I'm Just A Babysitter (COMPLE...

By Liona_Wilhelm

82.2K 2K 40

I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a dr... More

NOTE
CHAPTER 1: TRIPLETS
CHAPTER 2: BONDING
CHAPTER 3: REST DAY
CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS
CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD
CHAPTER 6: NEW YAYA
CHAPTER 7: ATTACHED
CHAPTER 8: SCOLDED
CHAPTER 9: CAN'T SAY NO
CHAPTER 10: MOMMY
CHAPTER 11: SINGLE
CHAPTER 12: BEACH
CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA
CHAPTER 15: HATE
CHAPTER 16: SPARKS
CHAPTER 17: REOCCUR
CHAPTER 18: SUITOR
CHAPTER 19: BOUNDARY
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: AGONY
CHAPTER 22: GRIEF
CHAPTER 23: TEAR
CHAPTER 24: TIRED
CHAPTER 25: GIVE UP
CHAPTER 26: HEAL
CHAPTER 27: LISTEN
CHAPTER 28: HOME
CHAPTER 29: EXPLAIN
CHAPTER 30: FOLLOW
CHAPTER 31: ACE CARDS
CHAPTER 32: STAY
CHAPTER 33: TRYING
CHAPTER 34: THINK WISELY
CHAPTER 35: COMPLETE
CHAPTER 36: MOTHER'S DAY
CHAPTER 37: YOURS
CHAPTER 38: HOME
CHAPTER 39: FOREVER DREAM
LAST CHAPTER: TWIN

CHAPTER 13: AWAY

1.6K 37 0
By Liona_Wilhelm

Quebec's POV
Nagising ako sa maingay na pagtunog ng cellphone ko. Medyo inis ko itong kinuha sa gawing paanan ko para tignan ang tumatawag ng ganitong alanganing oras. Saktong kapapalit pa lang ng araw pero halatang hindi pa natutulog si mommy.

"Mom?" Sabi ko nang sagutin ko ang tawag.

"Tomorrow at exact 8 am, you have a flight to catch." Walang preno niyang sabi.

Napabangon ako sa sinabi niya. "W-What flight? Saan naman ako pupunta?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Ano na naman ba ang gulong papasukin ko.

"Si boss ang nag-utos na ikaw daw bukas ang magdadala ng mga droga papunta sa Guam."

Sa narinig ko ay sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi pwede! Ano na lang ang mangyayari sa akin kapag nahuli ako sa airlines ng Guam?! Sigurado ako na hindi ako tutulungan ni boss na makatakas o makaalis ng Guam kapag nagkataon.

"Bakit ako?! Hindi ko pa ni minsan nasubukan na maging carrier ng droga papunta sa ibang bansa o lugar gamit ang eroplano. Napakahigpit ng seguridad sa mga paliparan! Tiyak na mahuhuli ako!" Puno ang inis na sabi ko kay mommy.

"Wala akong magagawa Quebec. Alam mo naman na pagdating sa utos ni boss ay hindi naman tayo pwedeng humindi o hindi sumunod dahil may pinirmahan tayong kontrata. Bukas mo makukuha ang ticket mo kapag nasa airport ka na. Kaya agahan mo. Ngayon magpaalam ka muna sa amo mo sa pinapasukan mo at sabihin mo na may emergency dito sa bahay. Sumunod na lang tayo Quebec. Konting tiis na lang."

I laugh sarcastically. "Konting tiis na lang? Naririnig mo ba ang sinasabi mo mommy? Ilang taon mo ng bukambibig 'yan eh. Buhay pa ang mga kakambal ko motto mo na 'yan. Konting tiis hanggang sa mamatay na lang. Sa dami ng utang niyo kay boss malabong makaahon pa tayo sa kinasasadlakan natin ngayon."

Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at pinatayan ko na siya ng tawag. Dahil wala naman nga akong choice kagaya ng sabi ng nanay ko ay nag-impake na ako ng ilang damit at saka bumalik sa pagtulog. Nang sumapit ang alas-sais ng umaga ay gumayak na ako kahit di pa ako nakakapagpaalam kay Xenon. Maya-mayang konti lang ay gising na 'yon dahil may pasok siya ngayon habang ang mga bata naman ay alas-syete hanggang alas-otso ang gising.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko sa sala ang mama ni Xenon na nagzuzumba kasama ang daddy nito. Natutuwa ko naman silang pinagmasdan. Halatang sinusulit nila ang oras nila bilang mag-asawa. Kahit na maraming trabaho ang daddy ni Xenon ay hindi pa rin ito nawawalan ng quality time sa asawa.

Ang kuya kasi ni Xenon ay nasa ibang bansa nakabase kasama ang pamilya nito. Madalas itong mamiss ni ma'am Sarah kaya laging pinupunan ni sir Michael at Xenon ang pagiging absent ng kuya niya para hindi ito malungkot. Buti nga raw ay dumating ang triplets sabi nung minsan ni sir Michael habang nasa hapag kami kaya nagkaroon daw ulit ng kulay itong bahay nila.

"Mukhang may lakad ka Quebec." Sabi sa akin ni ma'am Sarah na nahuli akong pinanunuod silang mag-asawa.

"Opo. Hindi pa nga po ako nakakapagpaalam kay Xenon kaya hindi ko pa po sigurado kung papayagan ako."

Lumapit ito sa akin habang nagpupunas ng pawis. "Bakit hindi ka pa nagpaalam kagabi sa kanya?"

"Kasi po kanina lang po tumawag si mommy na may emergency at ikinuha na niya ako ng plane ticket nang hindi nagsasabi sa akin. Tumawag po siya kaninang madaling araw para sabihin lang po ang oras ng flight ko mamaya." Pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

"Anong oras ba ang flight mo hija?" Tanong naman ng daddy ni Xenon.

"Mamayang 8 am po." I answered.

"Oh anong oras na. Halika, ako na maghahatid sayo sa airport para hindi ka malate sa flight mo."

Akmang tatanggihan ko na siya nang marinig namin ang boses ni Xenon. "Flight? Bakit saan ka pupunta Quebec?" Napalingon ako sa kanya at nakita ko siya na pababa na ng hagdan.

"May family emergency daw sa kanila Xenon." Singit ni ma'am Sarah.

"And?" Xenon said while looking at me intently.

"Kaninang madaling araw lang kasi ako nasabihan ni mommy kaya hindi ako nakapagpaalam kagabi sayo. Balak ko rin sana magpaalam nung matapos akong tawagan ni mommy kaso nahiya ako kasi alam ko na kalaliman na ng tulog ang oras na 'yon. Kaya maaga na lang akong gumising para magpaalam."

"How about the kids? Magpapaalam ka sa kanila?" He added.

"I don't think it's a good idea. Siguradong maglulupasay sa kaiiyak si Lanaia kapag nalaman niyang aalis si Quebec." Sabat naman ng daddy niya na ikinatango ni Xenon.

"Baka hindi ka niya payagang umalis at madelay ka pa sa flight. Mas mabuti kung umalis ka na habang hindi pa sila nagigising. Ako na ang bahala sa kanila magpaliwanag mamaya."

"Thank you. Sige aalis na ako bago pa ako abutan ng triplets. Babalik din ako agad. Tatawag ako kung hindi ako makakabalik agad." Tumango si Xenon at nakisuyo sa daddy niya na ihatid ako sa airport.

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang pumayag na lang. "Saan ba ang punta mo niyan Quebec? Gawing Visayas ba? Kasi sasakay ka pa ng eroplano." Tanong ni sir Michael habang nagmamaheno ng kotse.

"Hindi po sir. Sa ibang bansa po ang punta ko." Sagot ko naman sa kanya.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi rin naman kasi nila natanong kanina kung saan ang punta ko.

"Saan?" Usisa niya pa.

"Sa Guam po."

"Oh malapit lang pala. May kamag-anak ka sa Guam?"

Lumalayo na ang usapan kaya naman umoo na lang ako kahit wala naman. I felt bad for lying but I don't have a choice.

Nagtanong pa siya tungkol sa kamag-anak ko kuno sa Guam at ako naman ay gumawa na lang ng gumawa ng kwento. Kaya laking pasasalamat ko nang makarating na rin kami sa wakas sa airport.

"Hindi ako magpapabili ng pasalubong. Mas importante na mag-ingat ka." Sabi niya nang makababa na ako ng sasakyan at kinukuha na ni sir Michael ang maleta ko sa likod ng kotse.

"Opo. Thank you po sa paghahatid."

Nginitian ako nito at nang makasakay ng sasakyan ay umalis na rin. Ako naman ay tinawagan na si mommy para sabihin sa kanya na nandito na ako sa airport.

"Magaling. Pumunta ka muna sa food court at hintayin mo ang tauhan doon ni boss na magbibigay sayo ng plane ticket mo at pati ng mga dadalhin mo. Ano ang kulay ng damit mo?"

"I'm wearing a black dress, a black cap and a facemask to be unidentified." Sagot ko sa kanya.

"Okay. Mag-iingat ka. Ayokong maulila sa mga anak Quebec. Tama na, na nakuha sa atin si Qeena at Queenie. Mababaliw ako kung pati ikaw mawala sa amin."

"Yeah. Whatever."

Binabaan ko na siya ng tawag at pumunta nga ako sa food court habang hinihintay ang tao na lalapit sa akin. Wala pa yatang sampung minuto akong nakaupo sa inupuan ko ay may tumawag na sa akin mula sa likuran. Nilingon ko naman ito at medyo nagulat pa ako nang mapagtanto ko na si boss ito.

"Boss..." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Si boss kasi may something sa tingin niya na nakakailang. Ang lalim na nakakatakot kasi. Hindi naman halos nagkakalayo ang edad namin pero yung presensya niya para ba siyang superior.

"Mag-iingat ka sa pupuntahan mo. Kapag nahuli ka, bahala ka na sa buhay mo. Kapag nailabas mo ng airport sa Guam ang mga dadalhin mo, ako ang bahala sayo makauwi. Pagdating mo sa Guam may sasalubong sayo at siya na ang bahala sayo. Tatawag ako sa oras na masundo ka na niya. Secure mabuti ang dadalhin mo kaya kampante naman ako na hindi ka mahuhuli."

Tumango ako habang nakayuko. "Ganyan ka ba talaga? Kapag kinakausap laging nakayuko?" Dagdag niya na hindi ko inasahan. Akala ko ay aalis na kasi siya.

Kaya naman wala sa loob akong nag-angat ng tingin at sinalubong ko ang mga tingin niya. Sumilay naman sa kanya labi ang isang pilyong ngiti at lalo akong nagulat nang hawakan ng dalawa niyang kamay ang mga kamay ko.

"Prove to me that you're deserving to be the queen of my own kingdom." Ang mga huling salita na nabanggit niya ay sobrang hina na hindi ko na naintindihan. Idagdag pa ang ingay ng paligid na hindi nakatulong sa akin.

Ipapaulit ko sana ang sinabi niya pero nabigla na naman ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ang dalawang kamay ko saka nilapag ang isang parang sobre sa mesa sa tabi ko bago tuluyang umalis. Napatitig na lang ako sa likuran niya na nagmamadali ng umalis.

Nang makabalik ako sa huwisyo ko ay tinignan ko ang maleta na ipapadala sa akin. Dalawang maleta na ngayon ang dala ko papunta sa Guam. Nakalimutan ko tuloy itanong kay boss kung ilang araw ako magtatagal doon dahil ang misyon ko lang naman ay ihatid ang pinahahatid niya. Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng droga ang nasa loob nito.

Sunod kong kinuha ang plane ticket ko na inilapag ni boss sa mesa at sakto na 8 nga ang alis ko. Kaya nang tinawag na ang flight ko ay nagmamadali akong kumilos at grabe ang kaba ko nung nasa scanning area na ako ng paliparan. Nakahinga lang ako ng maluwag nang wala namang humarang sa akin na security hanggang sa makasakay ako ng eroplano.

Sa tatlo oras ko mahigit sa byahe ay wala akong ibang ginawa kung hindi matulog, kumain o kaya ay manuod sa mini tv na meron dito. Nang makababa ako ng eroplano ay may naka abang na nga sa akin sa labas ng airport na isang babae. Dinala niya ako sa isang van at pinasakay sa likod.

Nang umandar ang van ay may kinausap ito sa cellphone na sa tingin ko ay si boss. Nasa passenger siya habang may driver na abala sa pagmamaneho ng sasakyan namin. Mukhang malapit lang ang hotel na pagtutuluyan ko sa airport dahil hindi kami nagtagal sa byahe.

"Come on. Take your rest in your hotel room." Aya sa akin ng babae na siyang sumundo sa akin sa airport saka lumabas na ng sasakyan.

Lumabas na rin ako at hinayaan ko siya na hilahin ang dalawang maleta na dala ko hanggang sa makarating kami sa hotel room na para sa akin. Sinamahan niya ako sa loob at may sinabi.

"You'll stay here for the mean time." She said while looking around.

"Mean time? When will I go back to the Philippines? How about that luggage?" Sabay turo ko sa luggage na ibinigay sa akin ni boss kanina bago ang flight ko.

Nginitian niya ako. "Someone will get that luggage later. Rest for now. I'm going."

Pipigilan ko sana siya pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya hinayaan ko na lang siyang umalis. Kaya ang ginawa ko na lang ay nahiga ako sa kama at saka binuksan ko ang cellphone ko para mag-internet sandali.

Hindi pa ako nakakapagbabad sa internet ay may gusto ng makipagvideo call sa akin. Si ma'am Sarah. Sa tingin ko ay kanina pa ako pinatatawagan ng mga bata sa kanya kaya mukhang alam ko na kung bakit siya tumatawag.

Umayos ako ng higa saka ko tinapat sa mukha ko ng maayos ang front camera ko bago ko sagutin ang video call. Bumungad sa akin ang mukha ng tatlong bata na nag-uunahan sa pagkuha ng cellphone.

"Mommy, dada told us that you left. When are you coming back?" Si Lanaia ang unang nagsalita at nanunubig na ang mga mata niya.

"I'm coming home soon. Hindi ko pa alam kung kailan." Gaya ng sabi ni boss, kapag hindi ako nahuli sa airport siya na ang bahala sa flight ko pauwi. Baka bukas din umuwi na ako. Wala naman na akong gagawin pa rito sa Guam.

"Mommy, bring pasalubing please." Landon said then after that he eat again. I think lunch time na sa Pilipinas ngayon.

"Buti at natawagan na kita Quebec. Kung alam mo lang ang pag-iyak at paglupasay ng mga 'to kanina nung sabihin ni Xenon na umalis ka at hindi agad makakabalik. Ngayon lang sila kumain nang sagutin mo na ang tawag. Hindi sila kumain ng agahan at balak pang hindi kumain ngayong tanghalian na. Kanina ka pa nakarating diyan? Nasabi ng asawa ko na sa Guam pala ang punta mo. Akala namin dito lang sa Pilipinas."

"Opo, nandito na ako sa Guam. Halos kararating ko lang po."

Tinapat nito sa mga bata ang camera. "Oh kausapin mo muna sila ng sila ay maliwanagan. Pati yung ama kanina hindi sila mapatahan."

"I'll be back, babies. Sa ngayon hindi ko pa alam kung kailan. Pero saglit lang ako rito. May kailangan lang akong ayusin dito pero babalik ako. Kinausap ko naman ang daddy niyo at nagpromise naman ako na babalik ako. Kaya magpakabait kayo riyan. Pagbalik ko may pasalubong kayo sakin. Wag masyadong makulit habang wala ako."

Tumango naman sila na magkakasabay kaya bigla ko silang namiss. "Aww. You're so cute. Kain na kayo ng maayos. Mamaya na ako magpapahinga kapag tapos na kayo kumain. Tell your lola that don't drop the call for now. I'll watch you babies while you eat, okay?"

"Okay." Landon said.

"Nako mabuti pa nga Quebec. Baka kapag pinatay mo ang tawag ay pahirapan na naman silang pakainin."

Natawa ako sa sinabi ni ma'am Sarah. "Wala pong problema ma'am."

Gaya ng napag-usapan ay hinayaan namin na umaandar ang video call habang kumakain sila. Nang matapos silang kumain ay sila na mismo ang nagpaalam para raw makapagpahinga ako.

"Muah! Muah! Muah!" Sabi ni Lanaia habang hinahalikan ang cellphone at naririnig ko na sinasaway naman siya ng lola niya.

"That's dirty Lanaia!"

Tumawa lang ang isa at kumaway na. Hinayaan niya ang dalawang kakambal na magpaalam sa akin saka nila pinatay ang tawag. Inilapag ko ang cellphone ko sa patungan na malapit at umidlip ako saglit saka nagtungo sa banyo para maging presko ako.

Paglabas ko ng banyo ay naghalungkat ako ng pwede kong suotin at pinili ko ang isang red shirt at pinaresan ko ng maong white short. Nagsuklay at naglagay din ako ng konting lipstick at polbo bago lumabas ng balcony para silipin ang ganda ng Guam.

Hindi ko alam kung nasaang parte ako ng Guam pero ang ganda rito. Parang ang peaceful tumira. May narinig akong kumatok sa pinto kaya umalis na ako sa balcony para buksan ang pinto. Sana ito na yung kukuha ng isang maleta na may lamang droga para mawala na ang kaba rito sa dibdib ko.

Bago ko tuluyang buksan ang pinto ay nilakasan ko muna ang loob ko. Baka kasi mamaya ay mga pulis o di kaya ay mga staff sa airport ito. Kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko.

Bago pa ako panghinaan ng loob ay binuksan ko na ang pinto at nagulat na naman niya ako.

"Boss, a-anong ginagawa mo rito?"

Continue Reading

You'll Also Like

71.1K 3.1K 19
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.
82.2K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...
26.8K 1.5K 76
In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early...
169K 2.4K 36
For me to know and for you to find out. This story is my own story don't plagiarized it and this is the original story. Thank you for reading and don...