ang kamay habang nagre-report. Tutok na tutok sila sa pagrereport kaya hindi nila ako napansin na umupo sa bakanteng upuan sa unahan. "Any questions?" Tanong ni Charles habang nakangiti

Tumaas ako nang kamay, natigilan ang lahat nang naroon. Kahit si Miss Grosto, tiningnan ko sila at iwinagayway ang kamay para mapansin nila na nakataas ako nang kamay.

"Miss Crausus." Pormal na sabi ni Miss Grosto

"Why do we have to use the Long term when the short term is possible?"

“To have an explanation." Sagot ni Irish

"There is also an explanation for the short term and besides it is easier for students to understand the short term than the long term. The long term has many twists and turns while the short term is easy to understand, the answer is straight to the point. So why?" Hindi ako kumbinsido sa sagot ni Irish sa tanong ko.

"Because when you use the short term you will not explain every steps required in a solution." Sagot naman ni Charles.

Kumuha ako nang pentouch at isinulat sa white board ang Short term solution nila "The explaination depends on what you say, it doesn't depend on the solution that you have" sabi ko habang patuloy na nagsusulat sa board. "See the difference, when we use a Short term solution it will be easier to understand but when we use a long term solution we may get confused." Nakangiti kong paliwanag.

"Hindi naman kailangan nang sulosyun" Komento nang lalaking nakaupo sa upuan ko dati.

"Solution is very important in this subject Mr."

"Damn." Mahinang sabi ni Charles

"Pasensya na Mr. Jimenez hindi ko sinasadyang guluhin ang reporting niyong dalawa." Saad ko at naupo muli sa kina uupuan ako. Hindi mawala wala sa paningin ko ang magkahawak nilang kamay

Itinaas ko muli ang kamay ko. Kita ko naman ang pagkabigla ni Irish "Y-yes, Sam?"

"Kailangan ko na rin bang maghanap nang makakahawak nang kamay? Ibig kong sabihin tuwing report kailangan ba may kawak kamay?" Sarkastiko kong sabi. Tumingin sa akin si Charles.

"She's my girlfriend." Biglang sabi ni Charles.

"Ang tinatanong ko kung kailangan ba na may kahawak kamay kapag nag-rereport?"

"Depen--"

"Okay, You love her so much that you don't want to let go of her hand" pilit na tawang sabi ko. "Miss Grosto ang ipinunta ko talaga dito ay si Liam, pwede ko ba siyang e-excuse kailangan ko nang mai-interview sa isa sa mga estudyante niyo." Paki-usap ko

"Ako nalang Sam!" Sigaw nung lalaking nasa dulo. Nginitian ko lang siya.

"Miss? Pwede ba? Si Liam lang naman." Tumango si Miss.

"Liam?" Tawag ni Miss

"Yes Miss." Tugon ni Liam

-----

Nandito kami sa rooftop

"Kumusta na Sam?" Hindi ako nag-abalang sagutin siya "bakit lumipat ka--"

"Ayoko nang strand niyo. Gusto kong maging lawyer, para may thrill."

"kumusta k--" niyakap ko siya. At doon unti unting bumagsak ang luha ko "S-Sam?"

"May lahing bato ba ang kaibigan mo?" Humihikbi kong sabi. "Napakatarantado. Hindi marunong makiramdam. Napakamanhid nang kaibigan mo. Sobrang manhid. Nabagok yata ang ulo nun e, biglang naging barumbado." Umiiyak na sabi ko habang nakayakap parin sa kaniya "May lahi yata yung hayop!" Inis na sabi ko.

"Sam? Wag kang umiyak, lumalaki ang butas ng ilong mo." Pabiro nitong sabi, bahagya akong natawa.

"May lahing bato ba ang kaibigan mo?" Muli kong tanong, tumawa siya.

"Lahing bakal siguro meron." Natatawang sabi nito, natawa rin ako.

Nakalimutan ko ang lungkot dahil sa kung ano anong birong binitawan ni Liam. Naglakad kami pabalik nang room nila para kuhain ang bag niya.

"Saan kana Sam nakatir--"

"Babalik na ako sa bahay ni Charles." Pilit na ngiting sabi ko.

"Nauna na siguro sila, wala na ang bag nila e. Sumabay kana sa akin, ihahatid kita doon." Tumango nalang ako. Naglakad na kami papuntang kotse niya. "Sam?" Tawag nito sa akin bago i-start ang engine. "Anong pangalan nung kaibigan mo?"

"Huh? Sino sa kanila?"

"Yung iba ang dating, yung kulay grey ang suot kanina."

"Ziel, bakit mo naitanong?"

"May boyfriend na ba siya?"

"Wala, lahat busted." Natatawang sabi ko "mataas ang standard ni Ziel sa lalaki kung balak mo siyang ligawan, ihanda mo ang sarili mo." Pabiro kong sabi.

"H-hindi ah, hindi ko naman s-siya liligawan"

"Talaga lang ha?" Huminto na kami. " Thanks." Saad ko bago isara ang pinto ng kotse niya. Kumaway pa ito bago umalis. Naglakad na ako sa gate at binuksan iyon hindi naman nakalock kaya madali lang. Nag door bell ako.

Kinagat ko ang labi ko dahil ilang minuto na akong nag do-doorbell pero wala paring bumubukas nang pinto, kumidlat at kumulog na mukhang babagsak na rin ang ulan. Muli akong nag doorbell nang sunod sunod, bumagsak na ang ulan.

Nag-doorbell muli ako at sa pagkakataon na ito bumukas na ang pinto iniluwa nito si Irish na suot suot ang damit ni Charles. What the hell? "Sino ba an-- Sam? What are you doing here?" Saad ni Charles

"D-ito na ako titir--"

"Sorry, pero may ginagawa kami ni Irish. We're busy."

"Charles." Suway naman ni Irish kay Charles. Para tuloy akong nasa isang movie tapos ako ang kawawa. "Sam, pumasok ka muna basang basa kan--"

"Hayaan mo siya, Irish. Bahay ko 'to ako ang masusunod." Saad ni Charles.

"Basang basa na siya Charles ano ka ba?" Inis na sabi ni Irish. Lalapit na sana ito sa akin nang biglang pigilan siya ni Charles.

"Bawal kang mabasa, baka makasama sayo." Natigilan ako sa sinabi niya, Hindi siya si Charles hindi ito si Charles. "Ano ba talaga ang ipinunta mo dito?"

"Naliligo ako sa ulan." Itinapon ko ang dala kong bag "aayain ko sana kayong dalawa kaso bawal pala kayong magkasakit." Saad ko at muli kong kinuha ang bag ko at naglakad papuntang gate. "Ingat kayong dalawa!" may pait na ngiting sabi ko bago isara ang gate

Nagulat ako nang biglang may huminto na kotse sa harapan ko. "Dun ka muna sa amin magpahinga Sam." Saad nito

"A-ayos lang ako, n-naliligo pa ako." Tatawa tawa kong sabi.

"Baka magkasakit ka Sam" saad ni Liam, bumaba ito nang kotse at inalalayan akong makasakay sa kotse niya. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay niya. "Doon ka muna sa kwarto na isa, may mga damit doon na pwede mong suotin. Magpapaluto nalang ako kay manang ng lugaw para sayo." Saad nito.

Nagpalit ako nang damit sa kwarto na sinabi ni Liam. Lumabas ako nang kwarto. "Akala ko nagkatulog kana." Pabirong sabi ni Liam na nakasandal sa pader na katapat nang pinto ko "Halika na, nakapagluto na si Manang." Saad nito, sumunod ako sa kaniya.

"Pwede mo ba akong ihatid mamaya sa bahay nang kaibigan ko?"

"Dito ka muna magpalipas ng gabi,wala naman akong gagawin sayo." Biro nito

"per--"

"Hindi kita ihahatid kaya mapipilitan kang mag-stay dito. Malakas ang ulan sa labas." Saad nito, tumango nalang ako.

"Oo nga pala, bakit bumalik k--"

"Na-iwan mo kase ang phone mo." Saad nito at inabot sa akin ang phone ko

"Thanks--"

"Swerte naman nang kaibigan ko, nakawallpaper sa Cellphone mo." Biro nito. Nginitian ko lang siya.

"Swerte talaga niya." Natatawa kong sabi "Mahal siya nang taong mahirap abutin." Pabiro kong sabi, ngunit may halong pait.

CHARLES POV

(Jimenez) galak na pagbati nito sa akin sa telepono

"Who are yo--"

(Stay away from Samantha Crausus)

"Why would I do that?"

(If you don't want me to kill your parents.) A deep voice said it. (Choose between the two, stay away from Samantha Crausus or will I kill your sleeping parents?)

"H-how?" Kinakabahan kong sabi, buhay ang kapalit nang paglapit ko kay Sam. I'm sorry, i have to do this Sam.

(Marry the woman with whom you are now. I have many eyes watching you, make no mistake. If you don’t want that to happen what I told you earlier.) Saad nito at tumawa nang malakas sa kabilang linya. (Isang babae sa dalawang buhay.) Hirap na pagtatagalog nito. Pinatay niya ang tawag, wala pang isang minuto ay nag send ito ng isang larawan.

"What the fvck!" Nakahiga si Mom and Dad, parehong duguan.

"Charles, is there a problem?" Tanong ni Irish.

"Nothi--"

"Irish and Charles, you can start now." Saad ni Miss Grosto

Kinapitan ko ang kamay ni Irish naikinagulat niya. "Let's start." Nakangiti kong sabi. Iiling iling naman si Li, natapos na ang pagreport namin "any Questions?" Nagulat ako nang makita ko ang tumaas na kamay, suot nito ang bracelet na ibinigay ko kay Sam. Lahat ay natigilan, nagtanong ito at sinagot ni Irish pero kita sa itsura niya na hindi pumasa ang sinabi ni Irish kaya ako ang sumagot. Nagpaliwanag ito sa unahan, at nagulat ako sa itinanong niya.

"Kailangan ko na rin bang maghanap nang makakahawak nang kamay? Ibig kong sabihin tuwing report kailangan ba may kawak kamay?" Sarkastiko nitong tanong at tumingin sa akin

"She's my girlfriend." Walang alinlangang sabi ko

"Ang tinatanong ko kung kailangan ba na may kahawak kamay kapag nag-rereport?" Naiirita ang tanong niya

"Depen--"

"Okay, You love her so much that you don't want to let go of her hand" tumawa siya nang may pait. "Miss Grosto ang ipinunta ko talaga dito ay si Liam, pwede ko ba siyang e-excuse kailangan ko nang mai-interview sa isa sa mga estudyante niyo." Paki-usap nito, napaka-lamig nang tono nang pagkakabigkas niya ng bawat salita

"Ako nalang Sam!" Sigaw nang lalaki sa dulo

"Miss? Pwede ba? Si Liam lang naman." Tumango si Miss

"Liam?"

"Yes Miss." Saad ni Liam at tumayo papalapit kay Sam.

-----

Maaga kaming umuwi, ginawa namin ang research. Lumipas ang kalahating oras at nakita ko nalang si Irish na nakapatong ang ulo sa mesa, nagkatulog na siya. Tiningnan ko siya, nabigla ako nang bigla ako nitong halikan.

"You said, I'm your girlfriend but why I can't feel?" Tanong nito at muli akong hinalikan, kinapitan ako ang pisngi nito. Dahan dahan kong tinanggal ang damit nito. "C-hmm~" mahinanang ungol nito nang laruin ko ang hinaharap niya.

Tinanggal ko ang polo at t-shirt ko. Ilang minuto lang ay gumagalaw na ako sa ibabaw niya. Nasa sofa na kami.

"Ugh~" ungol ni Irish. Binilisan ko ang paggalaw sa ibabaw niya nang biglang tumunog ang doorbell, ipinagpatuloy ko ang paggalaw sa ibabaw ni Irish hanggang sa sabay kaming labasan. "Ugh~" mahinang ungol nito. May nag-doorbell muli at sunod sunod na ito. Itinapon ko ang t-shirt ko kay Irish at sinuot ko naman ang polo ko

Nagulat ako nang buksan ni Irish ang pinto, tumambad sa amin si Sam na basang basa nang ulan.

"Sino ba an-- Sam? What are you doing here?"

"D-ito na ako titir--" pinutol ko ang sasabihin ni Sam, hindi pwede. Mapapahamak ang mga magulang ko Sam, I'm sorry.

"Sorry, pero may ginagawa kami ni Irish. We're busy." Saad ko at hinapit ang bewang ni Irish para mas lumapit sa akin. I have to do this.

"Charles." Suway sa akin ni Irish, tiningnan ko lang ito. Basang basa ka na Sam, baka magkasakit ka. "Sam, pumasok ka muna basang basa kan--" pinutol ko muli ang sasabihin ni Irish

"Hayaan mo siya, Irish. Bahay ko 'to ako ang masusunod." Pagmamatigas ko, hindi ko tinapunan ng tingin si Sam.

"Basang basa na siya Charles ano ka ba?" Inis na sabi sa akin ni Irish, kinapitan ko ang braso nito nang lalapitan niya si Sam.

"Bawal kang mabasa, baka makasama sayo." May paglalambing kong sabi, Shit! I hate this scene! Tinataboy ko ang taong mahal ko. "Ano ba talaga ang ipinunta mo dito?" Tanong ko kay Sam.

"Naliligo ako sa ulan." Itinapon niya ang bag niya at umikot nang isang beses na akala mo ay nagsasaya "aayain ko sana kayong dalawa kaso bawal pala kayong magkasakit." Sabi nito, IKAW ANG BAWAL MAGKASAKIT!! kinuha nito ang bag niya at niyakap niya iyon papalabas nang gate. "Ingat kayong dalawa!" May paghikbi ang pagkakabigkas niya, may pait, at sakit. Lumabas siya nang gate at doon lang ako nagkalakas nang loob na kuhain ang payong na ginamit namin ni Irish kahapon.

Tumakbo ako at mabilis na binuksan ang gate. "Sam? I'm sorr--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang wala akong nadatnan na Samantha sa labas nang pinto ang tangi ko lang nakita ay ang kotse na papalayo sa akin, hindi maaninag ang plate number nito dahil sa kapal nang ulan. "Damn!!!! Fvck!!! Just fvck Charles!!! What have you done to your girl!!!!!" Inis na sabi ko at sinipa ang gate.

Natigilan ako nang may makitang isang box sa gilid nang gate, kinuha ko iyon at binuksan. May singsing na laman iyon at may isang maliit na papel, binuksan ko rin iyon at binasa.

'I don’t believe in Happily ever after, but let me show you the love I can give.'
     -Myael Villa

Nakasulat iyon sa papel, tiningnan ko ang nakasulat sa ibaba nun

'I'm sorry. I can't accept this. Just give it to the person who will love you too.'
     -Samantha Crausus

"Balak niya bang ibalik ang singsing na ibinigay ni Myael sa kaniya? I'm sorry Sam, I didn't know I was giving you too much pain." Saad ko sa gitna nang malakas na ulan.

LIAM's POV

Bumaba agad ako nang kotse at tumungo sa room namin, agad na hinanap nang mga mata ko si Ian. "Ian!!" Sigaw ko at mabilis na lumapit sa kaniya

"What?" Kinapitan ko ang kuwelyo niya at agad na sinuntok siya

"Kaibigan kita! Pero mali ang ginawa mo!"

"Ano ba ang nangyayari sayo?"

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo!!!"

"Ano ba--" muli ko siyang sinuntok, nagkagulo ang mga kaklase namin

"Alam mo ba ang kinahinatnan nang pagiging bakal niyang puso mo!!!" Bulyaw ko sa mukha niya at muli siyang sinuntok. "Si Sam hinayaan mo na maulanan!!!! Si Sam na mahal mo!!!! Ganoon ka magmahal?!!! Nandoon siya ngayon sa hospital!!!! Grabe ang lagnat!!! Mahal mo hinayaan mong magkaganoon!!! Bakal yang puso mo!!! Baka semento na yan!!" Sigaw ko sa mukha niya.

"S-saang hosp--"

"Ipinapaalam ko lang ang naging epekto niyang kagaguhang pinaggagagawa mo! Pero hindi ko ipa-aalam sayo kung nasaan siya!!!! Tarantado ka e!!! Babae yun!!! Ginago mo!!! Hindi mo pinapasok?!!! At ano!!! May ginagawa kayo?!!! Kahit sana pinapasok mo tapos ipinagpatuloy niyo ang ginagawa niyo!!! Ayos na yun!!! Sinaktan mo na!!!! Gusto mo pang mamatay!!!" Sigaw ko at muli siyang sinuntok "Hindi ikaw ang kaibigan ko! Hindi ka si Ian!!" Sigaw ko. Lumabas ako nang room

Dumeretso ako sa room nina Sam " excuse me Miss? Pwede ko bang kausapin ang mga kaibigan ni Sam?" Biglang nagsitayo ang mga kaibigan ni Sam at nagsilapitan sa akin. Bigla akong kinuwelyuhan ni El

"Anong meron kay Sam?!" Nagpipigil nang galit na tanong ni El.

"N-nasa hospital si Sam, naulanan siya kagab--"

"Nasaan ang barumbadong Charles na 'yan?!!" Biglang sigaw ni Ziel. "Ililibing ko siya!!! Chlea! Pakitawagan si Kelly at Mitch pakisabi na wag nilang paalisin si Charles!!!" Biglang sigaw nito "Mia!!! Pakitawagan si kuya Clouxe at sabihin mo sa kaniya na ihanda ang kabaong ni Charles pati ang hukay!!!!" Sigaw nito

"Ziel!!! Wag!!! Please!!!" Pakikiusap ko

"Tarantado ang kaibigan mo! Dapat siyang ilibing habang maaga pa!!" Sigaw nito. Puny*ta! Wala ba itong takot sa kung sino man ang makakarinig sa kaniya

"Itigil niyo nga 'yan!!" Sigaw ni Mark "Walang papatayin, baka tayo ang sumunod sa hukay pag pinatulan natin siya. Mawawalan tayo nang hininga sa oras na mawala siya kay Sam!" Bumuntanong hiniga si Ziel, pinahinto niya sa pagtawag ang dalawa.

"Mia, tawagan mo nalang si Kuya Clouxe." Bumaling ito sa akin "saang hospital?"

"Sa hospital nam--"

"Sabihin mo Mia nasa Mirandez hospital si Sam--"

"Baka ang makapatay sa kaniya ay si Kuya Clouxe" saad naman nung Chlea

"Sige, wag mo nang tawagan." Inis na sabi ni Ziel " pero sa oras na may mangyari ulit kay Sam, magkasama kayo nung Charles na yun sa kabaong!" Bulyaw nito kay Mark

"w-walang kasama doon si Sam"

"Dadaanan muna namin ang kaibigan mo!" Nanggagalaiting sabi ni Ziel

ZIEL POV

"Ziel, wag paniguradong tayo ang malalag--" saad ni Mark.

"Kung hindi mo pakikitaan ang isang 'yun baka gawin niya ulit ang ginawa niya!" Saad ko at bigla nalang pinasok ang room nung Charles. Natigilan pa si Miss Groston sa pagtuturo. Agad kong nilapitan si Charles

"Jimenez tumayo ka!!!" Maawtoridad kong sabi. Pero hindi ito sumunod " tatayo ka? O ang kamay ko ang tatayo sayo?!!" Bulyaw ko. Tumayo ito

"Ano ba ang kailangan niy--" agad kong sinikmuraan si Charles, napakapit ito sa tiyan niya. Nilapitan siya nung babaeng palagi niyang kasama.

"Buhay mo sana, kaso pinigilan ako nang mga kaibigan mo. Pasalamat ka sa kanila!" Sigaw ko at tumalikod sa kaniya

"Miss Groston, Continue" nakangiti kong sabi, tumango lang ito. Tiningnan ko ang mga estudyante "ibuka niyo ang bibig niyo! Isasama ko kayong lahat sa hukay na ipinaayos ko para sa isang yan." Itinuro ko si Charles.

"Ziel! Let's go!" Tawag ni Chlea tumango ako

"May nakalimutan ako" saad ko at muling nilapitan si Charles "Second warning. Matakot kana kapag nag fifth warning yan. Ang taong mahal mo mismo ang papatay sayo." Pabulong kong sabi. "Wag mong gaganunin ang isang Samantha dahil hindi bababa sa trilyon na tao ang susugod sayo, lugi ka." Natatawa kong sabi bago lumabas nang room

"Bakit mo yun ginawa? Baka an--" Saad ni Chlea

"Psh! Alam mo naman kung bakit ko yun ginawa, para na narin maibawi ko ang iba nating kasama." Pinagcross niya ang braso niya. "Walang mangyayari sa kaniya, kamao lang nang babae ang ginamit ko." Natatawa kong sabi.

"Napapadalas ang pagtawa mo Ziel ah." Pang-aasar ni Chlea

"Sa tingin niyo kapag umabot nang fifth warning si Charles ngayong taon, magawa kayang patayin ni Sam si Charles?" Tanong ni Mia

"Apat sa mga kasama natin ang ginamit niya para sa pansariling kasiyahan. Dapat matagal na siyang napatay ni Sam." Saad ko "Nang dahil sa mga magulang niya, hindi yun natuloy."

"Paano kung may mabigat siyang nagawa ngayon?" Tanong ni Chlea

"Umasa nalang siya na mapapatawad siya nang mga taong ginawan niya nang mali, hindi siya marunong humingi nang pasensya."

"Humingi siya nang tulong." Saad ni Chlea

"Tulong?"

"His parents were in danger, are we gonna help them?" Tanong ni Chlea

"Kaya nga gusto na niyang makabalik dun sa bahay ni Charles para daw magawa niya ang utos ni Kuya Clouxe at ang para na rin makakuha nang impormasyon tungkol doon."

"Nag-usap kay--"

"Oo, napag-usapan na namin. Siya na ang magsasabi sa inyo, hindi ko alam kung kailan. Magpapadala siya sa isa sa mga kasamahan natin."

"Ngayon na ako nagsisisi, na binigyan ako nang pangalan na sha-ynah." Saad ni Mia "Nakakapagod, parang walang katapusan ang pagtulong. Samantalang ang mga taong mahahalaga sa atin hindi natin nagawang tulungan dahil sa kakatulong sa iba." Humikbi ito "N-namatay si D-dad Dahil sa mga tinulungan natin, nakasama tayo sa gulo na hindi naman tayo kasali." Kinagat nito ang labi niya at nahinto sa paglalakad. "Ikaw Chlea namatay ang Dalawa mong kapatid dahil sa mga Gang na kinalaban natin, noong buhay pa ang mom ni Sam. Hindi ka ba nanghihinayang? Buhay nang mahal mo yun e, tapos biglang boom! Ayun wala na." Umiiyak nitong sabi.

"Babalikan ko ang mga gang na yun." Saad ni Chlea, nakita ko na ang bahagyang paghikbi din ni Chlea

"At ikaw naman Ziel hindi ka ba nanghihina? Namatay ang mga magulang at ang tatlo mong kapatid. Wala ka na ngayong kukuhanan nang pangdagdag lakas, iba ang lakas na nanggagaling sa pamilya." Saad ni Mia, pinilit kong hindi maging emosyonal "Tuwang tuwa pa naman ako nung araw na nagkaroon na ako nang Sha-ynah dahil may mga secret names na gagamitin yung para tayong secret agent." Muli siyang pilit na tumawa.

"Ang organisasyon na pumatay sa pamilya ko, bubuwagin ko."

"Kung ako nga napapagod na dahil nawalan ako nang isang taong nagbibigay sa akin nang lakas, kayo pa kayang higit sa isa?" Humahagulhol na sabi ni Mia "Tumigil na tayo, masyado na tayong nagiging wonderwoman sa mundong ito. Tama na ang mga yun, ayokong mabawasan pa ang taong nasa paligid ko. Baka may mangyari pa sa pamilya nati--"

"Wala nang mawawala sa pamilya ko" kinagat ko ang labi ko. "Kase wala na silang lahat hindi ba? Kayo nalang nina Sam ang meron ako." Pilit akong ngumiti

"Tama na nga ang pag-da-drama natin, mukha tayong tanga dito na nagsisi-iyakan. Walang mamamatay ha?" Pilit na birong sabi ni Chlea "Nasira tuloy ang make-up ko, pinaalala pa kase ni Mia e." Saad ni Chlea at nagkuha nang make-up sa bag niya. "Bigyan niyo ako nang five minutes para maka-pagretouch." Saad nito at pinunasan ang luha.

"Ang unang mamamatay pangit!" Saad ni Mia, natawa naman kaming tatlo. "Yung Liam, Ziel, grabe kung makatingin sayo kanina, parang may twist." Pag-iiba nang usapan nito

"Tanggalin ko kaya ang mata nun, napansin ko rin ang tingin nung punyetang yun."

"Malay ba natin Mia, baka may gusto yun kay Ziel." Natatawang sabi ni Chlea, sinamaan ko lang ito ng tingin

"Kung kayo nalang kaya ang tanggalan ko nang mata?!" Tumawa ang dalawa "Yung Liam na yun! Baka mas malakas pa akong sumuntok sa lokong yun!"

"Hindi na ako magtataka kung tatanda kang dalaga" tumawa naman nang malakas si Chlea.

"Bakit ko nga ba kayo naging kaibigan?" Tiningnan ko silang dalawa, pareho silang nakakapit sa kanilang tiyan at sobrang lakas nang tawa.

-----

"Dito kana sumakay!" Sigaw ko dun sa Liam. "Ituro mo sa akin kung saan, at susundan nila tayo. Wag kanang magdala nang kotse mo."

Sport car ang dala ko kaya mas masaya kung may mapagti-tripan.

"Kayo!!!" Sigaw ko kina Myael "Sundan niyo ako!"

"Dito ka nalang sa akin, Li! Mabilis yang magpatakbo mahirap sundan!" Sigaw ni Myael

"Boring kang magpatakbo Myael!!! Masyadong mahina ang makina nang kotse mo!!!" Sigaw ko

"Li! Dito ka!!! Mahirap yang sundan!" Sigaw naman ni Mark

"Kung makababa pa siya!!!" Sigaw ko at mabilis na pinatakbo ang sport car ko. Tatawa tawa naman ako dahil sa reaksyon ni Liam. "Mas masaya kapag Mabilis!" Sigaw ko sa kaniya.

Tumingin ako sa side mirror at nakita ko ang kotse ni Mia. Kinuha ko ang phone ko at inilagay sa harapan binitawan ko ang manubela dahilan para magkanda ugaga si Liam para kapitan yun.

"May makapitan ka lang na hindi dapat!! Paniguradong putol yang kamay mo!" Bulyaw ko dito, katapat nang manubela ang dibdib ko halos magkalapit lang iyon kaya sa isang pagkakamali didiki-- "The heck!!!" Sigaw ko. "Ituro mo nalang kung saan, wag mo nang kapitan ang manubela sumusunod yan sa gusto ko!!!" Bulyaw ko sa kaniya

Maya maya lang katapat ko na ang kotse ni Mia at Chlea "Dating gawi!!!" Sigaw ni Mia.

"Oo!!" Sigaw ko, inayos ko ang phone ko at iki-nonect sa kotse "Open niyo na ang sa inyo!!!"

"Ayos na! Join mo na yung sayo!!" Sigaw nito

"Hoy! Liam ituro mo na!" Sigaw ko "Bilisan mo!"

Tinuro nito ang daraanan, natawa pa ako dahil hindi ko naman sinunod ang mga tinuro niyang daan. Dumaan ako sa shortcut.

"Puny*ta nahilo ako!" Reklamo ni Liam nang makababa nang sport car ko.

"Hindi ka lang sanay sa mabilis magpatakbo, Mr. Mirandez" nakangisi kong sabi. Bigla akong natawa nang makita ko ang Zipper niya. " Zipper mo bukas!!" Sigaw ko dahilan para magtawanan sina Mia, kaming apat ang nauna paniguradong nalilito na ang dalawang yun. Naalerto si Liam sa pagsara nang Zipper niya, natawa naman kaming tatlo.

Hindi ito makatingin sa akin, namumula ang pisngi. "Chlea! Nilagyan mo ba 'to nang Blush on?" Natatawa kong sabi. Bilang lumapit sa akin si Liam.

"Ang nasa loob nito ang magpapahina sayo, Ziel." Nakangising sabi ni Liam, itinulak ko siya para lumayo siya sa akin

"Gago! Kaya ko yang putulin! Pati yang mukha mo kaya ko yang burahin sa mundo!!!" Bulyaw ko habang nakaturo sa kaniya. Tinawanan naman ako ni Chlea at Mia.

Continue Reading

You'll Also Like

70.3K 2K 64
Student and Principal Dalawang nag uugnay sa loob ng isang paaralan. Principal ang sinusunod at Studyante ang taga sunod. Pero sa kaso ko ako ang sin...
15.3K 554 57
"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala n...
277K 4K 49
The Billionaire's Heiress_ _Ice Alcantara is a normal working student. Has this bitter boss, expressionless professor, talkative classmate and a craz...