"Re-write." (sequel)

De LaysaChaan

110K 6.3K 3.5K

🔴 Read the first book - " stay with me " before step in this story. thanks! 🔴 ✨" FANFICTION."✨ Ps: pl... Mai multe

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
"Under."
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35.
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52

36

1.6K 146 176
De LaysaChaan

JOSH's POV.

"Bakit ka pa nandito?" Irap nito sa akin.
Agad kong nilapag sa mesa ang isang basket ng prutas na dala ko.








"Kung sa tingin mong magpapasalamat ako sa ginawa mong pagligtas sa akin kanina, hinding hindi ko gagawin yon." Mataray na sambit niya.





"Colee-"









"Bakit hindi mo na lang ako hinayaang mamatay?" Pagputol niya.

"Yun na lang ang tanging paraan ko para makawala sa impyernong buhay na 'to. Bakit pinigilan mo pa ako?!"






Kusang kumunot ang noo ko sa asta nito. "Bakit parang kasalanan ko pa!? At oo dapat magpasalamat ka sa akin! Dahil niligtas kita!"





"Hindi ko ginawa yun dahil lang gusto kita. Tutulungan kita, kakampi mo ako..."







"Paano kita naging kakampi? Isa ka rin sa kanila 'di ba?" Mariing saad niya.












Agad kong inilabas ang resetang papel sa aking bulsa at inabot sa kanya.

"Anong gagawin ko dito?" Walang ganang tanong nito.









"Buksan mo, nakasulat sa resetang yan lahat nang gustong sabihin sayo ni G–"

Di pa ako tapos magsalita nang agad niyang hinablot sa kamay ko ang kapirasong papel.





Parang biglang nagkaroon ng buhay ang kanyang mga mata sa oras na binabasa na niya ito.

"Nung araw na naconfine ka, gustong-gusto ka niyang makita, malapitan, pero pilit siyang pinapalayo, itinutulak palabas ng ospital, utos ng daddy mo."





"Sumulat siya gamit ang resetang papel at patagong nilapag sa tray ng nurse. Yun lang ang naisip niyang paraan para maipadala ang mensahe sayo." Kwento ko.






"Coleen, alam kong hindi mo ako mapapatawad ngayong nababasa mo na ito. Ito lang yung paraan ko para magpaalam sa'yo, gustong-gusto kitang yakapin kahit sa huling sandali pero hindi ko magawa, hindi kita malapitan. Alam kong galit na galit ka na ngayon sa akin, pero sana magtiwala ka, babalik ako. Gagawin ko ang lahat para makabalik sa'yo, mahal kita." -Gabb.










Sunod-sunod ang luha na tumulo sa mata nito, halos mabasa na ang papel habang binabasa niya ito. Napahawak naman siya sa kaniyang kwintas at hinalikan ang pendant nito na mayroong larawan ni Gabb.







"B-bwisit ka, kailan ba kita hindi pinatawad?" Pahikbi-hikbing sambit niya.








Niyakap niya ang papel at nagpatuloy sa pagluha.

"I will wait for you even a bunch of years to come." Her voice almost cracked up.








"Ang mahalaga ngayon, nagpaalam ka. Alam kong nangako ka na babalik ka."









"Lagi lang akong maghihintay sa'yo, mahal na mahal kita, Gabb." Buong pusong sambit ni Coleen.







Bahagya akong ngumiti, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kitang-kita ko kung gaano niya kamahal si Gabb. Walang wala talaga akong pag-asa.







"Salamat, Josh." Sambit nito at agad na pinunasan ang kanyang luha.









"Tss! Oks lang! Para naman 'tong others!" Biro ko dito, ngumiti siya.

"Basta, 'wag mong sayangin ang pagpaparaya ko. If you didn't ended up with Gabb. Babawiin kita sa Mikki na 'yon." Saad ko.









"If I won't end with her..." bahagya itong lumapit at bumulong sa tenga ko.

"...I'll end myself."









"Hoy! Wag ka ngang magbiro ng ganyan!" Sigaw ko dito, bahagya naman itong natawa.









Humugot ito ng malalim na paghinga at muling binaling ang tingin sa bintana.

"Totoo bang ginawa ni ate Abby ang bagay na 'yon?" Mahinang tanong nito.







"Oo, siya ang unang nakakita, ang akala niya mga gamot ang nakasulat. Nang mabasa niya ito, agad niya itong tinapon sa basurahan. Kaya pinulot ko." Saad ko.






"Salamat, Josh.










THIRD POV

Lumabas muna ng kwarto si Josh, agad naman pumasok sa loob si Abby.

"Ano Coleen? Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" Agad na tanong nito.








"Gaano mo katagal itatago sa akin itong sulat na 'to." Tanong ni Coleen.







Halos mapaatras si Abby nang makita niya ang sulat na pagkakatanda niyang tinapon niya na sa basurahan.

"Ano? Aasa ka pa rin? Dahil sa kapirasong papel na yan? Aasa ka pa rin?" Prankahang sabi ni Abby.





"Paano 'pag sinabi kong oo?" Sagot ni Coleen.






"Coleen! Hindi na siya babalik, nakita mo naman 'di ba? Ikakasal na siya!" Walang hintong sambit ni Abby.







Halos magpigil si Coleen, para bang muli siyang sinampal ng katotohanan.

"Lumabas ka na, wag ka na ulit papasok sa loob ng kwartong 'to." Utos nito kay Abby.







"C-coleen..."








"Lumabas ka na!" Sigaw nito.










Agad namang lumabas si Abby at hinanap si Josh para komprontahin ito.

"Josh!" Sigaw niya nang makita niya ito sa hallway.




Agad niya itong kinwelyuhan.

"What?" Tanong ni Josh.




"Bakit mo pa ibinigay sa kanya yung sulat?! Patuloy lang siyang aasa! Patuloy niya lang hindi malilimutan si Gabb." Gigil na gigil na sambit ni Abby.







Walang bakas ng takot sa mukha ni Josh at bahagya pa itong ngumisi.

"Hindi ba ikaw yung may sabi, hindi niya malilimutan si Gabb at mas lalong wala siyang balak kalimutan ang taong mahal niya?" Sambit ni Josh.






"Ikakasal na si Gabb sa ibang babae. And that's the reason why she commited suicide." Naluluha nang sambit ni Abby.








"It's not because of Gabb ate Abby." Sagot ni Josh.

"She commited suicide because she wanted to be free..." dagdag ni Josh, unti-unting lumuwag ang hawak ni Abby sa kwelyo nito.






"3 years niyo na siyang kinukulong diyan sa kwarto niya."





"Hinihintay niyo siyang gumaling without knowing na mas lumalala ang kondisyon niya."




"I'm not a doctor for no reason." Sambit ni Josh bago tuluyang umalis.








Tuluyan na lang napaatras si Abby at sunod-sunod ang luha na dumaloy sa kanyang pisngi, labis ang kanyang pagsisi.




















THIRD POV.

Agad na dinala ni Daryll si Gabb sa rooftop tulad ng pinag uutos nito. Tahimik lang na pinanood ni Gabb ang paglubog ng araw habang nakaupo sa wheelchair nito.







Biglang nilipad ng malakas na hangin ang puting tela na nakatakip sa kaniyang ulo, agad naman itong hinabol ni Daryll.





Nang mapulot na ni Daryll ang puting tela, muli niyang binaling ang tingin kay Gabb. Nanlaki ang mga mata nito nang wala na ito sa wheelchair niya.






"G-gabb." Kinakabahang saad niya. Agad niyang hinanap ito.







"Gabb!" Tarantang sigaw ni Daryll nang makita niyang nakaupo ito sa pasimano at konting pagkakamali lang pwede siyang mahulog sa dalawampu't dalawang palapag ng building na ito.







"P-paano ka? Nakapunta diyan? H-hindi ka pilay?" Tanong nito habang nagtatakang nakatingin sa wheelchair na tatlong taon ng gamit ni Gabb.






"Its been 3 years huh?" Biglang sambit ni Gabb, mahina at malamig ang boses nito.








Tumayo siya sa pasimano, halos nagtriple ang kabang naramdaman ni Daryll.

"G-gabb."








"Its been a while, daryll."
Walang emosyon nitong ibinaling ang tingin kay Daryll.









"Did you miss me?"


















🔴🔴🔴

Commercial muna HAHAHAH ikalma niyo yang mga apdo niyo.

So yun nga mahigpit na yakap para sa atin, for UniGabb fam, unishippers, Gabb stans and for Miss Gabb. 💕 mahigpit na yakap sa lahat.

Aaminin ko nagtantrums ako kagabi habang pinapanood yung IG live niya.

Tas nung finally sinabi niya na.

""I'm MNL48 Gabb, signing off and will graduate as a MNL48 member. Maraming salamat po".

Legit bulwak ng luha ko mga teh, tangna pati ilong ko naluha na rin. Sinipon pa ang gaga.

Wala sherkolang HAHAHAH.

Para sa mga di nakakaalam po, kakagraduate lang po ni Gabb sa ppop group na MNL48, yesterday. June 29. 2021.


Daming hanash! Sige na tuloy niyo na pagbabasa niyo HAHAHAH sarreh sa istorbo.

🔴🔴🔴































THIRD POV.

"Did you miss me?" Ngising tanong ni Gabb.






"N-nakaka alala ka?" Kabadong tanong ni Daryll.






"3 years is enough..." diing sambit ni Gabb.








Unti-unting nawala ang ngisi sa kanyang labi at walang emosyong tumitig kay Daryll.

"I'm done with your shit, Daryll."







"P-paano... nangyari 'to?" Napaatras na lang si Daryll, labis ang pagkagulat niya.








Muling ngumisi si Gabb ngunit wala pa ring buhay ang mga mata nito.

"Tatlong taon akong nagpanggap. Sa loob ng tatlong taon na 'yon, nagpanggap akong paralisado, manhid at walang maalala."






"Alam kong may alam ka sa lahat ng nangyayari sa akin...







...sa amin." Saad ni Gabb.











Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ni Daryll, at malakas itong tumawa.

"You're really a genius huh?" Sambit nito at sarkastikong tumawa.








Bakas ang galit sa mukha ni Gabb, halos mag igting na ang panga nito.
Sa kadahilanang pinagmukha silang tanga ni Daryll.

"Now that you know, what will you do about it?" Tanong ni Daryll.








"Tell me, where is she?" Balik na tanong ni Gabb.








"Mapapahamak ka lang." Biglang sumeryoso ang tono ng boses ni Daryll.






"I don't care anymore." Diing sambit ni Gabb.









"Tsk! Napakapasaway mo pa rin." Sermon ni Daryll.







"H-hoy hoy! Teka!! Anong gagawin mo!?" Agad na sigaw ni Daryll nang biglang pumwesto si Gabb na akala mo magdadive lang sa swimming pool.








"Tatalon ako dito, pag hindi mo ako tinulungan." Pananakot ni Gabb.










"Tss! Bumaba ka na nga diyan ang corny mo—hoy!" biglang tumalon si Gabb.

Kung nalate lang siguro ng isang segundo si daryll, patay na si Gabb.







Agad siyang nahawakan sa damit ni daryll. "Gabb! Gago! Ang sabi ko dito ka bumaba hindi doon sa pinakababa! Hayup ka!"









"Bitaw." Utos ni Gabb.









"Gago ka ba? Pag namatay ka dito! Ako sisisihin!" Sigaw ni Daryll habang hirap na hirap na nakahawak sa braso nito.









"Kung wala kang balak na tulungan ako sa plano ko, bitawan mo na lang ako." Walang emosyong sambit ni Gabb.






"Tangina! Eto na! Eto na! Tutulungan na kita!" Inis na sabi ni Daryll.

Agad naman kumapit si Gabb sa bato at tinulungan rin ang sariling makataas sa pasimano.









Hingal na hingal na napaupo sa sahig si Daryll. "Hayup ka! Gagawin mo pa akong kriminal."







"Now.. Tell me. Where is she?" Tanong ni Gabb.








"Nasa mansyon siya, dumaan ka sa garden, may butas doon na pwede mong pasukan. Ginawa ni Abby yung butas na yon nung mga panahong tumatakas siya tuwing grounded siya. "

"Then third floor, sa kanan ang kwarto ni Coleen. May malaking puno doon, yun ang gamitin mo para makataas sa bintana ng banyo nila."








"Paano kung hindi nakabukas yung bintana?" Tanong ni Gabb.










"Laging nakabukas 'yon, sasalubungin ka ni Abby doon." Saad ni Daryll.










Mabilis na bumaba si Gabb sa pasimano, agad namang nakahinga ng maluwag si Daryll.

"T-teka... " Agad niyang hinawakan sa braso si Gabb.







...Gabb, wag mo ng ituloy." Sambit nito at diretsong tumingin sa mga mata nito.







"W-wag ka ng umalis."










"Sorry, but I need to.." Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni Daryll sa kanyang braso.











"Ito na siguro yung huli nating pagkikita." Sambit nito at tuluyan nang tinalikuran si daryll.









"Makita mo man ulit ako, it's either kasama ko si Coleen o patay na ako." Sambit niya bago maglakad papaalis.










Nanatiling tulala si Daryll. Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata nito.

"Tandaan mo! Sinubukan kitang pigilan! 'Wag mo akong sisisihin! Baliw!"







"Baliw ka talaga!"







"Baliw ka!"




















"STAY WITH ME" (Unseen chapter)

Daryll know's everything.



Nung araw na namatay si Coleen, agad na kumalat ang balita sa buong batch namin, at sa barkada. Nakulong si Josh, nabaliw naman ang ama ni Coleen.





Ilang linggong wasak sa alak si Gabb. Sinubukan siyang kausapin nila Sela, pero pilit siyang lumalayo, nagtatago. Tanging ako lang ang nakakaalam kung saan siya nagsususuot.





Huling gabi nang huli kaming nagkausap, nagkalat ang bote ng alak sa rooftop, lasing na lasing ito habang nakaupo sa pasimano.

"Dadah? Is that you?" Papikit-pikit na tanong nito, lasing na siya.






"That red hoodie looks weird on you." Natatawang sabi niya.








Agad kong inagaw ang bote sa kamay niya. "Gabb, tama na."









"Akin na, ibigay mo na sa akin yan." Agad niyang naagaw sa kamay ko ang bote at agad na tinungga ito hanggang sa maubos.







"Please, bumaba ka na diyan. Isang maling galaw mo lang pwede ka ng mahulog sa baba." Utos ko dito.







"If that happens, makikita ko na si Coleen, right?" She smiled at me, pain almost killed the spark in her eyes.






"This is all my fault, if I didn't let her end up with that asshole, hindi siya mamamatay."





"I wish I could bring back the time...






..If that happens, I will do everything to change what happened today."









"Bringing back the time, where it all begins, will not gonna help you to change what happened today. No one can rewrite their own fate, Gabb."








"Bakit kung magsalita ka, parang kaya mo talagang ibalik ang oras?" Ngiting tanong ni Gabb ngunit patuloy ang pagluha ng mga mata nitom






"I can."







"Tss! May ganon? Ako yung umiinom dito, tas ikaw yung nalasing?" Natatawang sabi nito.





"Umuwi na tayo." Sambit ko.








"Teka! Ayoko pa..." Sabi nito.







"Isang bote na lang pleaseee." Pagpapacute nito. Napabuntong hininga na lang si Daryll.








"Pagkatapos nitong isang bote, uuwi ka na." Saad ni Daryll. Agad namang tumango si Gabb.









"Hintayin mo ako ibibili kita sa baba." Sambit nito at nagsimula nang maglakad.







"Daryll..." Muling tawag ni Gabb.








Agad siyang napahinto sa paglalakad at hinarap ito. "What?"









"If you really can bring back the time, please do it for me." Sambit ni Gabb.








"H-ha? Talagang naniwala ka sa sinabi ko? HAHAHA lasing ka na nga talaga! Hintayin mo ko diyan, ikukuha pa kita ng isang bote." Sambit ko at agad na pumasok sa elevator. Bigla akong nakaramdam ng kaba.







Alam kong lasing siya, but it doesn't change the fact na, I let her know my biggest secret.








Agad na tumunog ang elevator, pahiwatig na nasa pinakababa na ako.

Mabilis akong lumabas bigla kong nakita ang mga tao nagkukumpulan at nagkakagulo.




Agad akong lumapit para alamin kung ano iyong dahilan kung bakit sila nagsisigawan, bakit may ambulansiya.






Halos bumilis ang tibok ng puso ko, dahil nakaramdam ako ng masamang kutob.







Nang tuluyan na akong makalapit, doon na tuluyang huminto ang pagtibok ng puso.








"G-gabb..." Tanging lumabas sa bibig ko.







She killed herself.






She jumped off the rooftop.























GABB's POV.

Mabilis akong tumakbo at nagtago palabas ng hotel. Agad akong naghanap ng tindahan na may payphone at agad rin akong nakakita.








Naghulog agad ako ng barya para tawagan ang taong hinihintay ko. Agad naman itong nagring, at sinagot niya ito.

"Hoy, nasaan ka na?" Tanong ko.









Agad ko siyang nakita, nakawhite tuxedo, naka rolex habang nakasakay sa Ferrari niya. Malawak itong ngumiti na para bang fineflex yung ngipin niyang ginto.

"Nandito na ko." Sambit nito sa phone niya habang nakatingin sa akin.










Nasa kabilang gilid ng kanto siya, de bale sa phone lang kami nag-uusap pero, nakatanaw kami sa isa't isa.

at halos lahat ng tao nakatingin sa kanya. Habang ako nandito sa tindahan nagtatago.








"Gago ka?! Ang sabi ko padalhan mo lang ako ng motor. Bakit dinala mo pa 'yang Ferrari mo, nakatingin tuloy sa'yo 'yung mga tao." Saad ko.








"Pinadala ko sa basement, nandun na rin 'yung susi. Mag-iingat ka. Dalian mo nagtatantrums na si Blaster." Ngiting sabi nito, kumindat pa.








"Salamat, Bruno." Sambit ko at binaba na ang telepono.









🔴

*Slight flashback*


GABB's POV.

"Gabb, may iba ka pa bang kaibigan na gusto mong imbitahan sa kasal?" Tanong ni Mom.

"M-meron po."








"Sino?" Tanong ni Mom.








"Si Bruno."

Agad nilang inihanda ang invitation para kay Bruno. Kinuha ko na ang chance na 'yon para humingi ng tulong.





Sumulat ako sa maliit na papel at patagong sinuksok sa envelope.





BRUNO's POV.

"Boss, may pinapabigay sa'yong invitation."






"From who?" Tanong ko.







"From Skribikin family po." Sagot nito.










Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko.

"S-skribikin? Si Gabb!!?"










Agad kong binuklat ang envelope.

"Woah! Ikakasal na sila!? At invited ako!" Excited na sigaw ko.








Agad kong binasa ito, "T-teka? Bakit ibang babae 'to? Nasaan yung pangalan ni Blaster? Bakit hindi si Coleen ang pakakasalan niya?"







"Mas binuklat ko pa ang envelope at may nakita akong nakatuping maliit na papel.





"Bruno, si Gabb 'to, kailangan ko ang tulong mo." Nakasulat sa papel.









Agad naman akong napangiti.
"Finally, ito na ang chance ko para bumawi sa lahat ng tulong mo sa akin, Gabb."



*End of flashback*

🔴












GABB's POV.

Agad kong nakuha ang motor, at ang pinakamamahalin pa talaga yung pinadala ni bruno sakin.

Agad kong hinarurot ang motor at nagtungo na sa lugar kung nasaan si Coleen.








Agad akong nakarating dahil sa bilis nang aking pagpapaandar dito.

Tinabi ko muna sa tago at madamong gilid ang motor ko at nilakad na lang ang mansyon dahil malapit na ako rito, at baka makita pa ng tauhan ni mr, trinidad.









Agad kong sinunod ang sinabi ni Daryll. Patago akong pumasok sa loob ng kanilang hardin. Medyo nahirapan pa ako dahil sa dami ng cctv dito.








Agad kong hinanap kung nasaan ang kwarto at banyo nito.

Nasa third floor, buti na lang at may puno rito. Agad akong umakyat, tama yung sinabi ni Daryll nakabukas ang bintana.









At tama rin ang sinabi niya na sasalabungin ako ni ate Abby.

"Ate Abby..." Pabulong na tawag ko habang nakasilip sa bintana. Nakaupo siya sa bowl, tumatae.









"Putang-" Hinimatay ito nang makita ako.

Ps. Yung way ng pagkahimatay ni Abby, nakapikit lang pero steady pa rin sa pwesto niya, hindi natutumba.






Agad naman akong tumalikod.
Ilang minuto akong naghihintay na magising siya at tinitiis 'tong baho ng aroma na mala sinaunang panahon.

"Tang ina!! Anong nangyari?" Sigaw ulit nito, nagising na ata.












Dahan-dahan ko itong sinilip, tapos na siyang dumumi. Agad akong lumapit.

"Gago!" Bigla akong sinampal nito.







"Aray!" Hawak ko sa pisngi ko.







"G-gabb? Ikaw ba yan!?" Halos lamutakin niya yung mukha ko ng kamay niya. Opo, kakatae niya lang.






"Yuck! Puta. Kadiri! Di ka pa naghuhugas ng kamay!"










"Gago ka talaga! Bakit ngayon ka lang?!" Pwersahan niya akong niyakap.

Ang akala ko nagbibiro siya. Nang biglang naramdaman ko na lang na basa na yung damit ko, umiiyak siya.








Agad kong hinagod ang kaniyang likod.
"I'm sorry, ate Abby."









"A-ako nga dapat magsorry sa'yo e, hindi man lang kita tinulungan." Sambit niya habang umiiyak pa rin.






"Oo nga 'no? Dapat pala magalit ako?"
Sabi ko. "Galit ako sa'yo!"







"T-teka? Wala kang amnesia?" Biglang tanong niya.Dahan-dahan naman akong tumango.





Bigla niya kong hineadlock, aba naturuan na ni itlog.

"Gago ka! Eh ano yung sinasabi nilang kasal? Gago ka ba!?"







"Aray! Teka nga!" Agad kong inalis ang braso niya sa leeg ko.







Agad akong nagpagpag ng sarili at binaling sa kanya ang tingin.

"Ano sa tingin mo bakit ako nandito?"







"P-para kay Coleen." Sagot niya.

Naupo muna ako sa gilid dahil sa pagod, habang siya pilit na sinisink in sa utak niya ang mga nangyayari ngayon.





Hindi pa rin siya makapaniwalang nagbalik na ako. Lumipas ulit ang ilang minuto tuluyan na niyang naintindihan ang sitwasyon.

"N-nandiyan siya... Anong balak mo?"
Biglang sambit nito.









"Hayaan mo muna siyang magpahinga..."

"Sa tingin ko kailangan niya ng maraming lakas dahil alam kong maraming tanong ang ibabato nito sa akin." Sagot ko.







COLEEN's POV.

"Hey..." tawag ko dito.





Agad naman itong nagulat, halos matapon na yung pagkain na hawak niya. "B-bakit Coleen?"





"Ba't diyan ka sa cr kumakain?" Tanong ko kay ate abby, pero wala akong pakialam sa irarason niya.





"Eh ano? Di ba? Di mo na kakainin 'tong mga to? Kaya ipaflush ko na lang sa inidoro para hindi makita ng daddy mo na nagsasayang ka ng pagkain." Sagot ni ate Abby.






"Whatever." Irap ko dito.





Meanwhile...

"Eh ano? Di ba? Di mo na kakainin 'tong mga to? Kaya ipaflush ko na lang sa inidoro para hindi makita ng daddy mo na nagsasayang ka ng pagkain." Sagot ni Abby.







Without knowing her another daddy will still know about it.







"Huh!? Hindi niya man lang ginalaw 'to? Di man lang siya kumakain ng marami? Aba! Yari talaga yan sakin!" Pabulong na sermon ni Gabb.











"Wag ka na ngang madaldal, kainin mo na yan." Saad ni Abby at inabot na 'yung pagkain kay Gabb.









"Pano nakasurvive si Gabb sa c.r ng tatlong araw."





Mag-tatalong araw nang nagtatago si Gabb sa cr na 'to. Saktong nagtatae pa naman si Abby kaya pabalik balik ito sa banyo. Si abby rin ang nagdadala ng pagkain. Nasesenyasan niya na rin si Gabb kung kaylan ito magtatago.

Agad na lumalabas ng bintana si Gabb at kumakapit na parang tarsier sa puno tuwing nasa loob pa ng banyo si Coleen.


Habang si Coleen, as usual puro tantrums pa rin sa gedli, without knowing nasa cr. Niya lang si Gabb.




"Ate abby! Don't used my fucking bathroom! Ang baho baho ng tae mo!" Sigaw ni Coleen at agad na lumabas ng banyo.


"May tae bang mabango!?" Sagot ni abby dito at pumasok na sa cr.








Agad ng pumasok si Gabb ng tawagin ito ni abby.

"Tangina, gusto ko na lang itapon ilong ko sa sobrang baho dito." Bulong ni Gabb.







"Ano may binubulong ka ba diyan? Tanong ni abby.







"Wala, wala!"



















"Back to present"


THIRD POV.

"Tatlong taon na ang lumipas nang huli naming makita na kumain si
ya ng tama. Nawalan siya ng gana sa lahat nung nawala ka." Kwento ni Abby.








Napatigil naman sa pagkain si Gabb.
"Ate, subukan mo ulit pakainin siya."
Saad ni Gabb.










"Eh ayaw nga 'di ba? Iirapan lang ako non." Sagot ni Abby.











"Sabihin mo ako, Nandito na ako."
















COLEEN's POV.





Muling lumabas ng banyo si ate Abby at naglakad papalapit sa akin.

"Coleen, Kumain ka na." Sambit nito.












Napairap na lang ako bago ibaling sa kanya ang tingin.

"Hindi ka ba napapagod na pilitin ako kumain araw araw? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayoko ng mga pagkain na hinahanda niyo?!"
















Biglang kumunot ang noo ni abby.
"Eh ano bang gusto mo!? Ilang beses ka namin tinatanong kung anong gusto mo!? Tatlong taon na kaming naghihirap para pakainin ka."

















"Sino ba kasing may sabing pakainin niyo ako? Did I told you? Hindi di ba? I don't care if I die because of hunger."











Napakagat na lang siya sa kanyang labi, gusto niya pang sumagot pero pilit niyang pinigilan ang sarili niyang magalit.

"Please Coleen, tulungan mo naman ang sarili mo." Sambit nito na may halong lambing ang boses.













"Ayoko nga!" Iritang sigaw ko.













Muli na naman tumaas ang dugo nito.
"Tangina! Ano ba kasing gusto mo!?" Banas na tanong nito.

"Si Gabb." Sagot ko, agad siyang natameme.













"Hindi mo kayang ibigay diba?" Sarkastikong sambit ko.













"Fine! T-tatawagan ko si Gabb para sa'yo... Basta kainin mo muna 'to." Sambit niya.















Bigla na lang akong natawa.
"Seryoso ka? Sa tatlong taon?susuhulan mo ko ng ganyan?"













"Paano? Pag dinala ko talaga siya sa harap m—" naputol ang sasabihin ni Abby nang biglang pumasok ang dad ni Coleen.














"Hi, girls?" Tanong nito. Agad siyang bumeso kay Abby. Bebeso na sana siya kay Coleen pero agad na umiwas si Coleen.













"Why?" Tanong ni Mr. Trinidad.














"Seryoso ka ba? Pati sa cr ko nagpadala ka ng alagad mo?" Inis na sambit ni Coleen.















"What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Mr. Trinidad.

















"Parang may tao sa kabilang cubicle. Lagi kong naririnig na nagflaflush." Seryosong sambit ni Coleen.
















Agad namang nagpipigil ng tawa si Abby. "A-ay parang wala naman! Ako lang yun." Sagot ni Abby.















"Wait! I checheck ko." Sambit ni Mr. Trinidad.


















Agad namang pinigilan ito ni Abby.
"Wait lang tito! Dudumi muna ako! Ang sakit ng tiyan ko." Sabi nito at nagmadaling pumasok sa loob ng  banyo.









"Shit! Ang baho!" Sigaw ni Gabb habang nakatakip sa ilong nito.










"Tiisin mo! Muntik na tayong mabisto."
Sagot ni Abby habang nagpapatuloy sa pagdumi.

















Lumipas ang kalahating oras bago matapos dumumi si Abby.

"Tangina! Yung 30 minutes na 'yon mas matagal pa sa 3 years na pagpapanggap ko." Nanghihinang sambit ni Gabb.














Agad naghugas ng kamay si abby at lumabas na nang banyo para kausapin si Coleen.

"Nasaan na si tito?" Tanong ni Abby.














"Umalis." Maikling sagot ni Coleen.
















Agad naupo sa gilid ng kama si Abby para may ibulong kay Coleen.

"Coleen, may sasabihin ako. Kailangan mong maging mahinahon sa mga oras na 'to." Mahinang sambit ni Abby.













Biglang may narinig silang nagflash ng inidoro sa banyo.

"I knew it, talaga ngang may tao sa loob!" Sabi ni Coleen at agad na tumakbo papasok ng banyo.















"Wait! Coleen!" Pagpigil ni Abby pero huli na..














Nakapasok na ito..

"Ate Abby! Yung tae mo hindi
Lumulubo—" Napahinto sa pagbobomba ng inidoro si Gabb nang makita niya si Coleen na nakatayo sa tapat ng pinto.











"B-baby..." Tanging salita na lumabas sa bibig ni Gabb.














COLEEN's POV

Hindi ako makapaniwala...







Para akong nananaginip...







Sa mga oras na 'to, nananatili akong nakatayo, tulala...





Parang huminto saglit ang tibok ng puso ko...








Hindi pa rin ako makapaniwala..








Sobrang dami kong nararamdaman...













Galit, dahil iniwan niya ako.

Lungkot, dahil iniwan niya ako.

Tampo, dahil iniwan niya ako.








Pero lahat ng iyon napalitan ng saya...






Halos maghalo halo ang iba't ibang  nararamdaman ko, na parang sasabog  na ang puso ko.








Wala ng katumbas ang saya ko ngayon...






Ngayong nakita ko na ang taong pinakahihintay ko.










"G-gabb."


















ABBY's POV

Biglang hinimatay si Coleen. Agad ko itong sinalo. Agad na lumapit si Gabb para tulungan akong buhatin ito.






"Ako na! Ako na magdadala sa kanya sa kama! Magtago ka na dun." Utos ko dito.











Agad naman siyang sumunod pero muli itong lumapit sa amin ni Coleen.

"Gabo? Ang sabi ko magtago ka na!"











"Wait lang teh! Pakiss muna! Namiss ko 'to e." Sambit niya at hinalikan si Coleen.

Pinanggigilan niya pa ang labi nito at kinagat pa bago humiwalay. Bigla namang nag-init ang mukha ko dito.













Tangina infront of my salad? I think I need to call my sela.















"Dun ka na! Chinachansingan mo pa pinsan ko! Eh hinimatay na nga!" Ani ko.











Agad na lumabas ng bintana ng cr si Gabb nang may dalang malawak ang ngiti, Habang ako binuhat na si Coleen papunta sa kama nito.

Naghanda muna ako ng pagkain habang hinihintay siyang magising.

















Halos kalahating oras ang nagdaan bago magising si Coleen.

"Si Gabb!" Unang salita na lumabas sa bibig nito at mabilis na bumangon.












"Coleen!" Agad ko siyang hinawakan sa braso.











"Ate! Abby! Nakita ko si gabb! Hindi 'yon panaginip diba? Ate please! Sabihin mong Hindi yun panaginip!" Naluluhang sambit nito.











"Kailangan mong huminahon, magtatalong araw nang nagtatago si Gabb diyan para sa'yo. Ginawa namin lahat para hindi kami mahuli ng kung sinong alagad ng daddy mo." Ani ko.












"But I want to see her..." Naiiyak na sambit nito. She looks like a poor puppy. Pero parang kanina lang iniirap irapan ako.















"Kumain ka muna. Kumalma ka." Ani ko at dinala na ang pagkain sa kanya.
















"Hindi na siya aalis, Coleen." Dagdag ko, agad naman niyang pinunasan ang luha niya at bahagyang ngumiti.
















Ngayon ko na lang ulit nakita siyang ngumiti at puno ng buhay ang kanyang mga mata.
















"Pag naubos mo 'tong pagkain mo, papayagan agad kitang makita si Gabb." Sambit ko, mabilis naman siyang tumango.















Agad niyang kinain ang pagkain, sobrang bilis ng pagsubo niya sa pagkain. Sunod-sunod ang luha sa mata nito habang pilit na inuubos ang pagkain.













Biglang pumasok si tito, hindi siya lumapit sa amin. Nakasandal lang siya sa pinto at nakangiti dahil nakita niyang kumakain na ng marami si Coleen.
















Agad akong lumapit kay tito.

"She's eating now, what's the good thing happened, Abby?" Tanong nito.













"U-uh tito... Nalaman ko pong nawawalan siya ng gana tuwing may taong nakapaligid sa kanya. Kaya kung pwede po pakilayo na po yung mga bodyguard niyo, kung pwepwede?" Sambit ko.






"Sa tingin ko po sa ganoong paraan, unti-unti na po siyang makakarecover." Dagdag ko.









"Fine, may tiwala ako sa'yo. Sa'yo ko na lang ipapabantay si Coleen. 'Wag mong pababayaan si Coleen ha!" Sabi nito at tinapik ako sa magkabilang balikat.













Agad siyang lumabas at pinasunod sa kanya ang mga tauhan niya na nakabantay kay Coleen.

"Hayss! Ang hirap." Bulong ko dito at nilock na ang pinto. Kaming dalawa na lang ni Coleen ang nandito.















Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya.

Naubos niya na yung pagkain, inabot ko sa kaniya ang isang basong gatas. Agad niya itong tinunga at inubos.









Tinaktak niya pa talaga yung baso para ipakita sakin na naubos niya ito.

Agad niyang inabot sa akin ang baso at
Tinitigan ako nito na para bang naghihintay ng permiso ko.
















Napabuntong hininga na lang ako dito.






"Fine... Puntahan mo na si—"

Hindi pa ako tapos magsalita agad nang tumakbo papasok ng cr si Coleen.






"Bahala ka na diyan, Gabb." Ngiting bulong ko rito.













A/n: here's a comfort chapter for all of you hehe. Sana naintindihan niyo kahit ang dami kong siningit na side story. Hehe yun lang! Thanks for reading.

Hundred for next chap? G? Char. HAHAHHA.

KathleenCanto

Continuă lectura

O să-ți placă și

3.5K 212 44
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...
2M 45.8K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
8.5K 271 17
AshMatt fanfic